The Love Of My Life by Ladyshane Lanmarks


CHAPTER 9

“TAMA na muna `yan, hija. Mag-merienda muna tayo,” nakangiting bungad ni Lorenda kay Erise. Nagpapasalamat ang dalaga at hindi nagtanim ng galit sa kanya ang butihing ina ni Dylan. Kasalukuyan niyang tinutulungan ang ginang sa greenhouse nito. Lorenda loved to see varieties of flowers growing at the back of their mansion. Iyon ang pinagkakaabalahan ng ginang dahil ayaw naman itong pagtrabahuin ng mag-ama. Magkasundo sila ng babae pagdating sa bagay na iyon. She, too, loved orchids and roses.

Para na rin siyang anak kung ituring ng ginang, at hindi ito konsentidor. Mag-iisang buwan na rin siya sa mansiyon ng mga ito at mahigpit na pinagbabawalan nito si Dylan na matulog sa kanyang silid. Inilipat na rin siya ng ginang sa guest room. At sa tuwing inaaway siya ni Dylan ay si Lorenda ang nagiging kakampi niya.

Miss na miss na niya ang kanyang ina pero ayaw naman siyang payagan ng binata na dalawin ito. Naisip na rin niyang takasan si Dylan, subalit baka mas lalong magalit ito at samain silang mag-ina. Konting panahon na lang at maibabalik na niya ang dating pagmamahal sa kanya ni Dylan.

Masaya siyang tumabi sa ginang. Halos walang ipinagbago ang may edad na babae. Ito pa rin ang dating mabait at maunawaing babaeng ina ni Rafael, maliban lang sa klase ng buhay nito. The lady looked younger than her age with those elegant dresses and a very respectable aura.

“T-tita…” nag-aalangang tawag niya rito. “Gusto ko sanang malaman kung ano na ang mga nabago sa buhay ni Raf mula noon?” lakas-loob niyang tanong sa ginang. Napansin niyang lumungkot ang hitsura nito at natahimik.

“Sa lahat ng mga nangyari sa anak ko noon, ako ang higit na nasasaktan, Erise…”

Napayuko siya sa panimula ng ginang.

“Naging miserable ang buhay niya, ni hindi ko nasilayan ang kanyang mga ngiti sa mga nakalipas na taon. Taliwas sa ipinapakita niyang panlabas na hitsura sa nakakarami na isang matapang at walang puso, alam kong hindi niya gusto ang mga ginagawa niya. He became ruthless, stone hearted and broke every woman’s heart… a typical German men do, they possess negative qualities towards women. Nawalan siya ng emosyon at nilulong ang sarili sa yaman ng kanyang ama. Pero alam mo bang gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak? At walang bukambibig kundi ang pangalan mo.”

Nahulog ang kanyang mga luha, kasabay ng mga luha ng ginang.

“Kaya hindi ko siya masisisi, Erise, kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito. Gustuhin ko mang pagilan ang anak ko pero mas gusto kong maibsan man lang ang sakit na dinaranas niya. May mga pagkakataong gusto ko na ring sumbatan ka, pero nauunawaan kita, hija. Bata ka pa noon at alam kong may dahilan ka para gawin iyon.”

Hindi na napigilan ng dalaga at gumalaw na ang kanyang mga balikat dahil sa paghagulgol. Wala siyang ideya na ganoon pala kalala ang naging epekto ng mga sinabi niya noon kay Dylan. “I-I’m sorry po…”

“Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin, hija, dahil katulad ng sinabi ko, hindi ako nagtanim ng galit sa `yo. Alam kong may busilak kang puso, isang mabuting anak kaya mo iyon nagawa. Hayaan mo, pasasaan ba’t makikita rin ni Dylan ang mga iyon, kailangan lang niya ng panahon para mawala ang galit sa kanyang puso.”

“H-hindi ko naman po sinasadya ang lahat.” Gumaralgal ang boses niya.

“Puwede mong sabihin sa akin ang lahat, hija. Alam kong pareho kayong nagdusa ng anak ko.”

