Ten Pesos To Date A Billionaire by Anne Villahermosa


CHAPTER 1

MASAYA si Jo sa ginawa niyang pang-aasar sa mayabang niyang fiancé na si Jordan. Lagi silang nag-aaway mula pa noong ipilit silang ma-engage. Ngayong taon binabalak ng nanay niya at ni mommy Stephanie, ang mommy ni Jordan, na ipakasal sila. Hindi rin naman niya gusto ang antipatikong si Jordan subalit wala silang magawa nang sapilitan silang i-engage. Ang regalo ng mga magulang nito kay Jordan nang ma-engage sila ay ang mamahaling sasakyan, na ginasgasan niya na nga. Napaumis siya at matagumpay na ngiti ang sumilay sa mga labi. Tama lang sa kanya ‘yon!

Balik sa problema. Naisip niyang mangutang kay Mommy Stephanie, kaso lang ay inaabutan siya ng hiya kaya may naisip siyang paraan. Pumunta na siya sa Versace hotel, alam niyang isa sa mga suite doon ay naglalagi si Jordan Steven Versace. Nalaman niyang sa 306 ang suite nito mula sa staff ng hotel kaya naman ay nag-elevator na siya para puntahan ito doon. Malamang ay nakita na siya nito sa peephole, pinagbuksan siya nito. Naka-bathrobe ito at magulo ang buhok. Hindi niya naiwasang pasadahan ng tingin ang matipunong katawan nito, ngayon ko lang nalamang may abs pala siya. Jonnalyn?! Oo na. Oo na. Hindi ko na siya pagnanasaan. Agad niyang inalis ang tingin at tumingin ng diretso sa mukha nito. Gusto niya pa ring matulala ngunit ginawa niya ang lahat upang mapaglabanan ang temptation na naka-hamba sa kanya.

“What are you doing here?” tanong nito sa kanya. Binangga niya ang balikat nito at tumuloy-tuloy sa loob ng suite. Pinigil nito ang braso niya. “Jonnalyn, I’m asking you. Bakit ka ba nandito? If you’re here to make my day bad, will you just go out?” bakas sa mukha nito ang iritasyon. Ngumiti siya rito, gusto niyang pagtawanan ang panggugulo rito.

“Say please muna?” kunwari ay naaawa siya rito. Nilisikan siya ng mga mata nito. Humalakhak siya at tumikhim bago nagpatuloy. “Why? Hindi ko na ba pwedeng bisitahin ang magaling kong fiancé?” tanong niya rito habang pinagaan ang boses. Pinaikot nito ang mga mata. Hindi pa rin nito binibitawan ang braso niya.

“Honey? Sino ‘yan?” narinig niya ang boses ng isang babae roon. Tinignan niya ito. Mariin itong napapikit. Nakaramdam siya ng pagtusok sa dibdib nang maglaro agad sa isip niya ang presensya ng babae sa suite nito ngunit mabilis niyang naipalis iyon at sinadyang itutop ang kamay sa bibig.

“Oh!I didn’t mean to interrupt you. Kung anuman ang ginagawa niyo, okay? Alam mo naman, hindi kita bibisitahin nang walang dahilan ‘diba? Sandali lang naman ito, my dear, pwede mo muna siyang paalisin.” ngumisi pa siya rito. Ang ekspresyon ng mukha nito ay magkahalong inis at nagpipigil na galit sa kanya.

“Make sure that it’s really important.” mariing pahayag nito habang iniwan muna siya at pumunta sa kinaroroonan ng tumawag na babae. Maya-maya ay nakita na niya ang babae na kasama na ni Jordan. Maganda at sexy iyon na parang modelo. Honestly, wala siyang binatbat dito ngunitwala naman itong engagement ring kaya sorry nalang. Nginitian niya ito ng matamis. Kumunot-noo ang babae at nagpa-palit-palit ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Jordan pagkatapos ay mangiyak-ngiyak na ito.

