Ten Pesos To Date A Billionaire by Anne Villahermosa


CHAPTER 5

DALA niya ang DSLR habang naglalakad na sila ni Jordan sa zoo. Nage-enjoy siya sa mga animals na nakikita niya. Kumapit siya kay Jordan at pinicturan niya silang dalawa.

“I’m not ready with that shot. Akin na nga ‘yan!” kinuha iyon sa kanya ni Jordan. Maya-maya ay ito na ang nag-take ng picture sa kanilang dalawa. Kinuhaan siya nito ng mga litrato kasama ang iba’t-ibang mga hayop. Natutuwa siya kahit na medyo natatakot. Kinuhaan niya rin ito ng litrato.

Inabot sila ng hapon sa kakaikot. Namamangha siya napakaraming hayop at marami sa mga iyon ay ngayon niya lang nakilala. Nang makakita siya ng chimpanzee ay agad siyang nagpakuha ng litrato kay Jordan. Kinuhaan din niya ng litrato ito doon. Tumawa siya pagkatapos niyon.

“Jordan! Magkahawig na magkahawig kayo ng chimpanzee.” pang-aasar niya rito habang ‘di na magka-igi sa katatawa.“Alam ko na! May idea ako kaya kayo magkahawig, sa next life mo isa kang chimpanzee. Naks! Ngiti ka na diyan! O, lugi ka pa ba?” inaasahan niyang maiinis na naman ito ngunit natawa nalang sa kanya.

Maya-maya nang magutom silang dalawa ay kumain na sila sa nadaang restaurant. Habang sine-serve ang mga pagkain sa kanila ay natatawa pa rin siya habang tinitignan ang mga kuha nila.

“Patingin naman!” ani Jordan. Ngumiti lang siya dito at hindi iyon binigay dito. Tumabi ito sa kanya at sabay nilang tinignan ang mga pictures, natatawa naman sila at nag-aasaran sa bawat kuha nila.

“Ang pangit mo mag-picture...” aniya kay Jordan.

“Aba! Natural, hindi ako photographer, tsaka ang sabihin mo pangit ka talaga!” hinampas niya ito ng malakas kaya napa-aray ito sabay tumawa. Matapos kumain ay nagkwentuhan muna sila.

“Gusto ko sa fifth date, mag-mall tayo.” suggest niya rito.

“Ano namang gagawin sa mall?”

“Wala. Bibilhan mo ko ng mga damit. Tatlong t-shirts lang ang meron ako at dalawang pants at mga pambahay na ‘yong iba. Have mercy on me, para naman maganda ako kapag nagdi-date tayo, ‘diba?”

“Ayos ka ah. Gagawin mo pa akong sponsor mo.” tinawanan niya lang ito at ‘di na rin naman ito nag-react pa. Natutuwa siya dahil kahit anong klaseng kabaduyan ang mga sina-suggest niya ay ayos lang dito dahil wala rin naman itong mai-suggest na pupuntahan nila.

“Oo nga pala Jonnalyn!—“                    

“Grabe naman ‘to! Maka-Jonnalyn wagas! Jo nalang kasi..” angal niya rito. Tinawanan siya nito.

“Oo nga pala, nasaan na ‘yong bayad mo? Simula noong second date, hindi ka na sa akin nagbayad ah?”

“Ganun ba? Grabe talaga ‘to. Basta utang hindi nakakalimot. Eto na, ‘di makatulog!” kumuha siya sa wallet niya ng limang piso at binigay dito.

“Ano ‘to?”

“Bayad ko! Oh, hanggang sixth date na ‘yan ah. Lugi ka pa?”

“Limang piso?”

“Ay hindi, sampung piso ‘yan! Nakikita mo namang limang piso ‘diba?”

“Jo? Usapan natin, isang libo ah?”

“Tinanggap mo naman yung piso noong first date ah? Tapos ngayon, ang laki ng angal mo?”

