My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 17

"PARE, malapit ng matapos ang visit visa mo." Jomar reminded him. 
Nakalimutan niya na two months lang pala ang validity ng kanyang visit visa sa Pilipinas.

TIME is Gold and it should not be wasted. Kailangan niyang ma-extend ang kanyang visit visa at plano na rin niyang mag-apply ng residency. He really love the place at dito ang pamilya niya, magiging pamilya niya kung papalarin.

Nanghingi siya ng tulong sa kanyang matalik na kaibigan sa German to secure and provide some documents of him na hinihingi. At hiningi din niya dito na hindi ito ipapaabot sa kanyang mga magulang o kanino mang malapit sa kaniyang pamilya. Hindi naman ito mahirap gawin dahil nasa Government Office nagtatrabaho si Michael, ang kanyang bestfriend.

Nagtaka ang kanyang kaibigan, why all of the sudden na nanghihingi siya nang ganung papeles, and he never lied to his friend. He told him everything even the response of his parents.

Michael was happy for him and ready to support and help him. Saksi si Michael sa naging buhay niya, sa lahat ng achievements niya at pati sa paghihirap at sakit na pinagdaanan niya. Hindi siya nito pinabayaan noong oras na kailangan niya ito.

Michael's always there encouraging him to move-on. Kahit hindi ito umiinom ay sinasabayan siya nito para lang may makausap siya. Walang humihiwalay sa kanya dahil iyon na rin ang pakiusap ng mga magulang niya.

Two weeks pa lang silang magkasintahan ni Jenny ay marami na siyang plano for their future. Ayaw na niyang pakawalan si Jen. Desidido na siyang ito ang idudulog niya sa harap ng Altar.

Mahalaga ang bawat minuto, oras at araw na lumilipas. Mahal niya si Jen at walang dudang Mahal din siya nito. At wala na siyang dapat hintayin pa.

His parents are totally against in his relationship with Jen but he already 
made-up his mind. Walang makakapigil sa kanya. Tama ang lola niya, it's his life.

OOOoooFAST FORWARDoooOOO

"Anong ginagawa mo, Icang?" tanong ni Jen kay Icang nang makita niya itong nagmi-measure ng beywang nito, ng taas, ang sukat ng kaniyang balikat, dibdib at lahat. Tinawanan niya ang pinsan dahil sa kaseryusuhan nito sa kanyang ginagawa.

Si Icang ay sa kanila na lumaki, magkasing edad lang sila ni Icang. Kinupkop ito ng kanyang mga magulang noong limang-taong gulang pa lang sila. Ang ina nito ay kapatid ng tatay ni Jen. Namatay ang mga magulang ni Rica ng minsang sinalakay ng mga rebelde ang kanilang baranggay sa isang bahagi ng Probinsya ng Sultan Kudarat.

"Huwag ka ngang disturbo diyan, Insan baka mali itong masukat ko mamaya." saway ni Icang sa kanya.

"Para saan ba kasi 'yan?" curious na tanong nito.

"Magpapatahi ako ng gown para sa party na dadaluhan ko sa katapusan ng buwan." imporma nito kay Jen.

"At kailangang magpatahi? Sosyal!"

"Siyempre noh! Kasama ko kasi si My Labs ko. Kaya dapat lang GEORGIOUS ako sa araw na iyan." kinikilig na sabi nito.

"Bahala ka nga." akma na niyang iiwanan ang pinsan ng tinawag siya nito.

"Sandali, tayo ka nga diyan at susukatan kita." utos ni Rica sa kanya.

"Bakit mo naman ako susukatan ha? Di ako magpapagawa ng gown ano! Saan ko naman susuotin 'yan." tumalikod ulit siya para umalis na pero hinila siya ni Rica pabalik.

"Ang cornylicious naman nito, isasama kita sa party siyempre. Buong Mindanao kaya ang magiging bisita namin doon." nag-isip si Jen sa offer ni Rica.

