Ten Pesos To Date A Billionaire by Anne Villahermosa


CHAPTER 2

IRITABLE si Jordan habang kasama ang mga kaibigan na sina Vash at Dominic. Pinaayos na niya sa mga empleyado niya ang mga requirements na gusto ni Jo. Naiinis talaga siya sa babaeng iyon, kahit kailan immatured at playful. Hinding-hindi niya talaga gugustuhin na makasama ang babaeng iyon sa buhay niya. Sa kabilang banda ay masaya rin naman siya dahil nagkaroon ng pagkakataon para si Jo na mismo ang kumalas sa engagement contract nila. Ngunit nagtataka rin siya dahil hindi ito lumapit sa Mommy niya para humingi ng pera o kaya naman gumawa ng malaking eskandalo para makahingi sa kanya ng pera. Well siguro, inabutan ito ng hiya kaya ganoon.

“Ano namang kabaliwang requirements ang pinaaayos mo sa mga empleyado mo, Jordan?” tanong ni Dominic. Sa kanilang tatlo, siya lang ang doktor ang propesyon pero matagal-tagal na rin niyang hindi nagagamit ang pinag-aralan dahil sa isang personal na dahilan. Ngayon ay naging businessman na rin siya ng Versace Cars Corporation at automobile car designer siya ng kumpanya. Marami ang nanghinayang sa pagdedesisyon niyang umalis sa ospital kahit ang mga kaibigan niya ay lubos na pinanghinayangan iyon.

“None of your business.” aniya saka sumimsim ng alak. Hindi niya gagawing aminin sa mga ito na requirements iyon ng fiancee niya. Alam ng mga ito ang tungkol sa engagement nila ni Jo pero hindi rin naman siya kinukulit ng mga ito dahil naiinis siya kapag pinag-uusapan ang babaeng ‘yon.

“Hmmn. Kumusta na nga pala kayo ni Joy?” tanong naman ni Vash. Binatukan ito ni Dominic.

“Hindi Joy ang pangalan n’on. Jo! ‘Diba?” tumingin pa sa kanya si Dominic para hingin ang confirmation. Hindi siya sumagot at uminom lang muli ng alak. “oo nga pala pre, musta na kayo n’on?” umiling siya. Tumawa ang mga ito. “problemado ka pa rin ba sa kanya? Maganda naman ‘yon si Jo ah? Maliit nga lang tsaka mataba.” nagtawanan ang mga ito. Hindi nalang niya pinansin ang mga iyon sa pang-aasar. Iniisip niya ngayon si Mitch dahil hindi pa siya nito tinetext o tinatawagan man lang.

“Oy Dominic, ‘wag mong ginaganon si Jo, nasasaktan ‘yan si Jordan. Mamaya sapakin ka nalang niyan, in love na in love pa naman doon si Jordan.” ani Vash na ikinatawa na naman ni Dominic.

“Tumigil nga kayo.” naiinis niyang saway sa mga ito. “Mitch still hasn’t called.”

“Bakit? Nag-away kayo?”

“Wala.” inubos na niya ang alak sa baso niya at pagbalik niya sa kompanya ay okay na ang mga result at kumpleto na ang mga requirements ng magaling niyang fiancee.

TAGUMPAY ang ngiti ni Jo habang nagbabantay kay Fia. Namanipula niya si Jordan. 
Nakakatuwa naman kung iko-comply talaga nito ang mga requirements na hiningi niya. 
Hinihintay niya ngayon na dumating ito o kumatok sa kwarto nila. Maya-maya ay may kumatok na nga. 

Ang nanay niya pala at kasunod si Jordan. Ngumiti siya sa mga ito.Nakangiti rin ang nanay niya habang pinatuloy si Jordan sa loob. Nilapag ni Jordan ang mga prutas at bulaklak para kay Fia. Nakatingin lang siya kay Jordan.

“Nagkasabay kami sa pag-akyat dito anak. Gumwapo ka lalo Jordan..” puri ng nanay niya kay Jordan. Ngumiti lang si Jordan. “binibisita mo ba si Fia? O si Jo?” may halong panunukso ang pag-banggit ng Nanay niya sa pangalan niya. Si Nanay parang teenager daw.

