CHAPTER 8
KINABUKASAN
ay sumakay na siya ng bus papunta sa kompanya. Inaantok pa talaga siya dahil
aga-aga nilang kailangang umalis. Alas-tres palang gumising na siya para lang
makarating ng saktong alas-kwatro sa kompanya. Humikab pa siya. Pumara na rin
siya nang makarating ang bus na sinasakyan niya. Pagpunta niya sa loob ay umupo
muna siya ngunit agad siyang nagtaka nang isang bag lang ang dala-dala niya.
Kinilabutan
siya sa takot. Nag-isip siya kung saan niya nailagay ang mga gagamitin niya at
lalong-lalo na ang camera niya. Nasapo niya ang noo nang maalalang nilapag niya
iyon doon sa bus, nakalimutan niyang kuhanin. Mangiyak-ngiyak siyang napatayo
at ‘di alam ang gagawin.
Lord, what will
I do? Tiyak masasabon ako ng boss ko.
Pupunta
na siya sa opisina ng direktor para sabihing naiwala niya ang camera niya at
ang lahat ng mga kagamitan para sa shooting. Naiinis siya sa sarili niya at
nanghihinayang rin. First time niyang maging makakalimutin. Hindi siya
pinatuloy ng guard dahil hindi daw pwede pang pumasok dahil may pinag-uusapan
pa sa loob. Naghintay siya sa couch.
Naluluha na talaga siya. Tinakpan niya ng
mga palad niya ang mukha.
“Miss?”
narinig niya ang malapit na boses na iyon kaya naman nagmulat siya at tiningala
ang babaeng tumawag sa kanya. Si Gwen Suede. Bakit naman kaya siya nito
tatawagin?
“Bakit
po?” tanong niya rito, tumabi ito sa kinauupuan niya.
“Ikaw
daw ang photographer ng commercial na isu-shoot ngayon?”
“Tama
ka pero..may problema kasi. Naiwala ko ang mga kagamitan ko at ang camera sa
bus. Gusto ko sanang kausapin si Boss.” halos nanginginig niyang kwento rito.
“Naku,
for sure, magagalit si Mister Ronquillo
kapag sinabi mo sa kanya ‘yan. Napaka-importante sa kanya ng oras, at hindi
niya maaatim na sayaing lang iyon sayo.” nabahala siya sa sinabi nito. Alam
niyang totoo iyon, nakagat niya ang ibabang labi niya. Paano na ko?
“Oo
nga, naisip ko ‘yon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.”
“May
naisip ako. Kung naiwala mo ang camera mo, napaka-timely naman pala talaga ng
pagdating ko. Magpapadala ako dito ng mga bagong kagamitan para sa shooting at
camera mo pero kailangan mong tumupad sa isang kondisyon.”
“Talaga?
O-oo sige, kahit ano pa ‘yan. Ayoko lang talagang ma-disappoint si Boss.”
lumiwanag ang mukha niya at nasiyahan rito.
“Okay
ganito..”
NATAPOS
na ang shooting ng halos buong araw sa Bacolod, mabuti nalang talaga at mayroon
siyang angel in disguise na hindi niya alam kung pwede ring devil in disguise
dahil sa sinabi nitong kondisyon sa kanya. Bukas na bukas ay pupunta siya sa gym,
at hindi lang basta sa gym, sa gym’s shower room ng mga lalaki. Sinabi nitong
sa unang cubicle daw nagsa-shower si Mister Cliff Reyes. Tinanong niya kung
bakit nito gustong kuhaan ng litrato ang hubad na katawan ni Mister Reyes. Ex
daw nito iyon, at nagkakalaban sila ngayon sa business kaya gusto nitong masira
ang image ni Reyes sa pamamagitan niyon, dahil daw hindi pa tuli si Mister
Cliff Reyes.
Grabe, gusto talaga niyang tawanan ito ng malakas kahapon mabuti
nalang at masyado siyang overwhelmed sa ibinigay nitong tulong kahapon kaya
napigil niyang isiping sobrang weird nito. Kapag daw hindi niya nagawa ng tama
iyon, kukunin nito sa kanya ang camera at lahat ng kagamitan. Pumayag siya
dahil kailangan na kailangan niya ang mga iyon ngayong araw at siya naman ang
taong tumatanaw talaga ng utang-na-loob.
