TAKE ME TO YOUR HEART
by Mia Jane
Matalik na magkaibigan ang mga nanay nina Jane at Edzyr, kaya wala silang nagawa pareho nang pilit silang ipagkasundo ng mga ito sa isa’t-isa. Dahil ayaw masaktan ang damdamin ng mga ina ay nagkunwaring magkasundo ang dalawa, bagaman daig pa nila ang mortal na magkalaban sa katotohanan.
Kung kailan naman nagkatotoong nahulog na ang loob nila sa isa’t-isa ay saka naman sila tila pinaglalaruan ng pagkakataon. Mapaglabanan kaya nina Jane at Edzyr ang unos na susubok sa kanilang pag-iibigan?
ACCIDENTAL LOVERS
by Friah Anne
Sa unang pagtatagpo pa lamang nina Krisha at Hardy ay pangit na ang naging impresyon sa kanya ng binata. Puro kamalasan at aksidente diumano ang bitbit niya sa tuwing nagkikita sila. Kaya naman para silang mga aso’t pusang maya’t-mayang nagbabangayan. Maging nang magpanagpo sila at mapilitang tumira magkasama sa bahay nina Krisha sa Bicol ay bahagya lamang nagbago ang pagtingin sa kanya ni Hardy.
Ano pa kaya ang mararamdaman ng lalaki kapag nalaman nitong nais ng Lola Fatty nito na ipakasal siya dito o sa kakambal nitong si Rocky? Pumayag kaya si Hardy? O ipapaubaya na lamang siya nito sa kakambal?
by Angel White
Patung-patong ang problemang kinahaharap ni Mia. Bukod sa napakaraming utang na pilit nilang binabayaran ng kanyang pamilya ay nakulong pa ang kanyang ama na nagtatrabaho sa ibang bansa. Maging ang bahay na tanging aria-arian nila ay malapit nang mailit at nakaratay pa sa ospital ang kanyang ina. Mag-isa lamang niyang sinusuong ang lahat ng iyon. Wala siyang mahingan ng tulong. Ang katipan na si Brent na tanging inaasahan niya ay parang bulang naglaho matapos mangibang-bansa.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Mike. Kapit sa patalim na pikit-matang ipinagbili niya ang dangal dito, kapalit ng tulong na maibibigay ng binata. Ang hindi niya alam ay lihim nang napaibig sa kanya si Mike. May kahahantungan ba ang nararamdaman ng binata lalo na sa biglaang pagsulpot muli ni Brent sa buhay niya?



Gusto ko 'yung Accidental Lovers. Meron ba kayo sa Singapore?
ReplyDelete