"Sige, papayag ako in one condition. Ikaw ang magbabayad niyan." biro ni Jen dito.

"DEAL!" nakakunot-noo si Jen na tinitigan ang kanyang pinsan. Nilapitan niya ito at nilagay ang kanyang palad sa noo ni Rica.

"Wala ka namang lagnat ah!" pagtataka nito. Si Rica na ang pinakakuripot na taong nakilala niya, kahit pisong nawala sa kanya eh parang binagsakan na ito ng mundo. Lagi pa nitong sinasabi na "hindi daw mabubuo ang isang milyon kung kulang ng piso", matipid at masinop sa lahat ng bagay si Rica pero ngayon gagastos siya ng malaki para sa pagpapagawa ng gown? Nag-sign of the cross pa siya tapos tinitigan ang mga mata ni Rica. "Rica, ikaw ba 'to? O, masamang espiritu layuan mo ang pinsan ko! Aray!!!!!..." napasigaw ito dahil binatukan siya ni Rica.

"Ano bang ginagawa mo ha?" nawe-werduhang tanong ni Rica kay Jen.

"Mukha ka kasing sinapian eh. Anong naisip mo at ililibre mo ako sa gown na 'yan ha?"

"Ganyan na ba talaga tingin mo sa akin ha?" nag-galit-galitan si Rica.

"Himala kasi eh."

"Loka, regalo ko na lang sa'yo 'yan noh. Mula pa noon wala pa akong naibibigay sa'yo sa kabila ng mga nagawa niyo para sa akin."

"Nagda-drama ka, Icang?" pagbibiro ni Jen sa pinsan saka niyakap ito.

"Loka! Joke lang uy! Sisingilin naman kita diyan eh." ganti ni Rica na ikinatawa nilang dalawa.

"Kailangan bang may partner sa araw na iyan? Baka kasi ma-OP ako 'pag mag-isa ako. Kasama mo kasi si Jomar eh."

"Ows? Naks naman! Oo na! Sinabihan ko na si Ken kahapon."

"What? Mas nauna mo pa siyang inimbita kaysa sa akin?"

"Eh, sa una kaming nagkita kahapon eh."

"Sige nga."

"Mahal na mahal mo talaga 'yong tao noh?" pagkuwa'y tanong ni Icang.

"Nang dahil sa kanya naging maayos ang daloy ng dugo sa aking puso." madamdamin niyang turan. Masayang makangiti si Rica habang pinagmamasdan ito.

************
"Pare! Ano ba? Maupo ka nga! Para kang di makaihing pusa diyan eh." saway ni Jomar kay Ken dahil paroo't parito ito na naglalakad na parang kinakabahan.

"I'm just so worried, Pre."

"Relax. Magiging maayos ang lahat." pagpapalakas ng loob ni Jomar dito.

"Di nakuha ni Michael ang Certificate of No Marriage na pinapa-secure ko sa kanya."

"Ha? Bakit daw?" napatayo din si Jomar dahil sa sinabi ng pinsan.

"Naka-hold daw." malungkot na sabi nito. Iyon ang balitang natanggap niya kay Michael mula sa Germany. On-hold ang Certificate of No-Marriage niya but he didn't talk with Michael for further details about that matter but he's so worried na baka ang ama niya ang nagpa-hold dito.

Malakas ang kapit ng kanyang ama sa gobyerno dahil minsan na itong sumabak din sa pulitika pero napagod ito at nag-concentrate na lang sa business.

"Alamin muna natin ang nangyari." suhestiyon ni Jomar dito.


"Pare, what if? Di ko ma-provide yon? Anong mangyayari?" nag-aalala pa rin si Ken. Ayaw na niyang sa pangalawang pagkakataon ay mabigo siya. Kinuha niya ulit ang telepono at di tinigilan ang pagtawag kay Michael sa German.

No comments:

Post a Comment