NAKAUWI
na rin siya sa wakas. Tinawagan niya ang nanay niya at kinamusta si Fia. Ayos
naman daw ang lagay nito. Naghahanda na para sa nalalapit nitong operasyon.
Kinabukasan
ay nagpunta na nga siya ng King & Queen’s Gym. Pumasok na siya sa loob.
Nagbayad na siya sa cashier para makapasok doon sa loob. Bitbit ang DSLR
pumunta siya sa shower area. Maraming nagsa-shower na babae sa girls’shower
room. Sinilip niya naman ang sa mga lalaki, mukhang kaunti lang. Huminga siya
ng malalim. You can do it, Jo. You can do
it..
“Hoy!”
nagitla siya nang may sumita sa kanya. Isang maputi at machong lalaki iyon.
“anong tinitingin-tingin mo riyan? May hinahanap ka? O may binobosohan ka?”
nagulat siya sa sinabi nito at napaurong siya.
Sarkastiko siyang ngumiti.
“Ako?
May bobosohan? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? May hinahanap lang ako. Hindi ko
makita sa loob ng gym kaya naisip kong baka nagsa-shower pa siya.” sinamaan
niya ito ng tingin.
“Sino
bang hinahanap mo?” makulit nitong tanong.
“Si...Si..ahh..bakit
ka ba interesado? Eh hindi naman ikaw ang hinahanap ko?! Diyan ka na nga!”
iritadang lumabas na siya ng shower area. Namomroblema talaga siya kung saan
siya papasok nang hindi mapapansin. Alas-dose daw nagsa-shower si Cliff. Five
minutes nalang at maga-alas dose na. Sa tanang buhay niya hindi pa siya
nakakakita ng..alam-niyo-na.
Sinuot
niya ang cap niya at pinasok sa loob ang buhok. Naka-crossed fingers siya
habang binabaybay ang shower area. Sakto ay walang gaanong naliligo sa
boys’shower area. Mabilis na pumasok siya sa first cubicle. Sinarado niya ang
pinto pero hindi ni-lock para pwede pa ring makapasok si Cliff kung sakali.
Nagtago siya sa makapal na mantel na tumatabing sa wall malapit sa shower.
Pinagdarasal niyang sana ay hindi na buksan pa ni Cliff ang mantel para
ma-mission accomplished niya.
“Liligo
na ako! Sobrang init!” mukhang si Reyes na ang nagsalitang iyon. Napangiti
siya. Go lang Cliff. Binuksan na niya
ang camera nang pihitin nito ang seradura.
“H’wag
diyan pre, may tao pa diyan. Nakita ko kanina.” pigil nung isang boses. Anak naman ng mabait, oo!
“May
tao? Bakit hindi nakasara?” sagot naman ni Cliff. Tama ‘yan Cliff. Tama ‘yan. Oh, please come in..
“Ewan
ko. Nakita ko talagang may pumasok diyan. Naka-gray pa nga na t-shirt ‘yon eh
tapos naka-cap.”
“Ahh
ganoon ba? O sige.” anong o sige, Cliff?
Narinig
niyang may nagbukas na ng seradura. Nakaluwag siya ng paghinga dahil hindi
naman pala nagpaapekto si Cliff sa sinabi ng mga lalaking iyon. Huminga na siya
ng malalim. May kinakanta pa ang lalaking iyon, halos gusto niyang matawa
talaga kaso lang ginawa niya ang lahat para hindi lumabas ang ingay ng tawa
niya. Kailangan daw makita ang mukha ni Cliff para masabing hindi talaga
nagsisinungaling si Gwen kapag nilantad nito iyon sa publiko. Napapraning na
ang babaeng iyon.
Binuksan
na nito ang shower. Nababasa rin siya dahil sa pinagtataguan niya. Time to
shimmer na talaga ito. Nakapikit siya habang pinindot ng sunod-sunod para
makuhaan ito ng litrato. Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang eksakto ang
nakuhaan niyang litrato, at sigurado siyang kitang-kita ang mukha nito kasama
ang parts na below his belt. Madulas na ang nasa paanan niya dahil sa shower
gel at soap. Matapos makapagbanlaw ay nag-roba na siguro ang lalaki habang
pakanta-kanta pa rin. Pinihit na nito ang seradura at lumabas. Kailangan muna
niyang maghintay pa ng ilang sandali bago lumabas.
