CHAPTER 18
"Hoy!
Bakit ang lalim ng iniisip mo?" untag ni Rica sa kanya habang
pinapaikot-ikot nito ang cellphone niya sa kanyang mesa sa opisina.
"Wala
naman. Two days na kasing tahimik si Ken eh. Minsan na lang nagri-reply sa mga
text ko at di na rin tumatawag." she sounds so worried. For the weeks na
naging sila ni Ken ay araw-araw siyang masaya, silang masaya. Si Ken ang naging
alarm clock niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos simula ng maging sila, at
exactly 6:30 a.m ay tumatawag ito to wake her up.
"Good
Morning sleepy head!"
"Good
Morning, Cupcake! Magkape ka na para mainitan 'yang sikmura mo."
"I
love you, time to face the world with a smile!"
Yan
ang mga salitang bumubungad sa bawat umagang nagigising siya.
Pero
ngayon bigla itong nagbago, 2 days ng tahimik ang lalaki.
"Baka
busy lang, alam mo namang pinapaasikaso sa kanya ng lola niya
'yong Rambutan
Farm nila 'di ba?" sagot ni Rica dito.
"Pero---"
"Sira
ulo ka talaga kahit kailan. Di ka pa ba natuto doon sa una?" pukaw na
tanong ni Rica sa kanya. Di niya masisisi si Rica.
"Huwag
mo na ngang mabanggit-banggit yang nakaraan. Tapos na'yon." ang malungkot
nitong sagot.
"Nakakaumay
din ang relasyong araw-araw, oras-oras, minu-minuto kayong nag-uusap, Insan.
Hayaan mong minsang di muna kayo magkita at mag-usap. Minsan magpa-miss din
naman kayo sa isa't-isa." ang payo ni Rica dito.
"Eh
ikaw? Kailan ba kayo huling nag-usap ni Jomar?" balik tanong nito kay
Rica.
"Kani-kanina
lang."
"Kita
mo na? Eh anong ginagawa mo kapag di ka tinatawagan ni Jomar sa isang
araw?" tanong niya ulit. Natahimik naman ang kanyang pinsan at nilagay ang
Index finger nito sa kanyang sintido at nagkunwaring nag-iisip.
"Hihihi.
Tinatapon ko ang cellphone ko. Hehehe!" pangiti-ngiti nitong sagot. At
tinapunan ito ni Jen ng isang box ng tissue.
"Walanju!"
natatawang turan nito.
*************
Hindi
niya sinabi kay Jenny ang tungkol sa pag-ayaw ng kanyang mga magulang sa
relasyon nila ng dalaga because he will never give-up Jen.
'Yan ang matapang
niyang desisyon kahit itakwil man siya ng kanyang mga magulang.
Hindi
naman ito maitatago but for now susuluhin na muna niya ang Worries. Ayaw niyang
makita si Jen na nag-aalala. Bago pa lang na naging sila at ayaw niyang maputol
ang mga maliligayang araw nila.
Ilang
araw ng magulo ang utak niya. At ilang araw na rin niyang di masyadong
nakakausap ang dalaga. He's too busy and worried. Magulo ang utak niya mga
bagay-bagay. Para siyang naghahabol sa oras. But he had already made a plan and
that should be done, NO MATTER WHAT.
Kailangan
niyang ma-Secure lahat ng requirements para sa plano niya.
At
ang kinatatakutan niya ay ang pagharang ng kanyang ama.
*****
"Cupcake,
pwedeng sa inyo ako matutulog tonight?" nagulat si Jen sa tinanong ng
katipan. Naki-miss niya ang lalaki but she didn't expect that Ken would ask
that.
"Ha?
Ma-tu-tulog sa bahay? Bakit? Wala naman akong sakit ah?" naibulalas niyang
tanong dito. Isang beses nang natulog si Ken sa kanila noong panahon na
nagkasakit siya dahil sa pagkatumba niya sa bike. She loves Ken wala nang
question doon. Pero ang ipinagtataka niya ay bakit ito nanghihingi ng permisong
matulog sa kanila.
"Anong
nakain mo at matutulog ka sa bahay?" tanong niya ulit dito.
"Gusto
ko lang makipag-bonding ng husto sa pamilya mo. If it's okay with you."
Gusto ni Ken na makausap ng masinsinan ang mga magulang ni Jen. 'There are many
things to be discuss' he thought.
Pumayag
na rin si Jen dahil gusto din niyang makausap ng masinsinan ang lalaki.
Napapansin na kasi niya na parang may itinatago ito sa kanya.
