CHAPTER 3
MANGIYAK-NGIYAK na si Erise sa pagod at sama ng
loob. Buong araw na siyang naglilibot sa mga kompanyang nagha-hire ng kahit na
anong posisyon pero ni isa sa mga iyon ay walang tumatanggap sa kanya.
“Balik ka na lang, Miss.”
“Tatawagan ka na lang namin, Miss de Guzman.”
“Sorry, Miss, we already filled in the vacancy.”
Iyon ang paulit-ulit na mga salitang sinasabi sa
kanya ng mga kompanyang pinupuntahan. Masama na ang loob niya dahil tila
pinagkakaisahan siya ng pagkakataon na animo’y may nakakabit na kamalasan sa
kanya. Para siyang blacklisted sa mga kompanya at pagkakita pa lamang sa
kanyang pangalan ay tumatanggi agad ang mga ito. Ni hindi man lang tinitingnan
ang kanyang resume.
Matamlay siyang naglalakad sa kahabaan ng Taft
Avenue patungong Pedro Gil station nang mag-ring ang kanyang cellphone.
“Erise! Ang mama mo, dali!”
Sinaklot siya ng kaba sa bungad agad ni Krizzy.
“B-bakit, ano’ng nangyari kay Mama? Nasaan ka?”
“Isinugod ko siya sa ospital. Bigla na lang
nawalan ng malay. Narito kami sa PGH.”
Nanginginig ang katawan na agad siyang pumara ng
jeep. Medyo malapit na rin ang PGH sa kanyang kinaroroonan.
Takot na takot siya. Dalawang linggo na rin
kasing hindi nada-dialysis ang kanyang ina. Paubos na ang kanyang ipon para sa
gamot nito. Tuluyan na silang na-lay off ni Krizzy sa bangkong pinagtatrabahuan
sa hindi nila malamang dahilan. Gan’on talaga ang mayayaman—parang laruan ang
tingin sa mahihirap. Gayunpaman, nagpapasalamat siya at nandiyan ang kanyang
kaibigan at inaabutan siya kahit papaano.
Napayakap agad siya kay Krizzy pagkakita sa mga
ito.
“Krizzy, ano’ng sabi ng doktor?” umiiyak niyang
tanong sa kaibigan. She even looked so haggard.
“Kumakalat ang dumi sa kanyang kidney, Erise. At
kailangan na talaga niyang ma-dialysis. Sabi ng doktor, kapag hindi naagapan,
baka… baka tuluyan nang ma-contaminate ang kanyang dugo at…”
Napahagugol na siya sa narinig. She couldn’t
accept the worst possibilities that might happen to her mother. Twenty-five
thousand ang bawat dialysis ng kanyang ina. Saan na siya kukuha ng ganoong
halaga?
“May awa ang Diyos, friend. Huwag ka lang susuko.
Hayaan mo, maghahanap ako ng paraan."
Si Krizzy lang ang kanyang
masasandalan sa mga panahong iyon.
“Salamat, Krizzy.”
Pero buo na ang kanyang desisyon. Iyon lang ang
tanging paraan para agad na magkapera.
“SHE’S tough, huh!” matigas na komento ni Dylan
habang sinusuri ang mga nakalatag na larawan at impormasyon sa kanyang lamesa.
Kagagawan niya ang pagtanggi ng lahat ng kompanya kay Erise. Nothing was
imposible with him. He got power and money. Anuman ang plano niya, siya lang
ang nakakaalam kung kailan matatapos.
“And Sie ist wunderschon.” [And she’s beautiful.]
Tinapunan niya ng masamang tingin si Lawrence.
“Ich hab dir nicht das Recht dazu gegeben sie positiv zu kommentieren!” [I
didn’t give you any right to throw positive comments on her!] He clenched.
“Was geht dich das an?” [What’s that got to do
with you?] Nanunubok na tanong ng lalaki. Lawrence was not only his secretary,
he had been his confidante and friend.
“Was fuer eine scheiss frage man!” [What a
fuckin’ question, man!]
“You still love her, don’t you?”
“And you also ain’t in the right position to ask
that.”
Napailing na lang ang kaibigan. “Too much love
will kill you, dude!” makahulugan pa nitong dagdag.
“Just do what I want!”
“Okay, you don’t need to yell.” Ngumiti pa ito
bago lumisan sa opisina niya.
URONG-SULONG ang mga paa ni Erise.
Nagdadalawang-isip siya kung tuluyan na niyang papasukin ang mundong
makasalanan para lang maisalba ang buhay ng ina. Ito lang ang natitira niyang
pamilya at hindi niya kayang pagmasdan ito habang unti-unting kinukuha ni
Kamatayan na wala man lamang siyang ginagawa. Pinunasan niya ang mga patak ng
luha bago tuluyang pumasok sa night club na iyon. Sigurado siyang isusumpa siya
ng kaibigan kapag nalaman nito ang gagawin niya pero wala na siyang choice.
Sinalubong siya ng napakaingay na tugtugin at
nakakasulasok na amoy ng alak sa loob ng lugar. Dumeretso siya sa counter at
nagtanong. Dinala siya ng babaeng nakatuka roon sa isang makipot na opisina.
“Madam Rosa, may kailangan yata sa inyo ito,”
narinig niyang sabi ng babae sa taong nasa loob.
Kulot ang buhok, makakapal na make up at matabang
babae ang lumabas mula roon. Hitsura pa lang nito’y mapag-aalaman nang bugaw ng
napakaraming GRO sa club na iyon. Humithit pa ng sigarilyo ang babae bago siya
pinasadahan ng tingin, saka unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
Tila alam na nito ang sadya niya sa mga ganoong lugar.
