VI:
THE PREROGATIVE
“GAB is coming one of
these days.” excited ang boses ng kanyang Mama. Halos mabilaukan siya sa sinabi
nito at napatingin sa dalawa na nagkatinginan. “are you okay?”
“Of course Pearl, she’s
excited to see her soon-to-be fiancé.” her Papa said while nibbling the bread.
“Fian—fiancé? What? Me
and Gab are just friends. What are you two talking about?” nagpalipat-lipat ang
tingin niya sa mga ito. Natutop ng mga ito ang bibig.
“We thought there are
something between you and Gab.” anang kanyang Mama.
“Mama? I’m not into him
anymore. Maybe before and we were too young that time.”
“Don’t end your word
there, he grew up very manly and good-looking guy. You must have missed him so
much.”
“We’re friends, that’s
natural. But it doesn’t mean, I like him or we like each other.”
nagkatinginan
ang mag-asawa sa sinabi niya. Parang ang weird ng dalawang ito.
“Pero sana, if you will
have a boyfriend, choose Gab. You two are perfect match.” pagi-insist ng Mama
niya.
Kumibit-balikat siya. Wala na sa
puso ko si Gab, ‘cos I have someone else right now. He is Sly but he’s tearing
my heart apart. He must have liked Danny.. Sly, don’t be in love with her. I’m
in love with you! I know this is such a fool dahil sinabi mo naman sa aking
kaibigan lang ako.
PUMASOK na siya sa school.
Malakas ang balitang sa school na raw na pinapasukan niya papasok si Danny at
nabalita rin na lumipat ng school si Sly sa kanila. Nasasaktan siya sa naiisip
niyang dahilan. Hindi kaya, gusto talaga ni Sly si Danny? Bakit ito lumipat ng
school nang dito rin mag-aral si Danny?
“Uy, ba’t ang lalim
naman yata ng iniisip mo, girl?” tanong ni Chinh sa kanya nang dumating na ito
sa room. Umiling lang siya at huminga ng malalim. “si Sly ba ‘yan? I bet, gusto
mo na talaga siya kaso lang nakita ko kaninang umaga yung newspaper, may
kasayaw si Sly bebe mo kagabi.
Kinabog ka bhe! Ang ikli ng
suot..grabe. Kung nakita ko siguro ‘yon ng personalan baka ‘di ako natunawan.”
napaumis nalang siya sa patutsada ni Chinh. “nagseselos ka ba? Umamin ka nga sa
akin, babae.” malungkot siyang tumango.
“I’m admitting that
yes, I like him pero halata namang type niya si Danny. She’s beautiful and
sexy, wala akong panama doon. I’m not sexy, I’m just white but I’m not
beautiful like her na napaka-fab and sophisticated.” sumubsob siya sa mesa
niya. “alam mo ba? Kaibigan lang naman talaga ang turing niya sa akin eh. In
fact, wala akong karapatang magselos.”
“May karapatan ka,
girl. Karapatan mong umibig at ibigin. Ngayon, dahil hinayaan ni Sly na mahulog
ka sa kanya, dapat panindigan niya ‘yang nararamdaman mo. Kapag hindi niya
ginawa, apakan mo siya sa mukha at pagbuhulin mo sila nung Danny!”
Natawa siya sa
kalokohan ni Chinh. Dumating na ang breaktime, nakita nila ni Chinh sina Sly at
Danny na magkasama sa student’s park. Nasaktan siya roon. Nilagpasan nila ang
mga ito. Narinig niyang tinawag siya ni Sly ngunit dire-diretso lang sila ng
lakad ni Chinh. Siniko siya ni Chinh.
“Girl, tawag ka ni
pogi.”
“Tsk. Halika nalang,
Chinh. Don’t mind that guy.”
“H’wag ka ng pakipot,
magkaka-wrinkles ka niyan, bahala ka.”
“Mas okay ng magkaroon
ng wrinkles rather than to ruin my day.” dire-diretso lang siya sa paglalakad.
“Who’s ruining your
day?” napalingon siya roon. Si Sly pala iyon, hinanap niya kung nasaan si Chinh
ngunit wala na iyon sa tabi niya kundi tumakbo na palayo. Binalik niya ang mga
mata kay Sly. “I was calling you, iniiwasan mo ba ako?”
