TEASER:
"You're the only person who make me feel different, thank you for coming in my life.---Rayl"
RAYL DELA PEÑA: Dalagang may taglay na kakaibang ganda subalit may ugaling mapagmataas sa kapwa niya. Anak mayaman ngunit salat sa pagmamahal ng sarili niyang mga magulang dahil sa hindi niya kaaya-ayang ugali.
JEFFREY ESTEVIS: Isang mayamang binata na nagpanggap bilang ordinaryong mamayan na nagtatarabho sa lupain ng mga DELA PEÑA. May kakisigang hindi maaaring iwasan ng mga kabababihan.
Sa pagbabalik ni Rayl mula sa ibang bansa pagtatagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas. Magiging daan nga ba si Jeffrey upang magbago ang paniniwala at ugali ni Rayl?
Alin nga ba ang masusunod, ang puso o ang pride?
CHAPTER 1
NAGPASYANG bumalik ng bansa si Rayl sa pag-aakalang magiging okay na ang kanyang mga magulang sa kanya.
" Rayl, are you sure about your decision?" Ani Rachelle sa kanya.
" Yes Rachelle it's time na para harapin ko na ang buhay ko sa piling ng aking mga magulang."
" Baka naman after a week babalik ka na naman dito sa Canada dahil galit pa din ang parents mo sayo."
" Nope I will do everything para maging okay kami."
" Alam mo kung anu ang dapat mong gawin."
"Anu?"
"Magbago ka, itigil mo na ang ugali mong mapagmataas sa iyong kapwa."
"Wala akong inaapakang tao, mahihirap lang sila kaya hindi ko sila ka level dapat lang na maging mataas ako sa kanila. They are just a poor people na nagtatrabaho sa aking mga magulang. "
" Anu sa tingin mo ang ginagawa mo, kahit mahirap sila may puso sila na pwedeng makaramdam ng sakit dahil sa ginagawa mo."
"Tumigil ka na Rachelle, huwag mo akong pangaralan kung gusto mong manatili tayong magkaibigan."
" Bahala ka" tinalikuran nito si Rayl na may inis sa kanyang pangangaral dito. May ugali si Rayl na sadyang tiniis niya lamang dahil mahal niya ito bilang kaibigan at kapatid.
Hindi pumigil si Rayl sa pag walk out ng kanyang kaibigan para sa kanya babalik din ito ilang araw. Bumalik siya sa kanyang silid upang ihanda ang kanyang mga gamit sa muling pakikipagsapalaran niya sa bansang pinagmulan.
" Haissst...." pigil niya ang sarili na maihagis ang gamit niya dahil sa halo-halong mga bagay na nasa isipan niya." Muli ko na namang makakasama ang mga hampas-lupa naming mga trabahador."
Hindi tinapus ni Rayl ang pagliligpit ng tinawagan siya ng isa pa sa kanyang kaibigan upang yayain na mag malling sila.
ABALA si Jeffrey sa paglalagay ng mga pataba sa mga pananim ng ipinatawag ito ni Don Faustino Dela Peña.
" Jeffrey" tawag ni Mang Kanor ba katiwala sa pananiman ng Don.
"Bakit po Mang Kanor? May problema po ba?"
" Wala naman anak, ipinapatawag ka lamang ni Don Faustino. "
"Bakit po? May nagawa po ba akong kasalanan?"
" Hindi ko alam anak, napag-utusan lang akong tawagin ka. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman napansin na galit siya. Maayos siyang nakipag-usap sa akin, mabait naman iyon pero dahil lang sa anak niya kaya naging mainitin ang ulo niya."
"Salamat Mang Kanor, sige po aayusin ko lang ang aking sarili bago ako humanap sa kanya."
"Sige anak."
Madali-daling inayos ni Jeffrey ang kanyang sarili para hindi naman kahiya-hiya ang kanyang sitwasyun pag humarap na siya kay Don Faustino.
Mula sa kanyang silid tinungo na niya ang mansiyon ng mga Dela Peña upang alamin ang nais ng Din sa kanya.
" Ikaw pala Jeffrey" Ani Vivian na katulong ng Mansiyon.
" Magandang hapun sayo Vivian, andito ba si Don Faustino?"