“Jordan?Who is she? ‘Wag mong sabihing—oh..I thought you’re serious with me? Akala ko ba ako ang gusto mong pakasalan? Pero bakit parang isa mo lang akong customer at may kasunod ako? Jordan, are you cheating me? Ipagpapalit mo ako sa isang..” hindi nito tinapos ang sasabihin at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo nainsulto siya roon, ayaw niya sa lahat ay ang tinatapakan ang pagkatao niya. Gumalaw ang mga panga niya. Kapag ‘di siya nakapagpigil ay baka mabalyahan niya ito.

“Anong tinitingin-tingin mo diyan, ha? Anong—“

“Jo, sinabi mong hindi ka gagawa ng eskandalo?” gagad ni Jordan sa pananaway sana niya sa babae nito. Inirapan niya ang mga ito at kumibot-kibot ang labi. Hinawakan nito ang babae at kinausap ng masinsinan, “Mitch, totoo ang sinabi ko..ikaw ang gusto kong pakasalan at ikaw ang mahal ko. Kaibigan ko lang ‘yan si Jo, at may confidential lang kaming pag-uusapan. 
H’wag ka ng magalit sakin.” pang-aamo ni Jordan sa babaeng tinawag nitong Mitch. Wow ha, kaibigan? Close pala kami? Di ako nainform.

Ngunit walang sinabi ang babae at kumaripas nalang ito ng takbo palabas ng suite. Napatawa nalang siya ng malakas sa eksenang iyon. Sinarado na rin niya ang pintuan nito. Samantalang si Jordan ay sapo ang noo at nagpatiuna na sa loob, sinundan naman niya ito.

“Hindi ko alam na friends pala tayo? All I know is fiancee mo ko. Well..at siya pala ang babaeng sineseryoso ngayon ng aking magaling na fiancé. Uhmm, maganda naman siya, problema lang eh mas maganda ko.” binuntutan niya pa iyon ng tawa. Hindi siya nito pinansin kaya naman umupo na siya sa couch nito sabay naghikab pa.

“Kailangan mo ba ng pera? Pwede sana kung nandito ka para umayaw na sa kasal eh.” nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang bibig. Sa papeles kasi na pinirmahan nila, siya lang ang may karapatang sirain ang engagement files nila.

“Paano mo nalaman yun? Secret ko lang ‘yon ah!” sabay exaggerated na tumawa siya. Nag-isang linya ang kilay nito. Huminga siya ng malalim. “Well, tama ka.I don’t want to be married with you.” nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. Agad na lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya kaya naman nagulat siya roon at nangilabot nang dumampi ang palad nito sa balikat niya.

“Are you sure?” nangungumpirmang tanong nito. Tinatamad na tumango siya rito. Natuwa ito sa sinabi niya kaya naman niyakap siya nito ngunit inilayo niya ito. “I’ll make a guess. You found someone? Good Lord!” he clasped his hands and shook her shoulders again.

“Ano ba! Bitiwan mo nga ‘yang sexy kong mga balikat!” saway niya rito, ngumiti ito at binitawan nga ang magkabilang balikat niya.“Pero may kondisyon ako. Alam mo naman sa ating dalawa, ako ang wise, ikaw ang smart. Anyway, naka-confine kasi ngayon si Fia dahil may bonecancer siya, alam mo naman ‘yon ‘diba? Wala akong pera at wala akong ibang mauutangan. Ngayon, para di na ako mangutang. Naisip kong i-break na ang engagement natin kapalit na ikaw ang gagastos sa lahat-lahat kay Fia. Magaan lang naman ‘diba?”

“Naka-confine si Fia? Bakit ngayon ka lang nagsabi?”

