The Love Of My Life by Ladyshane Lanmarks


CHAPTER 4

“FLIES will get into your mouth if you won’t close that, Miss de Guzman.”

Agad na napakurap si Erise at itinikom ang bibig na nakaawang dahil sa kabiglaanan. Napakalamig ng boses ng binata at kung tingnan siya ay parang isang basura. Hindi niya akalaing makikita si Rafael sa ganoong ayos.

“One more thing, don’t stand in front of me like I’m a Greek god. I don’t want to see that blushing face. It doesn’t suit you!”

God! Bakit ganito na katabas ang dila ng lalaking ito? A typical German jerk! Napayuko tuloy siya at napatalikod. Dagli niyang pinunasan ang mga luhang namumuong pumatak. “W-why do I’m here? What do you want from me?” Sa halip ay tanong niya. Gusto na talaga niyang makawala sa lugar na iyon. She could no longer stand that kind of situation wherein she was treated like a dirty whore by the man she had loved till then.

“I am your customer, ain’t I? In fact, you are lucky enough to be chosen by my assistant to satisfy my pleasure.”

“Hindi ako—”

“So ano’ng ginagawa mo sa club na iyon kung hindi ka bayaran?” Ito na ang nagtuloy sa gusto niyang sabihin at napatda siya sa hayagang pang-iinsulto nito. “Thirty thousand a month, Miss de Guzman, you’ll be my slave, my hired wife. And your mother will have her proper medical attention.” He was not asking question. In fact, it was a firmed proposal from a powerful man she could ever imagine. Puno ng awtoridad ang magagandang matang iyon na bumihag sa kanyang puso noon pa man.

Nanigas ang kanyang buong katawan at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Gan’on na ba talaga kababa ang tingin nito sa kanya? “B-bakit mo ginagawa ito?” mangiyak-ngiyak na niyang tanong.

Mapaklang ngumiti ang binata at nagpalakad-lakad sa kabuuan ng silid. “Because I have the power to do it at kaya kong gawin,” matipid nitong sagot.

Naipilig niya ang ulo. Totoo ba ang lahat ng ito? Wala na ang bakas ng isang Rafael Falcon sa nakikita niya ngayon.

“Ipinapaalala ko lang sa `yo na hindi rin ako tumatanggap ng pagtanggi,” muli nitong dagdag.

Marahas siyang nagtaas ng noo at tumigas ang mukha. “And what if I don’t?”

“Oh, I’m afraid you can’t do that, my dear, because you have no idea to what I am capable of. Kaya kong ipatanggal ang nanay mo sa alin mang ospital dito sa Pilipinas.”

Demonyo na ang tingin niya rito ngayon. “You’re a demonic bastard!”

“Oh, yes! That’s the right compliment, dear! In fact, I can be more than that and you know why?” Lumapit ito sa kanya na ikinaatras niya. Nanginig na naman siya sa ginawa nito pero bigla rin itong huminto na tila napakarumi niya nang mga sandaling iyon. “Because you’re the reason for all of these!”

“R-raf?”

“Dylan, Ralf Dylan ang pangalan ko, and I don’t give you the right to address me by my first name.”

Wala siyang maisagot sa matitigas na mga salita nitong sumusugat nang paulit-ulit sa kanyang puso.

“Call me ‘Master.’ That’s how slaves should treat their masters, right?”

Halos hindi niya mahanap ang sasabihin sa harap ng binata. Naging estranghero na ito sa kanyang paningin. Namalayan na lamang niyang iniaabot nito ang isang papel sa kanya.

“Here, sign it. I’m giving you five minutes to read the agreement there.”

PARAUSAN: iyon ang angkop na salita sa papel ni Erise sa buhay ni Dylan kapalit ng perang pampagamot ng kanyang ina.

Tumutulo ang luhang pinirmahan niya ang kasunduang iyon. At kung kailan magtatapos ang trabaho niya ay hanggang sa pagsawaan na siya ng lalaki. Nagsisimula nang bumaba ang tingin niya sa sarili.

MALUNGKOT na pinagmamasdan ni Erise ang inang natutulog. Mayamaya lang ay ilalabas na ito at titira sila sa kung saan man siya dadalhin ni Dylan. Nabayaran na rin niya ang kanilang bills sa halagang ibinigay ng lalaki.

“`Ma, patawarin niyo ako, pero para sa inyo ang ginagawa kong ito.” Tahimik siyang umiiyak sa tabi ng ina.

“A-anak…” sambit nito. Pinunasan agad niya ang mga luha ngunit huli na at napansin na iyon ng ina. “B-bakit ka umiiyak, anak?”

“M-masaya lang po ako, Mama. Puwede ka nang lumabas sa ospital, nabayaran ko na rin ang bills natin.”

“Saan ka kumuha ng pera, anak?”