“Why would I?”
Nakita niyang palapit
na rin sa kanila si Danny. Nakangiti pa ito sa kanya. Gumanti rin siya ng ngiti
ngunit ‘di umabot sa mga mata niya.
“Nawala ka bigla noong
welcome party, Nicole. We were looking for you. Sabi kasi ni Sly, close kayong
dalawa kaya gusto rin sana kitang ma-meet, baka we can be friends din.” nilahad
nito ang kamay. “you know me naman na ‘diba? Is it okay na tawagin kitang
Nicole? I heard na tinawag ka ni Mr. Kim na Nikki. Okay ba sa’yo ang Nikki?”
Tinanggap niya ang
kamay nito. “Nicole nalang. Si Taekhyun lang ang tumatawag sa akin ng Nikki
dahil lagi niya akong inaasar. Nice meeting you, Danny. But I’m sorry, I think
I need to go kasi nagugutom na ako eh.” hinawakan pa niya ang tiyan at tagilid
ang pagngiti.
“Oh! ‘Diba we’re going
to eat lunch na, Sly? Sabay na kami sa’yo, okay lang ba?” anito.
Tumango naman
siya. Wala na siyang maisip na excuse. Sabay-sabay na silang naglakad kasama
ang mga guards niya. “talaga bang may mga guards ka? ‘Di ka ba naiirita ng
ganyan?” tumabi ito sa kanya sa paglalakad, samantalang tumabi naman si Sly
rito. Umiling siya.
“Dati, naiinis ako pero
okay na rin siguro ang may mga bodyguards para walang mananakit sa akin, in
case.” may conviction yung 'mananakit'. Sana
pala kasi, noon palang ay ‘di na niya hinayaang lumapit pa siya kay Sly.
Napalapit tuloy ang loob niya at nahulog rito. Ang masakit, hindi naman ito
handang saluhin siya sa pagkahulog niya. Sana
noong nahulog ako sa kanya, nabagok ang ulo ko, na-comatose at na-amnesia. Yung
tipong hindi temporary memory loss, lifetime dapat para ‘di ko na siya
kailanman maalala at ‘di ko na din nararamdaman ang ganitong sakit.
“True.” nagngitian pa
sina Sly at Danny. Iniwas na niya ang tingin sa dalawa dahil naninikip na ang
dibdib niya.
VII: GABRIEL
NARATING na nila ang restaurant sa loob ng school at nagpa-order na sila. Um-order lang siya ng Italian pasta at four seasons juice. Parehas lang ng order sina Sly at Danny. Paano, kung ano ang order ni Danny, iyon na rin ang order nito.Ang bilis mo namang nawala sa akin Sly.
Hinapag na ang orders nila at kumain na rin sila.
“Alam mo? Natutuwa naman akong malaman na mahilig pala sa fairy tales itong si Sly.” natatawa pang kwento ni Danny. Nagkatinginan sila ni Sly. Siguro, lahat ng babaeng makikilala ni Sly, sinasabi niyang mahilig siya sa fairy tales pero hindi sa happy endings. The same lines as he said to me few days ago. Why did I fall in love with you so easily? Bakit ‘di ko naisip na you’re just playing with me?
“Sweet boyfriend ka for sure, Sly.” pagpapatuloy ni Danny. Natawa doon si Sly at umiling.
Pinagmamasdan niya lang ang dalawa. “isa pa, while I’m dancing with him last night, napaka-gentleman niya. Tapos, natatawa akong napakaraming babae ang nakatingin sa akin as if they will kill me in no time.” napahalakhak pa ito at pinukpok ng mallet ang lobster. Tumalsik ang katas niyon sa pisngi niya. Kukunin niya palang ang tissue, naabot na ni Sly ang pisngi niya at pinunasan iyon ng panyo nito. Kinilig siya ngunit nailang rin siya. “sorry, Nicole. See that? Ang bait-bait mo talaga Sly.”