SA
BAHAY NG MGA AGREDA:
"Magluluto
muna ako ng dinner, Sugar ha?" pamamaalam ng dalaga kay Ken nasa isang
bahay-kubo sila sa likurang bahagi ng bahay nina Jen. Ito ang Kubo na
pahingahan nilang mag-anak kapag tanghali.
"Tutulungan
na kita, Cupcake."
"No.
Just stay with Mama and Papa. Gusto mong makipag-bonding sa kanila di ba?"
he's too lucky ang nasasaisip niya. Tinutulungan siya ng pagkakataon.
"Uncle,
Auntie. I really love, Jen---" pag-uumpisa niya habang kinakabahan at
namamawis ang mga palad. Tahimik lamang ang mga magulang ni Jen na nakatuon ang
atensiyon at naghihintay ng kanyang sasabihin.
"and
I wan't to---- marry her." pagpapatuloy nito.
"Seryoso
ka ba diyan sa nararamdaman mo anak?" si Mang Elpidio na kinikilatis pa
rin ang lalaki.
"Yes,
Uncle. Ayaw ko nang pakawalan si Jen. Siya ang nakatadhana sa akin." turan
niya.
"Paano
kung di ikaw ang nakatadhana sa kanya?" singit naman ng ina ni Jen.
"Ano
ka ba Pasing." saway ni Mang Elpidio sa asawa. May biglang kumurot sa puso
ni Ken nang narinig ang sabi ng ina ni Jen. 'Paano nga kung hindi ako ang
nakatadhana sa kanya?' tanong ng kanyang isipan. Minsan di niya maiwasan ang
mag-isip ng negatibong bagay.
"Ang
akin lang naman ay baka nabibigla ka lang. Ilang linggo pa lang kayo ng anak
ko." si Aling Pasing.
"Mahal
po namin ang isa't-isa Auntie at handa po akong ipaglaban ang anak niyo kahit
sa mga magulang ko, ganyan ko siya kamahal." madamdaming turan nito na
ikinatingin sa kanya ni Mang Elpidio na nagtataka.
"Anong
ibig mong sabihin?"
"Pasing,
tulungan mo muna si Jenny sa loob. Usapang lalaki sa lalaki 'to."
pagtataboy ni Mang Elpidio sa asawa. Nararamdaman niyang may kakaibang gustong
ipahiwatig ang nobyo ng anak.
Ikinuwento
naman ni Ken sa matanda ang tungkol sa pagtutol ng magulang niya sa relasyon
nila ni Jen.
At
first, nahirapan siyang kumbensihin ang matanda but he keeps on arguing with
Mang Elpidio at ang kinalabasan napahanga pa ang matanda sa pagmamahal ng niya
kay Jen.
At
nangako pa itong tutulong kung malinis at tunay ang hangarin niya sa anak nito.
"Oh
Ma. Bakit ka pumasok? Ako. dito, kaya ko na ang kusina. Doon ka na lang kina
Papa." sabi ni Jen nang pumasok ang kanyang ina sa kusina.
"Tutulungan
na lang kita, usapang lalaki sa lalaki ang nandun eh. Hayaan muna natin 'yong
dalawa." si Aling Pasing saka lumapit kay Jen at
tinulungan ito sa
pagluluto.
"Lalaki
sa lalaki talaga ah." si Jen na napataas ang kilay at ipinagpatuloy ang
ginagawa.
Nakahanda
na ang dinner. Kumpleto ang pamilya ni Jen maliban lamang kay Rica na nasa
Davao para sa isang Conference.
"Ang
sarap mo palang magluto, Cupcake." papuri ni Ken habang ninanamnam ang
Crispy Pata na luto ng nobya. Sarap na sarap siya sa pagkagat ng malutong na
pata. At tawa ng tawa si Denise sa kanya dahil sa facial expression nito habang
kumakain.
"Credits
for my mom" si Jen.
"Oh
really? Thank you, Auntie."
Isang
larawan ng masayang pamilya ang masisilayan sa kusina ng mga Agreda. Masaya si
Ken na pinapanuod ang mag-anak. He missed his own family kahit tahimik ang
kanilang tahanan sa German dahil nag-iisang anak lang siya ay masaya pa rin
sila.
Biglang
napalis ang ngiti sa kanyang mga labi ng biglang maalala ang kanyang mga
magulang.
He
decided to tell Jen about it. Ayaw niyang magtago sa nobya. Alam niyang
masasaktan ito pero mas masaktan ito kung itago niya at sa iba pa malaman ni
Jen.
May
inuumpisahan na siyang plano but what if? 'Aaaahhh!' pag-aalala ng kanyang
utak.
Ano
kaya ang magiging reaksiyon ni Jen kapag nalaman niya ang pagtutol ng pamilya
ni Ken sa relasyon nila?
No comments:
Post a Comment