Sunday, December 28, 2014

POCKETBOOKS AND EBOOKS PRICELIST


Hello guys, here is the pricelist of our pocketbooks and ebooks as of December 2014:




MY FIRST BOOK OF ROMANCE
by ELENA BENEDICTO

*Pocketbook Price: P150
Ebook Price: P150



SNEAK PEEKS:











TAKE ME TO YOUR HEART
by MIA JANE

*Pocketbook Price: P100
Ebook Price: P45

















ACCIDENTAL LOVERS
by FRIAH ANNE

*Pocketbook Price: P100
Ebook Price: P45


















DANGAL, IPAGBIBILI KITA
by ANGEL WHITE

*Pocketbook Price: P100
Ebook Price: P45











(*Additional charge for shipping of pocketbooks; no charge on meet-ups.) 

Price of pocketbooks is based on Philipphine Peso and may change based on the currency and country you are in when ordering.

For questions/inquiries and pocketbooks/ebooks orders, please email us at: jrp14214@gmail.com or contact us at: +639172000293 and +639471338363.

Welcome To Lover's Sanctuary


Welcome to Lover's Sanctuary, the official page of JEL Romances Publishing -- home of online stories turned into paperbacks.  Our aim is to find online stories worth publishing and turn them into paperbacks.  Who knows, your stories may be next.  If you would like to send your stories, please go to our "Submit Your Story" section.


Do check our site from time to time for announcement of new novels to be released and check out our 'Free Stories'  section where we will be posting free online stories for you to read soon. 

If you have any questions /inquiries about submission of stories or how to buy our pocketbooks and ebooks, please contact us at the following details below:


Lover's Sanctuary
JEL ROMANCES PUBLISHING
#80 Sitio St. Upper West Kamias,
Sta. Cruz, Antipolo, Rizal Philippines
Contact Nos. : +639172000293
                            +639471338363
Email add: jrp14214@gmail.com

3 New Books To Be Released In January 2015

Hello, dear readers! We are very excited to announce that we are releasing three new titles in January 2015 featuring novels from Tagalog Romance Etc., our partner website.  You can check them out here:




TAKE ME TO YOUR HEART
by Mia Jane 


Matalik na magkaibigan ang mga nanay nina Jane at Edzyr, kaya wala silang nagawa pareho nang pilit silang ipagkasundo ng mga ito sa isa’t-isa.  Dahil ayaw masaktan ang damdamin ng mga ina ay nagkunwaring magkasundo ang dalawa, bagaman daig pa nila ang mortal na magkalaban sa katotohanan.

 Kung kailan naman nagkatotoong nahulog na ang loob nila sa isa’t-isa ay saka naman sila tila pinaglalaruan ng pagkakataon.  Mapaglabanan kaya nina Jane at Edzyr ang unos na susubok sa kanilang pag-iibigan?








ACCIDENTAL LOVERS
by Friah Anne

Sa unang pagtatagpo pa lamang nina Krisha at Hardy ay pangit na ang naging impresyon sa kanya ng binata.  Puro kamalasan at aksidente diumano ang bitbit niya sa tuwing nagkikita sila.   Kaya naman para silang mga aso’t pusang maya’t-mayang nagbabangayan.  Maging nang magpanagpo sila at mapilitang tumira magkasama sa bahay nina Krisha sa Bicol ay bahagya lamang nagbago ang pagtingin sa kanya ni Hardy.

 Ano pa kaya ang mararamdaman ng lalaki kapag nalaman nitong nais ng Lola Fatty nito na ipakasal siya dito o sa kakambal nitong si Rocky?  Pumayag kaya si Hardy? O ipapaubaya na lamang siya nito sa kakambal?







DANGAL, IPAGBIBILI KITA
by Angel White

Patung-patong ang problemang kinahaharap ni Mia.  Bukod sa napakaraming utang na pilit nilang binabayaran ng kanyang pamilya ay nakulong pa ang kanyang ama na nagtatrabaho sa ibang bansa. Maging ang bahay na tanging aria-arian nila ay malapit nang mailit at nakaratay pa sa ospital ang kanyang ina.  Mag-isa lamang niyang sinusuong ang lahat ng iyon.  Wala siyang mahingan ng tulong.  Ang katipan na si Brent na tanging inaasahan niya ay parang bulang naglaho matapos mangibang-bansa.

