The Love Of My Life by Ladyshane Lanmarks


CHAPTER 6

ALAS-SINGKO pa lang ay gising na si Erise para maghanda ng almusal. Mugtong-mugto ang kanyang mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak. Pero hindi dapat malipasan ng gutom ang kanyang ina at lalong hindi siya dapat mahuling gumising kay Dylan.

Malungkot niyang pinagmasdan ang kamay na may sugat. Nakabalot pa rin iyon ng bandage at bahagyang kumikirot. Ramdam na rin niya ang pananakit ng katawan at pagkahilo pero ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon. Hindi siya puwedeng magkasakit dahil baka isipin ni Dylan na umaarte lang siya.

Pagkatapos niyang maiayos ang ina sa sala at mapainom ng gamot ay naging abala na ito sa panonood ng telebisyon. Samantalang siya ay dali-daling gumawa ng almusal para sa binata. Iniakyat niya iyon sa silid nito. Napansin niyang maayos ang silid na iniwan niyang magulo kagabi. Maayos na rin ang pagkakalagay ng mga gamit doon maliban lang sa konting alikabok.

Napadako ang paningin niya sa binatang natutulog. Napalunok siya. Kahit sa pagtulog nito ay halatang may touch of elegantness—isang makapangyarihan at mahalagang tao sa lipunan. She really couldn’t imagine how he became like that. The man manifested power and really spoke money. He looked even handsome in every angle of his body. Napapitlag siya nang gumalaw ito.

Agad niyang inilapag ang tray ng pagkain sa gilid ng kama at bahagyang yumukod. “H-heto na po ang almusal ninyo, Master,” hindi tumitinging wika niya.

“I need a shower and I want you to clean the bathroom right now,” utos nitong hindi man lang pinansin ang sinabi niya. “I’ll give you five minutes to do that.”

“Yes, Sir…”

“‘Yes, Master!’ Have you forgotten that?”

“Y-yes, Master,” bagkus ay muli na lang niyang sambit.

NAGKANDAKUMAHOG si Erise sa paglilinis ng banyo. Daig pa niya ang isang robot na inoorasan kung kailan dapat matapos sa trabaho. Ayaw na niyang umiyak. Wala namang maitutulong ang mga luha sa kanya.

“T-tapos na ho, Master,” nakayuko niyang sabi kay Dylan nang matapos na siya.

“Prepare my dress. After that, start cleaning the house, in and out,” utos nitong hindi siya tinitingnan, saka pumasok na agad ito sa banyo.

Napalunok na lang siya. Kaya mo pa, Erise, huwag kang susuko para sa nanay mo okay? Pilit niyang isinisiksik sa isipan ang mga katagang iyon.

Sinimulan niyang linisin ang second floor ng bahay. Mas madali na lang din linisin ang ibaba kasi nalinis na niya iyon kahapon. Ni hindi na niya alintana ang sariling gutom at nakalimutan na niyang wala pang laman ang kanyang sikmura.

Inakala niyang aalis ang binata pero kanina pa ito nasa loob ng silid at hindi pa lumalabas.
“Miss de Guzman!”

Muntik na siyang mapatalon sa baritonong boses sa kanyang likuran. Kailangan bang lagi itong nakaangil sa tuwing kakausapin siya? Agad siyang napapihit paharap dito. He’s on his plain white T-shirt and maong jeans.

Napaawang ang kanyang mga labi sa hitsura nito. If only she could be with this man every minute of her life, that would surely be heaven being with him. Nang mapagtanto ang kanyang ginagawa ay agad na naman siyang napayuko. “M-master?”

“Ipapaayos ko ang bintanang nasira mo at kakaltasin ko `yon sa suweldo mo.”

Tumigas bigla ang kanyang mukha sa narinig. “Pero hindi ko naman sinasadya `yon, ah!”

“Do not raise your voice over me!” singhal nito sa kanya. Talagang wala na ang lalaking inakala niyang pinakamabait sa mundo. “Kung lahat ng kriminal ay idadahilang hindi nila sinasadya ang kanilang ginawa at absuwelto na agad, ano na lang ang mangyayari sa mundo?”