“I don’t know what to do with you anymore.” wala nalang itong nagawa at binulsa iyon. Pagkatapos niyon ay hinatid na rin siya nito pauwi. Tumuloy naman siya sa ospital matapos magpahinga. Bumili siya ng mga prutas at pagkain para kay Fia. Bumubuti naman ang lagay ni Fia. Minsan lumalabas talaga siya ng kwarto nito kapag umiiyak ito sa sakit. Nai-imagine pa nga lang niya na nirayuma siya minsan ay sobrang sakit na, ‘yon pa kayang lahat ng buto mo ay masakit? Isa pa, naiiyak siya kapag nakikitang sobrang nagtitiis ang pamangkin niyang iyon. Ang nakuha niyang pera noong engagement nila ni Jordan ay ipinangpagamot lang iyon kay Fia. Sa lahat ng sakripisyo niya ay hindi siya nagsisisi dahil para naman iyon kay Fia. Buong buhay siyang magsisisi kapag hindi niya natugunan ang pangangailangan nito.

Nag-ring ang cellphone niya. Nagulat siya dahil si Jordan iyon. Sinagot naman niya iyon.

“Hello, o bakit?” tanong niya rito sa kabilang linya.

“Naisip ko lang magpasama sayo ngayon dito sa supermarket.”

“Fifth date?” na-excite niyang tanong dito.

“Oo. Dapat in ten minutes nandito ka na sa supermarket. Ayokong naghihintay ako.”

“Aba, sosyal ka ah! Mamumuti muna mga mata mo bago ako makarating diyan.”

“Edi ‘di nalang kita hihintayin.” angal nito sa kabilang linya.

“Joke lang. Ito na, magte-teleport na ako diya—“ pinatayan siya nito kaya inis na in-off screen ang cellphone. Nagpaalam muna siya sa nanay niya at kay Fia bago pumunta sa mall. Lakad lang naman ang papunta sa mall kaso lang medyo malayo-layo rin at wala din namang jeep na nagsasakay ng pasahero papunta sa mall kaya no choice. Mainit at nakakapagod maglakad. Kundi nga lang si Jordan ang nagyaya, malamang hindi siya pupunta. What does it mean Jo? Nagugustuhan mo na talaga ang fiancĂ© mo?natural lang sigurong magustuhan ko ang fiancĂ© ko ‘no! Iyon nga lang magtatapos na rin ang relasyon namin kaya dapat pinipigilan ko din ang nararamdaman ko para sa kanya para wala akong pagsisihan at the end of time.

Nakarating na si Jo sa supermarket. Namamawis talaga siya dahil singkad ang araw kanina habang naglalakad siya. Kulay berde ang nakikita niya at naghahalong dilim dahil siguro sa init kanina. Hindi niya maaninag kung nasaan na nga ba si Jordan. Maya-maya ay may lumapit na sa kanya.

“Ang tagal mo! Twenty minutes kitang inantay, tara na nga sa loob!” tila iritadong boses ni Jordan iyon.

“Teka lang! Nahihilo pa ako..” hinawakan niya ang noo niya at sumandal sa mataas na lamesa doon.

“Nahihilo ka?” tumango siya. Umalis ito, pagbalik ay binigay nito sa kanya ang mineral water. Hindi niya naiwasang kiniligin dahil concern naman pala ito sa kanya.

“Thank you. Tara na!” masigla niyang yaya rito.

“Are you fine, now?”

“Not just okay but very very okay. C’mon?” ngumiti ito sa kanya. Pumasok na sila sa loob ng supermarket. “ano bang gagawin dito? Wala ka na sigurong mga pagkain sa fridge mo ‘no?”

“Hindi. Sinu-supply-an ako every month doon sa pad ko. Ito, para kay Fia itong igo-grocerry natin.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at nasiyahan. Kulang nalang ay yakapin niya ito.

“Talaga? Naku. Salamat ahh. Tiyak matutuwa ‘yon.”

“Oo matutuwa talaga ‘yon. Lalo pa at bigay ng favorite Tito niya.” ngumiti pa ito sa kanya. Close sina Fia at Jordan. Dahil likas sa bata ang katangiang malambing, siyempre mana sa kanya. Natawa siya sa sariling kapritso.

“Favorite Tito, malamang! Ikaw lang naman ang tiyuhin niya kaso, dapat ‘di na rin mag-assume ang batang iyon dahil hindi ka na niyang magiging Tito after..” hindi na niya tinuloy dahil bigla siyang nakaramdam ng lungkot.Ngayon pa kasi sila magkakahiwalay ni Jordan kung kailan naging close niya ito. Naisip niyang baka naman kino-close lang talaga siya nito para mapadali ang proseso ng separation nila. Dahil kapag hindi ito naging okay sa kanya ay baka magbago ang isip niya. Pero hindi naman siya ganoong klaseng tao, meron naman siyang isang salita kaya dapat lang na magtiwala sa kanya si Jordan na tutuparin nga niya iyon.
Nag-umpisa na silang kumuha ng mga pagkaing paborito ni Fia. At mga fresh fruits at malulutong ulam para kay Fia.