"Magandang hapun din sayo, pasok ka nasa garden si Don Faustino. "
"Salamat"
Tinahak ni Jeffrey ang pasilyo ng bahay papunta sa hardin kung saan naroroon si Don Faustino.
" Magandang hapun po Don Faustino" magalang na pagbati niya rito.
" Magandang hapun din sayo Jeffrey, andiyan kana pala. Halika ka dito iho sa aking harapan. "
Lumapit naman ang binata sa Don na napakatahimik na para bang malayo ang iniisip nito.
" Anu po ang maipaglilingkod ko sa inyo Don Faustino?"
" Maupo ka muna iho, darating ang nag-iisa naming anak ni Donya Audrey mula aa Canada. "
"Anu pong kinalaman ko sa pagbabalik niya dito?"
"Ikaw ang napili kong sumundo sa kanya mula sa Airport. "
"Pe...pero Don Faustino may mga Driver po kayo."
"Lahat ng mga driver namin ay hindi nito makakasundo dahil sa ugali niyang hindi kanais-nais."
"Don Faustino sa sinabi po ninyo parang hindi ko po makakasundo ang inyong anak. Baka po mag-away lang kami ng dahil sa sinabi ninyong ugali niyang hindi maganda."
" Kaya nga ikaw ang napili ko, gusto kong iparamdam mo sa kanya na mali ang mga pinaggagawa niya. Hindi namin alam saan kami nagkulang sa pagpapalaki sa kanya."
"Pag-iisipan ko po Don Faustino ang inyong alok. Kailan po ba ang dating ng inyong anak?"
"Sa susunod na araw mula bukas."
"Sige po Don Faustino, malalaman ninyo ang aking kasagutan bukas ng umaga."
"Salamat iho, sana paunlakan mo ang aking kahilingin. "
NAALIW naman ang magkaibigan sa kanilang pag mo malling hanggang makaramdam na sila ng pagod.
" Cristina, can we take a rest little bit. I'm so tired going around the mall." Reklamo niya sa kaibigan na kanina pa inis sa kanya dahil siya naman itong nagyaya na maglibot kung saang bahagi ng Mall.
" As usual ikaw naman po masusunod palagi." Nasaitinig ni Cristina.
Binaliwala ni Rayl ang pagdadabog ng kaibigan niya dahil sanay na siya sa mga ito. Magwalk out then after a days babalik din sa kanya.
"Shhhhh...tumigil kana sa kakaarte mo baka matulad ka kay Rachelle na hindi ko na kaibigan dahil sa paninirmun niya sa akin."
" Uwi na tayo Rayl, marami ka pang dapat ayusin para sa pagbabalik mo sa Pinas. "
" Oo nga, isang araw nalang madami pa akong dapat ayusin. Hay! Naku bakit kasi itinapun pa ako ng mga magulang ko dito. "
"Huwag ka ng mag reklamo tapus ba iyon, five years ago pa ang pangyayaring iyon kaya forget mo na. "
" How can I forgot about it, those memories ay hindi dapat kalimutan itinapon ako ng sarili kong mga magulang. "
Itinaas na lamang ni Cristina ang dalawang kamay niya upang senyalis na end of story na sila dahil baka saan na naman mapunta ang usapan nila. .
TINUPAD nga ni Jeffrey ang sinabi niya sa Don na malalaman nito ang kanyang kasagutan kinaumagahan.
"Magandang umaga Vivian, hindi ba busy si Don Faustino?"
"Hindi naman katulad ng dati naroroon siya sa hardin."
"Salamat pupuntahan ko nalang siya doon."
"Sige."
Nakita niyang kasama ng Don ang maybahay nitong si Donya Audrey. Nahihiya man siya pero huli na para umiwas siya dahil nakita na siya ng Donya.
" Jeffrey, iho halika." Tawag ng Donya sa kanya na magaan ang loob nito sa kanya.
Lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito saka binati niya ang mga ito ng may paggalang.
" Magandang umaga po sa inyo Donya Audrey at Don Faustino. "
"Ganuon din sa iyo iho" sabay na sagot ng mag-asawa.
" Naparito po ako Don Faustino para ipaalam ang sagot ko sa inyong kahilingan kahapun. Pumapayag po ako sa gusto niyong gawin ko."
"Salamat iho, sana mapabago mo nga siya ng tuluyan. "
"Gagawin ko po an lahat ng aking makakaya."
