CHAPTER 6
LUMABAS
na siya ng kwarto at bumaba na ng
hagdan. Naisip niyang bumili ng peace offering para kay Jordan. Bumili siya ng
mga cookies para dito. Pumunta siya sa pad nito, pinapanalangin niyang sana ay
nandoon ito. Ang nagbukas sa kanya ay si Mitch. Patay! Itinago niya sa likuran niya ang cookies na dala niya.
“O,
Jo? Bakit nandito ka?” tanong nito sa kanya. Pinasadahan niya ang kabuuan nito.
Magulo ang buhok nito, kalat-kalat ang lipstick nito at mascara. Mukhang
katatapos lang ng mga itong mag—alam-niyo-na. Nasasaktan siya sa isiping iyon,
parang dinudurog ang puso niya. “si Jordan ba ang sadya mo? He’s taking a bath.
Pasok ka muna kaya.”
“Ahh
hindi nalang. Hmm, may sasabihin lang sana ako tungkol sa..hmm..may business
kasi kaming dalawa.” talaga lang Jo ah?
Ano bang business niyo? Mga special appointments sa complete separation?
“Sino
‘yan hon?” narinig nila ang boses sa loob ni Jordan. The muscle on her jaw
flexed, kinakabahan siya. She swallowed the lump on her throat.
“Ahh
hon, nandito si Jo. May business pala kayo, you didn’t tell me about it. May
sasabihin daw siya sayo tungkol doon.” Lumapit sa kanila si Jordan. Naka-kunot
noo ito nang tingnan siya. Nag-umpisa na siyang pangimihan sa mga titig nito.
Pumasok na muna sa loob si Mitch.
“Ano
yung sasabihin mo?” tanong nito. Lumunok siya at nag-ipon ng lakas ng loob.
“Ahmm,”
yumuko siya at inabot dito ang cookies, tinanggap naman nito.
“peace offering
about sa mga nasabi ko kanina. Sorry talaga Jordan. H-hindi ko nga siguro
talaga alam ang mga pinagdaanan mo sa propesyon mo, kaya nagpunta ako para
personal na humingi ng paumanhin.”
“You’re
forgiven. You can go.” Parang dinurog ang puso niya sa tono ng pagpapaalis nito
sa kanya. Para siyang pusang itinataboy nito. Napakasakit man ngunit kailangan
na nga niyang umalis gaya ng sinabi nito. Pero hindi niya napigil ang sarili.
Lumingon siya rito, nandoon pa rin naman ito at nakatingin din sa kanya.
“Jordan,
paalala ko lang na bayad ko hanggang sixth date natin..” hindi niya alam kung
bakit niya sinasabi iyon. Basta nalang iyon lumabas sa bibig niya. Feeling niya
ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon dito pero hindi niya mapigil talaga ang
sarili. Parang sasampalin niya ang sarili niya kapag hindi niya iyon sinabi.
“So
what do you mean?”
“Ahmm..alam
mo naman siguro ‘diba? Kasi, sayang ‘yong piso ko eh. You know how I value my
money.” Natawa ito sa sinabi niya. Hindi niya alam kung may halong sarcasm ang
tawa nitong iyon. Lumapit ito sa kanya. Kumabog ng mabilis ang dibdib niya.
Kinagat niya ang ibabang labi niya. Bakit
ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang lalong tumitindi?
“Mitch
is now here, kailangan niya ako. If I want to date you, idi-date kita. Tsaka,
wala ka namang dapat ipangamba dahil tuloy-tuloy naman ang sustento ko kay Fia,
‘diba?” nasaktan uli siya doon. Napalunok siya at pinapalis ang hinanakit na
nararamdaman. Para siyang reject na pagkain na biglang inayawan dahil nariyan
na ang bago. Siguro tama na ngang itigil na niya ang pangungulit dito. Tumango
siya habang nangingilid ang luha sa mga mata. Tumalikod na siya at naglakad na
palayo.
“Mag-iingat ka.” pahabol pa
nito. Lumingon siya ngunit nakapasok na ulit ito sa pad nito. Bumagsak na ang
luha sa mga mata niya.
Ang sakit pala kapag na-reject ka ng taong mahal mo.
