Ten Pesos To Date A Billionaire by Anne Villahermosa


CHAPTER 4    
                                                         
NAG-UMPISA na ang fashion show. Bawat modelo ay kinukuhaan niya. Balak niya sanang hindi kuhaan ng litrato si Mitch kaso lang siya naman ang mapapagalitan kaya binarabay niya nalang pagkuha dito ng litrato.Naiinis kasi siya rito. Subalit ‘di rin naman niya alam kung bakit ganoon nalang din ang inis niya sa babae.Nakita niyang masayang-masaya si Jordan habang pinapanood si Mitch na rumarampa, kulang nalang ay mag-dala ito ng banner at magsama ng mga cheerleaders eh. Napaismid nalang siya.Are you jealous, Jo? Me? Of course, not?

Proud na proud si Jordan nang matapos ang fashion rampage ni Mitch. Napabuntong-hininga lang siya, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Maya-maya ay pumunta sila sa convention area. Para sa isang magazine company ng OMG ang mga new trends of looks na iyon. Magaganda nga talaga ang mga bagong disenyo ng mga damit na iyon pero maganda rin ang presyo. Minsan naisip niya rin na magsuot ng mahahabang damit na iyon kaso lang ay hindi siya katangkaran at may katabaan siya pero okay lang at least ay hindi siya buto’t-balat katulad ng mga modelong rumampa kanina na halos buto nalang.

Matapos kumain ay magpapahinga na sila sa isang exclusive hotel roon. Big break sa kanya ang OMG Magazine, mukhang nagustuhan naman ng mga iyon ang shots nila ng mga co-photographers niya. At bukas naman ay uuwi na sila kaya gusto nilang mag-enjoy muna kaya nagkakayaan sila ni Jelly na magpunta sa tabing-dagat.

“Jo!” nilingon nila ni Jelly ang tumawag sa kanya. Si Mitch iyon, napansin niyang hindi nito kasama si Jordan. “how’s my pictures? Are all they beautiful?” nagpa-cute pa ito habang nagtatanong. Bukod sa selos na nararamdaman niya ay naiinggit siya ng husto kay Mitch dahil angkin nito ang mga katangiang gugustuhin ng mga lalaki, especially si Jordan.

“Well, maganda ka naman talaga kaya dapat hindi mo na tinatanong ‘yan.” tinatamad niyang sagot rito. “I’m so glad na marinig ‘yan sayo Jo. Thank you ah. Why don’t you like to come with us? May dance party kami doon malapit sa may cottage. All are invited. Tara?” maarteng yaya ni Mitch. Tatanggi sana siya kaso lang ay um-oo bigla ang katabi niyang si Jelly, siniko naman niya ito.

“Jo, sige na. Ang ga-gwapo ng mga modelo doon. Malay mo maka-sungkit. Tara na..” bulong pa sa kanya ni Jelly. Wala na siyang nagawa kundi sumama sa mga ito. Nagsisisayawan ang mga ito doon. Siya lang at si Jelly ang naka-white t-shirt, lahat na ng babae ay naka-two piece. Maya-maya ay may lumapit na kay Jelly para isayaw ito. At hindi rin nagtagal ay may lumapit din sa kanyang lalaki para isayaw siya.

Sumayaw sila ng modelong iyon. Matangkad at moreno iyon kaso lang ay mukhang playboy pero okay na rin at least gwapo.

“I’m Cameron Silva. And you are?” nakangiting tanong nito. Naku, mukhang mano-nose bleed yata siya sa isang ito. Hindi pa man din siya kagalingan sa Ingles.

“I’m Jonnalyn, call me Jo.” nakangiti rin niyang sagot rito.

“I bet you were one of the photographers awhile ago.”

“Yes.”

“I like your smile and wow, I’ve never seen an eyes like a star, it shines and glows.” pagku-compliment nito sa kanya. Na-overwhelm naman siya roon at ngumiti siyang muli rito.

“Thank you. You, too, your abs are very intriguing?” sabay tumawa pa siya. Hindi niya kasi alam kung paano gaganti ng compliment rito at hindi niya rin alam kung anong term ang gagamitin. 
Tumawa rin ito at maya-maya ay hinapit na siya nito sa baywang. Nagulat siya roon. Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Akmang hahalikan siya nito nang may humablot sa kanya palayo roon. Nagulat siya nang mapagtantong si Jordan iyon. Malayo na sila sa cottage.

“What do you think are you doing?” may himig na pinaghalong galit at inis ang tono ng boses nito. Sinamaan niya ito ng tingin.

“Sumasayaw kami.” tinuro niya pa ang may kalayuang cottage. “Ano namang masama doon?”

“Sumasayaw? Eh naghahalikan na kayo? At ang lapit niyo sa isa’t-isa!” mas galit ang tono ng boses nito kaysa nakaraan. At hindi niya rin maintindihan ang kinagagalit nito sa kanya ngayon.

“Naghahalikan? Gusto mong batukan kita? Maghahalikan palang kami, um-epal ka lang!” sigaw niya rin dito dahil sinisigawan siya nito. Napabuga ito ng hangin at umiling.

“At magpapahalik ka naman?” pinamaywangan siya nito, bakas ang galit sa mukha nito. Hindi naman siya makapapayag na kontrolin siya nito. Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay.

“Eh ano naman sayo?” hindi ito nakaimik agad. Gumalaw ang panga nito.

“At ‘yang suot mo! Bakat na bakat ‘yang bra mo! Kahit ba kauting hiya sa sarili ay wala ka?” parang diring-diri ito habang pinagmasdan nito ang kabuuan niya. Nagta-taas-baba ang dibdib niya sa pagpipigil ng galit rito at gumilid na rin ang luha sa mga mata niya.

