The Love Of My Life by Ladyshane Lanmarks


CHAPTER 10

KANINA pa nakasimangot si Erise sa kanyang kuwarto habang nakasalampak sa kama. Hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang pangalan ng babaeng iyon na nabanggit ng ama ni Dylan kahapon.

“Ellen Rose! Hmp! Mas maganda naman ang pangalan ko d’on!” himutok niya sa sarili. Subalit mayamaya’y hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Talaga nga sigurong wala nang pag-asa pa para sa kanilang dalawa ni Dylan. Awtomatiko niyang pinunasan ang mga luhang iyon nang maramdamang bumukas ang pintuan.

“Wanna come with me?” Wala siyang mabakas na emosyon sa boses ni Dylan. Tila napakalamig nito sa kanyang pandinig.

Hindi siya sumagot, bagkus ay isiniksik lamang niya ang mukha sa unan. Bigla siyang nagulat nang hilahin siya nito at sapilitang pinabangon. “Ano ba! Wala ka na ba talagang natitirang respeto sa akin?! Bigyan mo naman ako n’on kahit konti man lang, Dylan!” naiiyak na niyang singhal. Talagang wala na siyang halaga para sa lalaki.

“I’m getting late. Just do what I said,” bagkus ay utos nito.

“Ayokong sumama!” sigaw niya sa mukha nito.

“Sasama ka o bubuhatin kita palabas?”

Gustong-gusto na niyang basagin ang pagmumukha ng binata. “You’re one hell of a domineering bastard! The hell with your bullshit manipulative attitude!” nagtatalak siya habang isinusuot ang damit na ibinigay nito sa kanya. Light green cocktail dress iyon na above the knee ang haba. Hindi masyadong revealing pero bumagay pa rin sa kanyang katawan.

“Let’s go?”

“You have the nerve to ask that after all?”

Napapailing na lang si Dylan, saka hinila ang kanyang braso palabas ng silid. “We’ll be back soon, Ma, Dad,” paalam ng binata habang hila-hila siyang dinadala sa kotse.

HUMANTONG sina Erise at Dylan sa NAIA Terminal 3. At dahil masamang-masama pa rin ang loob ng dalaga ay nakasimangot lang siyang nakaupo sa kotse. Panay naman ang tingin ng binata sa relo nitong pambisig. Pagkuwa’y napansin niyang excited itong bumaba at malapad ang ngiting nakatingin sa isang babaeng palapit sa kinaroroonan ng kanilang kotse.

She was mesmerized by the beauty of that woman. She was tall and had possessed a resplendently beautiful face with those alluring smiles she was wearing for Dylan. Her seductive aura made her felt so nothing compared to the woman walking like a goddess. Para na niyang nakita si Cameron Diaz sa personal. The girl was obviously not a Filipina.

“Dylan!” Masayang-masaya itong napatakbo sa binata at agad na naglambitin. Itinaas pa nito ang mga paa sa ere.

She was shocked upon seeing the scene. Kaya ba siya isinama ni Dylan ay para lang sa bagay na iyon? Oh, how rude this man is! Why won’t he just kill her by a sudden stab of a fierce dagger? Or maybe, he just can drag her to death. She hated his way of killing her softly.

Napatungo siya at hindi na niya kayang pagmasdan ang ginagawa ng dalawa. Namalayan na lamang niyang bumukas na ang pintuan sa tapat niya. Nakita pa niyang napakunot-noo ang babae bago napatingin kay Dylan.

“Wer ist sie?” [Who is she?]

“Erinnerst du dich an das Mädchen von dem ich dir erzählt habe?” [Remember the girl I used to tell you?]

Para siyang tanga nang mga oras na iyon. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-iiba ng timpla ng mukha ng babae, tila nainis ito, saka makahulugang ngumiti kay Dylan.

“Hi, good evening. My name is Ellen Rose," blangkong pagbati nito habang nakalahad ang kamay sa kanya.