"Patnubayan ka ng Diyos iho."
"Salamat po, aalis na po ako."
"Sige iho."
Nang makalayo na ang binata, pinag-usapan ng mag-asawa ang pagdating ni Rayl sa lugar nila.
" Kinakabahan na naman ako sa pagdating na anak natin." Ani Dobya Audrey sa kanyang butihing katipan.
" Huwag kang kabahan, idalangin nalang natin sa Maykapal na pagpalain si Jeffrey sa gagawin niyang pagpapahirap sa anak natin."
"Sana nga matiis ni Jeffrey ang ugali niyang mapagmataas sa kapwa niya."
"Alam kong kayang-kaya ni Jeffrey na mapabago si Rayl kaya siya ang napili ko."
" Patnubayan nawa siya ng Diyos."
Hindi pa nakita ni Jeffrey si Rayl dahil dalawang taon pa lamang siyang nagtatrabaho sa pamilya nito kaya sa labis na pagtataka niya nagtanung siya kay Mang Kanor tungkol sa anak ni Don Faustino.
" Mang Kanor" tawag niya sa katiwala ng taniman ng mga Dela Peña.
" Bakit iho may problema ba?"
"Wala naman po, may nais lang po akong malaman mula sa inyo."
"Anu iyon iho?"
" Tungkol po sa nag-iisang anak ng mga amo natin. "
"Ah! Si Rayl"
"Siguro po, hindi naman na banggit ng Don ang pangalan niya."
"Bakit iho anu ang gusto mong malaman tungkol sa kanya."
"Ang pag-uugali niya po, darating po siya bukas dito ako po ang itinalaga ng Don na sumundo sa kanya. "
"Sumusuko na talaga si Don Faustino sa anak nila."
"Anu pong ibig ninyong sabihin?"
"Si Rayl ay mapagmataas, maldita at higit sa lahat hindi marunong gumalang sa mga nakakatanda sa kanya. Wala siyang pakialam kung nakakasakit siya sa damdamin ng iba."
"Bakit naman po ganuon?"
"Iyan ang hindi alam nina Don Faustino at Donya Audrey. Hindi naman sila nagkulang sa pagpapalaki nila dito pero naging masama ang ugali nito."
"Siguro po dahil sa mayaman sila."
"Ewan Jeffrey kasi ang mga magulang niya hindi naman ganuon ang ugali. Matulungin ang kanyang mga magulang sa mga nangangailangan natigil lang ito dahil sa ginawang eskandalo ni Rayl noon kaya napilitan ang nga ito na ipadala siya sa Canada."
" Mahaba po pala ang kwento ng anak nila."
"Oo iho kaya ikaw nalang ang mag judge pagdating niya rito ."
HANDA na ang lahat ng gamit ni Rayl kinagabihan nagkasayahan sila sa kanyang Condo. Farewell party ng kanyang mga kaibigan sa kanya, masaya ang mga ito na nagpasya ang dalaga na bumalik ng bansa dahil gusto na nilang magbago ito ng pag-uugali.
Pare-pareho silang lahat na anak ng mayayaman pero never nilang nagawa ang ginagawang pagmamataas ni Rayl sa kapwa nila.
"Rayl, hope doon maging masaya kana" sabi ni Cristina.
" Paanu ako magiging masaya if makakasama ko na naman ang nga hampas-lupa naming mga trabahante. " Sagot niya sa kaibigan sa mahinang boses.
" Rayl ayan ka na naman" sita ni Jason sa kanya na palaging kontra sa lahat ng pinagsasabi niya.
" Tseee... kumontra ka na naman."
"One day makakahanap ka ng katapat mo pero isa itong mahirap. Diyan mo mararanasan kung paanu mo dapat pakisamahan ang m taong minamaliit mo."
"Hay naku! I've never think na magkakagusto ako sa isang taong mababang- uri."
"Let us see" sagot nalang ni Jason upang hindi na humaba pa ang kanilang pag-uusap.
Natapus ang gabi nila na masaya at may lungkot. Gusto nilang matuto sa tamang pag-uugali ang isa sa mga kaibigan nila.
" Jason" tawag ni Cristina sa kaibigan ng papauwi na sila.
" Bakit?"
"Sana dumating na ang taong magpapabago sa kaibigan natin."
