PROLOGUE
BUONG
araw nagbabantay si Jo sa pamangkin niyang si Fia. May bone cancer ito, at sabi
ng doktor ay kailangan na itong operahan sa lalong madaling panahon. Mula
pagkabata ni Fia ay siya na ang nag-alaga dahil namatay ang kapatid niya sa
panganganak dito at ang tatay naman nito ay hindi na nagpakita buhat ng
malamang buntis ang kapatid niya. Wala siyang pagkukuhaan ng pera, nagu-umpisa
pa rin lang din ang career niya sa pagiging photographer kaya naman nahihirapan
siyang mag-isip kung saan kukuha ng ipambabayad.
Lumabas
muna siya ng ospital para bumili ng gamot sa katapat na drug store. Kaso lang
ay may mabilis na sasakyan na humagibis at muntik na siyang masagasaan.
Namukhaan niya ang driver niyon.At ang
magaling ay gusto akong banggain?!
GUSTO
sanang sadyaing banggain ni Jordan si Jo na patawid sa kalsada kaso lang ay
hindi kinaya ng konsensya niya.Pasalamat
ka pa rin sa akin Jo.
Si Jo ang babaeng gustong ipakasal ng Mommy niya sa
kanya, magkababata pala ang nanay nito at Mommy niya kaya nasisiguro daw nito
na magiging maganda ang pagsasama nila. Pero ayaw niya rito dahil bukod sa
hindi pa siya handang magpakasal, may iba siyang gustong babae. At lalong ayaw
niyang tuluyang matali sa babaeng eskandalosa at immatured.
Hinampas ni Jo ang
harapan ng sasakyan niya. Bumaba siya ng sasakyan at hinarap ito.
“Pahara-hara
ka kasi sa daan!” singhal niya rito. Kumuyom ang kamay nito at lumapit sa
kanya. Ang mukha nito ay nagbabadya ng away.
“Hoy!
Mister Jordan Steven Versace, ako ang muntik mong mabangga. Hindi mo ba
nakikitang naka-red ang stop light? So, ibig sabihin niyon ay time ko para
tumawid, tama ba?” nakatingin lang siya sa mukha nito. Bukod sa eskandalosa ito
ay hindi niya talaga ito type dahil maliit, may-katabaan, ngunit kung
papansinin ay maamo naman ang mukha nito.
“As
if I care, Miss. Pasalamat ka’t ‘di pa kita natuluyan!” asik niya rito ngunit
nagmake-face lang ito kaya lalo siyang nainis.Iyan ba ang klaseng babaeng gustong ipakasal sakin? Isip-bata?
“Hoy,
kapag ako nawala, mawawalan ka na ng magiging asawa. Wala ka ng mahahanap na
babaeng magtiyatiyaga sayo maliban sa akin.” itinuro pa nito ang daliri sa
sarili nito at mapang-asar na ngumiti. Umangat ang sulok ng labi niya. Hindi
niya talaga kinakaya ang pagka-isip bata ng babaeng ito.
“To
tell you, marami ang nagkakandarapa sa akin, mapaluguran lang ako.” ganting
pang-aasar niya rito.
“Aha,
o’ edi kung ganun naman pala, maganda sana kung magkaka-remembrance ang
pagtatagpo natin ngayon, my dear.” kumunot-noo siya sa sinabi nito. Umalis na
ito sa harapan niya, nanlaki ang mga mata niya nang gasgasan nito ng susi ang
mamahaling sasakyan niya. Tumaas ang kilay nito at iwinasiwas pa ang susi na
hawak nito.
“Jonnalyn!”
sigaw niya rito ngunit kumaripas na ito ng takbo. Lalong bumigat ang pakiramdam
niya. Napakahaba ng gasgas ng sasakyan niya. That woman!
No comments:
Post a Comment