“Hoy Jo, mamaya agawan mo pa ng pagkain ang pamangkin ko ah.” natawa siya doon at hinampas ito.

“Siyempre makikikain din ako. Alangan naman ‘yung pasyente ang sarap-sarap ng mga kinakain tapos ‘yung nagbabantay tira-tira lang, edi ako naman ang nagkasakit n’on?” umumis sa kanya si Jordan at kumuha pa ng ibang mga pagkain. “alam mo ba? Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapag-grocerry na puno ang buong push cart na ito?” Natatawa niyang sinabi rito. Dati kasi ay bukod sa maliit na push cart lang ang ginagamit niya kapag namimili, hindi pa puno iyon.

“Masanay ka na kapag mago-grocerry tayo, lagi ng puno ang push cart.” napangiti siya roon at hindi napigil ang matawa.

“Bakit? Ilang beses pa ba kitang sasamahang mag-grocerry? Baka first and last na nga ito eh.” iniwasan niya ang mabahiran ng tonong pagkalumbay ang sinabi niya rito. “anyway, si Mitch? Nagkikita pa ba kayo?”

“Hmm hindi pa sa ngayon, baka next week dahil hectic ang schedule niya ngayon. Marami siyang ina-attend-an na fashion shows.”

“O? Bakit ‘di mo siya sinasamahan?”

“Busy rin naman ako sa trabaho eh kaya sabi ko sa kanya, sa susunod ko nalang siya sasamahan.”

“Grabe ka! Ako, nagagawa mong i-date at samahan pero ‘yung girlfriend mo. Yan tayo eh, favoritism..” sabay tumawa pa siya rito.

“Siyempre naman mas importante..mas importante naman ‘yung kalagayan ng pamangkin mo ‘no.”

“Hmmn. O, paano ‘yan? Hindi mo ko sinunod..sabi ko, ipagsa-shopping mo ko sa fifth date natin pero pinag-grocerry mo lang si Fia.” Nakasimangot niyang wika rito. Tinawanan siya nito.

“Oo nga. Kaya nga tayo nandito ngayon sa mall ‘diba? Ibibili nga kita ng mga damit.”

“Talaga?! Wow! Thank you, thank you. I’m so happy!” na-excite siya doon. Naisip niya ang mga gusto niyang ipabili rito.

Naglakad na sila palabas ng supermarket. Dineposit muna nila sa baggage counter ang mga ipinamili nila para hindi sila mahirapang magbitbit. Pumunta na sila sa mga boutiques para pumili ng mga damit na gusto niya. Maayos naman siyang pumili ng mga damit, pinilit rin siya nitong bumili ng dress pero hindi siya nito napilit dahil bukod sa ayaw niya ay hindi rin naman sa kanya babagay. Kaya naman mostly pants and blouses ang binili niya. Pagkatapos makapamili ay binalikan na nila ang mga dineposit nilang grocerries sa counter at saka sumakay na sa sasakyan.

“Jordan, salamat ah. Ang tagal-tagal ko ng hindi nakakapamili ng damit. College palang ako noong huli akong makabili ng damit na bago kaya naman thank you talaga.”

“All right. Kapag magaling na si Fia, isama natin siya dito sa mall para mabilhan din natin siya ng mga gusto niyang damit at mga laruan.” Natuwa siya doon at bumi-bilib na talaga siya kay Jordan.

“Talaga? Pero walang ‘natin’, ikaw lang..kasi wala naman akong perang pambili eh.” tumawa ito sa kanya.

“What’s mine is yours kaya mayroong ‘natin’.” Di niya mapigilang matawa doon at kiligin pero pinipilit niya ng balewalain ang lahat ng ‘yon. Tandaan mong hindi ka niya mahal Jo, ‘wag mo ng ipilit, okay?

“Sa ngayon, what’s yours is mine pero kapag nagkahiwalay na tayo. What’s yours is no longer mine. Tama ba?” pinilit niyang ngumiti sa kabila ng masakit na katotohanang sinasampal sa kanya. Ginulo nito ang buhok niya.