Pinunasan niya ang mga luha. “N-noong makita ko po ang mga alahas sa bag ni Raf, inaamin ko pong nagalit ako. Hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya at agad siyang tinalikuran…”

“ERISE! Please, maawa ka! Ikaw ang nakakakilala sa akin, pakinggan mo ako!” umiiyak na sigaw ng binatilyong si Rafael sa bakuran ng dalagita habang hawak-hawak ng dalawang lalaki.

“Lumayas ka sa pamamahay ko, hampas-lupa! Isa kang magnanakaw at hindi nababagay sa anak ko!”

Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ni Erise habang nakatanaw lang sa nangyayari sa ibaba. Dinig na dinig niya ang pag-iyak ni Rafael at ang boses ng kanyang ina. Alam niyang hindi ito nasasaktan sa suntok na ginagawa ng dalawang lalaking, bagkus ay nasasaktan ito sa isiping ni hindi man lamang siya nagpakita rito.

Hindi na niya kayang tiisin ang ginagawa ng mga ito sa binatilyo. Mahal na mahal niya si Rafael, magnanakaw man ito o hindi, pipilitin niyang unawain ang binatilyo dahil alam niyang may mabigat na dahilan kung bakit nito nagawa ang bagay na iyon.

Nagmamadali siyang lumabas ng kanyang silid at dali-daling pinuntahan ang mga ito. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay hinablot na ng kanyang ina ang kanyang braso.

“Hindi ka lalabas, Erisalda! Umakyat ka sa kuwarto mo, narinig mo!” mabagsik na utos ng ginang.

“Hindi, Mama! Mahal ko si Raf! At kahit magnanakaw pa siya, mamahalin ko pa rin—” Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa ina.

“Halika at ipapakita ko sa `yo ang sinasabi mong pagmamahal!”

“Aray! Mama, tama na po, nasasaktan ako!” Hila-hila ng kanyang ina ang kanyang buhok palapit kay Rafael na hindi alintana ang pambubugbog dito ng dalawang tauhan ng kapitan.

“Erlinda, tama na `yan!” pigil ng kanyang papa pero wala rin itong nagawa. Takot ang ama sa kanyang ina.

“Huwag kang makialam dito, Arnel! Imumulat ko lang ang bulag na mga mata ng anak mo!” Pinisil ng ginang ang kanyang baba at sapilitang iniharap sa binubugbog na si Rafael. Hindi siya nakikita ng lalaki dahil nasa likod sila nito nang mga sandaling iyon. At hindi rin sila nito naririnig dahil medyo malayo-layo ang agwat ng kinaroroonan nila. “Nakikita mo `yan, Erisalda? Kapag hindi mo itinigil ang kahibangan mo, kayang-kaya kong ipapatay ang hampas-lupang iyan!”

Nagulantang siya sa narinig mula sa kanyang ina. Tila hindi na niya ito kilala at parang hindi niya ito ina kung makapagsalita at tratuhin siya nang mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwalang ganoon kalaki ang pagkadisgusto nito kay Rafael.

“Wala kang mahihita sa lalaking `yan! Ano ang ipapakain niyan sa `yo? Basura?”

Walang nagawa si Erise kundi ang panoorin si Rafael habang nasasaktan. “Mama, tama na ho! Patigilin niyo na sila, baka mapatay nila si Raf!”

“Talagang mawawala sa mundo ang lalaking iyan kapag hindi mo itinigil ang—”

“Oo na! Oo na! L-lalayuan ko na siya! Utang na loob, tama na…” Nanghipuspos siyang napaluhod sa lupa.

“Dalhin sa barangay `yan!" narinig na lang niyang utos ng kanyang ina.

TATLONG araw bago nagawang magpakita ni Erise kay Rafael para lang sabihin ang mga napakasakit na kataga.