Tipid siyang ngumiti rito. So, ito pala ang babaeng nabanggit ng matandang Sven. “Eri—”

“Her name is Erise, my Rose,” putol ni Dylan sa isasagot niya.

Lalong lumukot ang mukha niya at nagkapira-piraso ang kanyang puso. My Rose? Rose your face, Dylan! ngitngit ng kanyang utak.

“Nice meeting you, dear. But could you please move at the back seat? In case you don’t know, this has been my place on any of Dylan’s car,” lantarang pagtataboy sa kanya ng dalaga. Nakaupo kasi siya sa passenger’s seat katabi ni Dylan. Awtomatikong napatingin siya sa binata pero tinanguan lang siya nito, giving her idea to move at the back.

Gusto na niyang maiyak sa labis na sama ng loob. Pero hinding-hindi niya gagawin iyon. Ayaw 
niyang ipakita sa dalawa na masyado siyang affected. Ngumiti siya nang mapang-uyam sa babae. “No problem. Oh, `sorry for invading your seat, anyway." Diniinan pa niya ang salitang “seat” bago lumabas at taas-noong umupo sa likod. Buwisit na buhay ito! Bakit ba siya napasok sa ganitong sitwasyon wherein she couldn’t find her way out! Gustong-gusto na niyang mapag-isa at isigaw ang nararamdaman kahit walang nakikinig sa kanya.

Malandi pang umupo ang babae sa tabi ni Dylan and started talking whatsoever that language she couldn’t understand even a single letter.

“Sie ist wunderschön,” wika nito kay Dylan na ikinangiti naman ng huli.

“Ich wunderschön, auch.”

Oh, shit! Feeling niya tuloy ay nilalait na siya ng mga ito.

PAGDATING na pagdating nila ng bahay ay agad na pumasok si Erise sa kanyang kuwarto. Ni hindi man lang niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Dylan at ni Lorenda. Wala siyang pakialam kung magmukha man siyang walang attitude. Hindi na niya kaya, tama na ang pagpapakamartir niya. Matagal na silang patas ni Dylan at wala na siyang kasalanan sa lalaki.

Pagpasok pa lamang sa silid ay ini-lock kaagad niya iyon at pinakawalan ang lahat ng sama ng loob na kanina pa niya gustong isigaw. Nami-miss na rin niya si Krizzy. Kailangan niya ng kaibigan sa mga panahong iyon. Pakiramdam niya, buong buhay niya’y mag-isa niyang hinarap ang mundo. Si Krizzy lang ang karamay niya sa lahat, pero ang lahat ng iyon ay tinanggal sa kanya ni Dylan.

Marahas niyang pinunasan ang mga luha. Kung susumahin pa nga, sobra-sobra na ang ginawang paghihiganti sa kanya ng binata. At ang babaeng iyon ay tila nag-multiply pa ng ilang beses sa sakit na nararamdaman niya. Dahil sa isiping iyon ay isang desisyon ang binuo niya sa sarili.

AKMANG susundan na sana ni Dylan si Erise nang hilahin ni Ellen ang mga kamay niya.

“Not so fast, Raf. Just let her mourn.”

“She had enough of that, Ellen! Kanina mo pa siya iniinis!" sigaw niya sa babae.

“What?” Nangunot ang magandang mukha ng babae sa huli niyang tinuran. Halatang hindi nito naintindihan ang huling litanya niya.

“Whatever!” aniya na lang.

“That’s enough, Dylan. You are now the victim of your own game. I warned you before, didn’t I? And you’re raising your voice over your sister,” sermon ng kanyang ina.

Hindi na lamang siya nagsalita. Bahagya pa siyang umiwas ng tingin nang makita ang paparating na ama.