“Bakit mo ba ako laging ikinahihiya? Ako naman ang gumagawa ng sarili kong kahihiyan ah?! Ba’t ba ang laki ng issue mo sa buhay? Eh ano naman kung bakat itong bra ko sa t-shirt ko? Ba’t ‘yung girlfriend mo hindi mo pagsabihan sa suot niyang two-piece ngayon? Hindi ka lang antipatiko, pakialamero ka pa! Diyan ka na nga!” galit niyang sinabi rito sabay umalis na siya sa harap nito at bumalik nalang sa suite niya at nag-shower. Bumagsak na ang mga luha sa mga mata niya, bakit ba siya nakikialam sakin? Pinakialaman ko ba siya? Lagi nalang mali ang nakikita niya sa’kin.

KINABUKASAN ay nag-ayos na ang lahat. Sumakay na siya sa van. Hindi na rin niya nakita kanina si Jordan at si Mitch. Tinanong rin siya ni Jelly kung sino ang lalaking humila sa kanya kagabi, hindi niya sinabi rito iyon dahil ayaw niyang malaman nitong may fiancé na siya at baka makaabot pa hanggang kay Mitch. Hindi niya alam kung bakit malungkot siya hanggang pag-uwi kahit na nabayaran siya ng malaki sa service niya. Tinanong niya ang kalagayan ni Fia, umaayos-ayos naman daw pero minsan ay iniinda pa rin nito ang sakit lalo na kapag ini-injection-an ito sa dextrose ng gamot.

Umuwi muna siya sa apartment. Matapos kumain ay kinuha niya ang camera, kaka-next kaka-next ay nakita niya ang mga pose ni Jordan. Napakagwapo talaga ng fiancé niya pero naiinis siya ngayon dito. Pero nagtataka rin siya kung bakit ganoon nalang ang inasal nito at ganoon na rin lang din ang pakiramdam ng puso niya tuwing makikita ito. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Pinagbuksan niya iyon. Nabigla siya nang makita si Jordan na nakatayo sa pintuan. Hayun na naman ang mabilis na tibok ng puso niya, para siyang aatakihin.

“O anong ginagawa mo dito?” seryoso niyang tanong rito. Tumuloy na ito sa loob. Humingi  ito ng tubig, kahit naiinis siya ay inabutan pa rin niya ito ng tubig.

“Get ready, we’ll be dating.” anito. Nagulat siya sa sinabi nito pero sa kabila niyon ay tuwang-tuwa ang puso niya. Halos gusto niyang tumalon sa tuwa.

“Anong date?” maang-maangan niya.

“Third date! Hindi pa tapos ang usapan natin ‘diba?”

“Ayoko. I’m not in the mood.” pakipot niya at umupo sa sofa. Tumayo ito sa kinauupuan nito at pumunta sa harap niya.

“Magbibihis ka o ako ang magbibihis sa’yo?”hindi niya gustong pag-isipan ng malisya ang sinabi nito ngunit inismiran niya lang ito at umakyat na sa hagdan. Takot naman yata siyang bihisan nito. Gusto tuloy niyang matawa sa isiping iyon.

“Jonnalyn, bilisan mo ah?” pahabol pa nito ngunit ‘di niya ito pinansin at tuloy-tuloy na umakyat. Pagkaakyat niya ay hindi niya na napigil ang mapangiti. May tuwa sa puso niya dahil magdi-date uli sila. Masaya siya pero ayaw niyang ipahalata rito dahil nakakahiya naman kung malalaman pa nitong ngayon lang siya manghihinayang.

Pumunta sila sa isang rock band concert. Nag-enjoy naman silang dalawa kaya pagkatapos ay hiniling niyang mag-ice cream sila sa isang ice cream shop. Tuwang-tuwa siya nang pumayag ito. At nagulat pa siya nang kumain din ito.

“Ang mahal ng ice cream dito ‘no?” aniya habang nilalantakan ang ice cream.
“Hindi naman. Bilyonaryo pa rin naman ako kahit ilang ice cream pa ang i-order mo.” pagyayabang nito. Umirap siya pero natatawa siya.“May gagawin ka ba bukas?”

“Wala pa. By next week pa ako magiging busy. Bakit?”

“Fourth date natin bukas.” nanlaki ang mga mata niya sa tinuran nito. Ano naman kaya ang nakain nito at napaka-bilis magyaya?

“Saan?”

“Wala pa akong naiisip.”

“May naisip ako. Punta tayo ng zoo..”

“Zoo?! You’re not five years old.”

“Pagpapasensyahan mo na ko Jordan. Hindi kasi ako nakaranas niyan noong bata pa ako kasi hindi naman ako mayaman tulad mo. Sa TV lang ako nakakakita ng mga animals, well..noong makilala kita. First time kong makakita ng chimpanzee kaya ‘yon, ikaw ang unang hayop na nakita ko sa personal.” natatawa niyang sinabi dito. Kumunot-noo ito at pinitik siya nito sa ilong. “aray ko! Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah!”

“Hindi kita dadalhin sa zoo bukas kapag inasar mo pa ako.”

“He-he, joke lang. Ito naman talaga, ‘di na mabiro kahit kailan. Siyempre naman ikaw yata ang pinaka-cute na fiancé ko. Naks!” aniya tapos sumubo uli ng ice cream.


“Kapag ikaw ang nagko-compliment, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo o maiinsulto eh.” tinawanan nalang niya ito. Marami-rami din silang napagkwentuhan at napagkatawanan. At masaya siya roon na parang tila achievement iyon dahil sa wakas ay natuto nang tumawa si Jordan.

No comments:

Post a Comment