ROGUE SOCIETY 1: Brice Adrien Martinez by Elena Benedicto


Chapter 2: RS ISLE

ROGUE SOCIETY

IYAN ang unang makikita mo mula sa himpapawid na sadyang nakakamangha. Gawa ang pangalan na ito sa iba't-ibang uri at kulay ng mamahaling bulaklak.

Kaya naman mula sa taas ay kitang-kita at mababasa mo at hindi maipagkakaila na ito na nga ang tinaguriang sanctuwaryo ng mga kalalakihan ang ROGUE SOCIETY ISLE.

Isa itong isla na may lawak ng 50hectare. It's like a mini city dahil halos lahat ng makikita mo sa manila ay meron dito although hindi nga lang kasing laki ng sa syudad.  they have a MINI-MALL, HOSPITAL,CASINO, BAR and HOTELS where the guest can enjoy their stay or vacation para takasanan ang realidad, It was the sanctuary of every men. kaya naman WALANG BABAE sa lugar na ito.

Bakit? aba malay ko sa baliw na writer nito.

Kidding aside, kaya nga siya tinawag na ROGUE SOCIETY kasi puro lalaki lang ang makikita mo sa islang iyan. It was their secret place malayo sa mga mapanukso, at sakit sa ulong mga kababaihan. (Just wondering lalaki ba ang writer nito at bakit galit sa mga babae? harhar!)

One and only rule of the RS Isle:
No Woman, Lady, Girl is allowed to go in the Island without the permission of the owners.

OWNED BY:

BRICE ADRIEN MARTINEZ(BRI): Heir to the Martinez Empire and a grand polo champion

RYDER BLAKE MULLER(RB): founder/CEO of RBM Shipping co.

DRAKE MIGUEL FREEZER(DM): Grand champion in motor cross and an agent NBI agent.

STANCI MATT STANFORD(MATT): Lead vocalist and a fencing instructor.

JAMES REIDEN PHILLIP(JDEN): a Captain pilot, heir to Airways company.

The only way to go in this island is by a chopper or yatch na pag-aari ni JDEN at ni RB.

Karamihan ng member dito ay mayayaman at mga binatang takot o mas tamang sabihing iniiwasan ang salitangKASAL/ASAWA at RESPONSIBILIDAD.

Pero hindi ibig sabihin nun ay ayaw nila sa mga babae, on the contrary it was opposite dahil halos lahat sila ay may mga reputasyong hindi mo gugustuhin.

Being Playboy... Is one of them. you should hate the members of this Isle pero mahirap gawin dahil sa ang mga babae mismo ang naghahabol sa kanila and that's the reason kung paano nabuo ang Islang ito.

''FINALLY!'' sabi ni Bri na unang bumaba sa chopper matapos ang ilang oras na byahe.

Pare-parehong may ngiti naman ang mga kaibigang sumunod sakanya.

For them it was a sanctuary... Almost heaven malayo sa pulosyon at samu't-saring problema nila sa trabaho o pamilya.

Tumuloy sila sa kani-kanilang Villa, para makapagpahinga muna ng ilang oras dahil siguradong magdamagang inuman nanaman ang mangyayari.

"So, what's that badnews?'' tanong ni Ryder habang nagbubukas ng isang bote ng hardy's habang ang iba ay kumuha ng cuestick para maglaro ng billiard.

Napagkasunduan kasi nilang tumuloy sa clubhouse matapos maghapunan.

Iilan lang ang nakita nilang naroon, It wasn't a summer yet, kaya hindi ganoon karami ang guest nila. Actually kahit naman walang pumunta doon ay ayos lang sa kanila. Ilang taon din silang nasanay na ang care taker lang ang naroon hanggang sa unti-unting dumami ang nagpamember kaya napagpasyahan nilang magtayo nga ng ilang facilities.

It's been feature in some magazines dahil sa pagiging exclusive at hideous ng isla na hindi nila naiwasan lalo't lumalaki ang bilang ng mga lalaking ginawang bakasyunan ang kanilang isla.

"Gramps want me to get married." sagot niya habang kinikiskis ng tisa ang hawak na cuestick na halata ang pagka-irita sa mukha.

Pare-parehong nagulat ang apat na binata sa narinig dahil wala sa isip nilang mangyayari ito ng ganoon.kaaga.

Yeah, they know sa status ng buhay nila ay dadating talaga ang panahong kailangan nilang pumili ng mapapangasawa. But, not in a manner na ipagkakasundo sila at dahil lang sa isang business!

Damn man! It wasn't they want to be shackled in that kind of trick.