“Hindi ako magtataka kung wala ka nang Erise na makikita bukas,” napapailing na sabi pa ni Lorenda. Pagkuwa’y napangiti ito, sabay yakap kay Ellen. “Welcome to the Philippines, Ellen.”
Excited ring yumakap ang dalaga sa ginang at sa kanyang ama. “I’m sure I’ll enjoy my vacation here, Lorie. Thanks, Dad, for granting my request." Ngumiti pa ito sa ama.

Naaliw na siya sa kuwentuhan ng tatlo, lalo na sa madaldal na si Ellen over a light midnight snack. Hinayaan na muna niya si Erise. Bukas na bukas din ay ipinapangako niyang aayusin na niya ang lahat sa kanila.

MADALING araw pa lang ay gising na si Dylan. Ni hindi niya nagawang matulog sa kakaisip ng tamang linya para humingi ng tawad kay Erise. Hell! How stupid of him at kailangan pa niyang paabutin sa ganito ang lahat. Baka ikaguho na ng kanyang mundo kapag tuluyan nang nawala sa kanya ang dalaga.

“S-sir,” napalingon siya sa alanganing boses ni Aling Martha. Tila kinakabahan ito.

“B-bakit, Manang?” tanong niyang akmang kukuha ng mainit na kape.

“S-si Erise ho, Sir, nakita kong lumabas ng garahe at may dala-dalang bagahe.”

Nabitiwan niya ang basong may lamang mainit na tubig. Napasigaw pa ang may katandaang babae dahil sa pagkabasag niyon sa sahig.

Natataranta siyang napatakbo sa labas at hindi magkandaugaga sa pagsakay sa kanyang kotse. “Shit! Bullshit!” Nasapo niya ang ulo nang mapagtantong nasa kuwarto pala ang kanyang car key. Para siyang baliw na natataranta sa kakatakbo sa malaking bahay. Now, he hated to have that kind of huge house! Isusumpa niya iyon kapag hindi niya naabutan si Erise!

MANGILAN-NGILAN pa lang ang mga taong gising at parang tangang nagtatanong si Dylan kung may nakita ba ang mga ito na babaeng naglalakad doon. Mabuti na lang at nakahanap siya ng magandang kausap.

“Iyong magandang babae ba ang tinutukoy mo, hijo? Naku, nakita kong umiiyak na sumakay ng isang FX papuntang Kalaw. Mabuti na lang at natandaan ko ang plate number ng FX na `yon. Kung hahabulin mo, baka maabutan mo pa.”

Inabutan niya ng cheque ang may edad na lalaki. Malaki ang laman niyon at puwede na iyong ipampuhunan sa negosyo pero wala siyang pakialam. Hindi na niya hinintay na makasagot ito at nagmamadali siyang umalis para habulin ang FX van na sinabi nito.

Makaraan ang ilang sandaling pagmamaneho ay nakita na ni Dylan ang dalaga ngunit gimbal siya sa sumunod na mga pangyayari. Sumalpok sa isang malaking trak ang puting FX.

“Erise!” Walang kapantay na takot ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.

NAGISING si Erise dahil sa ingay sa kanyang paligid. Tila ba napakatagal niyang natulog. Kusa niyang naalala ang mga nangyari. Bakit ganito kalupit ang kanyang kapalaran? At sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naranasan ang walang kasing sakit na naranasan niya noon. Wala na si Rafael sa buhay niya at ngayon ay pati na rin si Dylan. Impit siyang napahikbi sa isiping iyon.

“Anak!”

“Erise!”

Magkasunod na tawag ng dalawang babae sa kanyang pangalan.

“Mama? Krizzy? Bakit pa ako nabuhay? Ang lupit naman ng nasa Taas. Gan’on na ba kalaki ang kasalanan ko para saktan ako nang paulit-ulit?” Gumaralgal ang kanyang boses habang luhaang nakatingala sa ina.

Niyakap siya ng ginang. Hindi na rin nito napigilan ang mga luha. “Patawarin mo ako, anak. Ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo. Wala akong kuwentang ina. Sinira ko ang buhay ninyo ni Raf noon.”

