CHAPTER 10
MASAKIT
mang isipin na wala na siyang fiancé. Ayos na rin siguro dahil malaya na ito
ngayon, at iyon ang importante. Nagpi-pinta siya ngayon. Big opportunity ang
nangyari sa kanya nitong nakaraang linggo matapos ang separation nila ni
Jordan. Kinuha siyang main paint artist sa isang magandang museum kaya naman pinagbubutihan
niya iyon.
Pumunta
siya sa coffee shop pagkatapos magawa ang ilang projects niya. Gusto niyang
mag-relax. May dalawang pamilyar na tao ang pumasok sa coffee shop. Nakangiti
ang mga iyon sa kanya habang papalapit sa kanya.
“Kumusta
na Jo? Can we share a table with you?” nakangiting tanong sa kanya ni Dominic.
Tumango siya at ngumiti. Nasa tapat na niya ang dalawang kaibigan ni Jordan na
sina Vash at Dominic.
“I’m
fine. Hmmn, I guess meron kayong date at pareho niyong hinihintay ang mga dates
niyo. Am I right?” aniya saka sumimsim ng kape. Ngumiti ang mga ito at umiling.
“ha? Wala kayong date? Uhmm, isa pang guess..nai-stress kayong dalawa kaya
nagpunta kayo rito?” ngumiti ulit ang mga ito at umiling. “okay, wala na akong
maisip na iba pa. What is it?”
“Si
Jordan.” sabay na wika ng mga ito. Kumunot-noo siya at gumuhit ang pag-aalala
sa mukha niya.
“W-what
happened to Jordan?” mahinang usal niya habang nakatingin sa mga ito.
“May
gusto kaming linawin sayo Jo. Tiyak, magagalit talaga sa amin si Jordan kapag
nalaman niyang sinabi namin sayo ‘to.” ani Vash na parang kinakabahan.
“A-ano
ba ‘yon? Nakaka-kaba naman eh..”
“Naaalala
mo pa ba noong pirmahan mo ang separation ninyo ni Jordan?”
“Oo
naman. At paano niyo nalaman ‘yon? Mga tsismoso talaga kayo pero that was last
week. What about it? Pwede bang sabihin niyo na?”
“Kasi,
that night, he opened up everything..ipaparinig nalang namin sayo ‘yung
record.” nilabas ni Dominic ang cellphone nito. Binigay sa kanya ang earphones.
Sinalpak niya iyon sa mga tainga niya.
“Tama na ‘yan pre, lasing ka na
oh. Hahatid ka na namin sa pad mo.” boses iyon ni Dominic.
“Ano ba! Will you stop? ‘Pag
ganitong lahat na ay nagkanda-labo-labo.” boses iyon ni Jordan. Nami-missed niya ito
ng sobra.
“Anong nagkanda-labo-labo? Labo
mo eh. Ang ayos mong dumating dito tapos ngayon sasabihin mo malabo, gulo mo!”
ani Vash na lasing na rin ang boses. Gusto niyang matawa kaya
napatingin siya sa dalawang kaharap niya.
“What happened? H’wag mong
sabihing it’s all about Mitch, eh ang saya mo nga noong kausap kita sa phone at
sinabi mong nakipaghiwalay na sayo si Mitch after pumunta ni Jo sa pad mo.”
“Teka,
anong pad?” tanong niya sa mga ito.
“Basta
‘yon ang kwento sa amin ni Jordan, after daw nung operation ng pamangkin mo,
pumunta ka daw sa pad niya tapos pag-alis mo, sinabi niya kay Mitch na engage
na siya kaya nakipag-kalas sa kanya si Mitch at nagalit pero masaya siya n’on.
Ituloy mo nalang ang pakikinig.” ani Dominic. Nilagay niya ulit ang earphones
sa tainga niya. Kung ganun, wala na pala
sila ni Mitch before kong pirmahan ang separation, eh akala ko ba gusto na
niyang pirmahan ko ang separation para makalaya na siya at mapakasalan si Mitch
soon?
“Iyon na nga eh. Pagkatapos n’on,
I went to their apartment pero sinabing kaaalis lang daw nito kaya hinabol ko
siya. Gusto ko sana siyang kausapin but I saw her smiling and kissing with
another man.” lumagok ito ng beer. “Ang sakit na makita mo ang mahal mo na may
kahalikang ibang lalaki. I know, she liked that guy. Umasa akong magiging okay
pero tinuloy niya ang pagpirma sa separation namin, siguro..para makalaya na
siya at tuluyan ng makasama ang lalaking gusto niya talaga. I assumed that she
fell in love with me dahil nakikita ko naman ‘yon sa kilos niya pero ako lang
pala ‘yong gago na umaasa.”
“Ganyan talaga ang pag-ibig pre,
kailangan daw masaktan, sana pala nagsuntukan nalang kayo ni Jo kung kailangan
palang may masasaktan.” sa sinabi ni Dominic ay natawa si Vash.
“Mahal ko siya, mahal ko ang
fiancee ko pero hindi ko alam ang gagawin ko.”
Natapos
ang record pero umiiyak pa rin siya sa narinig niyang madamdaming confession ni
Jordan. Naghahalo ang saya at excitement sa puso niya. Binalik niya ang phone kay
Dominic. Kailangan niyang magpaliwanag kay Jordan.
“Mahal
ko rin siya. Mali ang akala niya sa nakita niya. Hindi ko gusto ang lalaking
‘yon.”