“O,
walang tao?” tanong nung mga lalaking kanina pa nangungulit.
“Wala.
Walang tao.” naulinigan niyang sagot ngunit nasisiguro niyang hindi iyon ang
nabosesan niyang boses ni Cliff kanina. Marahil ay nabibingi na rin siya.
“Ahh
sige. Una na muna kami.”
“Sige
susunod na ako.” pagkatapos pa ng ilang sandali ay may pumihit na ng seradura
ng main door. Malamang ay wala ng tao ngayon sa shower area. Makakalabas na rin
siya, sa wakas. Hinawi na niya ang mantel. Pagtapak niya ay sobrang lagkit pa
ng tiles kaya naman na-out balanced siya at napasigaw. Kumirot ang balakang niya,
dalawang beses ng napupuruhan ang balakang niya. Tinakpan niya ang bibig dahil
baka may makarinig sa kanya. Laking gulat niya nang bumukas ang pinto at si
Jordan iyon.
“Jordan?!”
mulagat ang matang tawag rito.
“Jo?
Anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan?” anito na naka-topless. Hindi
siya nakasagot bagkus ay nanlaki ang mga mata niya sa pagkakakita sa mayamang
katawan nito. Is he really seducing me?
Wow Jo, ha? Ngunit agad siyang napahawak sa balakang niya nang maramdaman
niya ang pagkirot niyon. “So, tama pala ang sinabi nila na may tao nga diyan sa
pinagliguan ko.” pagpapatuloy nito. Nagulat siya roon.
“Pinagliguan
mo? What do you mean?”
“Oo.
Halos katatapos ko lang diyan maligo. Dapat si Cliff ang maliligo kaso lang may
tao nga daw, eh pagtingin ko wala naman. Pero, may tao nga pala talaga sa loob.
Binobosohan mo ba ako?” sumilay ang amusement sa mga mata nito. Tinuro niya ang
sarili, hindi siya makapaniwalang inaakusahan siya nito ng ganoon.
“Ha?
A-ako? Na-namboboso?” why on hell, she stammered. Namula ang mukha niya sa
pagkapahiya.
“Alright,
so sikreto mo pala akong pinagnanasaan?” sumilay ang mapanuksong ngiti nito sa
labi. Hindi siya makapaniwalang hindi si Cliff ang nakuhaan niya kundi si
Jordan. Patay! At ngayon, nahuli pa ako
ni Jordan! Talaga nga naman..ang saklap naman, friend.
“Pwede
mo namang i-request nalang sa akin eh. Hindi ‘yong nag-effort ka pang pumunta
dito.” parang hindi niya magawang mai-depensa ang sarili niya ngayon dahil magmumukha
lang siyang guilty. Tinakpan niya ang mukha niya sa sobrang kahihiyan.
“Hindi
talaga ikaw ehh..” pabulong-bulong niya at mariing napapikit.
“Ano?
Anong hindi ako?”
“Pwede
bang, mamaya na ako mag-explain? Hmmn, dalhin mo muna ako sa pinaka-malapit na
clinic. Sobrang sakit na talaga ng balakang ko. Please?” nagmamakaawa ang tinig
niya. Hindi na nagsalita pa si Jordan at naramdaman nalang niyang naiangat na
siya nito sa tiles. Ramdam niya ang matipunong katawan nito dahil naka-towel
lang ito sa ibaba. Napaka-bango pa nito habang tumutulo pa ang mga buhok nito.
Ang gwapo-gwapo talaga ng fiancé niya. I
can live here forever, pwede ba? Ha-ha.
Nadala
na siya nito sa clinic. Nilapag nito sa table ang camera niya habang hiniga na
siya sa kama. Kumikirot talaga iyon at napapaiyak na siya. Maya-maya pa ay
nakatulog na siya sa tinurok na gamot ng doktor doon.
Feeling
niya ang haba ng naitulog niya. Pag-gising niya ay nakita niyang nasa isang
magandang kwarto na siya. Sa palagay niya ay isang hotel room ito. Nilibot ng
mga mata niya ang buong silid, nakita niya si Jordan na nakaupo sa couch at
nakatakip ang magazine sa mukha dahil nagbabasa ito.