“Mama…”

“Pero huwag ka namang magsasalita ng ganyan, anak, ha? Alam mo namang ikaw lang ang buhay ko. Ikaw ang nagbibigay ng lakas kay Mama, at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Napakasuwerte kong ina dahil nagkaroon ako ng anak na katulad mo. Napakabusilak ng puso mo…”

Wala siyang nagawa kundi ubusin ang mga luha sa balikat ng ina.

“Bestfriend, nandito kami para sa `yo. Alam mo namang mahal na mahal ka namin, `di ba?”
Lalo siyang napahikbi sa sinabi ni Krizzy. Tama ang mga ito. Kahit na nawala man nang dalawang beses ang lalaking naging buhay niya ay nagpapasalamat pa rin siya dahil nandiyan naman ang kanyang ina at kaibigan.

“Cherry cake!” narinig niya ang baritonong boses na iyon. Isang lalaki lang ang tumatawag sa kanya sa ganoong endearment.

Nagpunas ng luha ang dalawa niyang kasama, saka tipid siyang nginitian. Nagpaalam ang mga ito at lumabas na ng silid.

Ibinaling niya ang mukha sa pintuan. Nakita niya roon ang isang nakatayong lalaki. Kupasing dilaw na T-shirt at maong ang suot nito. Pati ang sapatos ay lumang-luma na rin. Isang totoong Rafael ang nakita niya. Kumurap-kurap pa siya. Every time she glanced at him wearing that dress, she sees an old Raf being beaten by those men and begging for her trust.

Naipilig niya ang ulo. Hindi niya kayang tingnan ito. Maalala lang niya ang mga nangyari noon ay nasasaktan siya nang labis para sa binata.

“Kahit saktan mo man ako nang paulit-ulit, ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Isinumpa kita noon at binalak na paghigantihan dahil kahit ano’ng gawin ko ay hindi ka mawala sa isip ko… lalo na rito.” He pointed his heart. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. “Gabi-gabi kitang napapanaginipan, ang maamo mong mukha na laging nakangiti ang nakikita ko. I almost cursed myself for not getting you out of my system. Ngunit sa kabila ng galit ko sa `yo, naroon pa rin ang pagmamahal na pilit kong sinisikil…”

“R-raf—”

“I’m sorry for everything, Erise. Napakalaki kong tanga. Walang-wala sa dinanas ko ang paghihirap na naranasan mo. I’m so stupid for believing my ego. I’m sorry. I’m so sorry…” Lumuhod ang binata sa kanya.

“Raf, tumayo ka riyan, please?" Umiiyak na iniangat niya ang kanyang braso at mga paa para sana’y bumangon pero napakabigat ng kanyang mga binti. Napangiwi siya nang makitang nakasemento na naman ang mga iyon.

Nataranta naman ang binata at agad itong napatayo, saka siya nilapitan. “Ano’ng masakit sa `yo? Kailangan mo ba ng doktor? Sandali at tatawag—”

“Ayoko ng kahit na sinong doktor ngayon!” Bahagyang tumaas ang kanyang boses.

“Huh?” Napamaang ito. Malapit na siyang bumunghalit ng tawa sa nakikitang hitsura ni Rafael. Para itong pulubing natutuliro.

“I only want you back, lemon pie,” madamdamin niyang sabi rito. “I want my old Raf… iyong simpleng payat na lalaking minahal ko noon, at hindi `yong ngayon na hindi ko kayang abutin.”

“Baby.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng binata. “Pinapatawad mo na ako?”

“Kahit na kailan ay hinding-hindi ko magagawang magalit sa `yo. At kahit gahasain mo man ako nang paulit-ulit, wala akong pakialam dahil alam kong mahal na mahal ko ang lalaking gumagawa n’on sa akin.”

“God!” Wala sa loob na nayakap siya ng binata. “You’re an amazing lady! A woman that is worth to be kept forever. You’re wonderful, Erise.”

