My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 19

THEY'RE watching the night sky at nagpaparamihan ng bilang ng mga bituin habang sila'y nakahiga sa duyan sa ilalim ng punong mangga. Habang nakaunan ang ulo ni Jen sa makisig na braso ni Ken.

"Look at that one! It's too bright!" turo ni Jen sa isang maliwanag na bituin.

"No, the other one is brighter! And that's me now, my life become brighter because of you." ang turan nito saka humarap kay Jen. Nangingislap ang mga mata nito na puno ng pag-ibig.

"Sugar, may problema ka ba?" di na napigilang magtanong ni Jen sa lalaki. Bumawi sa pagkatitig niya si Ken sa dalaga at binalik ang tingin sa kalangitan.

"Behind that brightest star is a dark cloud." matalinghagang pahayag ni Ken. Napansin ni Jen ang kalungkutan sa boses ng lalaki. Niyakap niya ito.

"Kung may dinaramdam ka man, I'm here to listen. Don't you trust me?" katahimikan ang bumalot sa kanila after Jen's question. Buntong-hininga ni Ken ang naririnig niya.

Bumangon si Ken sa pagkakahiga at naupo ito at hinarap si Jen, "My----, My Parents are ---against our relationship." pagtatapat ni Ken sa dalaga.
Nagulat siya sa nalaman mula sa nobyo, she don't know how to react. Ilang minuto pa bago nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ni Ken. At sa isang iglap, luha niya'y pumatak. Tumalikod siya to hide her tears pero huli na, nakita na ito ni Ken. He hugged her.

"Cupcake. I'll promise you, ipaglalaban kita." pangako ni Ken sa dalaga.
Naintindihan na niya ang matalinhagang pahayag ng lalaki tungkol sa maitim na ulap. And that's his parents.

"You don't have to worry about me. Ikaw ang mahal ko at hindi ang magulang mo. Darating din ang araw na ang maitim na ulap na 'yan ay hahalik din sa lupa." she just said that para di masyadong mag-alala si Ken pero sa kanyang kaloob-looban, natatakot siya. Mahirap kalaban sa pag-ibig ang pamilya. Like her, pangako niya sa sarili niya na aalagaan niya ang pamilya niya. What if Ken would follow his family wants?

'No, I trust him.' she said to herself...

"Oh, anak gising pa pala kayo?" ang tanong ni Aling Pasing nang makita ang dalawang kakapasok lang galing sa labas.

"Nasa duyan lang kami, Ma. Nagpahangin lang."

"Matulog na kayo, malalim na ang gabi." utos ni Aling Pasing sa dalawa.

"Jen, sa kwarto mo na patulugin si Ken." pahabol ni Aling Pasing bago ito pumasok sa kwarto nilang mag-asawa.

"Po?" nakakagulat ang kanyang ina. Ang higpit-higpit nito sa manliligaw niya noon na kahit noong naging sila na ni Sam ay ingat-ingat pa rin itong makita sila ng ina na naka-holding hands. Lagi siyang pinapangaralan ng ina tungkol sa pagka-dalagang Pilipina. Pero ngayon? Pinapayagan niyang matulog si Ken sa kwarto niya?

'Sinapian ata si Mama.' sa isip-isip niya.

"I'm harmless!" sabi ni Ken na itinaas pa ang dalawang kamay nito nang nilingon siya ni Jen.

"Sige ikaw sa kama, ako na lang sa sahig" si Jen.

"What? Ako na sa sahig."

"Nakakahiya, bisita ka namin."

"No, I insist! Di ako makakatulog niyan" Si Ken.

Narinig ni Mang Elpidio ang pagtatalo ng dalawa di pa kasi siya tulog at sinilip niya ang mga ito at kumatok sa pinto. Nakita niyang naglalatag ng banig si Ken sa sahig.

"Ken, anong ginagawa mo? Malamig ang sahig, makitulog ka na sa kama ni Jen." nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ng ama ni Jen.

"Huwag na po, dito na lang ako." nahihiyang turan ni Ken.

"Naku, hijo. Di ka na iba sa amin, may tiwala naman ako sa'yo eh. Kaya sige na" si Mang Elpidio.

Nagtataka si Jen sa mga ikinikilos ng mga magulang. Una, ang pagluwag ng bantay ng kanyang ina at ito na naman ang kanyang ama. Ipinagpipilitang tumabi sa higaan niya si Ken? Wala na kasi silang guest room dahil 'yon na ang naging kwarto ni Rica simula noong nagdalaga na sila.

'Pati si Papa may sapi?'