“Ang dami mong naiisip. Tara na nga at nang makausap ko ang pamangkin ko.”
Nag-umpisa na itong mag-drive. Pinigilan niya ang sariling malungkot na naman. Sa ilang araw na nakakasama niya si Jordan, binabawi na niya ang masasamang paratang niya rito na antipatiko at mayabang ito. Dahil ngayong nakasama na niya ito, asset nalang nito ang pagsusungit at pagyayabang at times pero hindi rin naman siya nito ginagantihan at pinipikon dahil hindi ito lumalaban sa kanya. Ramdam niyang pinipigilan nitong sumagot sa kanya dahil alam din naman nitong wala itong magiging panama sa kanya. Natawa siya sa naisip niya. Tumingin siya kay Jordan, kumunot-noo ito.

“Jordan, naisip ko lang itanong. Alam mo naman sigurong sinasadya kitang asarin, ipahiya, bakit hindi mo pa rin ako pinapatulan?”

“I just don’t want to disrespect any woman because my mother is a good woman.” Napangiti siya roon. Tumaas na naman ang tingin niya kay Jordan sa sinabi nito. Hindi lang ito basta gwapo at mayaman, may angking talino ito at kabaitan. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng selos nang maalala niya si Mitch na mahal na mahal ni Jordan. Maganda ito, modelo, mayaman din, friendly naman at higit sa lahat ito talaga ang babaeng gustong pakasalan ni Jordan. Tumingin siya kay Jordan na focus ang mga mata sa daan. Huminga siya ng malalim at pilit nalang na ngumiti.Sana ako nalang si Mitch.

Nakarating na sila sa ospital. Natutuwa naman si Fia habang kausap si Jordan. Ito rin ang nagpakain dito ng cereals. Natutuwa rin ang nanay niya habang pinagmamasdan ang mga ito. Pwede na kasing maging tatay talaga si Jordan sa istilo nito eh.

“Jo, kailan niyo balak magkaanak ni Jordan?” natawa naman siya sa tanong ng nanay niya na katabi niya lang sa couch.

“Ma? Hindi kami magkakaanak ni Jordan. Alam mo namang, pilitan ang kasal na naganap sa amin eh. Hindi talaga ako ang gusto ni Jordan.”

“Eh bakit close na kayong dalawa bigla-bigla? At ikaw, gusto mo naman ba siya?” nakagat niya ang ibabang labi niya sa biglaang tanong ng nanay niya. Umiling siya habang itinago ang pamumula ng pisngi niya.

“Hindi Ma. Wala rin naman akong gusto sa kanya.” pagsisinungaling niya rito.

“Sana lang totoo ‘yang sinasabi mo ah. Baka naman, tulak ng bibig,  kabig ng dibdib.” Natawa siya roon, minsan niya lang marinig uli ang classic quotation na iyon pero akmang-akma talaga sa kanya.

“Mama naman..” sabay kumamot siya sa ulo.

Habang nagkakatawanan sina Jordan at Fia, bigla nalang umiyak si Fia dahil may parte na naman ditong sumakit dito kaya nagpatawag agad sila ng nurse. Lumabas siya ng kwarto, ayaw niyang marinig ang sobrang pag-aray na naman ng pamangkin niya. Napaiyak nalang siya. Sumunod sa kanyang lumabas si Jordan.

“Bakit ka umiiyak?”

“Lagi naman akong umiiyak eh kapag uma-aray na siya ng ganyan. Mahal na mahal ko ang pamangkin kong ‘yan, at napakasakit sa akin na makita siyang nahihirapan ng sobra. At ayokong makita niya akong mahina sa mga oras na pinipilit niyang lumaban kaya lumalabas ako ng kwarto.” aniya sa gitna ng paghikbi. Niyakap siya ni Jordan. Nakaramdam siya ng libo-libong kuryenteng dumaloy sa mga ugat niya. Pero nakaramdam din siya ng comfort and warmth sa bisig nito.

“Okay lang ‘yan Jo. Isipin mo laging malakas si Fia.” pinatahan siya nito. Umupo na sila sa mga upuan doon. Pinunasan niya ang luha niya.

“Salamat Jordan.”

Buong araw na nagbantay sila kay Fia, kasama niya si Jordan. Alas-siyete na pero hindi pa rin ito nagpapahinga.

