Ten Pesos To Date A Billionaire by Anne Villahermosa


CHAPTER 7

BUONG gabi niyang hinintay ang text ni Jordan pero wala pa rin hanggang ngayon. Gusto niyang malaman kung kailan niya ulit ito makikita. Naging okay naman ang pag-uusap nila sa club resort nito kaya hinatid pa siya nito hanggang ospital at nakipag-usap pa kay Fia. 

Maya-maya ay nakaramdam siya ng jolt feeling nang maramdaman ang vibration ng cellphone. Agad niyang kinuha iyon. Si Jordan na nga ang nagtext. Kulang nalang ay mapatalon siya sa tuwa nang sabihin nitong bukas din sila magkikita.

Kinabukasan ay nagbihis siya. Isa iyon sa mga damit na ipinamili nila sa mall. Bagay na bagay sa kanya ang navy blue sleeveless blouse at leggings. Inayos niya rin ang buhok niya. Umaabot lang ng hanggang balikat ang buhok niya at shiny naman iyon sa pagka-itim. Sinuot niya ang hikaw niya, nakita niya ang engagement ring nila ni Jordan. 

Napangiti siya at isinuot iyon sa daliri. Bagay na bagay talaga sa kanya ang emerald ring na iyon. Naisip niya nga rin na ibenta iyon dahil sa nangyari kay Fia pero iyon yata ang hindi niya kayang gawin. Mas gugustuhin niya pang mangutang kaysa ang isanla iyon o ibenta, walang katumbas ang singsing na iyon kahit pa milyon ang halaga niyon. Hinubad niya uli iyon.

Maya-maya ay may nag-beep na sa labas ng bahay nila. Dali-dali siyang bumaba kaso lang ay hindi niya napansin ang isa pang paghahakbangan kaya tuloy-tuloy siyang bumagsak. Napahiyaw siya at nagsimula ng kumirot ang balakang niya, naramdaman niya pa na parang napilay ang kaliwang paa niya. Napapikit siya sa sakit na dinulot niyon. Narinig niyang kumalabog ang gate nila, pumasok sa loob si Jordan, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Agad siyang nilapitan nito.

“Anong nangyari sayo?” nag-aalalang tanong nito. Ininda niya ang balakang at paa niya. Hindi na siya makagalaw.

“P-paano kang nakapasok? Naka-lock ‘yung gate namin ah?”

“Mas iniintindi mo pa kung paano ako nakapasok kaysa ‘yang sarili mo?! Wala ka talaga sa ayos kahit kailan! Halika nga rito!” dahan-dahan siyang binuhat nito. “akala mo ang gaan mo..ang bigat, grabe!” iniupo na siya nito sa sofa nito. “ano ang masakit?”

“Yung balakang ko sobrang sakit, kumikirot. Tapos, ‘yung paa ko ‘di ko na maigalaw.” Naluluha niyang sinabi.

“Dadalhin na kita sa ospital.” Hindi na siya nagsalita nang buhatin na siya nito papunta sa sasakyan nito. Sinabihan niya itong i-lock muna ang pinto ng bahay nila. Ginawa naman nito iyon kahit na nagagalit na ito sa kanya dahil mas iniintindi pa niya ang bahay kaysa sa kalagayan niya. Nalaman niyang tinadyakan nito ang gate nila kaya ayun! Sira ang gate nila. 

Sinermunan niya ito tungkol sa gate habang nagda-drive na ito papuntang ospital, hindi siya nito sinasagot para hindi na humaba ang pagtatalo. Tumigil na rin naman siyang magsalita nang makarating na sila sa ospital. Binuhat ulit siya nito papasok sa loob. Pinaasikaso siya nito sa mga nurse.

Ilang minuto na ang lumilipas at feeling niya ay lalong kumikirot ang paa niya, kaya hindi niya napigilang mapa-aray. Pumasok sa loob si Jordan kahit hindi pa ito pwedeng pumasok doon.

“Okay ka lang ba? Masakit na ba talaga? Wala pa kasing available na doktor eh.” hindi na siya sumagot at umiyak nalang. Lumabas ito, pinilit niyang ikalma ang sarili niya. Maya-maya ay may dumating ng mga nurse at isang doktor. May kung anong itinurok sa kanya at nakatulog siya.

Pagkagising niya ay ayos na ang pakiramdam niya. Tumingin siya sa paligid, nakita niya ang nanay niya. Niyakap siya nito. Umiiyak pa ito.

