CHAPTER 2
“ANO?!” Gulat na napatayo si Erise sa kinauupuang
monoblock chair nang marinig ang balita ng kaibigan niyang si Krizzy. “B-bakit
daw? Wala namang balitang ganyan sa department natin, ah.” Naging sobrang
mabigat para sa dalaga ang balitang iyon. Kapag nagsara ang bangkong
pinapasukan niya bilang teller ay manganganib na ang buhay ng kanyang ina. May
sakit ito sa kidney at linggo-linggo ang dialysis nito. Pinagkakasya na nga
lang niya ang lahat ng kanyang suweldo sa mga gamot, dialysis at pang-araw-araw
nilang gastusin. Pati na rin ang bayad sa bahay, kuryente at tubig ay hindi na
rin sapat. Simula nang mamatay ang kanyang ama ay bumagsak na lahat ng kanilang
kabuhayan dahil na rin sa pang-ospital nito. Cancer sa baga ang naging sakit ni
Arnel na ikinaubos ng lahat ng naipundar nila, ngunit hindi rin nagawang
pagalingin ng siyensiya.
Nanghihina siyang napaupong muli. Tila nawala ang
kanyang lakas at hindi na niya namalayan ang pamamalisbis ng kanyang mga luha.
“Gaga! Kapag ako nainis, lalagyan ko ng scotch
tape `yang mga mata mo. Hindi na ba talaga mauubos `yang mga luha mo?”
“Krizzy…”
Ilang taon na ring ganito ang buhay nila ng ina.
Simula nang iwan sila ng kanyang ama, kulang na lang ay magdildil sila ng asin.
Hirap na hirap siya pero wala naman siyang magawa. Mabuti na lang at sinuwerte
siyang makapagtrabaho sa pribadong bangko na iyon pagkatapos niyang
maka-graduate. Napakahirap maghanap ng trabaho ngayon at kapag isang buwan
siyang hindi makasuweldo, papaano na ang kanyang ina?
“Narinig ko lang naman kay manager na iba na raw
ang magma-manage ng bangkong ito, Erise.”
“B-bakit daw ibinenta ang bangko, Kriz? `Di ba,
marami naman tayong kliyente? Katunayan nga, this bank is one of the fast
growing money investments in the country.” Sobra ang taka niya sa biglaang
desisyon ng kanilang Big Boss.
“Hindi ko rin alam, friend. Hindi naman kasi ako
tsismosa, eh.”
Napaismid na lang siya sa tinuran ng kaibigan.
Gusto niyang matawa, pero dahil sa namomoroblema siya, wala siyang ganang
asarin ito. Ang kaibigan niya ang tanungan ng lahat ng nangyayari sa kanilang
department. Kaya hindi pa ito tsismosa sa lagay na iyon.
HINDI na nawala ang kaba ni Erise sa buong
maghapon. Paano kung totoo nga ang narinig ni Krizzy?
Hanggang sa tinutuluyang maliit na apartment ay
dala-dala niya ang alalahaning iyon. Nadatnan niya ang inang nakahiga sa maliit
nilang sala. Naaawa niyang pinagmasdan ito. Wala na ang dating babaeng
kinakatakutan ng mga kasambahay nila. Mistula na itong lantang gulay.
Heidelburg, Germany…
“FUCK!” Dylan threw his last shot of brandy on
the hard wall. The hell of that sucking youth of him! Ingay lang ng nabasag na
baso ang maririnig sa mini bar ng kanilang bahay.
That innocent face couldn’t rid out his mind,
specially those words he would never-ever forget in his entire life.
Nasusuka ako sa `yo…
“Damn!” Tuluyan na siyang napatayo. Ayaw na
niyang marinig ang boses na iyon. It lingered through his ears over and over
again. Tila kahapon lang nangyari ang lahat.
Tuloy-tuloy siyang lumabas hanggang sa makarating
siya sa napakalaki at napakaluwang na sala. Nadatnan niya roon ang kanyang ina
at ama na masayang nanonood ng TV.
“Guten morgen, Papi. Guten morgen, Mami.” [Good
morning, Dad. Good morning, Mom.]
Ngumiti ang kanyang ama. “Guten morgen, auch,
sohn.” [Good morning, too, son.]
“Anak, kay aga-aga, naglalasing ka na naman.”
“Just a shot, `Ma. I need that to start my day.”
Napailing na lang ang ina. Tila may gusto pa
itong sabihin ngunit hindi na lamang umimik pa.
“How’s the business doing, son?” Stephen asked
after sipping his non creamer hot coffee.
Ralf Dylan had been handling their huge number of
businesses all over Germany, specially the Sven Bank Group of Companies for
almost three years now. And he handled it well. In fact, they were awarded as
the “Best Private Bank” this year.
Sven Bank Groups ranked first in fourteen out of
thirthy-five categories among others in Best Private Banking Services overall.
Its range of investment products and advisory services achieved first places,
just as well as its services to high net-worth individuals and its specialized
services to entrepreneurs and corporate executives.
He was naturally intelligent for making their net
profits boomed more than the previous years.
“It’s doing great, Dad. You know I won’t stop
until I elevate your rank as one of the wealthiest man all over the globe,” he
ambisciously answered, which made his father chuckled.
“I won’t be surprised if that happens, Dylan. Go
on and conquer the business world, son!” susog pa ng ama.
“Kayo talagang mag-ama. Hindi na ba kayo marunong
makontento?” sansala ni Lorenda.
Tumawa lang ang dalawang lalaki na halos
magkatulad ang hitsura.