Napangiti siya. Walang kasing saya ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

“You better be quick on recovering, baby. I can’t wait to be a father,” kapagkuwan ay sabi nito.

“Nasaan na pala `yong Ellen Rose mo?” Hindi niya pinansin ang sinabi nito, bagkus ay inis niyang tanong nang maalala ang dahilan ng kanyang paglalayas.

Humalakhak ang binata sa narinig. Nalukot ang kanyang mukha, saka hindi nakatiis na `di ito hampasin.

“Ellen is my half-sister, cherry cake. Hindi mo ba napansin ang resemblance ng mukha namin? We have the same perfect set of eyes.” Nag-puppy eyes pa ito. Paano naman niya mapapansin iyon? Eh, nilukob ng selos ang kanyang puso nang araw na iyon. Asul ang mga mata ni Dylan na unang nagpa-attract ng kanyang pansin noong una silang nagkita. Wala sa hinagap niyang may lahing dugong bughaw ang lalaking minahal niya.

“Eh, bakit gan’on na lang siya kung umasta noon? At bakit mo ba ako isinama pa sa pagsundo sa kanya?" nagmamaktol pa rin niyang tanong.

“Ellen and I are so close. Ako ang sumbungan niya ng mga problema niya noon and I’m her protector. Sa kanya ko rin lang nasasabi ang mga saloobin ko sa `yo noon, kaya medyo inis siya sa `yo dati kasi nakikita niya ang paghihirap ko. Pero ngayon she’s here to make it up to you. My sister is a famous designer in Germany, aside from that ay isa rin siyang sundalo. Mahilig siya sa outdoor activities and she’s a very kind person.”

Napanganga siya roon. Sundalo? Wala sa hitsura ng babae ang pagiging sundalo. Mukha itong babasaging kristal at hindi ang nambabasag ng mukha ng mga goons. Nakaka-amaze naman ang babaeng iyon.

“At sa pangalawang tanong mo.” Inilapit nito ang mukha sa kanya at matiim siyang tinitigan. “Gusto ko lang na makita ang reaksyon mo, at makasigurong may nararamdaman ka pa sa akin. Takot akong baka tuluyan mo na akong kinasuklaman.”

Napalabi siya sa tinuran nito. Binigyan niya ng mumunting kurot si Dylan. “Sadista ka talaga. Akala ko pa naman babae mo si Ellen.”

“I’m sorry for that, cherry cake. At para makabawi si Ellen sa `yo, she’ll be the one to make your wedding gown for free.”

“Hindi ka pa nga nagpo-propose, wedding gown ka na agad diyan!" nakasimangot niyang turan, pero napupuno ng kaligayahan ang kanyang puso.

Tinitigan siya ng matiim ng binata. “Ich liebe dich, Erisalda Marie de Guzman. Willst du mich heiraten?”

Sambakol na ang kanyang mukha. “Gusto mo ng suntok? Alam mo namang `di ako makaintindi ng Deutsch. Tagalog-in mo kaya!”

Napahalakhak ito. “I said I love you, Erisalda Marie de Guzman-Sven. Will you marry me?” 
Seryoso na ang mukha nito.

“Feeling ka naman! Bakit may “Sven” na sa huli? Kasal na ba tayo?”

“Bakit ayaw mo ba?” he teasingly asked.

“Siyempre gusto. Basta ba tuturuan mo akong magsalita ng katulad sa mga alien mong language.” Her heart was filled with happiness.

Malutong na tawa ng binata ang namayani sa silid, saka siya niyakap nang mahigpit.

Three months later…

WALANG tigil sa pagpatak ang mga luha ni Erise habang naglalakad sa red carpet. Suot-suot niya ang expensive and very elegant wedding gown niya. It was an extravagant beach wedding in one of the Sven private islands in Germany. Wala naman silang malapit na kamag-anak at tanging si Krizzy at ang kanyang ina lamang ang naroon sa pinakamahalagang araw sa kanyang buhay.

