The Love Of My Life by Ladyshane Lanmarks


CHAPTER 7

NAGISING si Erise na masakit ang buong katawan. Pilit siyang bumangon pero kulang ang kanyang lakas at tila latang-lata na ang buo niyang kalamnan.
Napakurap-kurap siya, gan’on na ba kalaki ang galit sa kanya ni Dylan? She doesn’t deserve to be treated like that, as if she was the worst slut on his bed, however, if that was the only way to atone her fault and be freed from him, she could accept it as compensation. They were already even.

Wala na si Dylan sa kanyang tabi. Tanging pananakit ng katawan, lalo na sa bahaging iyon sa pagitan ng kanyang mga hita at mga pasa ang iniwan nitong bakas sa kanya. Napahikbi na naman siya. Hindi niya akalaing magagawa ni Dylan ang lahat ng iyon. Gusto niyang matanggal ang mapait na bakas na iyon ngunit pakiramdam niya’y napakainit ng kanyang katawan. Tumayo siya pero bumagsak siyang muli sa kama.

“Erise!” Napatakbo si Dylan, hawak-hawak nito ang tray ng pagkain. Pabagsak pa nitong nailapag sa bedside table ang tray at agad siyang dinaluhan. “God, you’re burning.” Agad nitong sinalat ang noo niya.

“Dylan… Palayain mo na ako, please?”

“Baby.”

Kumawala ang patak ng luha sa mga mata niya bago siya napapikit.

NATARANTA si Dylan kung ano ang gagawin. Napakataas ng lagnat ni Erise, saka nawalan na ito ng malay. Agad niyang binuhat ito papuntang banyo at pinaliguan sa malamig na shower.
Hindi na niya napigil ang sariling damdamin nang makita ang katawan ng dalaga. Puno ito ng pasa dahil sa mararahas niyang mga kamay at marka ng kanyang mga halik. He swore to kill himself if something did ever happen to her.

Pagkatapos niyang mapaliguan ito ay agad niyang binihisan at binuhat pasakay ng kanyang kotse. Sa mga ganoong pagkakataon niya kailangan ng ina.

“WAS MACHST du da, sohn?” gulat na salubong sa kanya ni Lorenda pagkapasok niya sa kanilang malaking bahay.

“`Ma, please call Bernard. I need him right now,” sa halip ay natatarantang sagot ni Dylan. Hindi niya pinansin ang mga mata nitong nagtatanong at tuloy-tuloy na ipinasok si Erise sa kanyang silid. Nakasunod naman ang ginang habang kausap si Bernard sa telepono.

“He’s on his way. Now, tell me what happened?” Her mother seemed to scrutinize him like he committed a very huge sin.

Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok habang paroo’t parito sa kabuuan ng silid. He saw her mother’s perplexing eyes. His shifting behavior inside the room totally bewildered her. “I’m sorry, `Ma…” Napaluhod na siya sa sahig at naitakip ang mga palad sa kanyang mukha. Pagkuwa’y gumapang siya sa ina at maghigpit na yumakap sa mga binti nito. Larawan siya ng anak na nagmamakaawa. “I was carried away… I-I raped her, `Ma,” he confessed.

“God, Rafael!” his mother muttered in awe. “What have you done?!” Napalakas ang boses ni Lorenda. For the first time ay tinawag siya nito sa dati niyang pangalan simula nang umalis sila sa mabahong lugar na iyon. “Sabihin mo nga sa akin! Sabihin mo nga kung nagkulang ako sa pagpapalaki sa `yo!” Napaiyak ang ginang. “Kahit kailan ay hindi ko itinanim diyan sa puso mo ang maghiganti. At akala mo ba’y hindi ako nasasaktan sa pagpapahirap mo sa sarili mo!”

“I’m sorry, `Ma…” puno ng pagsisisi niyang sambit. Napaluha siya. “God! I’m a troll!”
Lumapit naman sa kanya ang ina at niyakap siya. Nasa mukha nito ang pakikiusap. “Bitte, sohn, mach dein Herz frei vom Zorn.” [Please, son, free your heart from anger.]

“Wie, Mami? Ich weiss es wirklich nicht.” [How, `Ma? I really don’t know.] Napailing-iling ang binata habang yakap ng sariling ina. Napakalayo na ng nagawa sa kanya ng galit at hindi niya alam kung paano siya titigil.

Hindi na nagawang sumagot ng ginang dahil sa pagdating ni Bernard.