“J-Jordan..”
mahinang tawag niya rito. Binaba nito ang magazine na binabasa. Ngumiti ito sa
kanya at lumapit.
“Gising
ka na pala. May gusto ka bang kainin? Mago-order na ako.”
“Ahh
oo. Medyo gutom na talaga ako.” tabingi siyang napangiti rito. Kinuha nito ang
wireless telephone at nagpa-order na, pagkatapos ay bumalik ito sa couch. “hoy!
Akin na nga ‘yong camera ko..” nakasimangot niyang utos rito, ngumiti ito sa
kanya. Kinuha nito iyon at inabot. “bakit ka nakangiti diyan? Para kang baliw.”
sabay inirapan niya ito. Naiinis pa rin siya sa sarili niya.
“Wala
lang. Nakakatawa ka lang. Sarili mong fiancé, binobosohan mo.
Can’t believe it.”
patawa-tawa pa ito. Naabot niya ang nasa katabing mesang magazine, binato niya
iyon dito. “aray!” sabay malakas na tumawa. Sinamaan niya ito ng tingin.
“Akala
mo nakakatuwa ka? Hindi nga ikaw talaga ang sadya kong kuhaan ng litrato, napaka-feelingero
mo.”
“Eh
sino?”
“Si..Cliff
Reyes.” mahina niyang usal.
“What?!”
dahan-dahan siyang tumango. “pero bakit? May relasyon ba kayo ni Cliff?”
maintriga nitong tanong.
“Wala!
Ano ba naman ‘to! Relasyon agad ang inisip! Trabaho ‘yon..”
“Ano?
Trabaho mong kuhaan siya ng nude pictures?”
“Hindi..Hindi
mo naman kasi ako naiintindihan eh. Ako munang magsasalita, pwede ba iyon?” ikwinento
niya rito ang naging usapan nila ni Venice. Halos hindi ito magkanda-igi sa
katatawa nang sabihin niyang hindi pa tuli si Cliff.
“Talaga?
Hindi ako makapaniwalang hindi pa tuli si Cliff.” binuntutan pa nito ng tawa
iyon.
“I
don’t know, ex niya ang nagsabi eh. Malay ko.” kumibit-balikat pa siya.
“Sayang
nga lang! Sa kabilang cubicle si Cliff. Pero bakit nagulat ka pa noong makita
mo ako? Nakita ko na ‘yung mga pictures. Saktong-sakto naman, good job.”
ngumiti ulit ito ng nakakaloko. Hampasin
ko kaya ulit ang lalaking ‘to? Kakainis ah.
“Huh?
H-hindi. Nak-nakapikit ako habang kinuhaan kita. Duhh!! Ayoko ngang makakita ng
toot. L-lalo na ‘yong sa’yo ‘no!” nakaismid niyang sinabi rito.
“Talaga
lang ah? O ngayon ano ng gagawin mo? I suggest na isauli mo nalang sa kanya
‘yang camera niya. Ako ng bahalang bumili ng bagong camera mo at lahat ng mga
gagamitin mo.”
“Iyon
naman talaga ang balak ko dahil hindi ko na kayang kumuha ng litrato ng isang
lalaki para sirain ang pagkatao nito. Huli na ang lahat bago ko naisip ‘yon,
na-karma tuloy ako.” aniya habang naka-pout at dama ang guilt sa dibdib. Tinawanan
siya nito. “tawa ka pa!” inambahan niya ulit itong batuhin ng isa pang magazine
pero ‘di niya naman itinuloy.
“Pasalamat
ka na nga lang at ako ang naligo doon at ako rin ang natira sa shower room
dahil kung hindi patay ka.”
“Papatayin
nila ko?”
“Siyempre
malalagot ka dahil nagi-stole ka ng pictures.” Sumimangot nalang siya roon.
Maya-maya ay dumating na ang pagkain na in-order nito. Kumain na sila.
“Wala
ka naman ng gagawin. so, pwede mo na siguro akong i-date.” pag-iiba nito ng
topic.
“Ano?!”
bulalas niya pero agad siyang may naisip na ideya. “uhmn, sige-sige, pumapayag
na ako.”
“Good. Dahil utang mo ‘to sakin actually. O,
tara na.” bigla siyang hinatak nito kaya nabitawan niya ang kutsarang hawak
niya.