“Hindi naman krimen ang ginawa kong pagbasag sa bintana mo, ah!” she tried to defend herself again.

“Slave doesn’t have the right to raise objections! Tandaan mong isa kang alipin. Nasa akin na ang pagkatao mo at anumang gawin ko sa `yo, wala kang karapatang tumanggi!”

Para siyang nagkapira-piraso sa mga sinabi nito. Gusto na niyang sugurin ito at pagsasampalin. Ayaw man niya ngunit unti-unti nang nabubuo ang galit sa puso niya para sa binata.

“By the way, I don’t like the arrangement of the living room. Do it again.” Tinalikuran na siya nito at bumaba.

Naghihina niyang ipinagpatuloy ang ginagawa.

“ANAK, okay naman ang ayos ng bahay, ah? Bakit pinapalitan mo na naman?”

Pinahid muna ni Erise ang luha bago sagutin ang ina. “Ah, `Ma, mas maganda kasi kapag ganito ang ayos.”

“Eh, nandito naman ang asawa mo, bakit hindi na lang siya ang pagbuhatin mo niyan?” Tumaas na ang boses ng ina.

“`Ma, busy ho si Dylan. May mga mahahalaga ho siyang kliyente na dapat kausapin.”

“Hindi na tama `yang ginagawa ng asawa mo, Erisalda! Nasaan ba ang lalaking iyon?!”

Kinabahan siya sa nakikitang anyo ng ina. Galit na ito at kailangan niya itong pigilan. Baka mas lalong magalit sa kanila si Dylan. “Mama, please? Kaya ko naman po, eh. Huwag na ho, ayokong nagagalit kayo.” Halos magkandaiyak siya sa pakikiusap sa ina. Nagawa naman niya itong pigilan pero hindi rin ito nakatiis nang maghapon siyang nakitang naglilinis ng buong bahay, samantalang nagkukulong lang sa silid si Dylan at dinadalahan lang ng pagkain.

Para na siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa hitsura niya. Konti na lang at matutumba na siya. Sadyang wala na siyang ganang kumain sa dami ng kanyang trabaho.

TAHIMIK na tinatanaw ni Dylan si Erise mula sa bintana habang nagwawalis ito sa bakuran. Napapabuntong-hininga na lang siya at madilim ang mukhang nakatanaw lang sa dalaga. Kinain na ng sobrang poot ang kanyang damdamin. Nasa ganoon siyang posisyon nang malalakas na katok sa kanyang silid ang nagpalingon sa kanya.

“Papatayin mo ba ang anak ko?!” galit na bungad ng ina ng dalaga na lalong ikinatagis ng bagang niya. “Hoy, lalaki! Hindi ko alam ang pagkatao mo pero ito lang ang masasabi ko sa `yo, wala akong balak na ipagkatiwala sa `yo ang anak ko! Kahit puno ng pera `yang bulsa mo, kung kasing baho naman ng kanal ang pag-uugali mo, walang makakatiis sa `yo!”

Mapakla siyang napangiti. “Hindi ba ang mga katulad ko ang gusto mo para sa anak mo, Mrs. de Guzman?”

“Dylan!” humahangos na pigil ni Erise sa sasabihin niya. “Mama, tara na ho sa baba. Parang awa niyo na.”

“Hindi, Erisalda! Kunin mo ang mga gamit mo at aalis na tayo sa bahay na ito!” tanggi ng ina ng dalaga.

“Mama, please?”

“Wala kang mapapala sa lalaking batugan! Hindi marunong magpahalaga sa kung ano’ng mayroon siya sa ngayon!” Tiningnan siya nito nang matalim. “Kahit magdildil tayo ng asin, matitiis ko iyon, kaysa magpabuhay ka sa lalaking katulong ang tingin sa `yo at hindi asawa!” Sumobra na ang mga salita ng ina ni Erise at kababakasan ng pangamba ang mukha ng dalaga.