“Hey, the stone hearted jerk is crying?” litong napapangiti na bungad ng doktor.

Tiningnan lang niya ito nang matalim pagkuwa’y lumapit sa kama. “Just check her and don’t dare attempt asking questions!” singhal niya sa binata. Ito ang family doctor ng mga Sven sa Pilipinas na itinuturing na rin niyang kaibigan.

"Overfatigue associated with depression, anorexia and excessive physical activity kaya siya nawalan ng malay,” paliwanag ni Bernard sa kanila na lalong ikinasidhi ng kanyang konsensiya. “Kailangan niya ng mahabang bed rest at ilang vitamins.” Tiningnan pa siya ng makahulugan ng doktor. “And do not overuse her,” nakangiti nitong dagdag.

“You can fuck up your other business, Bernard! I’m done with your service here!” he said hardly before sending him away.

NAGISING si Erise sa malamig na silid. Tila nakakalula ang laki niyon at napakalawak ng kama. Plain blue ang mga kurtina at ang ilang mga muwebles na nandoon ay halatang milyones ang halaga. Napakurap-kurap na naman siya at bumalik sa isipan ang mga nangyari. 
Bigla tuloy siyang napabalikwas nang bangon.

“You need a bed rest for the rest of the week.”

She turned her back on that baritone voice. There she saw Dylan standing while leaning his broad shoulders on the glass window with a blank expression. Tumigas bigla ang mukha niya. 
“Sana’y tinuluyan mo na lang akong patayin, eh!” she sarcastically muttered.

Umalis ito sa puwesto at tinungo ang mesa. “These medicines will recuperate your wellness.” He’s not giving her any glance.

“Wala ka nang itinira sa akin! Kinuha mo na ang kaluluwa ko, pati na ang dignidad ko!” Bigla siyang humagulgol. “Ano pa, ha, Dylan?! Ano pa ang isusunod mo? Wala na, `di ba? Wala ka nang makukuha, tinangay mo nang lahat… ang lahat ng mayroon ako na tangi kong maipagmamalaki!”

RAMDAM ni Dylan ang sakit ng loob ni Erise, at natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong kasuklaman.

“Pakiusap… Ako na lang ang parusahan mo, huwag na ang nanay ko. She’s the only one I got, please have at least empathy. Kung ang maging parausan mo lang ang makakapagligtas sa nanay ko laban sa galit mo, sige! Gawin mo na! Ano pa ba’ng magagawa ko, ginawa mo na, `di ba!” Halos magwala na si Erise sa loob ng silid.

Nagsimula siyang lapitan ito.

“Huwag kang lalapit! Nakakadiri ka!” Napaatras ang dalaga. Hindi na kayang ilarawan ang hitsura nito, naghalo ang mga luha sa magulo nitong buhok.

Sa halip na lumayo ay lumapit pa rin siya. Pilit niyang hinuli ang mga kamay nitong kung saan-
saan napapasampal sa kanyang matigas na katawan.

“Demonyo ka! Ninakaw mo na ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko!”

“Sshh…” he hushed. He was more than hurt seeing the woman on that situation. Nang sa wakas ay mahuli na niya ang mga kamay ng dalaga ay mahigpit niyang hinawakan iyon at ikinulong sa kanyang mga palad.

“Let me go!” Her body was shaking in anger and frustrations.

“No, please calm down.”

Pero nagwawala pa rin ito at hinihila ang mga kamay na hawak-hawak niya. Kaya naman wala siyang nagawa kundi yakapin ito nang mahigpit.

“I hate you! I hate you so much!”

“You can hate me all you want but I’m sorry, I won’t let you go,” mahina niyang anas.

“Wala kang puso!” bulyaw nito habang yakap-yakap pa rin niya ito sa ibabaw ng kama.

“Because you had taken that away from me, sweetheart,” mapait din niyang sagot.

Unti-unti na ring kumakalma ang dalaga. Naramdaman pa niya ang bahagyang panlalambot ng katawan nito pero naroon pa rin ang mga luha.

He really wanted to say sorry but there was something opposing his thoughts.

Mayamaya’y tila napagod na rin si Erise at hinayaan siyang yakapin niya nito. Hanggang sa igiya niya ito pahigang muli sa kama ay hindi na ito nag-react.


Erise was really sick, and he couldn’t stand seeing her suffering because of his irrational madness.

No comments:

Post a Comment