“Aray! Bakit ka ba nagmamadali? Hindi pa ako
tapos kumain oh..” aniya habang nginunguya ang pagkain sa bibig. Natawa ito sa
kanya.
“Halika
na! Excited na akong ikaw ang mangdi-date sakin.” nagpatianod nalang siya sa
paghila nito dahil wala siyang magawa at isa pa, gusto rin naman niya na
magkahugpong ang mga kamay nila. Sumakay na sila sa sasakyan nito at minaneho
na nito iyon.
“O?
Nagda-drive ka na diyan, alam mo na ba kung saan tayo pupunta?” hininto nito
ang pagmamaneho, ngumiti ito sa kanya at umiling. Umirap siya.
Tinuro
niya ang sunod-sunod na direksyon kung saan niya gustong pumunta. Nag-research
siya noong mga nakaraang gabi tungkol sa batang hindi nito nailigtas sa sakit
na bone cancer. Hinanap niya kung saang lugar ito inilibing kaya naman iyon ang
gusto niyang puntahan nila ngayon.
“Dito
na tayo.” mungkahi niya habang bumaba na sila ng sasakyan. Nag-isang linya ang
kilay nito at tumingin sa paligid.
“Sementeryo?
Bakit? May bibisitahin ka ba? Or..h’wag mong sabihing, this is your ideal
date?”
“Tama
ang dalawang sinabi mo. May bibisitahin tayo and this is my ideal date. Tara sa
loob.” nauna na siya sa paglalakad papasok sa sementeryo. Hinahanap niya ang
pangalan ni Carlo Bustamante.
Nakasunod lang sa kanya si Jordan habang
nakakunot-noo. Sa wakas, nakita na rin niya ang puntod ni Carlo Bustamante.
Sakto ang araw na ikinamatay nito kaya naman sigurado na siyang ito ang batang
hindi nailigtas ni Jordan. Binalingan niya si Jordan. Nakakunot-noo pa rin ito
habang nakatingin sa puntod at nang maging pamilyar rito ang pangalan ay naging
blanko ekspresyon ng mukha nito.
“Nag-away
tayo dati tungkol sa paga-advice ko sayo tungkol sa batang hindi mo nailigtas
few years ago. Dinala kita rito dahil gusto kong kahit papaano maibsan ang sama
ng loob mo sarili mo.” mahinahon niyang pahayag, tinignan siya nito. “I’m sorry
Jordan kung heto na naman ako at nakikialam.” kinagat niya ang ibabang labi
niya at lumapit rito.
“Hindi
ko gusto ang idea mong ito Jo. Umuwi na tayo..” seryoso at malamig ang tono ng
boses nito. Pero hindi niya ito susukuan ngayon.
“Jordan,
hanggang kailan mo balak kamuhian ang sarili mo? Hanggang kailan mo dapat
pagbayaran ang bagay na hindi mo sinasadya?” inagapan niya ang braso nito.
Hindi agad nagsalita si Jordan. Lumapit siya rito. Hinawakan niya ang
magkabilang pisngi nito habang nakatitig siya sa magagandang mga mata nito. “makinig
ka. Patawarin mo na ang sarili mo. Ang tagal mo ng kinukulong ang sarili mo sa
galit. Kailangan mo siyang kausapin, kung makakapag-pagaan ng loob mo ang
paghingi sa kanya ng tawad, gawin mo.”
“Hindi
ganoon kadali kasi ‘yon Jo. Ikaw? Bilang pamilya ni Fia, matatanggap mo ba na
sa operasyong magaganap sa pamangkin mo ay hindi maging matagumpay? Paano kung
hindi niya kayanin at mawala siya sayo? Hindi ba’t kamumuhian mo rin ang isang
doktor na tulad ko?” namula ang mga mata nito. Suminghot ito at umingos. Nauunawaan
niya ito pero naniniwala siyang anumang mangyari, nakatadhana pa rin ang lahat.
Kung mawala man sa kanya si Fia, walang may kasalanan niyon. Iisipin nalang
niyang, napakabuting bata ni Fia at siguro ay gusto na itong makasama ng
kapatid niya sa kabilang buhay.
Tinanggal
ni Jordan ang mga kamay niya sa mukha nito at nagsimulang umalis, sinundan niya
ito.
“Jordan!
