The Love Of My Life by Ladyshane Lanmarks


CHAPTER 8

ISANG linggong hindi pinayagan ni Dylan na lumabas ng silid si Erise. At sa mga araw na iyon ay tila unti-unti nang natutunaw ang galit na nabuo sa puso ng dalaga para sa binata. Si Dylan ang nag-aasikaso sa kanya, nagpapainom ng gamot, sinusubuan siya sa pagkain and he even drove her to take a shower. Wala naman siyang itatago pa sa binata, halos kabisado na nito ang kurba at hugis ng kanyang katawan. She was like a baby and lust was not visible in his eyes every time he would take her a bath. Kahit wala itong sinasabi sa kanya ay ramdam niya kung gaano siya kahalaga kay Dylan.

With that thought, her anger and disgust already faded. Her feelings were being altered from hatred to loving him again like the way she did years ago.

“D-dylan…” Namulatan ng dalaga ang binatang nakangiting hinahaplos ang kanyang buhok. That was the first time she had glimpse his smile since the day they met again. At tila natutunaw siya sa mga ngiting iyon. Ito rin ang unang pagkakataong natulog sa kanyang silid ang binata, sa guest room ito nagpapalipas ng gabi dahil okupado niya ang silid nito.

“Come here.” He slipped his arm under her nape and he pulled her towards him. Kasabay niyon ay ang pagsasal ng abnormal na tibok ng kanyang puso. “I’m sorry,” he whispered.

Nahulog ang kanyang luha sa simpleng mga katagang iyon. She longed for that words, and hearing it from him made her felt overjoyed. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito, lalo pa’t amoy na amoy niya ang mainit at mabangong hininga ng binata. “Where’s my mother?” sa halip ay tanong niya. Hindi naman ito nakasagot. Ngayon lang siya nagkalakas ng loob na ungkatin ang kanyang ina sa binata. “Dylan, please, pakawalan mo na ako. Hayaan mo na kami ng nanay ko. Kulang pa bang kabayaran ang sarili ko para sa kasalanan ko sa `yo noon?” Napahikbi na siya sa hindi malamang emosyon. Gusto man niyang makulong sa mga bisig nito pero alam niyang hindi tama ang lahat. Galit lang ang namamahay sa puso ni Dylan para sa kanya at wala nang iba.

Bahagya niya itong itinulak pero lalo lamang humigpit ang mga braso nito sa kanyang katawan.

“You’re stuck with me and it’s never easy to let you go.”

“N-nagmamakaawa ako, Dy—”

“Damn! Huwag ka ngang ganyan! You talk as if ikinukulong kita rito at inaalipin.” Marahas itong napabuga ng hangin at napaupo sa kama.

“Baliw ka ba?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin ngayon?!” Nag-init na rin ang ulo niya.

Napalingon ito sa kanya na blangko ang ekspresyon. Pagkuwa’y tahimik itong kumuha ng kanyang damit sa closet nito. Napapantastikuhan na siya sa lalaki, pati ang mga damit niya ay nasa sarili na rin nitong wardrobe.

“Come here. Mom and Dad are waiting for us for a dinner.”

Patay-malisya siyang napasinghap nang akmang bibihisan siya nito. “Ano ba! Hindi na ako bata! Kaya ko nang magbihis!” Hindi niya nakontrol ang boses at bahagyang tumaas iyon.

Bigla namang natigilan ang binata. Pagkuwa’y napailing ito, saka gumuhit ang tipid na ngiti sa mga labi. “Okay, do it on your own.”

“Lumabas ka muna!” utos niya rito.

“Baby, ako ang nagpapaligo sa `yo. Mahihiya ka pa ba?”

Namula na naman siya sa sinabi nito. Oo nga naman, tama ito. Ngunit mayamaya’y nakaisip siya ng kalokohan. Unti-unti niyang itinaas ang damit. Lalo pa niyang binagalan iyon nang mapatapat na sa kanyang mayayamang dibdib. Palihim niyang sinulyapan si Dylan. Ngiting-tagumpay ang sumilay sa kanyang mga labi nang makitang napapalunok ito. Bahagya pa niyang sinasabayan ng malanding galaw ang kanyang katawan na tila nang-aakit sa binata.

Got you, jerk! Nagbubunyi ang kanyang isipan, pero muntik na siyang mapasigaw nang maramdaman niya ang mainit na katawang iyon.

“You shouldn’t have done that, lady! You have no idea how hard I’ve tried to stop myself from doing this… again…” Agad nitong hinuli ang kanyang mga labi na ikinasinghap niya nang malakas.

“D-dylan…”

Banayad ang halik nito, kabaliktaran nang una siyang angkinin. He was such a damn good kisser that melted all her inhibitions. Nadadala siya sa bawat galaw ng mga labi nito at nagagawa niyang tugunin iyon. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya kayang pigilan ito, sa halip ay kakaibang damdamin ang rumagasa sa kanyang pagkatao. Hinahanap-hanap niya ang mga labing iyon at tila may kulang pa roon. Natunaw na ang lahat ng kanyang pag-aalinlangan at lumaban na rin sa mapusok na ginagawa ni Dylan. Oh, how she wanted him—the only man who could give her insanity.

Naramdaman na lamang niyang lumapat ang likod niya sa malambot na kama. Hinayaan niya si Dylan sa lahat at sabik niyang tinanggap ang muli nilang pag-iisa.

Pagod silang pareho matapos ang unang sabak na iyon. Nagsumiksik siya sa dibdib ng binata at dinig niya ang malalakas na tibok ng puso nito.

“Tired?” malambing na tanong nito.

Tango lang ang kanyang naisagot.

“Kaya mo pa ba?” muli ay pilyo nitong tanong na labis niyang ikinapula. “Ouch!” napasigaw nang malutong ang binata sa kanyang maliliit na kurot. “Stop that, lady!”

Humagikhik lang siya. “Nasasaktan ka rin pala. Akala ko bato ka na, eh.”

Hinuli nito ang kamay niya at dinala sa mga labi. “Ikaw lang naman ang nagbibigay ng sakit sa akin, eh.”

Natahimik siya roon. Ayaw niyang ungkatin ang nakaraan sa kanilang dalawa. She doesn’t want to ruin that night. At gagawin niya ang lahat makalimutan lang ni Dylan ang pagtataboy niya rito noon. God knows kung gaano rin siya nagdusa nang mga sandaling iyon.

Hinalikan niya ang binata at pumaimbabaw rito.

“My little ill-hearted baby is learning, huh!” Pilyo itong ngumiti, saka pinalibutan ng yakap ang kanyang katawan.

They savored the night. Hating-gabi na nang maisipan nilang lumabas ng silid upang mag-dinner. Sinusubuan pa siya ng binata habang kumakain.

“Magpalakas ka, ha? Mahaba pa ang gabi.” Kininditan pa siya nito kasama ang ngiting nakakaloko.

“Adik!”

“Adik sa `yo.”


Napayuko siya ulit. Sana’y totoo na lang ang ipinapakita ni Dylan sa kanya. Sana’y ganoon na lang sila forever.

No comments:

Post a Comment