“Ma? Bakit ka naman umiiyak?” tanong niya rito. Nalungkot siya nang wala roon si Jordan.

“Nag-alala naman kasi ako sayo anak eh. Iniwanan ko nga si Fia kay Jordan eh para mapuntahan kita dito.” Nakahinga siya ng maluwag. “magpasalamat ka kay Jordan. Aba’y doktor pala ang fiancé mong iyon. 
Wala pa daw kasing available na doktor, eh nakita niyang nahihirapan ka na kaya siya na ang gumamot sayo.” nanlaki ang mga mata niya doon.

“Siya ang gumamot sa akin?”

“Oo. Bakit ka ba kasi nahulog sa hagdan? Magdi-date pala kayong dalawa.”

“S-sinabi niya sa inyo? Na magdi-date kami?” kanda buhol-buhol niya pang sinabi. Baka ano tuloy ang isipin ng Mama niya.

“Oo. O? Bakit ka naman namutla diyan? Hindi naman ako magagalit kung magdi-date kayo ni Jordan. Fiancé mo naman ‘yon. Normal lang na mag-date kayo.” Namula ang mukha niya doon. Tinakpan niya ang mukha niya.

“Ma, sige na nga. Magpapahinga muna ako. Okay lang ako. Mga ilang minutes pa at lalabas na rin naman ako dito. Bumalik na kayo kay Fia, mamaya anong mangyari doon.”

“Lagi mong inaalala si Fia, buong buhay mo siya na ang naging atensyon mo. Katulad ng pangyayaring ito, alagaan mo naman ang sarili mo! Hindi ‘yung sa sobrang excited mong makita si Jordan eh nagkanda-hulog-hulog ka na sa hagdan.” pinamulahan na naman siya ng mukha sa pambubuking sa kanya ng nanay niya.

“Ma naman! Hindi ah. H-hindi kaya. Magpapahinga muna nga ako. Dami niyong kwento eh.” humiga na siya at pumikit. Nangingiti naman siya dahil si Jordan pala ang gumamot sa kanya. Kung ganoon, matapos ang ilang taon ay nagawa niyang papuntahin ito ng ospital para manggamot. She felt so proud to herself.

“O sige Jo, babalik na ako kay Fia. Pabalik na din daw si Jordan dito.” Napamulat siya roon.

“A-ano po Ma? Pupunta dito si Jordan?”

“Oo. ‘Yan na naman ang pamumutla mo. Umayos ka nga, hindi ka fifteen years old para ma-excite ng ganyan. Hindi ko alam na mahirap ka palang kiligin, nadi-disgrasya ka. O siya, maiwanan na muna kita.” sumimangot siya roon. Umalis na rin ito pagkaraan. Maya-maya pa ay may pumihit na ng seradura. Nagkunwari siyang tulog. May mga yabag na palapit sa kama niya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Kinakabahan talaga siya ng sobra. Muntik pa siyang magulat nang hawiin nito ang buhok na tumatabing sa mukha niya. Wag ka lang talagang tatawa Jo, at mabubuko ka. Nagulat siya nang pisilin nito ang pisngi niya.

“Mahirap talagang gisingin ang nagtutulog-tulugan.” Napa-burst na siya ng tawa sa sinabi nito. Nakangiti din ito sa kanya. Kung ito ba naman ang doktor ay hihilingin niyang lagi nalang magkasakit. Umupo na siya. “may sinabi ba sayo si Mama?”

“Meron. I-ikaw daw ‘yung nag-gamot sa akin dahil wala pang doktor.” Huminga ito ng malalim at tumango. “s-salamat. Akala ko ba, ayaw mo ng maging doktor?”

“Alangan namang tiisin kitang makitang ganon? Eh ako naman ang dahilan kung bakit ka nahulog sa hagdan.”

“A-anong ibig mong sabihin?” the hell she’s stammering again.

“Excited kang makita ako.” mapanukso ang tono nito habang nakasilay ang mapanglokong ngiti sa mga labi.

“Huh?” awtomatikong namula ang pisngi niya. Huli na para itago niya. “ay..grabe ah! Medyo ang tigas ng mukha ah. A-ako excited? Wow ha?” halata ang pagiging defensive niya.

“Bakit? Hindi nga ba?” nilapit nito ng husto ang mukha nito sa kanya. 
Namula ulit ang mukha niya. Saglit niyang tinignan ang mukha nito. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya parang puputok na ang mga ugat niya sa puso. Pumikit siya ng mariin at inilayo ang mukha nito.

