CHAPTER 9
NASA
labas siya ng operation room kasama ang mama niya. Bumalik sa kompanya si
Jordan dahil may kliyente itong kailangan asikasuhin pero babalik naman daw ito.
Naiiyak siya sa binalita ng doktor pagkalabas niyon. Lumala ang sakit ni Fia,
mababa na ang tsansa nitong maka-survive sa kumakalat na tumor sa buto nito.
Pwedeng manganib at mahawa ang ilang parte pa ng katawan nito. Nabahala pa siya
nang sabihing 25% nalang ang tsansa ni Fia na mabuhay. Hindi na rin ito
nagsasalita at ang tanging buhay nalang nito ay ang mga aparato na nakasalpak
sa bibig nito. Napaiyak siya roon. Pumunta siya sa chapel malapit sa ospital at
nagdasal siya ng mataimtim.
Diyos ko, h’wag mo pong
pababayaan ang pamangkin ko. Napaka-bata niya pa para kunin po ninyo.
Napakasakit po sa akin kung mawawala na siya sa akin ng ganito kaaga. Hayaan
niyo po muna siyang matikman ang kasiyahan dito sa lupa. Napaka-buti niyo po at
naniniwala akong gagaling pa siya.
Umiiyak
pa rin siya habang lumabas ng chapel. Sa paglalakad niya may tumawag ng
pangalan niya. Nilingon niya iyon. Si Mommy Steph iyon na pababa ng sasakyan
nito.
“Bakit
ganyan ang hitsura mo hija? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong sa kanya
nito. Tumango siya at napaiyak.
“Si
Fia po, nanganganib ang buhay. Hindi ko po alam kung kakayanin ko.” hindi na
niya napigilang mag-breakdown.
“Ano
na nga ba ang sakit ng pamangkin mo? Hindi ba’t bone cancer?” tumango siya
habang pinalis ang luha sa kanyang mga mata. “bakit hindi mo kausapin si
Jordan? Naniniwala akong kaya niyang pagalingin ang pamangkin mo. Kung iisipin,
ang batang hindi niya nailigtas noon ay sadyang hindi na talaga ligtas. Dinala
ang pasyente na iyon sa kanya dahil hindi matanggap ng mga magulang nito na
patay na ang anak ng mga ito. Isa sa pinaka-magaling na doktor si Jordan kaya
dito sila humingi ng tulong pero talagang huli na ang lahat pero hanggang
ngayon sinisisi pa rin niya ang sarili niya. Sasabihin ko sayo Jo, magaling na
doktor si Jordan at kahit ilang porsyento nalang ang nalalabi para mabuhay ang
isang pasyente ay naililigtas niya.” naliwanagan siya roon at nabigyan ng
pag-asa sa sinabi sa kanya ni Mommy Steph. Kung ganoon ay maaaring mailigtas ni
Jordan ang pamangkin niya. Hinatid siya ni Mommy Steph sa korporasyon dahil
sinabi niyang naroon si Jordan. Hinanap niya ito doon. Pinapasok siya ng mga
empleyado sa opisina ni Jordan nang sabihin ang pangalan niya.
“Jo,
what brought you here? Kumusta na si Fia?” nag-aalala rin ang tono ng boses
nito. Umupo siya sa visitor’s chair.
“Jordan..kaunting-kaunti
nalang ang tsansang mabuhay ni Fia.” nagsimula ng gumaralgal ang boses niya. “di-diretsuhin
na kita, s-sinabi sa akin ni Mommy kanina na kaya mong magpagaling ng tao kahit
na maliit na porsyento nalang ang nalalabi rito. Tulungan mo naman si Fia,
Jordan..nakikiusap ako sayo.” nagmamakaawa ang tinig niya habang dumadaloy ang
luha sa pisngi niya. Gumalaw ang panga nito at hindi lumiban ng tingin sa
kanya. “Parang awa mo na..alam kong ang laki na ng pagkakautang ko sayo pero
pangako, gagawin ko ang lahat basta maging doktor ka lang ni Fia. Malaki ang
tiwala ko sayo kaysa sa ibang doktor..”
“Matagal
na akong hindi doktor Jo. Matagal na akong hindi humahawak ng pasyente.