She was very emotional at that time. Pakiramdam niya’y isa siyang prinsesa nang mga panahong iyon at ilang sandali na lang ay abot-kamay na niya ang kanyang napakaguwapong prinsipe.

Umamin na rin sa kanya si Dylan: na habang nasa bahay siya nito ay inilipat nito ang kanyang ina sa pribadong ospital at pinabantayan kay Krizzy. Magkasundong-magkasundo na ang dalawang taong mahalaga sa kanyang buhay. Wala na siyang mahihiling pa. Pagkatapos ng ilang taon, hindi siya nabigo sa kanyang mga dasal na ibalik sa kanya ng Maykapal ang lalaking tanging bumubuo ng kanyang pagkatao.

Si Dylan din ang may pakana ng lahat ng pagkatanggal nila sa trabaho at pagiging blacklisted niya sa mga kompanya. His power was unfathomable as what he had said to her before. Pero kusang loob niya itong pinatawad dahil alam niyang pareho silang nagkamali.
Pagkatapos ng kasal ay dederetso ang mga bisita sa luxurious yacht ni Dylan, at doon gaganapin ang reception sa gitna ng napakagandang karagatan. Si Krizzy ang tumayong maid of honor niya at si Lawrence naman ang best man ng binata.

DYLAN was also shedding tears upon watching the most beautiful woman on his sight walking towards him. After all those years of suffering, sa wakas ay kompleto na ang kanyang buhay. It was as if he was the happiest man that ever lived on earth.

Iniabot sa kanya ni Lawrence ang isang wireless microphone.

Gumaralgal pa ang kanyang boses habang sinasabayan ng kanta ang marahang paglalakad ni Erise. Hindi maalis-alis ang kanyang mga mata sa napakaganda niyang bride. “You are the love of my life. I knew it right from the start. The moment I looked at you, you found a place in my h-heart…” Pumiyok ang kanyang boses. Naalala niya ang una nilang pagkikita ng dalaga. 
Naligo siya ng mabahong tubig noon pero mas nanaig ang maamong mukha nito kaysa sa inis na naramdaman niya.

Pinilit niyang ituloy ang kanta sa kabila ng garalgal na tono pero hindi na niya kinaya ang linya at humagulgol na siya sa harapan ng maraming tao. Napakabigat ng pinagdaan nila na damang-dama niya nang mga sandaling iyon. Pati ang mga bisita ay puno na rin ng luha.

“Continue walking, baby. K-kaya ko ito para sa `yo.” Natawa ang lahat sa sinabi niya sa garalgal na tinig. Nakita kasi niyang yumugyog din ang mga balikat ng dalaga at halos hindi na makausad sa paglalakad.

DAMANG-DAMA ni Erise ang bawat bagsak ng kanta ng lalaking mahal na mahal niya. Si Dylan ang nagbibigay sa kanya ng lakas kaya tumatagos sa kanyang puso ang bawat linya ng kanta. At habang naglalakad sa isle ay lalong tumitindi ang bugso ng damdamin na kanilang nararamdaman para sa isa’t isa.

Hindi na nakatiis si Erise at dinakma na niya ng yakap ang mapapangasawa. Sabay silang lumuha. Naging emosyonal ang kanilang kasal at ang magkatabing sina Lorenda at Erlinda ay panay rin ang punas ng mga luha. Si Ellen ay nakangiti ring nakatanaw sa kanila na basang-basa na ang mga mata. Namumula rin ang mga mata ng matandang Sven.

“Ich leibei dich, cherry cake.”

“I love you more, lemon pie.”

Alam niyang makakaya na niya ang mga darating pang pagsubok sa kanilang dalawa dahil mas malakas na siya ngayon. Dylan was her everything, her life, her strength and her future…



No comments:

Post a Comment