“Tulungan na nga kita riyan. Nahihirapan ka na sa pagpukpok diyan eh.” kinuha ni Sly ang plate at mallet kay Danny at ito na ang nagpukpok at pinag-himay pa si Danny. Mabilis niyang ininom ang four seasons tapos ay mabilis niyang tinapos ang pagkain ng pasta. Bumara naman sa lalamunan niya ang kinain. Inaro sa kanya ni Sly ang juice nito. Tinanggap niya naman agad.
“Okay ka lang ba, Nicole? Nagmamadali ka ba talaga?” tanong sa kanya ni Danny na nag-aalala pa. Umiling siya.
“I’m fine.” but I want to go…
“Nicole?” nagitla siya sa boses na narinig niya mula sa likuran niya. Napatayo siya nang makita si Gabriel. Tumangkad itong lalo at gumanda ang pangangatawan, maganda ang ngiti nito sa kanya. Ngumiti rin siya rito.
“Whoa! You’ve grown into a beautiful man. I missed you!” niyakap niya ito. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Kumalas na siya sa pagkakayakap at humarap kina Danny at Sly. “Danny, Sly, he is Gabriel..ahmm, how will I introduce you to them?” natatawa niyang tanong kay Gab. Ngumiti rin ito at nilahad ang kamay sa dalawa. Una namang nakipagkamay si Danny at sunod si Sly.
“I’m Gabriel Alastair Zapanta. Nicole’s soon-to-be fiancé.” ngumiti pa ito sa kanya. Nagulat siya roon pero idinaan nalang niya sa tawa. Hindi niya alam kung pasasalamatan niya ito sa pagdating o maiinis siya. Pasasalamatan niya dahil pwede na siyang makatakas kina Danny at Sly. Maiinis dahil tiyak na kukulitin na naman siya ng parents niya tungkol sa binata.
“Anyway, Gab, si Danny ang newest elite member. Welcome her.” aniya.
“Oh! Welcome to the elite, Danny. Hope you enjoy.” nakangiti nitong sinabi. Tumango naman si Danny.
“Sure. Thanks!”
“Ahmm, can I borrow Nicole from you guys? Tutal naman parang, you two are lovers kaya maybe I can steal my lady, too?” inakbayan pa siya nito. Ngumiti nalang siya roon.
“Stealing is bad, Mr. Gab Zapanta. But anyway, parang it’s been a long time nang huli kayong magkita ni Nicole. And it seems like you missed each other. Sige, go ahead. Pero promise me Nicole na babawi ka sa amin ni Sly, okay?” ngumiti pa ito sa kanya. Tumango siya. Nagpaalam na siya sa mga ito. Nakahinga siya ng maluwag at hinawakan niya ang dibdib, naroon pa rin ang sakit na nararamdaman niya dala ng selos.
Umupo sila sa Student’s Park ni Gab.
“How are you, Nicole? I missed you so much. You’re still beautiful. Malapit na ang birthday mo, what’s your plan?”
“Nothing.” kumibit-balikat pa siya. “how’s your flight?”
“It was fine. Kumusta ka dito sa Philippines? Sama ka na sa’kin pabalik sa America?”
“Let’s see. I want to finish my degree here.”
“You can finish that in New York. You can be a best Psychologist pa kung doon ka mag-aaral.”
“Alam mo namang sina Mama at Papa ang nagpabalik sa akin rito sa Philippines. They want me to be with them.”
“Anyway, I have plan naman para maisama ka sa America.”
“Plan? Anong plan? Siguro naman, on vacation, I can visit you there.”
“Basta. I’ll promise you na ang 18th birthday mo ang pinaka-surprising birthday ever mo and I’m sure, you will like it.”
“Make sure of it. Ayoko pa namang pinangangakuan. O sige na nga, ihatid mo na ako sa bahay. I’m sure, matutuwa si Mama kapag nalaman niyang nandito ka na.”
“Oo. Si Tita Pearl pa. Favorite ako nun eh.”
“Paano? Eh mag-bestfriend sila ni Tita Alecia.”
“WHAT stopping you, Sly? Go and take her. Baka mag-regret ka once you can’t have her anymore.” ani Danny sa kanya habang naninigarilyo ito. Tanaw pa rin niya ang dalawang papalayo na sina Gab at Nicole galing sa Student’s Park. Mukhang masayang-masaya naman si Nicole. Nasaktan siya sa kaalamang soon-to-be fiancé pala nito ang lalaking iyon pero naniniwala siyang gusto na siya ni Nicole.