Nakalimutan ko na rin kung paano manggamot. H’wag ka sanang magalit sa akin
kung hindi kita mapagbibigyan.” lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Gusto
niyang magmaktol pero wala namang magagawa iyon eh.
“Jordan,
please! Isang beses lang at aminin mo sa sarili mong mahal mo ang magpagaling.
Tulungan mo si Fia gaya ng pag-gamot mo sa akin.. At alam ko ring mahal mo ang
pamangkin ko.” tumayo siya sa kinauupuan at lumuhod sa harapan nito. Nagulat
ito sa ginawa niya.
“Jo,
tumayo ka diyan.” napatayo rin ito at lumapit sa kanya at pilit siyang itinayo
ngunit nakayuko lang siya habang patuloy na umiiyak.
“Hindi
ako tatayo hangga’t hindi ka pumapayag. Kung gusto mo, gawin mo akong atsay
buong buhay mo, ayos lang basta pumayag ka lang. Nagmamakaawa ako sayo..”
Bumuntong-hininga
ito. “Patawad Jo, pero hindi na ako ang doktor na magaling. Ganito nalang, irerekomenda
ko nalang si Fia sa isang magaling na doktor.”
“Hindi
ako naniniwala, kung ikaw wala kang tiwala sa sarili mo. Pwes, malaki ang tiwala
ko sayo..” tiningala niya ito. Napailing ito.
“Paano
kung hindi ko mailigtas si Fia? Anong gagawin mo?”
“Gaya
ng sinabi ko, wala akong ibang sisihin.” huminga ito ng malalim at matagal na
sandali bago muling nakasagot.
“Patawad
Jo, hindi talaga kita matutulungan. Ayokong mawala sayo ang pamangkin mo.
Tutulong nalang ako sa pagdarasal na makaligtas si Fia. Hayaan mo na rin akong
irekomenda ko siya sa isang magaling at mahusay na doktor.” pagkatapos nitong
sabihin iyon ay lumabas na ito ng opisina. Napaiyak na siya ng todo dahil hindi
siya nagtagumpay sa pagkumbinsi rito. Bagsak ang balikat na lumabas ng opisina.
Bumalik na siya sa ospital na matamlay.
Kinausap
sila ng doktor kung gusto pa nilang ipagpatuloy ang operasyon sa 20% percent na
tsansa na mabuhay si Fia. Tumango siya at um-oo. Alam niyang lumalaban ang
pamangkin niya at sasabayan niya ang pakikipaglaban nito. Hindi niya isusuko
ang pamangkin niya. Hindi kita isusuko
Fia. Matagal daw ang magiging operasyon kaya naman nakatulog sila ng nanay
niya habang nanuyo nalang sa mga pisngi nila ang mga luha.
Pagkalipas
pa ng ilang oras. Lumabas na ang naka-green na doktor pero hindi sila kinausap
niyon. Lumabas ang nurse at kinausap sila. Pero
bakit hindi ang doktor? Nag-umpisa na siyang mapaiyak. Hindi kaya, hindi nakaligtas ang pamangkin ko?
Tinanggal
ng nurse ang mask nito at tumingin sa kanilang dalawa na hindi na alam kung
dapat bang magsalita o hindi.
“Ang
pamangkin niyo ho ay..” tumingin ang nurse sa kanilang dalawa na naghihintay ng
magandang balita. “ligtas ho.” lumawak ang pagkakangiti nito kaya naman napaiyak
sila sa tuwa ng Nanay niya habang mahigpit na nagyakapan. “Isang magaling at
mahusay na doktor ang nag-asikaso sa kanya. Nawala ang mga tumor nito sa mga
buto, para bang isang milagro ang lahat ng iyon. First time kong makita ang
doktor na iyon, marahil siguro ay baguhan ako rito pero napaka-husay niya. In a
few minutes, pwede niyo na rin pong bisitahin ang pasyente. Sa susunod rin pong
mga araw ay pwede siyang bumalik rito para magpa-check up.” Tumango sila habang
sunod-sunod na pumatak ang luha niya sa sobrang saya. Umalis na ang nurse.
Nagyakapan ulit sila ng nanay niya. Lord
salamat, you heard my prayers.. Thank you..Thank you po.