Malungkot lang siya buong maghapon dahil wala man lang ngang text si Jordan sa
kanya. Siguro ngayon ay masaya ito kasama si Mitch, habang siya ay umaasa na
maalala man lang. Yumuko lang siya habang iniisip ang tamang gawin para palisin
ang nararamdaman para kay Jordan. Tama,
aalisin ko na sa isip ko si Jordan. Naku, mahihirapan talaga ako.. Hinde. Kaya
ko ‘to. Jo? Kaya mo ‘yan!
Nang
mag-angat siya ng ulo ay nagulat siya sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Si
Jordan iyon. Anong ginagawa nito rito? Paano
ako makaka-move on niyan eh malayo palang siya, parang mabilis pa sa kabayo
kung tumibok itong puso ko? Hinawakan niya ang puso niya, sang-ilang
pisilin niya iyon para tumigil sa pagtibok ng ganon eh.
“A-anong
ginagawa mo rito? Natutulog pa si Fia, kung bibisitahin mo siya.” Inayos niya
ang buhok niya at umupo ng maayos. Tumabi ito sa kanya.
“Ba’t
nandito ka sa labas?” tanong nito sa kanya. Hindi na niya ito magawang tignan
dahil hindi niya mapigilan ang sariling mapatunganga dito at maumid.
“Hmmn,
may iniisip lang ako. Ikaw? Bakit nandito ka?”
“Gaya
ng sinabi mo, bibisitahin ko sana si Fia kaso nagpapahinga pala. Halika, wanna
go out?” tumingin siya rito. Naka-half smile ito. Ngumiti siya rito. Hindi niya
siguro kayang tanggihan iyon. Tumango siya.
Pumunta
sila sa club resort ng mga ito. Sobrang luwag niyon at malaki na rin ang
ipinagbago buhat noong idaos ang engagement venue roon.
“Gumanda
lalo itong Club Resort niyo.” compliment niya habang ginagala ang mga mata sa
kabuuan niyon.
“Talaga?
Dito dinaos ‘yong engagement natin ‘diba?” tumango siya. Lihim siyang napangiti
nang malamang tine-treasure din nito kahit papaano ang ala-alang iyon.
“Akala
ko ‘di mo na naalala.” natatawa siya habang sinasabi iyon.
“Grabe
ka naman. Hindi ko naman makakalimutan ‘yon. First engagement ko ‘yon eh, lahat
ng first sa akin ay ‘di ko nakakalimutan. It became one of the highlights of my
life kahit ayoko.” Nakagat niya ang labi niya sa sinabi nito. Sinasaktan talaga
siya nito mula pa kanina, actually naki-killing spree na talaga ang puso niya. Durog
na durog na talaga. Dinaan nalang niya iyon sa ngiti.
“Parang
kailan lang ‘no? Para pa tayong mga aso’t pusa, sabagay hanggang ngayon naman.”
natatawa niyang pag-alala sa nakaraan nila.
“Hindi
na kaya. Close na tayo eh. Parang friends na tayo ‘diba?” tumango siya roon at
tinanggap ang katotohanang friends kami.
Alright. Anong gusto mo? Friends or strangers?
Pumasok
sila sa bar. Binati ito ng mga babae at lalaki roon. Eksklusibo ang club na
iyon, para lamang sa mga mayayaman. Pero siya, isa siya sa maswerteng naipasok
doon dahil wala naman siyang pera eh. Umupo na sila, medyo malayo sa karamihan.
Nagpakuha ito ng wine at siya naman ay melon juice.
“Did
you have a boyfriend after our engagement?” tanong nito. Umiling siya. Halatang
nagulat ito. “bakit? Napaka-faithful mo naman pala sakin.” Tatawa-tawa nitong
sinabi.
“Hindi
ah. Kahit naman noong hindi pa tayo engage, matagal na akong walang boyfriend
n’on eh kaya ‘wag ka ngang assume-mero diyan!” inirapan niya ito. May bahid ng
katotohanan iyon, pero hindi na rin naman talaga niya naibaling ang atensyon
niya sa iba noong unang-una niya itong makilala eh. There’s something in him na
hindi niya mahanap sa iba, and that something—she’s secretly in love with
Jordan.