“Pareho po Ma.” ani Jordan. Tumingin ito sa kanya, ngumiti siya rito at nag-thumbs up. Ang Nanay naman niya ay natawa na may halong kilig, hindi niya alam kung para saan iyon. Wala naman kasing nakakakilig. Nakita niya ang hawak nitong folder kaya naman halos matawa siya. “ahh Ma, mag-uusap lang po kami sa labas ni Jo.” pamamaalam nito sa kanyang Mama.

“O sige-sige anak. Ako na ang bahala dito kay Fia.” tumango sila at lumabas. Binigay nito sa kanya ang folder. Clear naman ang drug test & STD screen nito at na-comply talaga nito ang mga requirements niya. Ngumiti siya rito. Umupo sila sa mga upuan roon.

“Kailangan pa kitang interviewhin ‘diba?” tanong niya rito.

“Ha? Anong interview?” kumamot ito sa ulo.

“Yes. O, ‘wag ka ng umangal. Last step mo na ‘to. Ito ang first question, bakit gusto mo akong i-date? Dapat convincing ang sagot mo ah. Dahil kung hindi, hindi ka maka-qualified.” she teasingly smiled at him, he looked at her as if telling that she’s weird.

“Alright. Hmmn, gusto kitang i-date para mas makilala pa kita.” sa puso niya ay parang may kakaiba, parang tumatagos ang mga salita nito, siguro nga weird lang talaga siya. Dinaan nalang niya sa tawa iyon. Siyempre naman Jo, ginagawa niya lang ‘convincing’ yung sagot niya, gaya ng utos mo, ‘diba? Yeah right.

“Second question, ahmm anong mga katangian ko ang nagustuhan mo para piliin mo akong i-date?” nae-excite siyang malaman iyon. Kumamot ulit ito sa ulo.

“Hmm..kasi, maganda ka, sexy, hot, napaka-extradordinary, tsaka sobrang bait.” may diin pa yung ‘sobrang bait’ kaya natawa uli siya doon. Alam naman niyang complete opposite niya ang lahat ng description nito para sa kanya pero matutuwa pa rin siya.

“Ikaw naman! Masyado mo namang pinalaki ang ulo ko.” aniya habang tumatawa. “Pero, marami na nagsabi niyan ha-ha. Anyway, ito, third and last but not the least question, nabayaran mo na ba ang mga gastusin para sa araw na ito kay Fia?”

“Yes Ma’am.” sapilitang ngumiti ito. Tinapik niya ang balikat nito.

“Good! Tara na! Ihatid mo na ako sa amin para makapagbihis na ako. Okay?” wala na itong sagot at sumunod lang ito sa kanya. Hinatid na siya nito sa kanila at hinintay siyang makapagbihis. Hindi nga niya alam kung anong isusuot niya eh. Sinuot nalang niya ang kupas na asul na pantalon niya at stripe black and white shirt niya. Dinala niya rin ang DSLR camera niya. Bumaba na siya.

“Yan ang suot mo?” napatayo nitong sinabi at hinaguran siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla naman siyang na-conscious at pinamaywangan niya ito.

“Oo naman! May problema ka ba?”

“Wala naman. You just look rug.” pangi-insulto nito sa kanya. Lumapit siya at piningot ang tainga nito. “aray ko!” anito habang hawak pa ang nasaktang tainga.

“H’wag ka ng maarte, wala talaga akong magandang damit. Tara na!” hinatak niya ang kamay nito.

“Oy, oy, oy..nasaan ang one thousand pesos?” ay! oo nga pala...basta talaga pera, parang nagta-transform itong bumbay na hindi makalimot ng utang.

“Ah? One thousand? W-wala tayong pinag-usapang ganon ah!” pakunwa niya habang masama ang tingin rito.

“Meron! Akin na..” pinaikot niya ang mga mata niya at dumukot sa bulsa. Inabot niya rito ang piso. Nagulat ito roon. “ano ‘to? Bakit piso?!”

“Eh sa wala nga eh. Aangal ka pa? Teka nga, ayaw mo ba? Akin na nga, akin na nga!” pilit niyang kinuha rito ang piso ngunit hindi na nito iyon binigay pa. “wala nga akong pera! Ang kulit-kulit mo! ‘Wenong gusto mo? Piso o wala?”