Gusto
sana nilang magpasalamat ng nanay niya sa doktor na nagpagaling kay Fia pero
mukhang nag-out na raw iyon pagkatapos ng operasyon. Kinumusta nila si Fia nang
magkamalay na ito. Masigla na muli ito at hindi na namumutla.
“Okay
na okay na po ako Mamang at Tita Jo. Wala man lang po akong naramdamang sakit
habang ginagamot po ako.” naiyak sila sa tuwa sa sinabi ni Fia. Niyakap nila
ito. “h’wag na po kayong umiyak. Malakas na po ulit ako. Ngayon ko lang po
naramdaman ang ganitong klase ng ginhawa sa katawan.”
“Oo,
salamat sa Diyos! Dininig niya ang panalangin namin ng Tita Jo mo. Hindi namin
alam ang gagawin kung mawawala ka..” anang Mama niya na naiiyak. Ngumiti lang
ang bata. Maya-maya, pagkatapos mag-usap ay pumunta siya sa mga nurse. Tinanong
niya ang pangalan ng doktor, hinanap nila iyon.
“Siya
po si Doc Jordan Steven Versace.” sagot ng nurse. Her eyes welled in tears in
so much surprise. Nagpasalamat siya roon. Hindi niya alam kung anong klaseng
iyak ang gagawin. Ginawan siya ng isang malaking pabor ni Jordan. Kahit ayaw
nitong manggamot, ginawa nito para kay Fia. Kailangan na niyang magpasalamat
kay Jordan. Tinawagan niya ang cellphone nito pero hindi nito iyon sinasagot. Pinuntahan
niya ito sa condo unit nito. Ang nagbukas sa kanya ay si Mitch.
“Jo?
Why are you here?” bungad nito sa kanya. Yumuko siya.
“Pwede
ko bang makausap si Jordan?”
“Na
naman?” may himig ng galit ang boses nito. “lagi mo nalang hinihiram ang
boyfriend ko. Ganoon ba talaga kayo ka-close? Umuwi ka na Jo! Kung kailangan mo
ng pera, ako na ang bahalang magbigay sayo. Magkano ba?” napa-angat siya ng
tingin rito. Hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito.
“Mitch?”
tawag ni Jordan sa likuran nito. Napaluha siya nang makita si Jordan. Hindi
niya kasi talaga alam kung paano magpapasalamat. “Jo? Bakit ka nandito?”
“G-gusto
ko lang magpasalamat sa ginawa mo..”
“Anong
ginawa?” singit ni Mitch. Nakatingin lang siya kay Jordan.
“Alam
mo na pala. Sige, ‘wag mo ng intindihin ‘yon. Umuwi ka na, mag-ingat ka.” ani
Jordan. Iniwanan niya na lamang ito ng isang linyang ngiti saka nagsimulang
maglakad palayo. Bumalik na siya sa ospital, sinabi niya kina Fia at sa nanay
niya na si Jordan ang gumamot kay Fia.
Nagulat ang mga ito at halos ‘di
makapaniwala, kahit rin naman siya ay ‘di makapaniwala sa nangyari.
INUWI
na nila sa apartment si Fia. Hindi na rin nagti-text sa kanya si Jordan. Tingin
niya, kailangan na niyang pirmahan ang naging pinag-usapan nila. Kahit ito ang painful
moment, kailangan niyang harapin.
Naglakad
na siya papuntang terminal para makasakay papunta sa law office.
“Jo!!”
nilingon niya ang baritonong boses na tumawag sa kanya. Parang natatandaan niya
ang lalaking ito. Lumapit ito sa kanya. “still remember me?” shoot! Ito yung lalaking model na
nakasayaw niya noon sa Palawan.
“Hmm
Cameron? Cameron Silva? Model sa isang fashion show, right?” tumango ito at
ngumiti. “a-anong ginagawa mo rito?”
“Ang
tagal na kitang hinahanap, mabuti nalang nagpunta ako rito. Grabe, since that
night hindi na talaga kita makalimutan. I was about to kiss you nang may
humatak sayo.” hanggang ngayon, ‘di pa
rin ito nakaka-get over doon? At awkward siyang pag-usapan ngayon.
“Ahmm.
Okay, pero bakit mo naman ako hinahanap?” natatawa niyang tanong rito. Medyo
weird lang kasi na ‘matagal na raw siyang hinahanap nito’.