Hanggang sa dumating sa buhay niya si Mike.  Kapit sa patalim na pikit-matang ipinagbili niya ang dangal dito, kapalit ng tulong na maibibigay ng binata.  Ang hindi niya alam ay lihim nang napaibig sa kanya si Mike.  May kahahantungan ba ang nararamdaman ng binata lalo na sa biglaang pagsulpot muli ni Brent sa buhay niya?

                                                          SNEAK PEEK










My First Book of Romance paperback and e-book available now!


Our first book released, My First Book of Romance, a 3 stories-in-1 book by Elena Benedicto is still available.  Please contact us on how to order for paperback or e-book.  To see the three stories' teaser and sneak peek, check them out here:



MY FIRST BOOK OF ROMANCE
by Elena Benedicto
(3-in-1 novelettes)







MALING AKALA



Nang magkasakit ng malubha ang ama ni Leonie, napilitan siyang kalimutan muna ang pagiging piano instructress at maghanap ng ibang trabaho. Binalak siyang gawing espiya ng kanyang tiyuhin sa kakompetensiya nitong kumpanya na IGI pero dahil ayaw niya ang ganoong trabaho ay gumawa siya ng paraan na hindi matanggap doon.

Ngunit tila mapaglaro ang tadhana. Nakilala niya ang guwapong engineer na si Rufo Sanchez at ito pa ang nagpasok sa kanya sa IGI. Sa unang kita pa lamang niya kay Rufo ay nabihag na nito ang puso niya. Pero humahadlang ang mga maling akala niya rito—na ito’y isang simpleng empleyado lamang ng IGI at kaya niyang paibigin ang mapaglarong puso nito.




THE SEDUCTRESS

Masaklap ang naging kapalaran ni Yurnia. Inilako siya ng sariling ama sa amo niyang instik dahilan upang malungi ang kanyang puri. Tumakas siya patungong Maynila upang doo’y planuhin ang balak na paghihiganti. Pero nakilala niya si Rye. Ito ang nagturo sa kanyang magmahal at limutin ang masamang ekspiriyensa.

Ngunit nang ikakasal na sila’y saka naman biglang lumayo ang lalaki. Naiwan siyang muling tuliro at sugatan ang puso. Salamat na lamang at dumating sa buhay niya si Alwin. Ito ang dumamay sa kanya upang muling makabangon at magkaroon ng direksyon ang buhay. Kung kailan naman okey na ang lahat ay saka muling nagpakita sa kanya si Rye. Muling nagulo ang maayos nasa na niyang mundo.

Sino ang kanyang pipiliin, Si Rye na tunay niyang pag-ibig at kaylanma’y hindi nagawang kalimutan o si Alwin na lubos-pusong umiibig sa kanya at tumulong na abutin ang kanyang pangarap?

  

MAKE IT REAL

Umalis ng bansa si Alwyn upang makalimutan si Yurnia. Makaraan ang pitong taon ay masasabi niyang ganap na niyang nakalimutan ang babae, salamat na rin sa tulong ng kanyang nobyang si Julyn. Ang labis lamang niyang ikinababagabag ay ang balitang nakarating na sa kanya na may anak na ang best friend niyang si Jules. Wala siyang natatandaang nag-asawa ito simula nang mangibang-bansa siya. At wala rin namang binabanggit sa kanya ang kaibigan tungkol sa pagkakaroon nito ng anak.

Mas lalo siyang nagduda nang malamang kamukhang-kamukha niya ang anak ni Jules. May nangyari ba sa kanila ng kaibigan bago siya nangibang-bansa? Bakit hindi siya hinabol ng babae? Bakit itinago nito sa kanya ang lahat? Ahhh, kailangan niyang umuwi uli para malaman ang katotohanan. At para maituwid ang lahat.