“Hay nako! Tatanda talaga ako ng maaga kapag ikaw ang kausap ko.” tapos hinaltak na nito ang braso niya palabas ng apartment na tinutuluyan nila. Sumakay na uli sila sa magarang sasakyan nito. Pumunta sila sa isang mamahaling seafood restaurant. Um-order siya ng maraming putahe. Naubos din naman niya iyon dahil malakas talaga siyang kumain.

“People are looking at you. Hindi ka ba nahihiya? Paano, ang takaw mo.” mahinang komento nito sa kanya. Inubos niya lang ang iniinom niyang soft drink.

“Eh ano naman? Ang sarap-sarap kaya nitong mga pagkain. Hindi ako araw-araw nakakakain ng ganito ‘no! Mabuti nalang talaga at niyaya mo akong mag-date kundi hindi ko matitikman ang mga putaheng ito hanggang mamatay ako.” binuntutan niya pa iyong ng tawa.

“Kaya hindi ka pumapayat kasi kahit ano kinakain mo.” akmang kakainin niya ang balat ng hipon nang sawayin na naman siya nito. “H’wag mong kainin ‘yong balat. Ano ka ba naman!”

“Bakit ba? Kasama ‘to sa tinimbang..kasama ‘to sa binayaran ‘no!” dinuldol niya pa sa bibig nito ang balat ngunit inalis nito iyon at sinamaan siya ng tingin.

“Bahala ka..babara ‘yan sa lalamunan mo.”

“Eh ano naman? Ikaw ba mababarahan sa lalamunan? Ikaw Jordan ah..napaghahalataan kang may gusto sa’kin. Concern ka eh.” sabay tumawa siya ng malakas. Hindi nalang ito sumagot sa kanya para ‘di na humaba ang diskusyon nila na tiyak wala rin naman itong panalo sa kanya.

Dumako ang tingin niya sa mukha nito. Hindi niya madalas titigan ang mukha ni Jordan dahil naa-awkward siya at medyo naiilang dahil nga ubod ito ng gwapo. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya akalaing maie-engage siya sa isang bilyonaryong gwapong lalaki—antipatiko nga lang. Kumibit-balikat siya.

“Okay lang ‘yan Jordan. Aminin mo na sakin na gusto mo ko, ano ka ba! Walang malisya sakin ‘yon. Tsaka, mag-fiancĂ© naman tayo eh.  ‘Diba? Normal lang ‘yon na nagkaka-crush tayo sa isa’t-isa. Well, baliktad nga lang sa atin. Yung iba, nauuna muna yung crush-crush tayo nahuhuli. Better late than never, right? Tsaka, engage muna bago crush..uso na ‘yon, ano ka ba!” tumawa pa siya pagkasabi niyon. “Funny.” sarkastiko nitong sinabi. Ngumiti lang siya rito. 

Naubos niya ulit ang mga tira-tira pang pagkain at napadighay siya ng malakas. Huli na ang lahat nang takpan niya ang bibig niya kaya naman nagsilingunan ang mga tao sa kanya. Sinamaan siya ng tingin ni Jordan. Nag-peace sign siya rito at humagikgik. Napailing nalang ito.“Ano palang balak mo bukas? Nood tayong sine! Oh my God! Maganda yung Frozen.” excited niyang suhestiyon rito. Halos magdikit ang mga kilay nito.

“Anong feeling mo naman sa sarili mo? Five years old? Twenty five ka na dapat yung pang-matured ‘yong panoorin natin kung magsi-sine nga tayo.”

“Eh ayoko, alam ko naman ang mga gusto mo eh, mga action, horror, suspense. Ayoko nun, puro pikit lang ang gagawin ko sa sinehan ‘pag ganun ang palabas.Basta, basta, basta, let’s go for Frozen!” pilit niya rito. Umiling ito.


“Ako ang magdedesisyon dahil ako naman ang nagbabayad.” anito, sumimangot nalang siya roon. Pagkatapos n’on ay umuwi na rin naman sila.

No comments:

Post a Comment