"Don't worry, Tito Faustino had a plan para sa kanya."
"What do you mean?"
"May bagong trabahante ang kanyang mga magulang, I think he works with them 2 years untill now. Tito talk to that man to handle the responsibility na mapabago si Rayl."
"Sana nga makaya noong guy."
"Tito trust that guy na kaya nitong pabaguhin si Raly. Gwapo daw ito sabi ni Tita kaya sana pumasa sa panlasa ni Rayl. "
Nagpaalam na din sila sa isa't-isa upang makapagpahinga na din dahil maaga pa nilang ihahatid si Rayl sa airport.
HININTAY naman ni Jeffrey ang signal ng Don para sunduin ang kaisa-isa nitong anak sa Airport.
" Jeffrey after three hours the airplane will arrived at the Airport so you must be there."
"Okay po Don Faustino. "
Binabaybay ni Jeffrey ang daan patungong Airport pero nauunahan siya ng kaba na baka sitahin siya ng malditang magiging amo nila.
" Jeffrey kaya mo iyan, magpakatotoo ka sa pagharap sa kanya." Pampalakas-loob na lamang niya sa kanyang sarili.
After 30 minutes mula sa bahay ng mga Dela Peña narating niya ang General Santos City Airport.
Instead kasi na sa Maynila mag stay si Rayl pinigilan siya ng kanyang ama. Sinabihan siya nito na sa lugar kong nasaan sila doon mananatili si Rayl, walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang mga ito kahit labag ito sa kanyang kalooban.
MALAPIT ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Rayl sa Airport kaya napaismid na naman ito ng maalala niya ang mga taong maari niyang makita sa araw-araw nalang na pananatili niya sa lugar na ito.
" Bakit ganyan ang mukha mo Miss" ani ng dalagang katabi niya." Hindi kaba masaya na andito kana sa sarili mong lugar?"
"Who the hell are you to ask about my feelings, I don't know you so stop acting that you know me." Singhal niya sa dalaga na nagtanung sa kanya.
" Hindi nga kita kilala but you don't know me too para pagsalitaan mo ako ng ganyan. Kung umasta ka parang hindi ka nakaapak sa lupa."
"Who care"
Natigil ang pagsasagutan ng dalawa ng nagsalita na ang flight attendant.
" Maari po bang ikabit na natin ang ating mga seat belt at manatili sa ating mga upuan ilang sandali na lamang po ay lalapag na tayo sa paliparan ng General Santos City. " Ani ng flight attendant para sa lahat.
CHAPTER 2
TAHIMIK lamang si Rayl paglapag ng eroplano sa Airport. Hindi siya nakaramdam ng kahit kunting kasiyahan na muling makaapak sa lugar na nabibilangan ng mga taong ayaw niyang makasalamuha.
Kaagad naman siyang nakilala ni Jeffrey dahil sa larawan na ibinigay ng kanyang ama sa binata.
"Excuse me ikaw ba si Miss Rayl Dela Peña?" Tanung ni Jeffrey sa seryosong mukha dahil halata ang kamalditahan ng dalaga sa mukha nito.
" Yes, who the hell are you?"
"Ako po ang driver na ipinadala ng iyong ama."
"Ah! I see, ipasok mo na sa sasakyan ang lahat ng mga bagahe ko dapat walang mawala sa mga iyan kundi malalagot ka sa akin."
" Araw mo ngayun" tanging nasabi ni Jeffrey sa mahinang boses.
" What did you say?"
"Wala po ma'am"
"Anung wala? I hear something from your mouth."
"Baka po mabaho kong hininga" pang-iinis niya sa dalaga kaya natigil ito.
Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang daan pabalik sa mansiyon ng mga Dela Peña.
" My gosh! Wala talagang pinagbago ang lugar na ito." Ani Rayl ng makita niya ang mga batang kalye na nasa daan.
" Bakit ma'am hindi po ba kayo sanay na makita sila? Dapat po masanay na kayo kasi mula bukas makakasalamuha mo ba sila."
"Kinakausap ba kita? Belong ka sa kanila kaya ikaw lang ang makikisalamuha sa kanila."
" Siguraduhin mo lang po na hindi ka makakaapak sa putik na inaapakan nila dahil pag nagkataon ikaw ang kawawa."