Ipinagtapat ni Mang Elpidio sa maybahay nito ang mga napag-usapan nila ni Ken. At boto naman si Aling Pasing kay Ken for her daughter at isa pa, nakikita nila ang pagbabago sa kanilang anak simula ng dumating ito galing sa Jordan.

"Anong nangyayari sa mga iyon?" naibulalas niyang tanong kay Ken 
when she saw him wondering too.

Pati si Ken napangiti ng lihim sa mga ikinilos ng mga magulang ni Jen. He just asked them to marry their daughter pero di niya inaasahan na ganun pala siya katanggap ng mga magulang nito. Hindi sila natakot na ipagkatiwala sa kanya si Jen and he's very happy to know that.

"Sa sahig na lang ako, Jen."

"Hindi, tama si Papa mala--mig sa sahig." nag-alinlangan nitong turan pero wala na siyang magawa kaysa matulog si Ken sa sahig. Ayaw niya ng Boyfriend na hikain. :-D

He trusted Ken, anyway. "Ayan, dito ka. Doon ako." nilagyan niya ng harang na unan sa gitna ng kama at nahiga na sa kabilang bahagi nito.
Nakangiting hinarap niya si Jenny bago pa ito tuluyang magtalukbong ng kumot. "I told you, I'm harmless." seryoso nitong pahayag habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.

Mata sa mata. Mga titig na nakakatunaw. Nararamdaman niya ang SINCERITY at pag-ibig sa mga mata ni Ken. Sobra siyang kinakabahan.
Unti-unting nagkakalapit ang kanilang mga mukha. Hanggang sa naglapat ang kanilang mga labi. Lumalalim na ang halik at di napigilang kumapit ni Jen sa batok ni Ken.

Hindi niya napigilan ang sariling gumanti sa tila ba naglalarong mga halik ni Ken.

Ilang minuto na rin nilang nilalasap ang tamis ng kanilang pagmamahalan ng naalimpungatan si Jen dahil sa ingay ng mga kabayo sa labas.
Bumitiw siya kay Ken.

"It's wrong." hawak ni Jen ang kanyang ulo at naupo.

'Salamat, Cupid at Psyche' ang naituran nito sa kanyang isip.

"I'm Sorry, I lost my control." paghingi ng tawad ni Ken.

"Kaninong kabayo yang nasa labas?" tanong ni Ken sa kanya. 'disturbo! malapit na eh! tsk!' paghihimutok ng kanyang isip.

"Kay Yana, iniwan niya muna dito kasi pinag-iinitan nang isang froglet daw." si Yana ay kaibigang Manobo nina Rica at Jen na nag-aaral bilang eskolar.

Malaki ang pasasalamat niya sa mag-asawang kabayo kung hindi sana nag-ingay ang mga ito ay naisuko na niya ang bataan na kanyang pinakaiingatan. Pangarap pa naman niyang malinis siyang haharap sa Altar.

Nangako si Ken na walang mangyayari at napilitan siyang magpigil. Nakatulog silang magkayakap habang may ngiting nakapinta sa kanilang mga labi.

*******
Nagising siyang wala na si Ken sa tabi niya kaya hinanap niya ito pagkatapos niyang maglinis ng kanyang sarili.

She saw him outside. Nagkakape sa may garden with her parents. Lalabas na sana siya when she heard Ken's phone rang and she picked it up. Nakita niya kung sino ang tumatawag, 'Angel Lorraine?'

She dont know the girl. Wala siyang kilalang Angel Lorraine. May kabang bigla na lang sumindik sa kanyang damdamin. Hindi niya alam kung para saan ang kabang 'yon. Kinuha niya ang telepono at hinatid kay Ken sa labas.

"Good Morning, Sugar!" bati nito sabay halik sa pisngi at inabot ang Telepono. "Someone called, Angel Lorraine." she informed him. 
Napatingin sa kanya si Ken with a different look.

"Thanks. She's a new business partner" she's jealous. After kinuha ni Ken ang Cellphone ay may idinayal ito at lumayo ng konti sa kinaroroonan nila.

SELOS ang kanyang naramdaman. Babae ang kausap ni Ken sa telepono.

May tiwala siya sa pagmamahal ng nobyo pero di maiwasang magselos ito. Sa gwapo ba naman ng lalaki at sa hubog ng katawan nito ay imposibleng walang nangangarap dito.

She's afraid of losing him lalo pa ngayon na nalaman niyang against ang pamilya nito sa relasyon nila.


Anong gagawin niya if Ken will leave her? Makakaya kaya niya ang pagkabigong muli?

No comments:

Post a Comment