“Nasusuka ako sa `yo! Kung gaano kabaho ang mga damit mo, siya ring baho ng pagkatao mo! Alam mo bang nandidiri ako kapag naiisip kong nadikit ang balat ko sa `yo?! Nakakasuka ka!” Bawat tuldok ng kanyang mga salita ay katumbas ng libo-libong karayom na tumutusok sa kanyang puso. Hinding-hindi niya makakalimutan ang hitsura ni Rafael pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon. Agad siyang umalis sa lugar na iyon at nagtatakbo sa kung saan. Puno ng luha ang kanyang mga mata at halos hindi na niya maaninag ang daang tinatahak. Hanggang sa isang malakas na busina ang nagpagulantang sa kanya.

ILANG buwang naratay si Erise sa ospital at ilang buwan din bago siya nakalakad dahil sa tinamong aksidente. Masuwerte pa siya at himalang binuhay ng Maylikha, pero ang kanyang puso ay matagal nang patay. Umamin na rin sa kanya ang ina na ito ang may kagagawan ng pagkakalagay ng mga alahas sa bag ni Rafael. Gustong-gusto niyang sigawan ito pero hindi niya magawa, pagbalik-baliktarin man ang mundo ay magulang pa rin niya ito.

Excited niyang pinuntahan ang binatilyo sa tahanan ng mga ito pero lalo lang gumuho ang kanyang mundo nang mapag-alamang wala na ang mga ito roon at hindi na raw babalik sabi ng mga kapitbahay.

Walang araw na hindi siya dumaan sa mga lugar na madalas nilang puntahan ni Rafael lalo na sa bahay ng huli—nagbabakasakaling bumalik ito pero bigo pa rin siya. Natigil lamang iyon nang magkasakit ang kanyang ama at kinailangan niyang kumayod para sa kanila. Hanggang sa mamatay ito at naubos ang kanilang ari-arian. `Tapos sumunod namang nagkasakit ang kanyang ina.

Naging napakahirap sa kanya ang buhay. Pero kapag naiisip niya ang binata: na hihintayin niya ang pagbabalik nito ay nagkakaroon siya ng lakas—lakas upang lumaban para sa ina at 
sa lalaking nag-iisa sa kanyang puso.

“TAMA na, anak. Hindi mo dapat dinaranas ang mga bagay na ito.” Umiiyak na niyakap siya ni Lorenda.

Halos hindi na mahanap ni Erise ang sariling boses at tila may bikig ang kanyang lalamunan. “H-hindi ko po sinasadya ang lahat, Tita…”

“Sshh… Huwag ka nang magsalita, naiintindihan ko na. Patawarin mo sana ang anak ko, ha? You don’t deserve such kind of treatment he’s giving you.”

“Kahit kailanman po ay hindi ko kayang magtanim ng galit kay Raf.” Napuno ng luha ang sana’y masaya nilang merienda sa magandang hardin na iyon.

“Napakabuti mong bata, anak. Hindi mo dapat maranasan ang mga ganitong pasanin sa buhay.”

Humagulgol lang ang dalaga sa balikat ng ginang. Tila nakahanap siya ng kakampi na matagal nang ipinagkait sa kanya.

TAHIMIK na sinisipat ni Dylan ang bahay kung saan niya itinuloy si Erise. Bukas ay sisimulan na ang construction niyon, at balak niyang palakihin at pagandahin iyon.

Napangiti siya nang masilayan ang sofa sa sala—kung saan una niyang inangkin ang dalaga. Marahas man ang ginawa niya pero wala siyang makapang pagsisisi. It was the best moment for him, and the best gift Erise unknowingly gave him. Dinala siya ng kanyang mga paa sa silid na inokupa nito. May ilang gamit pa ito roon na hindi pa nakuha, pati na rin ang mga gamit ng ina nito.

Napailing siya nang maalala ang ginang. He couldn’t afford to hate her forever, dahil isa ito sa mga taong mahal ng nag-iisang babae sa kanyang buhay, maliban sa kanyang ina.

Binuksan niya ang cabinet para isalansan sa maleta ang mga damit ng dalaga nang may isang bagay na nahulog sa kanyang paanan. Kunot-noong pinulot niya iyon at wala sa loob na binuklat ang medium-sized notebook.

“MY BIGGEST NIGHTMARE”

Ang tatlong salitang bumungad sa kanya na naka-bold letters pa. Curiousity took over him and started reading the content.