“Hinde ‘no! Hell! I’m not excited to see you!” naka-half-smile siya habang sinasabi iyon.

“Ba’t ka nagi-english?”

“Aba! Bakit? Ikaw lang may karapatang mag-english por que surgery ka?”

“Anong surgery?” nilapit ulit nito ang mukha sa kanya. Talagang nang-aakit ang kuhol eh.

“Surgeon pala! Ano ba kasi.. Lumayo ka nga..” nilayo niya ang mukha nito dahil hindi na halos hindi na siya humihinga. Ngumiti ito sa kanya bago tuluyang lumayo. Umupo ito sa couch.

“Paano ba ‘yan hindi na tayo makakapag-date ngayon, kailangan mong mag-stay pa dito.”

“Bakit? Ayos naman na ako ah? Gusto mo mag-break dance at hiphop pa ako para mapatunayan ko sayong okay na okay na ako?” pangungumbinsi niya rito. Ngumiti ito sa kanya at umiling. “I get it, kaya ayaw mong makipag-date sa akin dahil hindi pa ako bayad? Nasa bahay nga pala ‘yong bag ko. Babayaran din kita. Tara na! Lalabas na ko!” akmang tatayo na siya sa hospital bed nang sawayin siya nito kaya napasimangot siya.

“Kapag tumayo ka diyan, ihuhulog ulit kita sa hagdan para ma-paralyze ka.”

“Ang sama mo!” kumibot-kibot pa ang labi niya at inirapan ito.

“Dito nalang tayo mag-date. Isn’t romantic? We’re dating in the hospital room?”

“Nakakatawa naman! He-he-he!” saka niya satirikong pinatirik ang mga mata. Tinawanan siya nito. “ganito nalang, dahil ayaw mo rin naman akong paalisin dito sa ospital, uhmm umuwi ka nalang.”

“Ba’t naman ako uuwi?” kinilig siya nang mahimigang gusto siya nitong bantayan. Lihim siyang napangiti. Tinignan niya ito.

“Okay lang sa akin, pwede ka na talagang umuwi.”

“Pasyente kita kaya ‘wag kang bossy diyan.” Inirapan nalang niya ito at inangat ang isang gilid ng labi niya saka humiga na uli sa kama.

“Hoy Jo!”

“Ano?!” tinignan niya ito.

“H’wag mo kong tulugan.”

“Ayaw mong umalis, ayaw mo rin akong palabasin, e’di no choice naman ako ‘diba? Ang pasyente dapat nagpapahinga ‘diba?”

“Oo nga, eh..ang boring naman, wala akong kausap.”

“Kaya nga sinabi ko ng umuwi ka na eh. Kulit mo Jordan!” kunwari ay naiinis ang tono ng boses niya pero kinikilig siya kaalamang gusto siya nitong makausap. Hindi na rin naman nagsalita si Jordan, tinignan niya ito.

“Jordan..”

“O? Akala ko ba magpapahinga ka na?”

“Uhmm, nasabi ko naman sayo na may trabaho na ako sa darating na araw. Bukas na ang busy schedule ko kaya baka ito na rin ang huling date natin, if you’re gonna treat this as our seventh date.”

“Oo nga pala ‘no? Pero kailangan mo pa rin akong bayaran kung ‘di mo na ako ide-date.” Tumango siya. Masakit isiping hindi na niya ito makikita. At malapit na ang nalalabing pagtatapos ng engagement nila. Mapuputol din ang singsing na ibinigay nito sa kanya. Hindi niya naiwasang bumugso ang nararamdaman. Uminit ang mga mata niya kaya biniling niya ang katawan sa kabilang side ng kama at saka malayang pinaagos ang mga luha sa pisngi niya. Napasinghot siya.

“Jo? Sinisipon ka?”

“Ahh oo, in-allergy ako big—hatchoo!” pagkukunwari niya, madali niyang pinalis ang luha niya. Bakit ba ako umiiyak? Para lang akong tanga!
Pinunasan na niya ang mga luha niya.

“Sabihin mo lang kung may iba ka pang nararamdaman ah? Or gusto mo ng gamot sa sipon?”

“H-hindi. Okay na okay lang ako.” sabay ipinikit niya ang mga mata.