“I’m just starting to make sure, but look. Iba na ang kasama niya, nilalayuan niya pa ako. Halata naman ‘diba?”
“Because she’s jealous. Why don’t we tell her that—“
“Hindi pwede. I wanna make sure. I want to assure myself that she really likes me.”
“Hindi pa ba sapat sa kilos niya? Kanina habang kumakain, ni hindi niya malunok ang kinakain niya tapos nung nag-act tayong sweet, binilisan niyang kumain para maalis ang atensyon niya sa atin. Kakainis naman kasi ang pagdating nung Gabriel eh.”
“May nafi-feel akong threat kay Gabriel.”
“Nah! Ano ka ba namang lalaki ka, akong bahala sa Gabriel na ‘yan. Kung ako sa’yo—“
“No. I have plan.”
VIII: THE HEARTACHE
PAGKAPASOK ni Nicole sa school ay nagkakagulo. Sinabihan niya ang mga guards na titignan niya lang kung ano iyon.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakaluhod si Sly sa tapat ni Danny. May flowers pang inaabot si Sly rito. Gumuho ang pag-asa sa puso niya at bumagsak ng sunod-sunod ang luha sa mga mata niya at kumaripas ng takbo palayo. Hindi siya pumasok sa room at umiyak lang nang umiyak sa powder room.Ang sakit palang makitang may mahal na ang lalaking natutunan mong mahalin.
Naisip niyang ‘wag ng pumasok sa school. Naglalakad na siya sa pasilyo nang masalubong niya sina Chinh at Gab.
“Your eyes are bloodshot of tears. Why? Who made you cry?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Gab na nakahawak sa dalawang balikat niya. Para siyang manhid at parang gusto niyang maglupasay at bumunghalit ng iyak pero pinigil niya ang sariling huwag gawin iyon. Inalis ni Chinh ang mga kamay ni Gab sa kanya.
“Ah hindi ‘yan umiyak si bakla! In-allergy na naman siguro. ‘Di na naman siguro niya napansing may garlic sa fried rice nila kanina. Oh sige Gab, papasok pa kami sa next class namin.” nagsimula na silang maglakad, para siyang kinakaladkad ni Chinh. “Ay wait Gab! Mmn..siguro, next time mo nalang kausapin si Nicole, ‘wag ngayon. Alam mo kasi, matagal na kayong ‘di nagkita ni Nicole, marami ng nagbago, ayaw niya kasing kinakausap siya kapag ina-allergy, nananapak siya bigla. Bye!” kumaway pa ito kay Gab. Sumunod lang siya kay Chinh. “uy kayo, guards, ang enjoy niyo panoorin, diyan lang kayo sa labas ah? Dito lang kami sa powder room.” sabi naman nito sa mga bodyguards. Pumasok na sila sa powder room at ni-lock nito ang pinto. Nakatulala lang siya.
“Hoy! Anong nangyari sa’yo? Dahil ba kay Sly?”
Hindi siya nakasagot bagkus ay niyakap niya ito at umiyak nalang. Inalo siya nito hanggang matapos ang pag-iyak niya. Nagulat silang dalawa nang bumukas ang pinto ng isang cubicle. Niluwa niyon si Montana.
“So, you’re in love with Sly. Hindi nga ako nagkakamali sa paratang sa’yong slut ka. Well, hindi ka pa rin naman nagtagumpay. ‘Buti nga sa’yo!” sabay matalim siyang inirapan nito.
“Hoy babaeng malaki ang galit sa mundo! Eh ano naman kung gusto niya si Sly? Ikaw rin naman patay na patay ka rin kay Sly. If I know, ini-stalk mo pa siya! Mas loser ka dahil si Nicole, pinansin ni Sly, eh ikaw? Hanggang tingin ka lang! Assume-rang palakang ‘to!”
Lumapit si Montana kay Chinh at akmang sasampalin ngunit napigil niya ang kamay nito.
“Subukan mong saktan ang kaibigan ko at hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa’yo. Get out, you, eavesdropper!” masamang tingin ang ipinukol nila rito, saka umalis na rin ito.
No comments:
Post a Comment