7 PM, March 14, 2003

Dear Diary,

I woke up in a very strange room filled with white colors and medical apparatus. I couldn’t move my feet and I’ve noticed there’s something on it. My legs were casted. I remembered what happened to me… after breaking the heart of the only man I love, this is what I’ve got…
Hindi ko alam kung ilang buwan akong natulog at paggising ko ay wala na siya… I lost him and I lost my everything…

Nagsimulang pumatak ang mga luha ng binata.

11 PM, January 20, 2004

Dear Diary,

Alam mo ba kung bakit ako na-late ngayong gabi? Kasi hinintay ko si Raf… Ops, sorry, I have to shed tears over you again… Nagpunta kasi ako sa bahay nila at inabangan ko siya sa terminal ng mga pedicab, `tapos bumalik ulit ako sa bahay nila hanggang sa gumabi na. Pero wala pa rin siya, bigo pa rin ako… Hindi ko na yata makikita si Raf… Ops, sorry ulit! Peste kasing mga luha `to, eh!

Tila ramdam ng binata ang paghihirap ni Erise nang mga panahong iyon. Nabasa na rin ng kanyang mga luha ang kapirasong papel. He continued reading it.

Pero hindi ako susuko, my dear diary. Ikaw lang ang pagsasabihan ko nito, ha? Si Raf ang lakas ko sa mga sandaling ito. Alam kong isang araw ay babalik siya… babalikan niya ako at magiging masaya ulit kami. Si Raf ang bumubuo ng buhay ko at siya ang dahilan kaya binuhay ulit ako ng Diyos.

Hindi na niya nakaya pa ang emosyon. He let his cracked voice out and cried even harder. Tila pinipiga ang kanyang puso sa mga nalaman. Nasa diary na iyon ang lahat ng totoong nangyari kay Erise after he left. He was so stupid for letting himself drown by his own anger and lived his life in agony. It was all his fault. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag tuluyan nang nagalit si Erise sa kanya.

KASALUKUYANG naghahapunan ang mag-asawa kasalo si Erise. Natutuwa ang dalaga sa ama ng binata. Napakabait nito at nakadagdag sa karisma nito ang taglay nitong sense of humor. She could always laugh every time he cracked a joke.

“Guten abend, everyone!” [Good evening, everyone!]

Tumalon ang kanyang puso nang marinig ang baritonong boses sa kanyang likod.

“Guten abend, ouch, sohn. Come, join us,” yakag ni Mr. Sven sa anak.

“Good evening, baby.” Mabilis siyang dinampian ng halik ni Dylan sa mga labi na siyang ikinagulat niya. Pulang-pula na siya sa hiya, wala yatang pakialam ang herodes na ito kahit nasa harapan pa ng mga magulang. Matamis pa siya nitong nginitian at umupo sa kanyang tabi.

“Where have you been, hijo?” makahulugang tanong ni Lorenda.

“May inasikaso lang po, `Ma, and I’m excited about it.” He winked at his mother.

Tahimik lang siyang nakikinig sa kuwentuhan ng mag-anak. Ngunit mayamaya ay napalitan ng kuryosidad ang iniisip niya sa narinig mula sa lalaking Deutsch.

“Ellen Rose wird morgen kommen.” [Ellen Rose will be coming tomorrow.]

Kahit hindi niya maintindihan iyon ay alam niyang babae ang tinutukoy ng old man.

“Du kennst dass Mädchen, sie will dass du sie von Flughafen abhälst,” muling dagdag ng lalaki.

“Okay, Papi, nicht darüber keine Sorgen, ich werde sie von Flughafen abholen.”


Nagno-nosebleed na siya sa usapan ng mag-ama pero iba ang nababasa niya sa ekspresyon ni Dylan. Tila masayang-masaya ito at excited na excited pagkarinig sa pangalang iyon. Nasasaktan siya sa isiping may ibang babae na ang binata. Napansin siya ng ginang pero bahagya lang itong ngumiti sa kanya.

No comments:

Post a Comment