“H-hindi na ho importante iyon. May tumulong po sa akin, Mama, at makikilala niyo siya mamaya.” Ang tanging nakaya niyang hilingin kay Dylan ay ang huwag sabihin sa ina ang usapan nila. Lalo lamang masasaktan ang ginang kapag nalaman nito ang lahat. Alam niyang naghihiganti lang si Rafael sa kanya at hindi niya masisisi ito. Malaki ang kasalanan niya noon sa binata at pinagsisihan na niya iyon, subalit tila huli na ang lahat. Gagawin na lamang niya ang kanyang makakaya upang maibsan man lamang ang sakit na dinadala ni Dylan. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siya sa gusto nito.

“Erise, nahihiwagaan na ako sa good Samaritan na iyan, ha. Huwag mong sabihing nag-asawa ka na o `di kaya’y pumatol ka ng DOM.”

Napatungo siya sa sinabi ng kaibigan na naroon din.

“Magandang araw.”

Hindi na niya nagawang sagutin si Krizzy dahil sa baritonong boses na iyon. Nakita pa niya ang pag-awang ng bibig ng kanyang kaibigan at palihim siyang kinurot.

“Magandang araw ho, Mrs. de Guzman.” May natitira pa palang kagandahang asal ang binata. Tila hindi namukhaan ng kanyang ina si Rafael dahil hindi kababakasan ng pagkabigla ang mukha nito. Mas pabor iyon sa kanya.

“Magandang araw, hijo. Naku, kailan pa nagkaroon ng kaibigan ang anak ko na kasing gandang lalaki mo?” nasisiyahang bati ng ginang. Nakita pa niya ang pagdilim ng mukha ni Dylan na alam niyang hindi napansin ng kanyang ina.

“Hindi ho ba nabanggit ng anak niyo na asawa ko na siya?”

Natigilan ang dalawang babae sa sinabi ng binata. Napayuko naman siya at hindi makatingin sa ina.

“T-totoo ba `yon, Erisalda?”

Alanganin pa siyang tumango sa ina.

NAGTATAKA si Erise na bumaling kay Dylan nang humimpil ang kotse nito sa isang two-storey house. Nasa likod ng kotse ang kanyang ina katabi si Krizzy kaya hindi siya makapagtanong sa binata. Nanunuri rin ang tinging ipinupukol ni Dylan sa kanya.
Halatang kakabili lang sa bahay dahil wala pang masyadong mga gamit doon at bagong pintura iyon. Nagkalat pa ang ilang debris na naiwan. May dalawang kuwarto sa itaas at tatlo naman sa ibaba na nagsisilbing guest room.

Pagkatapos nilang maiayos sa isang kuwarto ang ina ay iniwan na muna niya si Krizzy kasama ito. Alam niyang gusto siyang makausap ni Dylan. Umakyat siya sa itaas para puntahan ang binata pero gayon na lamang ang gulat niya sa sinabi nito.
“Ito ang magiging kuwarto mo. At papasok ka lamang sa silid ko kung kailangan ko ang serbisyo mo.” Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. “Isa pa, huwag kang mag-expect ng katulong sa bahay na ito. You will clean the whole house and you’ll serve my needs. Is that clear?”

“Y-yes, Dyl—ah, yes, M-master.” Parang mabibiyak ang kanyang puso sa mga salitang iyon. Pero kailangan niyang isiksik sa utak na alipin lang siya nito. Mahirap mang tanggapin pero iyon na ang tingin ni Dylan sa kanya. Wala siyang alam sa gawaing-bahay, maliit lang ang apartment na tinutuluyan nila ng kanyang ina at hindi masyadong mabibigat ang paglilinis doon.
Talagang bahala na ang mga susunod niyang araw.

“You can start it now.” Iniwan siya nito roon na mangiyak-ngiyak. Narinig pa niya ang pagsagitsit ng mga gulong ng kotse nito paalis.

“Hoy, babae! Magpaliwanag ka nga sa akin?” Napalingon siya sa nagsalitang si Krizzy. Bigla na lamang ito nagpunta sa kinaroroonan niya. “Paano mo naging asawa ang ganoong klaseng lalaki? Guwapo nga pero wala namang attitude!” dismayado pa nitong turan.

“Krizzy…”

“Erise, kaibigan mo ako, sabihin mo sa akin ang lahat, alam mo namang nandito lang ako, `di 
ba?”

Dahil sa sinabi ni Krizzy ay hindi na niya napigilan ang emosyon. Inilabas niya ang lahat ng iyon sa kaibigan. Humagulgol siya sa balikat nito.

“What?!” gulat pang reaksyon ni Krizzy. “Bakit ka pumayag? Diyos ko naman, Erise! Marami pang paraan!”

Umiling lang siya. “Wala na, Krizzy. Ayokong mawala ang nanay ko.”

“Demonyo naman pala ang lalaking `yon, eh!”

“Ako ang may kasalanan kung bakit gan’on na siya katigas, Krizzy… kami ni Mama…”

Ilang minuto siyang umiyak bago humupa ang damdamin. Kailangan na niyang magsimulang magtrabaho.

No comments:

Post a Comment