KINABUKASAN ay nagpunta na siya sa Bamboo Shampoo. Pumunta na siya sa studio. Katatapos niya lang kasing kausapin ang agency para sa gagawing shooting sa Bacolod. Kukuhaan na niya ng litrato ang isa sa mga sikat na modelo ng bansa na si Venice Saw. Inaayusan pa ito ng stylist nito at make-up artist kaya naman siya ay inaayos ang tripod at iba pang mga gagamitin. Kumuha siya ng panibagong lens at tinesting iyon. 

Pagkatapos niyon ay natapos na rin ang pictorials. Lumabas na siya ng studio. Nabangga niya ang isang matangkad na babae. Sa pagkakaalam niya ay si Gwen Suede iyon, isang sikat na fashion designer ito. Inismiran siya nito at pumasok sa studio. Ang sungit pala n’on! Hmp!

Naglakad na ulit siya palabas ng agency. Kailangan pa niyang mag-empake para sa shooting bukas sa Bacolod. Nag-ring ang cellphone niya. Mommy Steph.. Tinatawagan siya ng Mommy ni Jordan. Sinagot niya iyon.

“Hello ‘mmy! Bakit po bigla kayong napatawag?” masigla niyang bati rito.

“We need to talk Jo.” tila seryoso ang boses ni Mommy Steph sa kanya kaya naman agad siyang pumunta sa pinadala nitong message kung saan sila mag-uusap. Bigla naman siyang kinakabahan tuloy. May 
nagawa kaya siyang mali?

TUMULOY na siya sa isang mamahaling sushi restaurant. Nakita na niya agad si Mommy Steph kaya lumapit na siya agad dito. Nagbeso siya rito. Pinaupo siya nito. Tinanong niya kung bakit siya nito pinapunta.

“Nalaman kong pipirmahan mo ang cancellation ng wedding this year at complete separation ninyo ni Jordan. Nalaman kong isinaalang-alang mo iyon dahil sa pamangkin mo.” wala namang himig ng iritasyon o galit sa boses ni Mommy Steph ngunit alam niyang may bahid iyon ng pagtatampo. Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumango siya.

“Sorry ‘mmy, talagang nangangailangan lang talaga ako kaya naisip kong humingi ng tulong kay Jordan kapalit niyon. Sorry po talaga.” yumuko siya. Sobra siyang nahihiya sa ginawa niya. Hinawakan nito ang kamay niya.

“Anak, bakit hindi ka nalang nagsabi sa akin? Your Mom and I were bestfriends since then. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang utang-na-loob ko sa iyong Mama. She saved me thrice. Una noong niligtas niya ako sa padating na van, hindi pa kami magkakilala noon at mga bata pa kami. Simula noon naging maging magkaibigan na kami. Pangalawa, noong dumanas ako ng emotional depression, nandoon siya at inagapayan ako. Pangatlo, dumating ang kasalan na isinusumpa ko pero pinuntahan niya ako sa kwarto. Nagpanggap siyang ako at hinayaan niya akong makatakas para makasama ang Daddy ni Jordan. Nagalit sa kanya ang buong pamilya ko pero ayos lang sa kanya, ang mahalaga sa kanya ay maging maligaya ako. Pagkaraan naman ay nagkaroon na din ng pagpapatawad at naintindihan na rin ng mga magulang ko. Hindi rin naman mahirap ang Dad ni Jordan dahil nagmamay-ari din ang mga ito ng maraming businesses pero gusto ng mga magulang ko na kapantay namin ng yaman ang mapapangasawa ko. Kaya anuman ang hingin mo, ibibigay ko sayo dahil sa walang-hanggang kabaitan ng Mama mo sa akin.” ngayon lang niya naintindihan ang lahat kung bakit ganoon nalang kalaki ang tiwala din nito sa kanya nang ipakasal siya sa anak nito gayong mayaman ang mga ito at mahirap lang sila. Ngumiti ito sa kanya.

“Kaya, sobra akong nagtatampo dahil hindi ka humihingi ng tulong sa akin. Hard-headed si Jordan, pumayag siyang magpa-engage para sa pagtu-turn over sa kanya ng Versace Cars Corporation. Aside from that, he really wanted freedom. Pinagpalit niya ang isang magandang propesyon niya dahil lang sa hindi niya pagkaligtas sa isang bata.” napailing ito roon. Kahit naman siya ay sobrang nanghihinayang pero wala sa mukha ni Jordan ang magpapabalik ulit rito sa ospital para manggamot ulit ng may mga cancers at anupamang malulubhang sakit.

“H’wag mong pirmahan ang mga iyon. Ako ang bahala kay Fia, basta manatili ka lang na engage kay Jordan.” Doon naman siya napailing.