“Bakit
naman? Why didn’t you try?”
“Wala
lang. Nasisiyahan pa rin naman akong maging single eh. I never stop loving
someone, I just learn to live without boys. Mabuti na nga lang at engage ako
sayo eh, kahit na ba hindi ko gusto ‘diba?” muntik na niyang makagat ang dila
sa sinabi niya. Gusto niya lang kahit paanong makaganti sa kanina pa nitong
pananakit sa kanya. Ngunit hindi naman ito nasasaktan gaya niya kahit pa anong
sabihin niya. “Well, siguro, pagtatawanan ako ng mga colleagues ko kapag
nalaman nilang wala akong boyfriend or hindi pa ako lumalagay sa commitment.”
“Eh
paano ‘yan kapag naghiwalay na tayong dalawa?” naisip niya iyon. Nalungkot na
naman tuloy siya. Siya rin naman kasi ang gumawa ng ikasasama ng loob niya eh.
“Hindi
ko ipapaalam sa kanila, pero once na malaman nila..okay lang. Eh ano naman?
Pwede naman akong humanap pa kapag nag-thirty na ako eh.”
“Thirty?
Thirty years old mo pa balak lumagay sa commitment?” tumawa siya roon.
“Hmmn,
hindi naman sa ganon pero naisip ko lang na may magkakagusto pa rin naman
siguro sa akin kahit thirty na ako.”
“Paano
kung wala na?”
“Imposible
naman yata ‘yon. Sa ganda kong ‘to.” binuntutan niya pa iyon ng tawa. Inismiran
siya nito. Mami-missed niya ang mga style-style nito na ganoon once na
magkahiwalay na sila. Hindi na ito nagsalita pa kaya naisip niyang basagin ang
katahimikan sa pagitan nila.
“Ako
ba ang kukunin mong bride’s maid kapag kinasal ka na kay Mitch?” tinawanan siya
nito. “o bakit? Ayaw mo ba?”
“Hindi
ako ang kumukuha ng bride’s maid, best man ang kinukuha ko. Sabagay, pwede rin
naman kitang kuhaning best man dahil may pagka-boyish ka naman at times.”
“Oy
grabe ha? Ako naman yata ang pinaka-magandang boyish sa balat ng lupa ‘no! O
eh, sino ang kukunin mo? Si Vash o si Dominic?”
“Wala
sa kanilang dalawa.”
“Grabe?
I thought bestfriends mo sila?”
“Hindi
pa naman ako magpapakasal kaya ayoko munang isipin.”
“Sabi
mo papakasalan mo na si Mitch right after matapos kong pirmahan ang kontrata?”
“Ano?
May sinabi ba ako? Wala ah.”
“Wala
kang sinabing pakakasalan mo si Mitch?”
“Meron,
pero ‘di ko sinabing pakakasalan ko siya agad-agad.”
“Ahh,
edi ‘wag ko muna palang pirmahan yung kontrata kung ‘di ka pa pala
magpapakasal?”
“Pero,
usapan natin ‘yon ah? Kaya nga sinusustetuhan ko si Fia ‘diba?” nalungkot siya
doon dahil nakumpirma niyang gusto na talaga nitong magkahiwalay sila.
“O
sige na nga, ‘wag nalang kaya nating tapusin pa ‘yung three dates left?
Pipirmahan ko na ‘yong separation pero itutuloy mo pa rin ‘yong sustento kay
Fia.”
“Hindi.
Utang mo sa akin ‘yong mga dates na ‘yun para sa sasakyan ko. Kaya ‘wag ka
ngang nakikialam sa mga desisyon ko tungkol sa mga dates natin.”
“Okay
po.” Tumahimik na siya pagkatapos niyon. Hindi niya maintindihan si Jordan.
Gusto ng mapirmahan ang kontrata pero gusto pa rin siyang i-date. Binibilog
yata nito ang ulo niya eh. Inubos nalang niya ang melon juice.
“Ite-text
kita mamaya kung kailan ang seventh date natin.” Tumango siya. Masaya naman
siya dahil tuloy ang susunod na date nila.
No comments:
Post a Comment