ILANG minuto pa, gumigiling na si Erise sa gitna
ng entablado. Ngiting-pagnanasa ang makikita sa mukha ng mga customer doon
dahil sa taglay niyang alindog.
“Give it more, baby! Make it down!” sigawan ng
mga parokyano habang siya ay tuloy-tuloy lang ang luhang hindi maampat sa
pag-agos.
Kapag nag-entertain ka ng customers mo, mas
malaking pera ang kikitain mo, naalala pa niyang sabi ni Madam Rosa.
“SHIT! Hol sie da raus!” Dylan could punch
Lawrence for taking their plan in slow pace. He was ferocious and had
desperately commanded him. “Bring sie zu mir!” And he ended their conversation.
“MAY GUSTONG mag-table sa `yo, Marisa.” Mas
pinili ni Erise na gumamit ng ibang pangalan. “Magpakabait ka, ha? Mukhang
makapal ang bulsa ng customer mo ngayong gabi,” susog pa ni Madam Rosa.
Agad siyang tumalikod para punasan ang mga luhang
hindi maampat sa pagpatak. “A-ah… Sige po, M-madam.” Nanginginig siya habang
palapit sa mesa na itinuro nito.
Isang lalaki ang nakita niyang kampanteng nakaupo
roon. He was blond and tall. Lalo siyang kinabahan, marami na siyang naririnig
na balitang nabibiktima ng mga ibang lahi. Tila napansin siya nito at bumaling
sa kanya, saka ngumiti. Mukha naman itong harmless. Isa pa, may hitsura ang
lalaki at wala sa anyo nito ang maging rapist. Iyong tipo na ang babae pa ang
naghahabol dito para maikama.
“Hi, have a seat.” Maliwanag ang bukas ng ngiti
nito.
“T-thank you.” Nanginginig pa siyang umupo.
Pinagmasdan siya ng lalaki at pinag-aralan ang
kabuuan niya. “You looked tense. Are you new to this job?”
Hindi niya malaman ang isasagot. Pero hindi siya
dapat magpakiyemi sa harap nito. Ang nanay niya ang dapat niyang isipin.
“Drink this first. This would make you feel at
ease.” Iniabot nito sa kanya ang isang basong tubig.
Agad niya iyong kinuha dahil tila matutuyuan na
siya ng lalamunan. Sunod-sunod niyang nilagok ang laman ng baso. “T-thank you.”
Makahulugan namang ngumiti sa kanya ang lalaki
bago niya napansin ang panlalambong ng kanyang paningin. Ilang sandali pa at
bumagsak na siya sa sobrang antok.
Maagap siyang nasalo ng lalaki.
“SHE has a soft and flawless ski— Ouch!”
Sinalubong ng kamao ni Dylan ang mga labi ni Lawrence. “I could nearly sue you
for brutality, man. My kissable lips are bleeding!”
“Just keep that fuckin’ mouth shut, Lawrence!”
duro niya sa lalaki. Naiinis siya sa klase ng paglalarawan nito kay Erise.
“So, you hated it when other men fantasized her.
Yet, you nearly cursed her name. Why, man?”
Naging mailap ang mga mata niya sa tanong ni
Lawrence. He hated to answer that question.
“That’s enough for today. You can
have your luxurious nightlife here in Manila. Thanks, anyway,” pagtataboy niya
rito.
Iiling-iling naman ito. “Okay, don’t disturb me.
They say Boracay is a great escape, I’ll bring my feet there.” Nagpaalam na ito
at tuloy-tuloy nang lumabas. Muli itong pumihit at nakakalokong ngumiti. “Good
luck, man!”
Naiwan naman siyang mapait na napangiti. This is
the start of making her life miserable!
ERISE woke up on top of that prodigious-sized
bed. She made a glance on the place. Sudden gushed of fear was so intense when
she got her memory, causing her to check herself automatically. But there was
no evidence of sexual harassment, no unusual changes on her clothes. She was
still a virgin!
Though, still drowning in dreaded apprehensions,
she couldn’t help observing the enormous place she was in. The room was indeed
boasting such extravagant appearance, from furnitures to the materials
beautifying the whole area.
Dahan-dahan siyang bumangon. Fear was still
evident on her angelic face. Nang sa wakas ay makababa na siya ng kama,
unti-unti siyang naglakad papunta sa pintuan. Saan ba siya naroroon? Sigurado
siyang hinahanap na siya ng kanyang ina at ng kaibigan.
“Where do you think you’re going?”
Muntik na siyang mapasigaw nang marinig ang
malamig ngunit matigas na bagsak ng baritonong boses na iyon. Unti-unti siyang
lumingon. There she saw a tall man leaning and standing beside the sliding
window. He was peering outside with his hands inside his pockets.
She trembled even though the man wasn’t looking
at her. Parang kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Tila slow motion ang
pagharap ng lalaki, only to find herself stunned and left hanging.
There she saw an impressively tall, extremely
handsome with the body of an Adonis creature. Ngunit kahit anuman ang maging
hitsura nito, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga matang iyon—ang mga
matang ilang taon niyang iniyakan hanggang sa mga sandaling iyon—isang payat na
lalaki na hindi nawala sa kanyang puso’t isipan. He looked even better, hindi
niya naiwasang pasadahan ito ng tingin. He dressed well and smelled expensive
eau de cologne.
Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata nang
makita ang ekpresyon nito. Nandidiri ba sa kanya ang lalaki? “R-raf?”
“How are you, Erisalda Marie de Guzman?”
God! That eloquent voice loudly spoke money!
No comments:
Post a Comment