“Jordan, alam kong busy ka rin sa trabaho mo. Okay lang naman ako, nandito naman si Mama eh. Umuwi ka na at magpahinga.”

“Okay lang ako Jo. ‘Wag mo kong alalahanin. Ang importante mabantayan..natin si Fia tsaka ikaw..mabantayan na rin kita, mamaya bigla ka nalang mag-faint diyan. Kawawa naman si Mama, dalawa na ang magiging pasyente niya.” natawa siya doon.

“Bahala ka diyan ah. Basta kapag gusto mo ng umuwi, okay lang. You’re free to go.”

“Eh ikaw? Hindi ka pa ba magpapahinga?”

“Nako, in three years na may sakit si Fia, wala na sakin ang pahinga.”

“Paano kung ikaw naman ang magkasakit niyan sa ginagawa mo?”

“Edi sana matagal na akong may-sakit?”

“Hard-headed woman. Dito ka nga! Matulog ka nga muna. Nangangalumata ka na.”

“Saan naman ako matutulog?”

“Sumandal ka sakin.”

“Huh? Ako? Sasandal?” wala na siyang magawa nang ilagay nito ang ulo niya sa balikat nito. Ang bango-bango nito kaya hindi niya naiwasan ang mapangiti.Lord, paano naman po ako makakatulong ng ganito? Nakaka-conscious eh.

“Matulog ka ah. H’wag ka ng madaldal diyan.”

“Opo.” Pagkatapos niyon ay pumikit na siya at nahila nga talaga siya ng antok. Pagkagising niya ay nasa bisig pa rin siya ni Jordan. Nakapikit na rin ito. Naka-akbay ito sa kanya kaya naman kinikilig talaga siya. Tinignan niya ang relo niya. Alas-diyes na pala ng gabi. Tatlong oras na din pala ang naitulog niya. Pinagmasdan niya ang mukha ni Jordan, napaka-gwapo niyon at walang sinabi ang mga nakita niyang ibang lalaki sa buhay niya. Sinandal niya ito sa balikat niya. Naamoy niya ang mabangong buhok nito. Hindi niya napigilan ang sarili niya nang dampian niya ng halik ang noo nito. Kinilig siya roon. Hindi nalang basta pagkagusto ang nararamdaman niya kay Jordan, isa na itong ‘love’ na tinatawag ng marami. Kasalanan niya kung bakit nahulog ang puso niya rito dahil pinabayaan din naman niya ang sarili niyang tuluyang mahulog ang loob dito.

Hindi niya alam kung magsisisi ba siya na tapusin na ang lahat-lahat sa kanila gayong parang ayaw na niya itong mawala sa tabi niya. Siguro naman ay kaya niya. Kung hindi rin naman kasi niya in-offer dito ang separation nila ay hindi rin naman sila magkakasamang dalawa kaya hindi niya pwedeng sisihin si Jordan sa nararamdaman niya para dito dahil choice niya iyon.
Ilang minuto pa ay nagising bigla si Jordan.

“O? Bakit ako na ‘yung nakasandal sayo?” tanong nito.

“Ewan ko sayo. Pag-gising ko nakasandal ka na sakin eh.” pagsisinungaling niya rito. Titignan niya lang naman kung ano ang magiging reaksyon nito. Nanlaki ang mga mata nito.

“Ganon ba? Sorry. Inantok lang talaga ako. Pasensya na talaga Jo.”

Tumawa siya rito. “paalok-alok ka pa sa balikat mo, ikaw naman pala ‘tong inaantok talaga. Aminin mo, naka-katol ka ‘no?” tumawa ito sa kanya. “joke lang, nagising ako bandang alas-diyes, nakasandal ako sayo tapos nakita kong tulog ka kaya naawa ako sayo, naks naawa! Kaya ‘yon sinandal kita sa balikat ko. Be thankful nalang at mabait ako.” pumailanlang ang tawa niya sa pasilyo ngunit inismiran siya nito pagkatapos ay ngumisi.

Alas-tres na, naisip nilang kumain ng cup noodles. Napagkwentuhan nila ang tungkol sa mga business nito. Isa pala itong automobile designer sa Versace Corporation. Malapit sila sa may bay. Uminom ito ng beer at siya naman ay lemon juice lang.

“I don’t know yet your story Jordan. Magkwento ka nga..” at saka siya sumimsim ng lemon juice.

“I don’t know how will I start. Magtanong ka nalang.”