"Pwede ba pagmamaneho mo ang iyong asikasuhin huwag mo akong kausapin dahil I never ask your opinion. "
Tumawa lang ng nakakakuko si Jeffrey dahil nasasarapan siyang asarin ang dalaga.
" Maganda ka pero kabaliktaran naman sa pag-uugali mo."
Inirapan lang siya ng dalaga dahil alam niyang umuusok na ang ilong nito sa galit dahil sa paninita niya sa sinasabi nito.
NARATING na nila ang mansiyon ng hindi namamalayan ni Rayl dahil marami ang nagbago sa dinaanan nila kaya nawala sa isipan niya ang lahat ng mga naalala niya sa lugar nila.
" Ma'am andito na po tayo" may malapad na ngiti sa mukha ng binata dahil hindi nawawala ang inis sa mukha ni Rayl mula ng sinisita niya ito.
" Buksan mo ang pinto. " Utos niya kay Jeffrey na hindi nito pinansin." Naririnig mo ba ako?"
"Hindi po ako bingi ma'am kaya hindi mo kailangang sumigaw. Wala po ba kayong kamay para buksan ang pinto."
Lalong nangunot ang noo ni Rayl sa galit sa estrangherong trabahante ng kanyang mga magulang. Bumaba siyang mag-isa sabay pasok ng padabog sa mansiyon.
" Anung problema iha?" Salubong ng kanyang butihing ina sa kanya.
" Sa dami-dami ng driver natin iyan pang walang mudo ang ipinadala ninyo." Singhal niya sa kanyang ina.
" Ma'am respituhin naman po ninyo ang inyong ina. Kung wala siya wala ka rin dito sa mundo." Singit ni Jeffrey na hindi naman pinigilan ni Donya Audrey dahil alam niya ito na ang simula sa pangako ng binata sa kanyang asawa.
" Nakialam ka na naman, hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka" aniya sa binata na nakatayo sa kanyang harapan.
" Ma'am init ng ulo mo, matulog po muna kayo" pahabol pa ni Jeffrey sa kanya ng paakyat na ito sa kanyang silid.
Hindi nakaligtas sa pandinig ng Don ang pagtatalo ng dalawa kaya humanga talaga siya sa binata . Alam niyang kaya nitong pabaguhin ang kanyang anak.
" Keep it up Jeffrey" tanging nasabi ng Don sa kanya.
Pagdating ng dalaga sa kanyang silid kaagad niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan upang sabihin dito ang lahat ng nangyari sa kanyang pagdating.
" Hello" ani Cristina sa kabilang linya.
" Hello, Cristina ako ito si Rayl. Nakarating na ako dito sa mansiyon."
"Salamat naman dahil ligtas ka na nakarating diyan."
"Oo ligtas nga pero masama naman ang salubong ng panahun sa akin."
"Bakit?"
"Ang hampas-lupa na driver na ipinadala ng daddy para sumundo sa akin ay isang barumbado at pilosopo hindi marunong gumalang sa anak ng kanyang mga amo."
"Baka kasi pinakitaan mo naman ng masamang ugali mo."
"Hssssttt... tumawag ako sayo para may makausap hindi para sermunan mo din. Diyan kana nga matutulog na ako."
"Mabuti pa nga itulog mo na iyan."
GUSTONG matuwa ng binata sa tuwing naalala niya ang mukha ni Rayl sa pang-iinis niya dito.
" Ngayun nahuhuli ko na ang pweding magbigay ng matinding galit sayo." Aniya na may ngit sa kanyang mga labi bago tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Tanghali na ng magising si Rayl kaya inutusan na ng Donya si Vivian na katukin na ito sa kanyang silid.
Tatlong beses ang pagkatok ng katulong bago ito sinagot ni Rayl sa masungit na boses.
" Bakit ba?"
"Ma'am ipinapatawag na po kayo ng inyong ina."
"Bababa ako kung kailan ko gusto kaya umalis kana."
"Opo ma'am. "
Sanay na sa kanya ang lahat ng katulong nila sa bahay mula pa ng siya ay nagdadalaga dahil ganyan na ang pakitingo nito sa kanila.
Isang oras pa ang nakalipas ng bumaba si Rayl mula sa kanyang silid.
" Anung oras na?" Tanung ng kanyang ama sa kanya ng mapansin siya nito.
