CHAPTER 16
WALANG pagsidlan ang kasiyahan ni Jen pati ang pamilya nito. Ni hindi niya pinangarap
na magmahal ulit dahil nadala na siya sa unang pag-ibig niya. Pero
napaka-responsable at mapagmahal ni Ken kaya di napigilan ang kanyang pusong
mahulog dito.
Binibisita
siya ni Ken at ang pamilya nito every weekends sa kanilang tahanan. Hindi na
siya tinuring na iba ng pamilya ni Jen. Dahil sa kabaitan nito ay di
nag-alinlangang ipagkatiwala ng pamilya ni Jen ang dalaga dito.
One
Saturday morning nang bumisita si Ken sa kanila and they'd decided na
mag-Biking sila going to the nearest Public Market.
Matagal-tagal
na din na di siya nakakapag-bike kaya medyo nanibago siya. Nagsuot sila ng
kanila-kanikang helmet.
"Take
Care!" inalalayan siya ni Ken na sumakay sa kanyang bike.
"Ready?"
"I'm
ready."
"Ay!"
muntikan na siyang matumba ng sumakay siya sa bike. Buti na lang nahawakan
kaagad siya ni Ken.
"I
told you, take care." may himig pag-aalalang sabi ng lalaki.
"Di
ako nakapag-balance eh. Tara na!"
Dahan-dahan
lang ang pagpapatakbo nila while talking and laughing. Si Ken talaga ang masalita
and that's one thing na mas nainlove si Jenny dito.
Narating
nila ang isang Curve lane, na paliko papuntang palengke. Walang tigil pa rin sa
kakakwento si Ken ng mapansing di na pala nakasunod si Jen sa kanya. And to his
surprised! Nabunggo pala ito sa poste ng ilaw! Dali-dali niya itong
sinaklolohan.
"Cupcake!"
malakas na napasigaw si Ken habang tinatakbo ang kinaroroonan ng dalaga.
Malayo-layo na pala siya bago niya napansing wala si Jenny sa likuran niya.
"Are
you okay?" inalalayan nito ang dalaga na natumba kasama ng bike nito. May
mga gasgas ito sa tuhod. Sinuri nito ang katawan ng dalara, pinataas,
hinilot-hilot ang siko nito.
"I'm
okay, don't worry." sabi ni Jen na napahiya sa lalaki. Dahil sa katangahan
niya ay di niya na-kontrol ang kanyang bisekleta ng paliko na ito kaya
dumiretso ito sa poste ng ilaw. She lied to Ken na okay lang lang siya but the
truth is masakit ang kanyang katawan. "ANG TANGA MO!" sumbat nito sa
sarili at nasapo ang kanyang ulo. Mangiyak-ngiyak na siya pero pinigilan niyang
bumaba ang kanyang mga luha baka lalo pang mag-alala si Ken sa kanya. Mga pasa
lang naman ang kanyang natamo at nararamdaman niyang wala namang kung anong
sumsakit sa kanyang mga buto.
"I
will send you to the hospital, come on!" binuhat siya ni Ken at ipinangko
sa likod nito.
"Ibaba
mo ako, please! Promise, I'm okay!" hiling ng dalaga.
"No,
hindi kita ibababa."
"Sugar,
sige na! Pag di mo ako ibaba kakagatin ko ang taenga mo! Sige ka! 1, 2,
--" kinikiliti ni Jen ang taenga ni Ken at di nakatiis si Ken at ibinaba
na niya ito dahil sa nabuhay ang kanyang katawang lupa sa pinag-gagawa ng
dalaga.
"Crazy!
Don't do that again! Because if you do---, I will kiss you!" pagbabanta ni
Ken dito. At di naman natakot si Jen sa banta ni Ken sa halip ay inunahan pa
niya ito. Hinawakan niya sa batok ang lalaki at siniil ng halik at di naman
tumanggi ang lalaking tinugon ito.
"Dare
me again!" malokong sabi ni Jen.
"I
love you, Cupcake!"
"I
love you too, Sugar."
Umuwi
sila ng walang napamili dahil sa hirap sa paglakad ang dalaga at ayaw naman
niyang pumunta ng hospital. Pinagalitan tuloy siya ng Nanay niya dahil sa
pamimilit nito kanina na sila na lang ang mamalengke ni Ken.
Ken
was so worried kaya hindi na muna siya umuwi, tinawagan na lang niya ang
kanyang lola.
Asikasong-asikaso
siya ni Ken hindi na kasi ito humiwalay sa kanya. Natutuwa ang mga magulang ng
dalaga na makita ang pag-aalaga ni Ken sa kanilang anak.
"Sana
siya na ang para sa ating anak, Elpidio." ang nasabi ni Aling Pasing.
"Mukhang
bagay nga ang dalawang yan. Parehong sugatan at parehong nag-gagamutan. Tingnan
mo din si Denise, tuwang-tuwa may kuya na daw siya." Si Mang Elpidio
naman.
Natulog
si Ken sa kwarto ni Jenny. Ayaw ni Jen but he insisted. Kaya naglatag na lang
ito ng ekstrang kutson sa sahig. He don't want to leave Jen kasi nga nilagnat
ito dahil sa mga pasa niya. Ilang beses niyang niyaya ito magpunta sa hospital
ay ayaw talaga ng dalaga.
"Salamat,
Ken. Napagod ka tuloy dahil sa akin." madamdaming pahayag ni Jenny dito.
"Hindi
ako mapapagod sa'yo, Jenny. Tandaan mo 'yan." ganti ni Ken sa dalaga.
Hindi
masyadong nakatulog si Ken dahil binantayan niya si Jenny. From time to time ay
nagigising siya to check Jen. Ayaw niyang matulog na di maayos ang kalagayan ng
dalaga. Takot siya to lose special someone another time. Kaya't hangga't sa
makakaya niya itong protektahan at alagaan ay gagawin niya. O.A mang masasabi
but he's really afraid.
"Was
machst du, Kenneth?" tanong ng kanyang ama sa kanilang lengwahe na ang
ibig sabihin ay "What are you doing"
"Ich
folge meinem Herz, Dad (I'm just following my heart, Dad)" walang
pag-aalinlangang nasambit ni Kenneth sa kanyang ama.
"Blumm!
Use your mind, Kenneth! Not your heart!" napasigaw na sa galit ang kanyang
ama na nasa kabilang linya.
His
decision was firmed. Mahal niya si Jenny and he will not give-up on her maging
tutol man ang buong mundo dito.
"Go
Home soon! And if you will not, you will loss all your shares!" banta ng
kanyang ama.
"My
shares will not make me happy, Dad. And If I'll come back there, I'll bring her
with me."
"Damn!
You're crazy, Kenneth! You are crazy!" hinihingal na sa galit ang kanyang
ama at maya-maya'y binagsakan siya nito ng telepono.
Pagbuntong-hininga
lamang ang kanyang ginawa ng buong araw na'yon.
Naguguluhan
siya sa kanyang kalagayan. Mahal niya si Jen pero di niya makakayang magalit sa
kanya ang kanyang mga magulang. He don't care about the shares, sa mga pamana
ng kanyang ama but the love of his parents. Malaki ang respeto niya sa mga ito
pero ngayon ay bigla na lang umiba ang tingin niya sa mga magulang. Hindi niya
lubos maisip na may pagka-mata pobre ang kaniyang mga magulang.
Ano
ang gagawin niya at sino ang kanyang pipiliin? Si Jen o ang kanyang mga
magulang?
No comments:
Post a Comment