“Eh..” kumamot siya sa ulo. “basta kasi..” inaabot kasi ako ng hiya, gusto sana niyang idagdag ngunit hindi nalang niya isinatinig dahil baka pagtawanan lang siya nito. Kilala kasi siya nitong makapal ang mukha at ‘di nahihiya kahit kanino, ayaw naman niyang abutin ng tukso rito.

“Okay, pero paano naman pala ang sasakyan ko? Kailangan mong bayaran ‘yon, sa ayaw at gusto mo.”humalukipkip ito at tumingin sa kanya. Nagulat siya roon nang maalala nga pala ang sasakyan nito.

“Ano?! Babayaran ko? Ba’t ko naman babayaran ‘yon?” tinaasan niya ito ng kilay.

“Edi walang deal na maiko-close sa’ting dalawa kung hindi mo babayaran ang gasgas ng sasakyan ko..” ang bad nitong kutong-lupang ‘to! Tirisin ko ‘to eh!

“So? Ano namang gusto mong mangyari Mister Versace?” nakataray niyang tanong rito. Tila nag-isip ito kung anong gagawin sa kanya. Hindi naman siguro siya nito sisingilin ng pera dahil alam na nga nitong wala siyang pera ngunit ano naman ang gusto nito? Makikipag-ano ako sa kanya? What?! Ikiniling niya ang ulo. Ano ba naman ang iniisip ko? Si Jordan ba ay magnanasa sa gaya ko? Well, I’m chubby but I’m yummy? Jonnalyn? What are you talking about? Gusto nalang niyang matawa sa naiisip niyang kapritso.

“Ten dates with me and one thousand pesos each date.” napamulagat siya sa sinabi nito. Ano raw?Pinagnanasaan nga kaya ako nito? Makikipag-date raw ako sa kanya?

“Ano?! A-ako? Magdi-date t-tayo?” kanda buhol-buhol niyang nasabi dahil indi naman yata siya makakapayag na makipagdate pa rito at magbabayad pa siya ng isang libo kada date, sinuswerte naman yata ito. “..ako nga itong nangangailangan ng pera tapos huhuthutan mo ako ng isang libo? Saan naman ako kukuha n’on?”

“Well, bahala ka. Decision is yours.” kumibit-balikat ito, hindi siya agad nakapag-react. Binabalanse at pinag-iisipang mabuti ang sinabi nito.Ten dates? Tapos sampung libo, suma-total? Ibig sabihin, parang ako pa ngayon ang naghahabol sa lalaking ‘to? Grabe lang!

“O sige-sige-sige na nga. Pumapayag na ako. Nakakainis ka talaga kahit kailan!” padabog niyang sagot. Magsasalita sana ito ngunit tinakpan niya ng daliri ang bibig nito.“Pero may requirements din ako kung gusto mo kong i-date.”

“Requirements?” napaamang ito sa kanya. Sumilay ang mapang-asar niyang ngiti rito. Kumuha siya ng bond paper at ballpen para isulat ang mga requirements niya, pagkatapos ay inabot rito. “ano ‘to? 2x2 pictures (3 copies), NSO Birth Certificate, Copy of Driver’s License & SS Card, Current Pay Stub, Clean drug test& STD screen.” pagbasa nito sa mga requirements niya. Tumango-tango siya habang binabanggit nito iyon. Napaamang ito roon. “you must be really weird, Jonnalyn.”

“Weird huh? Gusto mo bang dagdagan ko pa? Naku naman eh baka ‘yan lang hindi mo pa ma-comply. Kaunti lang ‘yan! Kaya naman ‘wag mo ng subukang magreklamo.” nakataray niyang mungkahi rito. Nagpipigil ang inis rito dahil halata sa mukha nito.

“This is very nonsense but okay, deal.” wala sa loob na pumayag din ito. Ngumiti siya ng matagumpay.


“Very good, Jordan. Very very good. Nakagawa ka ng isang napakagandang desisyon.” wala itong sagot doon at pinaalis na siya ng sapilitan sa suite nito. Bastard!

No comments:

Post a Comment