Wala kang kasalanan, you did your best to save his life. Kaloob ng Diyos na
iwanan na niya ang mundo kaya naman sana magawa mo ring mapatawad ang sarili
mo. Kung kunin man si Fia sa akin, wala akong dapat sisihin. Kahit pa sinong
doktor, dahil maraming rason kung bakit nawawala ang isang bagay o tao. God is
sometimes taking away something from our hands to fill it with something more.
God is good, God forgives and so as we should.” muli ay lumapit siya rito.
Niyakap niya ang likod nito. Humarap ito sa kanya at niyakap siya. Pagkaraan ay
bumalik sila sa puntod ni Carlo at humingi ito ng tawad doon. Natapos iyon at kumain
sila sa malapit na fastfood chain.
“Jo,
salamat ah. Sobrang ginhawa ang naramdaman ko. Pakiramdam ko, pinatawad na niya
ako. Tama ka, dapat ko ng palayain ang sarili ko sa nagawa kong kasalanan.” tumango
siya rito at ngumiti. Masaya siyang nagtagumpay siya roon at nagpapasalamat rin
siya sa Diyos.
“So,
is that mean na magtatrabaho ka na ulit bilang doktor?” excited na tanong niya.
Natawa ito sa kanya.
“Grabe,
pero pag-iisipan ko, but honestly, I’m enjoying my work right now. I feel so
free.”
“Sabagay,
follow what your heart says and you’ll be confident to whatever you’re doing.”
tinapik niya pa ang balikat nito. “nakausap ko rin si Mommy, sa’yo na pala ang
Versace Corporation. Congrats! Kahit late na.”
“Thank
you. Nagkausap kayo? Kailan pa?”
“Ahmm,
I think last few weeks? And pinipigilan niya ako sa pagpirma ng kontrata pero
you know how much I mean my word. Hindi ako magiging maka-tao at kaibigan sayo kapag
hindi ko pinirmahan iyon sa oras na matapos ang kontrata natin.” tumango nalang
ito at hindi na muling sumagot.
Sa isang iglap ay napansin niya ang lungkot sa
mga mata nito.
Nalulungkot ba itong pipirmahan niya ang kontrata? Sana nga, nalulungkot ka Jordan. Please give
me some hint na ituloy na natin ito.
Ngunit mabilis niyang pinilig ang ulo
dahil alam naman niyang nagi-ilusyon lang siya.
NATAPOS
ang date nila. Masaya siya habang hinatid na rin siya nito sa ospital. Hindi na
nito nagawang ihatid sa kwarto ni Fia dahil may tumawag ditong kliyente.
Nagpaalam na rin siya dito. Hindi niya mapigil ang saya na nagpipista sa
kalooban niya ng mga oras na ito dahil tuwang-tuwa siya na nakasama ulit ang
fiancé niya.
Kinabukasan
ay tinagpo na niya si Gwen. Isinauli niya rito ang camera at sinabing hindi
niya nakuhaan si Cliff. Binigay niya na rin dito ang iba pang mga kagamitan.
Humingi siya ng paumanhin. Nagputok ang butsi nito dahil wala raw siyang utang-na-loob.
Nilunok niya ang lahat ng mga sinabi nito, at saka siya iniwan. Umupo siya sa
bench. Kinuha niya ang cellphone niya nang marinig na nagri-ring iyon. Si
Jordan pala iyon, napangiti siya.
“Yes,
hello?” sagot niya sa kabilang linya.
“Nasaan
ka?”
“N-nandito
sa..” tumingin siya sa paligid. “malapit sa Bamboo Shampoo Corporation, bakit?”
“I’ll
be there in a minute.” sasagot pa sana siya kaso lang nag-end na.
Binalutan
naman ng excitement ang puso niya dahil magkikita na naman sila. Uupo sana siya
nang marinig niya ang baritonong boses. Lumingon siya sa pinanggalingan ng
boses.
“Let’s date.” hinatak ni Jordan
ang braso niya, hindi niya alam kung maiinis siya o matatawa rito. “Ako nalang
ang magdi-date sayo dahil noong mga nakaraan, kundi mo ako sa ospital dadalhin,
sa sementeryo.” napabunghalit siya ng tawa roon at hinampas ito. “bayaran mo
rin pala yung utang mo.” kumamot siya sa ulo.