“Bye, `Ma and Dad.” Akmang aalis na ang binata
nang may maalala ito. “By the way, `Ma, the day after tomorrow will be our
flight. So, be ready.”
Nagtaka naman ang ginang sa sinabi niya. Hindi na
niya binigyan ng pagkakataong makapagtanong pa ito at tuloy-tuloy na siya sa
kanyang magarang sasakyan.
EVERY employee bowed as Dylan walked along the
pathway of his huge building and entered the enormous entrance of his main
office. He was walking like a royalty—firmed face and dangerous aura. Nakasunod
sa kanya ang assistant niyang si Lawrence.
“Did the Lorenzo bite my proposal?” agad niyang
tanong sa lalaki pagkapasok sa opisina. Tinanggal niya ang mahabang coat at
inilagay sa likod ng kanyang swivel chair. Agad namang nagtimpala ng kape ang
sekretarya at iniabot sa kanya pagkatapos. “Thank you.” Pasalampak siyang umupo
sa malambot na swivel chair.
“Yes. As a matter-of-fact, they’re waiting for
you. They won’t sign the contract if they wouldn’t see the real person behind
the dealings.” Nagsimulang maghalungkat si Lawrence sa attache case nito. “Here
are the documents. Just make a run down for everything.”
Bahagya lang niyang pinasadahan ang mga papeles
na inilatag ni Lawrence. “I trust you, Lawrence. Just make yourself ready.
We’ll be flyin’ back the day after tomorrow.” He finally ended the
conversation.
Now is the time for everything!
“BIST du fertig, sohn?” [Are you ready, son?]
Huminga nang malalim si Dylan bago sagutin ang
ama. Ilang minuto na lang at lalapag na ang eroplanong sinasakyan nila sa NAIA.
Sinigurado niya kay Lawrence na walang reporters na makakakita sa kanya. He
doesn’t want to show his face to the people whom he thought abandoned them.
Pakiramdam niya’y isa siyang malaking isda na pag-aagawan ng mga paparazzing
walang ginawa kundi ang bumuntot sa mga sikat na personalidad.
“Ja natürlich, Papi. Dass ist die beste Zeit um
zurück ko.” [Of course, Dad. This is the best time to come back.] He leaned his
back on the seat comfortably. His mother was silently sleeping on his father’s
lap.
“Planst du zurück auf die Philippinen zu gehen?”
[What are your plans of going back the Philippines?]
“Oh, that’s the first time you asked me about it,
Dad. But the answer is so simple, I want a peace of mind.”
Napailing lang ang ama sa tinuran niya. Puno ng
kalituhan ang makikita sa mukha nito pero mas pinili nito ang manahimik.
“BABAE, magtrabaho ka nga riyan! `Yong customer,
kanina pa nakatayo.” Kinalabit ni Erise ang kaibigang si Krizzy. Hindi
maalis-alis ang mga mata nito sa telebisyong nakasabit sa kanilang opisina.
Natauhan naman ito at ngumiti sa lalaki. “Thank
you for coming, Sir. Please come again,” nakangiting wika ng kaibigan sa huling
depositor nila. Napako na naman ang mga mata nito sa telebisyon.
Na-curious siya sa tinitingnan nito. “Sino ba
`yang inaabangan mong lumabas diyan?” Hindi na niya napigilang `di magtanong.
“Isang kilalang German business tycoon na
mag-i-invest dito sa Pilipinas. Alam mo ba, sabi nila, Mr. Sven is one of the
wealthiest men in the world. Curious lang ako kung ano ang hitsura niya.”
She yawned and stretched her arms showing
disinterest to her friend’s tellings. “Baka matandang gurang na `yan.
Magtrabaho ka na nga riyan. Mamaya makita pa tayo ni Boss. Huwag mo nang
pag-ukulan ng pansin `yan, `di ka naman bibigyan ng pera ng mga `yan, eh,”
bale-wala niyang turan sa sinabi ng kaibigan.
“At balita ko rin, Lorenzo Banks are already
owned and under the Sven Deutsch Group of Companies.”
Nagising ang lahat ng pinakamaliliit na himaymay
ng kanyang mga ugat at napamulagat siya sa tinuran ng kaibigan. Totoo pala ang
balita na naibenta na ang pinagtatrabahuan nilang bangko.
“At isa pang nakakagulat na balita, Erise.
Papalitan nila ang lahat ng employees sa branch natin.”
“H-huh? Bakit gan’on? Bakit dito lang sa branch
natin? Bakit hindi na lang sa iba?” Tuluyan na siyang nataranta. Wala na siyang
trabaho. At iyong perang natitira sa suweldo niya ay pang-dialysis ng kanyang
ina sa linggong iyon. “K-krizzy… P-paano na tayo?” naluluha na niyang pahayag
sa kaibigan.
“Hindi ko rin alam, friend. Maging ako man ay
natatakot na `di makahanap agad ng mapapasukan. Baka nga mag-abroad na lang ako
nito," malungkot din nitong pahayag.
Nasa ganoon silang posisyon nang mag-flash sa
screen ang kakalapag lang na eroplano mula sa Germany. Naka-focus sa camera ang
isang napakatangkad na lalaki. Nakaakbay ito sa isang kagalang-galang na
ginang. Tantiya niya ay nasa late forties na ang edad ng mga ito. Walang
makalapit na reporters dahil sa higpit ng siguridad ng mga securities ng
lalaking iyon hanggang sa makapasok sa naghihintay na Limousine.
Pamilyar sa kanya ang babaeng kasama ng lalaki.
Saan ba niya ito nakita?
No comments:
Post a Comment