" Daddy kararating ko lang kagabe natural napagod ako sa biyahe kaya tanghali na akong nagising. Hindi niyo pa nga kinakamusta ang naging buhay ko sa Canada sermon na kaagad ang salubong niyo sa akin."
" Hindi ko na kailangang malaman mula sayo dahil alam ko lahat ng mga pinaggagawa mo doon pati ang pakikipag-relasyun mo sa mga taong hindi mo pa masyadong kilala."
Padabog na lumabas ng mansiyon ang dalaga upang magpahangin dahil parang nabuhusan siya ng mainit na tubig sa sermon na inabot niya sa kanyang ama.
" Ma'am bakit po kayo dito sa labas? Ani na naman ni Jeffrey ng lapitan niya ito mula sa hardin ng mansiyon.
" Anung pakialam mo."
"Baka po kasi makaapak po kayo sa lupa o sa putik matulad po kayo sa amin."
"Pwede ba huwag kang papansin dahil never kitang tinawag o hinanap." Tinalikuran niya ang binata sabay padabog pa din na pumasok sa bahay.
Inisip niyang wala siyang patutunguhan sa lugar na ito dahil pinagtutulungan siya ng mga tao dito.
" Mommy, bukas ng umaga gusto ko mamasyal sa rancho" aniya sa kanyang ina ng abutan niya ito sa library nila.
" Pwede anak, libangin mo ang iyong sarili habang andito ka."
"Salamat, nakakabagot talaga dito."
MULING kinausap ng Don si Jeffrey para sa mga bagay na gusto niyang mangyari sa kanyang anak.
" Bakit po Don Faustino? " Ani ng binata sa Don n nakaupo na naman sa paborito nitong lugar.
" Alam kong nag-iisip si Rayl na bumalik ng Maynila dahil akala niya pinagtutulungan siya ng mga tao dito kaya kailangan bago matapus ang apat na buwang bakasyun niya dito ay malaman na niya ang mga maling ginagawa niya sa kanyang kapwa."
"Huwag po kayong mag-alala Don Faustino gagawin ko ang aking makakaya para mapatino ang iyong anak."
"Salamat iho, sige umalis kana baka masilip niya na inutusan kitang gawin sa kanya ang ipinapakita mong ugali sa kanya."
"Sige po."
Buong gabi na hindi natulog si Rayl dahil sa pagbabad niya sa internet upang makaiwas sa pag-iisip na mga bagay na ayaw niya sa kanyang paligid.
Namumugto ang kanyang kga mata kinaumagahan ng bumaba siya upang umalis papuntang rancho nila.
" Anung ginagawa mo dito? " Singhal na tanung niya kay Jeffrey na naabutan niyang naghihintay sa kanya.
"Sasamahan ko po kayo ma'am baka kasi makaapak kayo sa putik hindi na kayo makaalis."
"Hay nalang! Bakit ba nakakaharap ko ang lalaking walang- mudo na ito."
" Paanu po tayo talaga ang pinagtagpo ng tadhana kaya tiis-tiis muna. "
Lumabas na ng bahay si Rayl upang maiwasan ang binata pero nakasunod pa din ito sa kanya.
" Anu ba? Hindi mo ba talaga ako titigilan?"
"Hindi"
" Hindi na ako bata para sundan mo kung saan pupunta. Mabuti pa asikasuhin mo nalang ang mga trabaho niyo para naman may silbi ka bilang trabahador ng mga magulang ko."
Sa inis ng dalaga hindi niya namamalayan na may malapad na putik sa kanyang daraanan
kaya natumba siya bigla dito.
Napatawa naman ng malakas ang binata dahil talagang sinadya niyang hindi sabihin dito na may malapad na putik sa daraanan nila.
" Anung tinatawa mo diyan? Tulungan mo ako." Galit na sabi niya kay Jeffrey.
" Bahala ka, sabi mo huwag kitang pakialam kaya tumayo kang mag-isa mo diyan."
Nang makatayo ang dalaga sa sarili nitong sikap patakbo siyang bumalik sa mansiyon dahil hindi siya sanay na napuputikan kahit kunti ngayun buong katawan niya puno ng putik.
" Anung nangyari doon?" Tanung ni Vivian kay Jeffrey na malapad ang ngiti sa mukha nito.