“We
believed in you. Kaya nga kami lumapit sayo dahil nagawa mong kumbinsihin siya
na maging doktor na matagal na naming sinasabi sa kanya pero ikaw lang ang
nakagawang pabalikin siya sa propesyon niya at alam namin na ikaw ang
makakapag-pasaya talaga sa kaibigan namin. Nasa clubhouse nila siya ngayon,
gusto mong sumama?” tumango siya.
Pumunta na sila roon. Nag-bell siya sa suite
nito pero walang lumalabas. Nakailang pindot na siya pero wala talaga. Baka
naman umalis na dito kaya bumuntong-hininga nalang siya at tumalikod,
nakakailang hakbang na siya nang magbukas ang pinto.
“Jo?”
nilingon niya ang boses ni Jordan. Na-missed niya ang boses nito. Naka-kunot
noo ito. Kinagat niya ang ibabang labi niya at lumapit rito. “bakit ka
nandito?”
“Pwede
ba kitang makausap?” mahinang tanong niya rito.
“Tungkol
saan?” kahit seryoso ito, napaka-gwapo pa rin at hindi niya na ito ngayon
pakakawalan pa, lalo na at wala ng hahadlang pa sa kanila.
“Ahmm..kasi..gusto
kong sabihing..” nagkamot siya sa ulo niya.
“Importante
ba talaga ‘yan? I have online client. Pinaghihintay ko siya ngayon kaya kung
hindi importante ‘yan, magpa-set ka nalang ng appointment sa secretary ko.” malamig
ang tono ng boses nito. First time niyang narinig ang tinig na iyon dito at
nasaktan siya roon. Pinigil niya ito sa braso. Tinignan siya nito.
“Sobrang
importante nito, I won’t last this day without telling you my real feelings.
Mali ang akala mo sa lalaking nakita mong kahalikan ko. Hindi ko siya gusto at bigla
nalang niya akong hinalikan without any of my permission kaya sinampal ko
siya.” pagkukwento niya.
“Bakit
mo sinasabi ‘yan? I’m not asking for your explanation.”
“Jordan,
please..makinig ka naman, I don’t know how to defend myself pero iyon ang totoo
at ikaw ang mahal ko. Paniwalaan mo naman ako oh..” naiiyak niyang sinabi iyon.
Tinanggal nito ang pagkakahawak niya sa braso nito.
“Umalis
ka na.” napaiyak na siya ng tuluyan sa sinabi nito. Pumasok na ito sa loob pero
hindi niya hinayaang masarhan siya nito ng pinto.
“Jordan..
I’m still in debt with you. I owe you a one last date and one peso. Can I date
you?” malakas na loob niyang sinabi rito habang pinipilit ‘wag nitong isara ang
pinto. Nilabas niya ang piso mula sa bulsa at inabot rito. Tinignan nito iyon.
Matagal bago ito nagsalita.
“If
you want to date me, submit the following requirements..” napa-amang siya roon.
“NSO Birth Certificate, Copy of Driver’s License & SS Card, Current Pay
Stub, Clean drug test & STD screen..” gusto niyang matawa sa pangga-gaya
nito ng linya niya noon.
“Jordan?
Are you serious?” angal niya.
“Nagrereklamo
ka ba?”
Umiling
siya at ngumiti. “Of course not. I want to date you, and I’ll do everything to
get your yes.”
“Good.
Pwede ka ng umalis at simulang lakarin ang mga requirements.” seryoso ang mukha
nito. Gaya-gaya ng style.. Tumalikod
na siya at nagsimulang maglakad.
“Jonnalyn
Concha!” nainis siya sa pagtawag nito ng buong pangalan niya. Naka-simangot
siyang humarap dito.
“Hmmn,
I just want to know if it’s really true that you love me?” nakangiti nitong
tanong, tumango siya at tinignan ito sa mga mata. “then prove it to me.” tumawa
siya ng malakas but still she tip-toed and kissed him. He responsed in her kiss
and smiled at her. “I love you and I have a big trust on you kaya you don’t need
to pass any requirements.” natuwa siya roon. “ikaw lang naman ang malupit
talaga sa akin eh. But no matter how angry I am with you, irritated with you,
and say I’m done with you..I still don’t wanna lose my fiancee. I love you too
Mrs. Jordan Steven Versace.” natawa siya roon at kinilig ng husto. Siniil siya
nito ng halik. “I want to marry you because we both want to, not because they
want to.” Tumango siya roon. Her life now was filled of happiness. Thank God!
“Sino
nga palang nagsabi sayong nandito ako?” tanong nito sa kanya.
“Well,
your two good friends. And they also told me your confessions about your real
feelings for me.” he heartily laughed.
EPILOGUE
DINALA siya nito sa labas ng clubhouse. Nanlaki ang mga mata niya sa nakaparadang kotse doon. Iyon ang favorite car niya sa shop nito.
“Naisip kong gusto mo ‘yan kaya I’m giving that to you now as my special gift.” sobrang natuwa siya at nagpasalamat. “nabilhan na rin pala kita ng DLSR at nalagyan ko na rin ng nude photos ko.”
“What?!” nagulantang siya roon at hinampas ito. Tinawanan siya nito. Niyakap siya nito ng mahigpit. “kapag niyayakap mo ako, I wanna die.”
“I don’t want you to die.” Hinalikan siya nito. Ngumiti siya rito.
“And now you’re kissing me tenderly, I think I wanna live forever..” ngumiti ito sa kanya. “thank you for giving me your second to love you and I’ll make sure that I’ll make that second last a lifetime.”
“That’s so sweet, love..” then they sealed with a kiss.
***WAKAS***
No comments:
Post a Comment