“Umaasa
akong makita ulit kita at pormal kitang ligawan.” sa sinabi nito ay halos
mag-choke siya. Napatawa siya ng malakas.
“Seryoso
ka ba? Tsaka, liligawan? Bakit? Type mo ko?”
“Exactly!
That was my first time to meet a girl who’s so incredible. Lagi kang masaya at
mukhang masaya ka talagang kasama. I want to be with someone like you. And I’m
ready to spend the rest of my life with you.” nagugulat siya sa mga litanyang
sinasabi ni Cameron sa kanya. Totoo ba
‘to? Para namang kabute ito na bigla nalang sumulpot at sinasabing liligawan
ako, at handang ibigay sakin ang natitirang buhay nito. What?! Hinampas niya
ito ng malakas sa braso kasabay na malakas na tumawa.
“Cameron,
nakakain ka na ba? Ililibre nalang kita dahil ‘di pa rin naman ako kumakain.”
pabiro niyang sagot rito.
“Please,
I’m not kidding you. I like you and I love you at the first sight.I know
mahirap paniwalaan pero hindi ka na naalis sa isip ko since that night. I know
you can bring so much happiness in me.” tumango siya at sasagot pa sanan nang bigla
siya nitong siniil ng halik sa labi. Nagulat siya roon pero kahit anong
pagpupumiglas ay hindi siya nito binitawan. She’s moaning in the middle of his
kiss. Sinampal niya ito ng malakas, binastos siya nito sa harap ng
napaka-raming tao.
“Ang
kapal ng mukha mong halikan ako! Wala kang karapatang halikan ako, ni hindi nga
kita gaanong kilala! Bastos!” angil niya rito.
“Sorry,
I—“
“Stop!!”
pinanlakihan niya ito ng mga mata. “ayoko ng makikita ka kahit kailan!” madiin
niyang sinabi rito. Iniwanan nalang niya ito ng nagbabadyang apoy sa mga mata
niya at sumakay na siya ng bus at pumunta sa law office. Kinausap niya ang
Versace’s family lawyer. Kukuhanin niya ang kontrata para pirmahan pero sinabi
nitong kinuha raw ni Mrs. Stephanie Versace ang mga kontrata kaya kung gusto
raw niya ay puntahan nalang ito. Ginawa nga niya ang suhestyon nito at tumuloy
na sa bahay ng Versace. Pagdating niya roon ay si Mommy Steph nga ang nadatnan
niya. Pinaupo siya nito.
“Tumawag
sa akin ang family lawyer. Desidido ka na raw na pirmahan?” alanganin ang
tanong nito at bakas ang lungkot sa mukha nito. Masakit din naman sa kalooban
niya ngunit wala naman siyang magagawa.
Tumango siya.
“Sorry
‘mmy. Pero I still want you to know na sa kabila nito, I succeeded sa
pagi-encourage kay Jordan na gamutin ang pamangkin ko. Now, my niece is a
strong survivor of cancer. Thanks to him po talaga, tsaka sa inyo rin po ‘mmy.
Salamat po.” sinsero niyang pagpapasalamat. Natuwa naman si Mommy Steph sa
balitang iyon.
“Walang
anuman Jo. At salamat din sa tulong mo, sa palagay ko unti-unti mababalikan
niya rin ang propesyon na mahal na mahal niya.” sumang-ayon naman siya at
ngumiti.
“Pero
‘mmy, tutuparin ko na ang pagpirma sa separation namin. Sorry po talaga.” muli
na naman nalungkot ang mukha ni Mommy Steph.
“Alright.
Pero gusto kong papuntahin dito si Jordan para sa confirmation.”
“K-kayo
po ang bahala.”
“Pero,
may I just ask you something hija?”
“Anything
po.”
“Gusto
mo ba si Jordan?” diretsuhang tanong nito. Napayuko siya roon. Nakagat niya ang
ibabang labi niya at saka dahan-dahang umiling. Napasinghap ito sa kaalamang
hindi niya pala gusto si Mommy Steph. Tumingin siya sa mga mata nito.