" Hayaan mo na iyon, bagay lang niyan sa tulad niyang maarte."
"Ikaw talaga."
"Huwag kang mag-alala kakampi ko lahat pag nagalit iyan."
"Sana mapabago mo siya, kakaiba talaga kasi ang ugali niya."
Matapus magbihis ni Rayl nawalan siya ng ganang mangabayo dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Jeffrey.
" Ma'am bakit ayaw mo ng mangabayo?"
"Ikaw na naman, hindi mo ba talaga ako titigilan. Pwede ba lumayo ka sa akin dahil baka mahawa pa ako ng mga germs na nasa katawan mo."
" Germs pala ha!" Idinikit ni Jeffrey sa malapot na lupa ng mga bulaklak sa hardin ang dalawa niyang mga palad saka idibampi ito sa mukha ng dalaga.
" Anu ba? My gosh kakapalit ko lang."
"Magpalit nalang po kayo ulit."
"Wala ka talagang mudo. "
"Sayo lang po ako ganito, sarap mo kasing asarin eh!.
Nakikita naman ng Don ang lahat ng pangyayari mula sa bintana ng kanyang pribadong opisina.
" Maasahan ka talaga Jeffrey, sana mapa-ibig mo rin siya sayo." Kahilingin ng Don dahil gusto niyang maranasan ng anak niya ang kanyang naranasan noon.
Mahirap lang si Don Faustino pero nagsumikap siyang makanit ang lahat kung anung merun sila ngayun. Never siyang naging mataas sa kapwa tao niya pero dahil sa gulong ginawa ng kanyang anak sa isang charity na tinulungan niya noon nagbago na ang lahat.
Patuloy pa din ang pagtulong nila sa charity sa pagitan ni Jeffrey kaya hanga siya dito dahil sinusunod nito ang kanyang mga gustong mangyari.
ARAW ng Linggo magsisimba ang kanyang mga magulang kaya niyaya siya ng kanyang ina pero inayawan niya ito.
" Ayaw ko pong sumama baka makakita na naman ako ng hindi kanais-nais na mga tao doon."
"Wala ka talagang paggalang pati ang bahay ng diyos iniisipan mo ng kung anu-ano. " Galit na bulyaw ni Don Faustino sa kanyang anak.
" Faustino tama na iyan, baka magkasakit kapa sa kakunsumisyun sa anak mo."
" Baka nga gusto na din niyang mamatay nalang ako para magawa na niya ang kanyang mga nais gawin ng walang nakikialam sa kanya. "
Gustong maluha ni Raly dahil sa sinabi sa kanya ni Don Faustino. Nasa harapan sila ng kanilang lahat na mga katulong pati si Jeffrey natunghayan ang sinabi ng kanyang ama sa kanya.
Patakbo niyang nilisan ang mansiyon hindi niya alam kubg saan ang patungo niya upang makalayo kahit sandali sa mga taong tingin sa kanya ay masama na talaga.
" Ma'am pwede ba maupo sa tabi mo?" Ani Jeffrey sa maayos at malambing na boses.
" Ikaw na naman, bakit ba ayaw niyo akong tigilan? "
"Ma'am hindi naman po namin intension na palagi kang barahin sa mga ginagawa at sinasabi mo. Itinatama lang po namin ang mga bagay na alam naming mali."
"Mula noon wala na akong ginawang tama sa paningin ng mga tao dito. Kaya mas gugustuhin kung malayo dito."
"Hindi naman po ganuon ang tingin ng mga tao dito sayo, kayo lang po ang nag-iisip ng ganyan."
Natahimik siya sandali sa sinabi ng binata, mabait naman pala ito. Naisip niya tuloy na nasa kanya ba talaga ang mali.
" Mahal ka po ng mga tao dito ma'am, kaso po mapagmataas po kayo sa kapwa ninyo. "
"Totoo naman ang mga sinasabi ko, hindi ako dapat makipaghalubilo sa mga tulad ninyo dahil hindi tayo magka level."
"Ma'am mali po ang inyong paniniwala. Sa mundo po walang mayaman, walang mahirap dahil sa mata ng diyos lahat tayo ay pantay-pantay."
Wala na siyang masabi sa mga lumalabas na salita sa bibig ng binatang kaharap niya na dati ay mainit ang dugo niya rito.
No comments:
Post a Comment