Teaser:
Rogue society brotherhood vows sealed by their blood.
I _________________ SWEAR NOT TO FALL IN LOVE AND BE SHACKLED
WITH ANY WOMAN WHO IS NOT WORTHY TO CARRY MY NAME.
signed by blood; ROGUE SOCIETY brotherhood founders:
BRICE ADRIEN MARTINEZ (BRI):
RYDER BLAKE MULLER (RB):
DRAKE MIGUEL FREEZER(DM):
STANCI MATT STANFORD (MATT):
JAMES REIDEN PHILLIP (JDEN):
RYDER BLAKE MULLER (RB):
DRAKE MIGUEL FREEZER(DM):
STANCI MATT STANFORD (MATT):
JAMES REIDEN PHILLIP (JDEN):
BRICE ADRIEN MARTINEZ lumaki sa paniniwalang ang mga
babae ay sakit lang sa ulo at di dapat na seryosohin.
Sampung taong gulang palang siya nang mamatay ang ama sa isang
car accident kasama ang kabit nito na isang modelo, samantalang hindi naman
niya alam kung buhay o patay na ba ang di man lang nakikilalang ina. Tanging ang Lolo niya lamang ang nagpalaki sa kanya at
nagsabing....
"Brice, tandaan mo, walang puwang ang mga babae sa
puso nating mga lalaki. Dahil sila ang magiging kahinaan at magdadala sa iyo sa
kabiguan..... pawang sakit sa ulo at puso lamang ang kanilang dala."
Iyan ang litanya nang kanyang Lolo na itinatak niya sa kanyang
puso't-isipan.
CARYL ENA SARABIA anak sa
pagkadalaga nang isang GRO at kasalukuyang nakatira sa bahay/beerhouse na
pag-aari ng kanyang ninang na matalik na kaibigan ng kanyang ina at siyang
nagkupkup at nagpalaki sa kanya simula ng maulila siya. Ito nalang ang nag-iisa
niyang pamilya.
Lumaki man siya sa paligid na puro magdalena ang kasama ay buo
pa rin ang kanyang pagkatao at dignidad.
Pero paano kung dumating ang pagkakataong malagay sa panganib
ang puring iniingatan ng dahil sa isang napakalakingAKALA?
Gaano nga ba kahirap pag-abutin ang isang langit at lupa kung
ang nasa pagitan ay TAKOT at ALINLANGAN sa bawat isa?
I BRICE ADRIEN MARTINEZ SWEAR NOT TO FALL IN LOVE AND BE SHACKLED
WITH ANY WOMAN WHO IS NOT WORTHTY TO CARRY MY NAME.....
signed by blood; ROGUE SOCIETY brotherhood
Isang sumpaan na sabay-sabay na binigkas ng limang kalalakihan na
pawang kilala sa lipunan ngunit sa isang kadahilanan manunumpang
HINDI IIBIG NG GANOON NA LAMANG.
CHAPTER 1: MISLEAD
"PERO gramps,
kayo na rin ang nagsabi s'kin na walang mabuting maidudulot ang mga babae tapos ngayon ipagkakasundo ninyo ako?" di makapaniwalang protesta
ng binatang si Brice Adrien sa kanyang Lolo.
"Iho, I know, and I don't forget it. Pero nakalimutan mo na
ba na ikaw lang ang nag-iisa kong apo at tagapagmana ng MARTINEZ EMPIRE? No,
hindi ako papayag na mapunta lang sa kung saan ang matagal kong pinaghirapan.''
sabi ng matanda na nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina nito habang
nakatitig sa apong nasa kabilag panig ng office table.
" Gramps, naman I'm thirty three already at kaya kong mas
palaguin ang lahat ng ito without any help sa kung kanino. If you need a heir
fine, pero ako ang pipili! At hindi yun dahil sa isang business agenda at
magiging kapalit ng kalayaan ko.'' sagot niya.
"Simula't sapol hindi naging lingid sa'yo ang kagustuhan
kong magkaroon ng share sa Mining Company sa Italy and that will only happen
kung pakakasalan mo ang anak ni Mr.Benitez... and you have no say to that
agreement dahil nakaset na ang engagement ninyo after three months." pinal
na sabi pa ng matanda na tila hindi narinig ang protesta ng apo.
"Do you have a girl?" muling tanong niya sa binatang
tahimik at tila malalim ang iniisip o mas tamang sabihing iniisip kung paano
tatakasan ang tila isanh bangungot na parating.
"I never had a girl, seriously... even before." he
answered. Totoo naman wala talaga siyang GIRLFRIEND kung seryoso ang
pag-uusapan pero kung FLING eh wag ka na magtanong kasi kahit pagsamahin mo ang
daliri sa kamay at paa mo eh kulang pa iyan kung gusto mo bilangin o alamin kung
sinu-sinu ang naging babae niya na na-i-kama.
Pero teka bakit iba ata ang pagkakaintindi ng Lolo niya.
"You mean at your age you never had a girl?'' tila gustong
matawa o mainsulto ng kanyang Lolo sa natuklasan.
Mukhang di nagkaintindihan ang maglolo o sadyang ayaw lang ng
binatang pag-usapan ang mga babae? Hindi nga ba't sakit lang ito sa ulo?