“Pasensya na ‘mmy, pero tapos na ang usapan namin ni Jordan. Malaki na ang naging gastos niya kay Fia at matatapos na rin po iyon. Kaya hindi ko na pwedeng bawiin,” kahit na gustong-gusto kong bawiin ang collateral kong iyon, wala na.

“Patawad ‘mmy. Binigo ko kayo at pinaasa na magiging manugang ninyo. Ang totoo niyan ‘mmy, gustong-gusto kitang maging biyenan dahil napakabait niyo po sa akin ni ‘ddy pero hayaan niyo na po akong pirmahan ko iyon. Nasabi niyo po sa akin na ayaw niyong maikasal kayo sa lalaking ‘di niyo mahal kaya niligtas kayo ni Mama pero kung pipilitin rin po natin na magpakasal sa akin si Jordan, hindi na rin po kayo maiiba sa mga magulang ninyo. Pasensya na po ‘mmy.” Tumayo na siya sa kinauupuan niya. “maaga po ang lakad ko bukas kaya kailangan ko na pong mauna.” ngumiti siya rito ng malungkot saka naglakad na ulit.

“Jo, pag-isipan mo pa rin. Nasa sayo ang desisyon kahit anong mangyari. Kung pipirmahan mo ba o hindi. Kung mahal mo ang anak ko, hindi mo pipirmahan pero kung hindi at napipilitan ka rin lang din, h’wag mo ng pirmahan.” 

Napahinto siya roon. Hindi niya lubos maisip na parang mas may importansya pa ang nararamdaman niya kaysa sa sarili nitong anak. 

Mom, kahit anong mahal ko kay Jordan. Hindi ako ang magpapasaya sa kanya. Mahal niya si Mitch at handa siya ritong magpakasal.. Ayoko namang itali siya at habang-buhay niya akong kamuhian. Hindi makakaya ng konsensya ko iyon at hindi rin ako magiging masaya. Sorry Mom..

Napahinto siya sa gilid ng restaurant at umupo sa bench doon saka malayang pinaagos ang luha sa mga mata. Ngayon palang na iniisip na niyang pakakawalan na niya ang taong minahal niya ng ilang mga araw ay pini-pira-piraso na ang puso niya. Ang sakit...hindi ko kayang mawala ka Jordan. Mahal kita pero isa lang akong hamak na kaibigan sayo.

“Jo? Umiiyak ka ba?” nagulat siya at nilingon niya ang nagsalitang iyon. Inangat niya ang tingin. Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Jordan. 
Agad siyang nilapitan nito at niyakap. Sa tuwing lalapit ka Jordan, pakiramdam ko nababaliw ako. Sa tuwing ngingiti ka o tatawa buo na ang araw ko. Sa tuwing magdidikit ang mga balat natin o di kaya naman ay magtatama ang paningin natin para akong dinadala sa isang magandang paraiso, at kapag niyayakap mo ako, pakiramdam ko pwede na akong mamatay..

Gumanti siya sa yakap nito. Hinigpitan nito iyon. Lalo siyang napaiyak. Akala niya hindi niya ito makikita ngayong araw pero heto at yakap pa siya ngayon. Tumabi ito sa kanya.

“Bakit ka nandito? Bakit ka umiiyak?” tanong nito. Pinunasan niya muna ang mga luha niya bago sumagot.

“Naisip ko lang mag-drama, bakit ba?” pagsisinungaling niya. He smirked.

“H’wag mo nga akong pinagsisinungalingan Jo. Kay Fia ba? May nangyari ba kay Fia?” tinignan niya ang mukha nito. Kinakabisado na niya ang bawat anggulo niyon. Umiling siya. “then what? Pinag-alala mo ako n’ong makita kita. Hindi ka basta-basta umiiyak ng ganyan Jo.”

“Wala nga. Walang nangyari kay Fia.”

“Feeling ko, may hindi ka sinasabi sa akin Jo..” tumingin siya rito. Pwes kung ganoon, nararamdaman na nga nitong may feelings siya para dito. Lalo siyang kinabahan.

“A-ano naman sa palagay mo ang hindi ko sinasabi? Tsaka, hindi ko kayang maglihim ‘no! Sa daldal kong ‘to, baka nadulas na ako..” pero pasensya ka dahil magaling makisama ang bibig ko sa pagtatago ng sarili kong sikreto.