“Funny isn’t it?” Mapanuring tingin ang ipinukol niya sa dalawa. “Ten years ago, my mother used to say those words: na kahit magdildil kami ng asin basta’t huwag lang akong magnakaw.” Nakita ni Dylan ang paninigas ng mukha ng ginang.

“Dylan, huwag!” pigil ni Erise.

“Then I had been accused of the thing that I would never ever do! You know why? Because I don’t want my mother to be disappointed! Iyon lang ang mayroon kami noon, dignidad! But you forcedly took that from us!” Punong-puno ng galit ang mga titig niya—naroon ang pait, poot at pagkadisgusto. Walang laman ang puso niya nang mga sandaling iyon kundi galit sa babaeng nasa harapan.

Unti-unti namang napaatras ang ginang habang napapailing. “H-hindi! Hindi ikaw si R-rafael! P-papaanong nangyari `yon?”

He looked so fury. “Surprised?!” Napakislot ang ginang sa taas ng boses niya.

“Dylan, tama na, please!”

Ngunit parang wala siyang narinig. “At ngayo’y ibinabalik ko lang sa inyo ang ginawa niyo sa akin noon. Alam mo bang nabili ko na ang pagkatao niyo sa halagang tatlumpong libong piso lang?” sarkastiko niyang pahayag. Nagpalipat-lipat ang tingin ng ginang sa kanilang dalawa ni Erise. “Yes, Mrs. de Guzman! Your daughter sold her soul to me for your medicare! Isn’t that good news to you?” he added.

“YES, Mrs. de Guzman! Your daughter sold her soul to me for your medicare! Isn’t that good news to you?”

“W-walanghiya ka! D-demonyo ka— Mama!” Tuluyan nang natumba ang ginang. “`Ma! Please huwag niyo akong iwan!” hintakot na sigaw ni Erise. Nakatulala lang siya sa inang walang malay. Ni hindi na niya naramdaman ang pagbuhat ni Dylan dito at pagsakay nito sa kotse.

Namalayan na lamang ng dalaga na tumatakbo na ang sasakyan hanggang sa makarating sila sa ospital. Mild heart attack ang tinamo ng kanyang ina at kinailangan nitong manatili roon.
Wala pa ring tigil sa pag-agos ang mga luha niya habang nakatunghay sa tulog na ina. “Mama, mag-isa na lang ako. Parang-awa niyo na, huwag niyo naman po akong iiwan.” Yakap niya ang mga kamay nito. Kahit nakakaramdam siya ng pagkahilo at pananakit ng katawan ay hindi na niya iyon alintana, mas mahalaga ang buhay ng kanyang ina.

Mayamaya’y humahangos na dumating ang kanyang kaibigan. “Erise, kailan mo ba ititigil ang kabaliwang ito? Lumaban ka naman sa kanya,” nag-aalala nang pakiusap ni Krizzy. “Kahit gaano pa kalaki ang naging kasalanan mo, pinagdusahan mo naman iyon, `di ba? Magpaliwanag ka, malay mo maintindihan ka niya.”

Napahikbi siya sa harapan ng kaibigan, saka sunud-sunod na umiling. “Bato na ang kanyang puso, Krizzy… at may kontrata akong dapat tuparin.”

Walang nagawa ang kaibigan niya kundi ang yakapin at intindihin na lamang siya.

“Tayo na,” napalingon sila sa tipid boses na iyon. Napilitan silang maghiwalay nang yakap ni Krizzy sa pagdating ni Dylan.

Si Krizzy ang magbabantay sa ginang. Samantalang siya ay may trabahong dapat gampanan sa binata.

NAIINIS si Dylan sa sarili. Bakit may nararamdaman siyang sundot ng konsensiya sa nakikitang hitsura ni Erise lalo na ng ina nito?
Pagdating nila sa bahay ay agad siyang hinarap ng dalaga. “Sinungaling ka!” duro nito sa kanya. “Hindi ka marunong tumupad sa usapan! Wala kang awa!” galit na sigaw nito sa kanya.