“Hmm tapos ka ng Business degree?”

“No.”

“Eh ano pala?”

“Medicine. Isa akong surgeon at oncologist.” mahusay pala talaga ito kung ganoon.

“O! Eh, bakit ka nasa automobile?” curious niyang tanong.

“I’m not enjoying my profession anymore..” bumagsak pa ang mga balikat nito, animo ay nawalan ng gana.

“Huh? Sayang naman ‘yon, ang laki kaya ng kinikita ng mga doktor, lalo na kung surgeon at oncologist pa. Kung ako kasing talino mo, aba! Kukuha din ako ng doktor ‘no, kaso lang sadyang creative lang ako at pang-arts lang ang kinaya ng utak ko eh, kaya ‘yon.” Natatawa niyang sinabi rito. Kumibit-balikat ito. Tinapos na nila ang pagkain ng noodles.

“Gaya mo lang naman ako ‘diba? Isa ka ring underemployed. Hindi mo ginagamit ang pinag-aralan mo. Fine arts ka pero photographer ka. Tulad ng rason mo siguro, you wanna experience something else, you wanna go out from your comfort zone.”

“Actually hindi ganoon ang rason ko Jordan. I’m not underemployed right now because I’m not anymore enjoying my profession. Nagpe-paint pa rin ako as my part time. If I’m not dating you, malamang nagpe-paint ako para ibenta iyon sa mga shops at museums. Photography is also my part-time job. Wala naman akong permanent job eh, basta kumita ako ng malaki para may pang-suporta ako kay Fia. Ikaw bakit? Mapagkakatiwalaan naman ako kahit na loka-loka ako minsan.” paliwanag niya rito sabay ngumiti.

“Hindi ka lang minsan loka-loka, madalas.” tumawa  siya rito. Huminga ito ng malalim at tumingin sa malayo. “Bago pa tayo i-engage, tumigil na ako sa pagdu-doktor. Minor reason, I was so afraid. Main reason, I killed a child.”

“Ha? Napatay? As in murder? OMG!” she cupped her mouth in a big surprise.

“Hindi. Mukha ba ako murderer? I wasn’t able to save the child, in other words, I let him died. Late na kasi noong dalhin siya sa ospital. All of my patients, they survived in cancer but not that young one kaya sobrang frustrated ako.  I came in so much depression, dumating sa point na hindi na ako pumupunta sa ospital, hanggang natagpuan ko ang sarili kong ayoko ng pumasok sa ospital bilang doktor. Kaya napunta ako sa propesyon na hindi ko rin naman gusto pero wala rin akong choice.” Tumango-tango siya sa kwento nito. Kumibit-balikat ito at bumuntong-hininga. Naiintindihan na niya ito ngayon. Gusto niyang maawa rito dahil hininto nito ang pagiging doktor dahil lang sa isang insidente.

“Kaya pala. Pero hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin napapatawad ‘yang sarili mo?”

“I’d forgiven myself pero still the guilt kept on creeping inside of me. And I have nobody to be blamed, but myself.” Yumuko ito. Nalungkot siya para dito. Hindi talaga ganoon kasimple ang propesyong medisina kaya naman labis ang paghanga niya sa mga doktor na tulad nito. Pero nakakalungkot lang isiping dahil sa isang insidente, maraming mga pasyente ang hindi na nito matutulungan.

“Pero ‘di mo naman sinasadya eh. I’m sure you did your best, malay mo it’s God’s will na kunin na siya dahil tapos na ang misyon niya. Naisip mo ba, pagkatapos ng ilang taon na hindi ka na naging doktor, maraming buhay ka pa sanang nailigtas? I know that child was happy with the love of God right now.”

“How can you say that so? Galit siya sa akin dahil hindi ko siya nailigtas.” naroon pa rin ang takot sa mga mata nito. At parang urge sa kanya na dapat gawin niya ang lahat upang matulungang alisin iyon dito.

“No. People made mistakes, at hindi mo kasalanan kung time na niya. Nobody can stop it except God.”


“Hindi mo ako naiintindihan Jo.” Tumayo na ito sa upuan at kahit anong tawag niya rito ay hindi na ito bumalik pa. Bumuntong-hininga nalang siya. Anong gagawin niya ngayon? Mukhang na-offend yata sa kanya si Jordan. Kailangan niyang mag-sorry dito.

No comments:

Post a Comment