“I
just don’t like him ‘mmy. I love your son.” gumaralgal ang tono ng boses niya
at ito naman ay nakahinga ng maluwag, “pero, sobrang dami na niyang naitulong
sa akin para hindi ako tumupad sa pinag-usapan. Napaka-sakim ko naman kung ipagkakait
ko sa kanya ang kalayaan niya alang-ala sa pagmamahal ko para sa kanya. He is
in love with somebody ‘mmy. And I’m sure that woman can give the real happiness
to him. Not me.” pinilit niyang ngumiti kahit na ang katotohanang iyon ay
malakas na sumasampal sa kanya. Ngumiti sa kanya si Mommy Steph pero hindi iyon
umabot sa mga mata nito.
“I
understand you. You gave me realization noong mag-usap tayo sa resto. I
shouldn’t force him to marry somebody that I liked dahil hindi na rin ako maiiba
sa mga magulang ko kung ganoon. I just thought that it would be fine with him
pero hindi ako nagtagumpay, at hahayaan ko na rin siyang lumigaya at mag-decide
on his own.” tumango siya. Agad niyang pinalis ang nakaambang na luha sa mga
mata niya. Tumabi sa kanya ito at niyakap siya. “I will miss you Jo. You’ve
been a good daughter to your mom, good auntie to your niece, good friend to my
son, and good daughter-in-law of mine in a short time. Thank you.” gumanti siya
ng yakap rito at napaiyak. Tinawagan na nito si Jordan. Sinabi ng huli na
papunta na raw ito kaya kinakabahan siya.
Dumating
na si Jordan sa bahay. Pinagmasdan niya ang bawat galaw nito. Halo-halong
emosyon ang nakapinta sa mga mata nito. Hindi niya ba mahinuha kung galit ba iyon,
lungkot, saya, o hindi niya alam. Umupo na ito sa tapat niya. Parang pinupunit
ang puso niya nang nilabas na ni Mommy Steph ang kontrata.
“Jordan,
I’m gonna be the witness for your official separation from today onwards.
Kinukumpirma mo na ba ang hiwalayan ninyo ni Jo?” nakatingin lang siya rito.
Nananalangin siya na humindi ito pero imposible iyon dahil mahal nito si Mitch,
at iba ang mga titig nito sa nobya. At ang mga titig nito sa kanya ay parang
isang kapatid lang o kaibigan. Ngunit sumilid sa isip niya ang dalawang beses
nilang halikan, that must be something special, pero ayaw nalang niyang bigyang
kahulugan iyon. Nagtama ang mga mata nila ni Jordan, kahit gusto niyang umiwas
ay pinilit niyang huwag dahil napaka-importante ng sandaling iyon para sa
kanya, dahil huling pag-uusap na nila ito.
“Sure.”
maikling sagot ni Jordan habang blanko ang ekspresyon ng mukha at mga mata
nito. Nangilid ang luha niya. Sabi ko na
eh, I’m nothing but a friend for this man. But still I wanna thank him so much.
Tumingin siya kay Mommy Steph. Mukhang disappointed din ito pero wala naman
silang magagawa. Inabot na nito iyon sa kanya at ang ballpen. Nagsimula na
siyang pumirma. Pinigil niya ang nag-uunahang luha sa mga mata niya at ang
panginginig ng kamay niya. From this day
forward, I’m no longer future Mrs. Versace. Matapos niyang pirmahan ay
hinubad niya sa daliri ang emerald ring, pagkatapos ay umalis na rin agad si
Jordan ng bahay. Walang huling sulyap at huling mensahe para sa kanya. Why is
she still expecting something? Gumuho na ang lahat ng tapang niya at bumuhos
ang iyak niya habang niyakap naman siya ni Mommy Steph.
“Mmy,
it doesn’t mean na kaya ako pumirma dahil hindi ko siya mahal. Ang totoo, mahal
na mahal ko siya at handa akong palayain siya kahit na sobra akong nasasaktan.”
napahagulhol siya.
“Sshh..
I know, darling. I know.”
Pagkatapos
ng madamdaming usapan ay umuwi na siya sa kanila, sinabi niya sa nanay niya ang
lahat ng nangyari. Nagulat ito at sobrang nadismaya pero pagkaraan ay isa na
rin itong ina na nauunawaan ang nararamdaman ni Jordan.
No comments:
Post a Comment