It's fucking nonsense...

"So, we need a celebration then.''sabi ni Matt na inagaw ang bote ng hardys kay Ryder at muling tinakpan ng cork saka inalog-alog bago muling binuksan. Kaya naman nagtila fountain ito naikinabalisa nilang lima.

"Tado, wala ka talaga magawa ei noh!" ani ni JDen na natatawa nalang sa ginawa ng kaibigan bago inagaw ang bote at pinaligo kay Stanci na nagulat dahil sa lamig nito.

They just laughing at their boyish traits. Well, ano pa nga ba ang aasahan mo sa kanilang lima kundi puro kalokohan at kalandian. Yeah, you're right! kasi mahihilig talaga ang mga iyan naku! wala naman silang magagawa kasi nang magsabog ng kagwapuhan, kamachohan, katalinuhan, at iba pang nakaka-mmmm ay sinalo na nilang lima... maging ang ibang nagpa member sa islang ito ay wala kang itulak lahat pakabig... whoahhhh.....

"So, what's your plan? Don't tell me iiwan mo na ang RS?'' tanong pa ni Matt kay Brice.

''NO WAY! remember may sinumpaan tayo? And I don't give a damn shit for it. kaya gagawa ako ng paraan para di matuloy ang engagement ko!" mariing sagot niya na puno ng determinaayon.

"Anyways, DMm. kailan nga pala ang next na event para sa motor cross?' tanong niya sa kaibigan ng biglang manahimik ang mga ito.

"Three months to go pero kailangan one month before nasa Macau na ako para magpractice.'' sagot naman ng huli.

"Good. It's a right time! Sasama ako sayo sa Macau, kasi yun ang nakaset na month para sa engagement at walang Brice Adrien Martinez  na dadalo.'' nakangiti niyang sabi bago tinira amg bolang para ipasok sa naghihintay na butas.

"Nakita mo na ba yung fiancèe to be mo?'' tanong ni James ng bumaling  ito sa kanya.

Umiling siya bilang kasagutan dito dahil iyon naman ang totoo. Mai na siyang naririnig patungkol sa pamilyang Benitez at lahat ay pinupuri ito dahil sa yaman at magaling ding humawak ng negosyo. Kung sakaling wala siyang galit sa mga babae ay baka tanggapin niya agad ang alok ng abuelo kaso ay takot siyang malagay sa isang seryosong relasyon kahit pa kapalit niyon ay ang dobleng pag-angat ng kanilang negosyo.

Tila iba naman ang naglalaro sa isipan ng kanyang barkada dahil bawat isa ay may nakakalokong ngiti na alam mong may ibig sabihin.

"Why don't you meet her first." suhestiyon ni Ryder na bahagyang nakangisi.

"Oo nga naman tol, tapos pakilala mo s'min malay mo naman eh mas magustuhan ang kagwapuhan namin." Birong totoo ni Drake ang pinaka palikero sa lahat kulang nalang ei pati poste lagyan mo ng palda sa pagiging chickboy nito.

"Tama bigay mo kay Drake para tantanan na ni Alona."  singit ni Matt,  na ang tinutukoy na Alona ay ang current fling nito na parang linta kung makadikit sa kaibigan.

Natawa naman sila sa sinabi nito maliban kay Drake na binato ito ng hawak na tisa na nauwi sa asaran at tawanan.


SAMANTALA nagtatalo naman ang mag-amang Sylen at Ramon Benitez at ang isyu ay ang kasal na pinagkasunduan ng kanyang ama at ni Don Adrian.

''NO, NEVER! bakit hindi nalang kayo ang magpakasal ni Don Adrian Martinez? tutal mga busìness ninyo naman ang mahalaga at iyon naman ang dahilan diba?" patuyang sagot ng dalaga habang ikinakabit ang helmet.

"Iha, why don't you listen first!" sabi ng ama nito pero di na ito pinakinggan ng dalaga na mabilis lumabas kasabay ng pagbalibag ng.pintuan at nang makalabas ay agad tinungo ang garahe at pinasibad ang kanyang DT na motor.

Naiwang napapailing at napakuyom ang kamao ng kanyang ama.

"Anyare sayo? malayo palang kita na ang usok ng motor mo na para kang hinahabol ng sangkatutak na demonyo.'' sabi ng pinsan niyang si Klaine Marie nang makalapit sya dito.

"As usual pinipilit nanaman ni dad ang gusto niya.'' sagot ng dalaga.na.halatang inis pa rin.
Napailing nalang ang pinsan niya sa narinìg dahil hindi na ito bago.para sakanya.