Duh!!!
"Gramps, if you have nothing to say... pwede na ba akong
umalis may usapan kasì kami nila Ryder (other member of RS and his
buddies)." paalam ng binata na agad naman niying pinayagan.
Pagkalabas na pagkalabas ng binata ay agad tinawagan ng matanda
ang kanyang private Atty.
"Atty. Sevilla, I want you to find a girl na bata pa pero
malusog at walang sakit...pero maraming alam pagdating sa larangan ng pakikipagtalik.''
sabi ng matanda na ikinamasid ng abogado sa pag-aakalang ito ang
nangangailangan.
"Tado, hindi para s'kin kundi para sa apo ko!" singhal
ng matanda ng nahulaan ang biglang pananahimik ng kausap.
Sa halip na maunawaan ay mas lalo laamang naguluhan ang abogado.
''bakit gustong kuhaan ng tutor si Brice gayong isa ito sa pinakapabling(playboy)
at di iyun alintana sa karamihan.'' tanong sa isipan ng abogado na hindi
maisatinig ng lalaki.
"S-sigurado po ba kayo Don Adrian?"paniguradong tanong
pa niya sa matandang Don.
"Yes, and I want it to be DISCREET as in SECRETO."
pagpapaintindi nito.
Naguguluhan man ay sumang-ayon nalang ito sa ipinag-uutos sa
kanya.
''HERE!'' sabi ni Drake kasabay ng paghagis ng Cali drinks in
can kay Brice na kararating lang sa kanilang tambayan.
Isa iyong basement sa isang apartment na ginawa nilang billiard
hall at mini bar. pag-aari ito ni Drake Miguel o mas kilalang DM.
''Whats up?'' tanong naman ni Stanci na may headset pang
nakalagay sa magkabilang tenga habang hawak ang isang cue stick.
"Bad news, Gramp want me to get married.. free ba kayo next
weekend plan ko kasi tumambay sa RS Island (Rogue Society Island).'' Sagot na
may kasunod na tanong niya sa mga ito.
Hindi na muna magtanong ang mga ito kung anong nangyari. alam
nilang pagdating sa isla ay kusang magkukwento ang binata sa kanila.
"Go ako dyan, medyo matagal ng hindi tayo nakadalaw doon
eh." halos sabay na sagot ni JDen at Ryder.
''Sure!'' dagdag pa ni Stanci at Drake.
''ENAAAA!!'' malakas na sigaw ni Adel sa inaanak nang makita
itong nasa ibaba ng bahay at kaumpukan ng kanyang mga
alaga(GRO/MAGDALENA/BABAENG BAYARAN).
"Patay!" usal ng dalaga sa sarili saka mabilis pa sa
alas kuwatrong umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan nakatayo habang
nakapameywang ang kanyang ninang.
"Ikaw bata ka! ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ayaw na
ayaw kong makikipag-usap ka sa kanila?" halos pigil ang sariling hindi ito
masigawan ng makalapit na siya.
"Eh, mama ninang, nakipag-usap lang naman po ako kina
Anne." pangangatwiran pa niya. Ang tinutukoy niya ay isa sa mga alaga ng
kanyang ninang na akalain mong may dadaluhang party dahil naka make-up parati.
''Caryl Ena, hindi sa ayaw kong makipag-usap ka sa kanila, ang
ayaw ko lang ay iyung kung anu-anu ang naririnìg mo at natututunan sa
kanila." pilit na paliwanag nito skanyang murang isipan.
Paano ba namang hindi mababahala si Adel para sa inaanak na
dalaga kung sa tuwing magkukumpulan ang kanyang mga alaga ay ang madalas na
pag-usapan ng mga eto eh ang Size at kung naka-ilan sila sa isang gabi.
Napapailing na lang si Adel sa inaanak kasabay ng malalim
na.buntong hininga. minsan nagsisisi sya kung bakit hinayaan niya itong lumaki
na ang kinamulatan ay ang ganitong kapaligiran.
Nasa isang probinsya sila nakatira na malapit sa pinaka town
plaza at kung titingnan mo ay tila isang malaki at marangya na bahay lamang ang
kanilang tinitirhan pero ang hindi alam ng karamihan ay pugad ito ng mga
babaeng mababa ang lipad dahil pagsapit ng gabi ay isa pala itong beerhouse o
clubhouse kung saan ay naglipana ang mga lalaki at babaeng hanap ay saglit na
kaligayahan dulot ng makamundong kaisipan.
"Nakapagdesisyon na ako, sa makalawa ihahatid kita sa
kapatid ko sa maynila para doon mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral."
sabi pa nito na akama.sanang tatalikod kundi lang nagsalita ang dalaga.
"Pe-pero mama ninang ayaw ko sa maynila, ayaw ko po na
malayo sa inyo!" paki-usap niya pero di siya pinakinggan nito sa halip ay
tiniloy nito ang paglabas at tumuloy sa ibaba para kausapin ang mga alaga niyo.
Samantalang tila pagal ang katawan niyang pumasok sa kanyang sarling
silid.
No comments:
Post a Comment