“Your mother provoked me,” he managed to talk casually. “Isa pa, tama lang ang ginawa ko. I don’t have to feel guilty.”

Sinugod siya ng dalaga at walang habas na pinagsasampal siya sa mukha at pinagsusuntok ang dibdib niya.

“Stop it, lady!”

“Masaya ka na, ha?! Masaya ka nang nakikita kaming naghihirap! Ang sama mo! Ang sama-sama mo!” malakas nitong palahaw.

Hindi pa rin mapigilan ni Dylan ang pagwawala nito. Gustong-gusto na niyang yakapin ang dalaga at ikulong sa mga bisig niya pero nagtatalo ang kanyang isip at puso.

“Tama lang ang sinabi ko noon!” Nasa mga mata ni Erise ang matinding galit. Umatras pa ito lalo sa kanya. “Nakakasuka ka! Kahit gaano man kamahal ang mga suot mo ngayon, ikaw pa rin ang nakakadiring mabahong iyon na pinandirihan kong madikit sa akin!”

Nagpanting ang kanyang tainga sa narinig. Tila bumalik ang lahat-lahat sa kanya—ang mga lalaking iyon na nambugbog sa kanya habang nakatanaw lang si Erise. Ni hindi siya ipinagtanggol nito, sa halip ay nakakasukang mga salita ang ipinabaon nito sa kanya.

“You’ll gonna pay for that, lady!” Wala na siyang makapang liwanag sa kanyang puso at marahas na hinaklas niya ang dalaga. Sinibasib niya ito ng mararahas na halik na halos ikapugto ng hininga nito.

“HUWAG!” tanging naisigaw ni Erise nang walang babalang punitin ni Dylan ang damit niya.
Tila halimaw ito at hayok na kinamkam ang buo niyang katawan. Wala siyang nagawa kundi ang pumalahaw ng iyak.

“Pagsisisihan mo ang lahat ng iyon sa gabing ito, Erisa!” Tuluyan na nitong pinunit ang natitira niyang saplot. Ni hindi siya nito nagawang ipasok sa kuwarto, bagkus ay sa naghihintay na sofa siya nito pabagsak na inihiga.

Masakit ang bawat dantay ng mga daliri ng binata sa kanya. Bawat halik ay puno ng pait. Hanggang sa tuluyan na siya nitong inangkin. Isinagad agad nito ang katawan sa kanya dahilan para mapatili siya nang pagkalakas-lakas. Puwersahang napunit ang kanyang kaloob-looban pero tila hindi alintana iyon ng binata. Malalakas na ulos ang pinakawalan nito.

DYLAN was raping Erise, yet he doesn’t even care at all. Naroong kagatin ng binata ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng dalaga na nag-iiwan ng marka roon. Pinagsawa niya ang sarili sa looban nito na tila doon binabawi ang lahat ng pait na idinulot ng babae sa kanya.

Nasusuka ako sa `yo…

Sa bawat dinig niya ng mga salitang iyon ay lalong bumibilis ang kanyang mga galaw. Hindi iilang beses siyang sumabog dito, ang mainit na likido niyang humalo sa katas ng dalaga ay hindi nakapagpahupa sa kanyang emosyon.

“Tama na!” malakas na sigaw ni Erise ngunit hindi niya ito pinakinggan. Mayamaya pa’y binuhat niya ito at iniakyat papuntang silid. At doon muli niyang inangkin nang puwersahan ang dalaga.

“Nagmamakaawa ako, Dylan, tama na. Masakit na… masakit na masakit na,” tigib sa luhang pakiusap ni Erise. Ilang beses pa kasi niya itong inangkin nang walang kapaguran, samantalang ito ay mistula nang lantang gulay. “I’m sorry, Dylan… Please, tama na,” huling turan ng dalaga bago ito makatulog.


“Shit! What have I done?” Pagal niyang ibinagsak ang katawan sa tabi ni Erise. Mapait siyang napangiti. Now, he hated himself, more than he used to hate her.

No comments:

Post a Comment