"Anyways, have you heard of Brice Adrien Martinez?" tanong ni Sy sa pinsan na napalingon sa kanya.

"You mean siya ang pakakasalan mo?"

"duh! as if na sisipot ako, anu kilala mo ba yun?" ulit niya sa tanong.

"Anu ka ba di mo ba alam na iyun ang nagchampion sa POLO last year na ginanap sa Europe? at ang nag-iisang tagapagmana ng Martinez Empire!" sagot nito sakanya na napakunot-noo.

"It doesn't matter, maliban nalang kung siya ang champion ng motor cross." salungat niya sa turan ng pinsan.

Klaine chuckled. " 'wag mong sabihin na umaasa ka pa ring mapansin ng idol mo na si Drake Mìguel?'' pambubuska naman nito skanya na hindi niya nagawang sagutin.

It started 5yrs ago ng hindi sinasadyang makilala niya  na naging dahilan para panoorin ang motor-cross na sinalihan nito at naging champion. Ilang beses nq din niyang nakausap ang binata sa tuwing pupuntahan niya ito kapag nakaduty. Isa din kasi itong NBI agent. She thought na mahal din siya ng binata pero bigla nalang siya nito nilayuan at iniwasan. 'til she found herself enrolling in DM&R racing field training center na pag-aari nito. But to her disapppointment, iniwan din pala ito ng binata sa pangangalaga ng kaibigan nitong isa ding agent na si Reichelt.

"Hoy, anu na?  daydreaming?'' untag ni Klaine na pinalo pa siya sa braso.

"Nakapalista ka na ba para sa race na gaganapin sa Macau?'' tanong niya dito.

"Yup, kasali ka na sa mga racer, Rei said sya na bahala."

"Good, we go there 1month before ng event doon ko plano magpractice at para makaiwas sa engagement na plano ni dad.'' sabi nito saka tumayo at tinungo ang motor bago pinaharurot sa racing field.


"MADAM, may tawag po kayo Atty. Sevilla daw po.'' sabi ng katulong saka inabot ang wireless phone kay Adel na naghahanda ng gamit na dadalhin sa maynila para ihatid ang inaanak na si Caryl.

"Ok, thank you!"

"Uhmmm, napatawag ka?"bungad agad niya.

"Meron ka bang bagong alaga? yung siguradong malinis pero magaling?" diretsong tanong nito sa kanya.

"Anu naman iyan? di ka parin ba nagbabago?" sagot ni Adel na.bahagya pang natawa.

"Ito naman parang di ako kilala, takot ko lang sa asawa ko." Natatawa ding sagot nito. "It's for my client, gusto niyang hanapan ng magaling na tutor ang apo niya na malapit na ikasal." dagdag pa nito.

Halos isang oras din silang nag-usap bago nagkasundo at napapayag si Adel sa gusto nito.
Matapos makipag-usap ay tinungo niya ang kwarto ng inaanak na alam niyang masama ang loob dahil sa naging desisyon niya.

"Ena, alam ko masama ang loob mo, pero pasa sa'yo din yung ginagawa ko, ayaw kung pagdating nang panahon eh bumaba ang tingin sa'yo ng mga tao o ng mapapangasawa mo dahil sa kinalakihan mo." paliwanag niya na tumabi ng upo sa dalagang nasa gilid ng kama.

"Alam ko naman po yun mama ninang pero po, ayaw ko po sa maynila tsaka paano na ako wala na kayo doon."  tila naiiyak niyang sagot.

"Anu ka ba ayaw mo noon araw-araw na kayo magkasama ni Ulysses?" tukoy nito sa anak ng kanyang kapatid na matalik na kaibigan naman ng dalaga.

Napangiti ang dalaga nang maalala ang kaibigang bakla. Masarap ito kasama at kakwentuhan. Sa unang tingin ay hindi mo aakaling bakla ito dahil sa tikas ng pangangatawan at napakagwapo talaga. Noong unang kita niya ay crush niya ito kaso nga lang ng magpakilala ito ay halos malaglag ang panga niya dahil sa hinhin nitong magsalita na akalain mong.hindi makabasag pinggan. sa isiping iyon ay tuluyan na siyang napangiti na ikinangiti din ng kanyang ninang Adel.


"Basta, promise me tapusin mo muna ang studies mo before ang boyfriend ha!"  sabi pa nito sa dalaga bago niyakap ng mahigpit saka lumabas para ipagpatuloy ang mga gamit na maaaring gamitin ng dalaga pagdating sa maynila.


No comments:

Post a Comment