“Sana nga ha? Magtatampo ako kapag may sini-sikreto ka sakin. Teka..naisip kong tatlong dates nalang naman. Bakit ‘di tayo mag-date ngayon? Pang-eight na natin..” noong una ay nakaramdam siya ng excitement kaso lang naalala niyang meron nga pala siyang lakad ng maaga bukas. She smiled lop-sidedly.

“Hindi pwede ngayon, ‘diba nga? Busy na ako.” pagpapaalala niya rito. Nasapo nito ang noo.

“Oo nga pala! Kaya nga pala kita hindi tinetext dahil alam kong busy ka.”

“Bakit? Balak mo ba akong i-text? How sweet!” sabay tumawa pa siya.

“Oo naman. I wanna know the condition of my fiancee. Masama ba ‘yon?” bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. First time niyang marinig iyon mula rito pero dinaan nalang niya iyon sa tawa dahil nagdyo-joke ito sigurado. Hindi naman kasi seryoso si Jordan sa kanya. Never.

“H’wag ka ng mag-alala, kung inaalala mo ang kondisyon ng katawan ko dahil sa nangyari kahapon. You don’t have to worry about me, alam mo namang I’m so strong. Naks!” natawa ito sa kanya.

“Pero kung may nararamdaman ka pa rin na pangingirot, agad mo akong kontakin. Akin na nga ang cellphone mo!”

“Ha?”

“Akin na!” kinuha niya sa bulsa ang cellphone at binigay dito. May kinalikot ito. Binigay din nito sa kanya iyon pagkaraan. “ayan, nasa favorite contacts mo na ako at nilagay ko rin siya dito sa widget ng wallpaper mo para in case of emergency, matatawagan mo ako agad.” Did she sound very protective? Kung totoo nga, gusto niyang kiligin ng husto.

“Bakit naman ikaw pa ang una kong kokontakin? Edi si Mama nalang.”

“I’m your personal doctor from now on, I mean since yesterday. And besides..” nilagay nito sa bulsa ang mga kamay bago nagpatuloy sa sasabihin. “I’m your fiancé.” mahina nitong dugtong sa sinabi. Nagtaka siya sa mga sinabi nito. Bakit paulit-ulit ang conviction nito sa ‘I’m your fiancé’ na ‘yan? Dapat ko bang ikatuwa ‘yon? Baka naman kasi pinagti-trip-an lang siya nito.

“T-teka nga, bakit parang proud ka naman yata habang sinasabi mo ‘yan?”

“Sinasabi ko lang ‘yung totoo! Masama na bang magsabi ng totoo?!” nakasigaw nitong wika sa kanya. Nagulat siya roon at lumayo rito ng kaunti.

“O? Ba’t ka naman nagagalit sa akin? Nagtatanong lang naman ako ah?” naginhawaan naman siya nang kumalma na ang mukha nito.

“Sorry, ang kulit mo kasi eh. Sige na nga, umalis ka na nga. Tutal, hindi naman ako importante sayo eh. Iwan mo na ang fiancé mo.” natawa siya roon. Naglakad na ito palayo sa kanya. Napakamot nalang siya sa ulo niya. Problema nun?

Naglakad na rin siya. Natatawa siya kay Jordan talaga. Paiba-iba din talaga ng mood.

“Jo!” nilingon niya ang tawag na iyon ni Jordan. Parang nahihirapan ang ekspresyon ng mukha nito. Unti-unti itong naglakad papunta sa kanya kaya humarap naman siya rito. Nagulat siya nang kabigin siya nito at halikan sa labi niya. Nagulat siya roon at parang nakatulos ang mga paa niya sa lupa. Naramdaman niya ang pag-galaw ng mga labi nito, napakalambot niyon at napaka-ingat. Napapikit siya habang dinarama ang kasiyahang naghahari sa puso niya. Unti-unting naghiwalay ang mga labi nila. Gusto niyang magprotesta ngunit agad na sumilid sa isip niya si Mitch kaya namutla siya.

“I’m sorry.” hinging paumahin nito. Na-guilty siya ngunit hindi talaga niya maiwasang matuwa sa iginawad nitong halik.

“I-it’s okay.” aniya habang patakbo ng umalis roon.


Umuwi na siya sa apartment niya, nage-empake siya nang mapahinto siya’t maalala ang senaryo kanina. She could still feel his soft lips on hers. Pero bakit iyon ginawa ni Jordan sa kanya? Is he feeling the same way for her, too? Imposible naman yata ‘yon.

No comments:

Post a Comment