“Eto talaga, ‘di makatulog..” kinuha niya sa
bulsa niya ang sukli sa kanya kanina nang bumili siya ng tatlo dos na candy.
Inabot niya ang tatlong piso rito. “oh yan na! Akala mo naman nakadagdag ang
tatlong piso na ‘yan sa yaman mo..”
“Oo
naman.” sumakay na sila sa sasakyan nito. Makalipas ng sandali ay bumaba sila
sa tapat ng matayog na establisyimento. Sa pagkakaalam niya, ito ang Versace
Cars Corporation na pagmamay-ari na nito. Namangha siya nang umakyat sila sa
elevator. Nakita niya ang magagarang formula one cars at mga iba pang
magagandang kotse.
“Ang
ga-ganda grabe. Walang itulak-kabigin.” nasabi niya sa sobrang kamanghaan.
“Ang
ganda ba talaga?” tumango siya at ngumiti rito. Hinawakan nito ang kamay niya.
Dinala siya nito sa isang parang teatrong lugar. Maya-maya nag-flash na ang
video sa pag-gawa ng mga mamahaling sasakyan.
Namangha pa siya ng sobra dahil
lahat ng iyon ay exported from Europe, America at Japan. Siguradong matitibay
nga ang mga materyales na ginagawa ng Versace Corp.
Nang
matapos ang video ay pumunta sila sa Versace Cars Corporation Shop. This time
ay nag-swipe na ito ng card nito para mabuksan ang lagusan. Napaka-modernize at
technological ang pagkakagawa sa korporasyon na iyon. Naroon na ang mga
magagandang gawang sasakyan na ibinibenta. Nanlaki ang mga mata niya sa ganda
ng bawat kotse.
“Wow!
The designs are all lovely, amazing ang gumawa nito.” puri niya sa mga iyon
habang hinahaplos ang pinaka-newest at pinaka-magandang kotse roon. Nakatawag
iyon ng kanyang pansin dahil sa kulay nito na navy blue na siyang paborito
niya.
“So,
napaka-galing ko pala kung ganoon?” nilingon niya ito nang magsalita.
“Ha?
Oo, dahil ikaw ang may-ari nito. Napaka-swerte mo..” aniya habang hindi maalis
ang tingin sa sasakyan na iyon. Lumapit ito sa kanya.
“Ako
ang designer ng lahat ng mga sasakyang ginagawa dito, kaya amazing pala ako,
ayon sayo..” nakangiti nitong pahayag. Nanlaki ang mga mata niya roon at lalo
siyang na-amaze. Hindi lang ito basta doktor, isa ring genius sa pag-disenyo ng
mga kotse.
“Grabe?
Ikaw ang nag-design ng mga ito? Kahit itong sasakyang ‘to?” tinuro niya ang
navy blue na kotse. Tumango ito. “wow! Iba ka talaga Mister Versace! I salute
your genius mind!” sumaludo pa siya kunwari rito. Nagulat siya nang lumapit pa
ito ng husto sa kanya at siilin siya ng halik sa labi. She missed those lips,
hindi rin siya pinatulog agad-agad noong huli siyang halikan nito. Kahit naman
unsure siya sa pagmamahal nito para sa kanya, nararamdaman niyang gusto na rin
siya nito.
Lumuwag ang paglalapat ng mga labi nila but she didn’t want to end
it that soon so she responded to his kiss. She heard him chuckle so she ended
their kiss.
“Thanks
for that.” ngumiti pa ito sa kanya. Parang doble ang pagpintig ng puso niya.
Tumingin siya rito at yumuko. Tama bang
maramdaman ko sa’yo ‘to, Jordan? Ayoko ng umasa.
“I’m..I’m
sorry. Hindi dapat tayo—“
“Why
can’t we kiss? We’re engaged.” itinaas nito ang baba niya at nakatingin sila sa
isa’t-isa.
“Hindi
tama.” malungkot niyang tugon rito. Maya-maya ay may tumatawag sa kanya kaya
nahinto ang pag-uusap nilang dalawa. Ang Mama niya. Napamulagat siya sa narinig
niyang balita. Napatayo siya sa kinauupuan niya at namuo ang luha sa mga mata
niya.
“Si
Fia..” sa garalgal na boses niya.
No comments:
Post a Comment