CHAPTER 3
MATAPOS kausapin ni Jeffrey si Rayl nagpaalam na ito dito. Ipinadama niya sa dalaga ang mga bagay na dapat nitong baguhin pero nagiging ma pride pa din ito sa kabila ng sinabi ng binata sa kanya.
" Hindi mo ako madadala sa matatamis mong salita baka matulad pa ako sa inyo na isang basura." Aniya habang tinitigan ang binatang papalayo sa kanya.
Naglalakad pabalik ng mansiyon si Jeffrey ng makasalubong niya ang isa sa mga tauhan ng kanyang ama na si Governor Esteves.
" Senyorito Jeffrey, pinapunta po ako ng inyong ama dito dahil kailangan po ng mga volunteers sa isang charity foundation natin." Ani ng lalaki sa kanya.
" Sige, tatawagan ko ang mga kaibigan kong palaging handa para sa mga bagay na iyan."
"Salamat po Senyorito. "
" Iparating mo sa aking ama na susunod nalang ang aking mga kaibigan sa lugar na pagdarausan ng inyong pagkawang-gawa."
"Makakarating Senyorito. "
Hindi nagpahalata ang lalaki ng madaanan niya si Rayl na nakaupo malapit sa gilid ng daanan niya pabalik sa kanyang sasakyan.
Nakaramdam man ng awa si Jeffrey para sa dalaga pero katulad ng ipinangako niya sa ama nito pipilitin niyang magbago ang dalaga.
Gumagabi na ng nagpasya si Rayl na umuwi sa mansiyon. Hindi niya pinansin ang mga tao pagpasok niya sa malaking bahay. Deritso na siyang umakyat sa kanyang silid upang doon ibuhos ang sama ng kanyang loob.
Nakatulogan niya ang pag-iyak hanggang sa nanaginip siya ng isang masamang pangitain.
"Daddy.....daddy....daddy nasaan kana?" Sigaw niya habang nasa isang lugar siya na hindi pamilyar sa kanya.
Patuloy ang kanyang pagsigaw habang hinahanap niya ang kanyang ama. Nakita niya itong hawak-hawak ng isang taong sa tingin niya ay kilala niya pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.
Sa dami ng kanyang mga pinag mataasan at nilait, marami rin ang nagkamuhi at nagalit sa kanya. Sa kanyang panaginip isang lalaki ang inalipusta niya sa lugar ng General Santos City malapit sa Bulaong o terminal ng mga bus.
Ang lalaki ay namalimus sa kanya minsang napadaan siya dito. Imbes na tulungan niya ito, nilait at dinuraan niya pa ito.
Hindi pa din niya mahanap ang kanyang ama sa kanyang panaginip hanggang hindi na mapigil ang pag-iyak niya na hindi nakaligtas sa pandinig ng kanyang mga magulang.
" Ray.....rayl, anak anung nangyayari sayo? Pagbuksan mo kami ng pinto."
Kinabahan na ang kanyang mga magulang kaya pinakuha na ng mga ito ang duplicate ng susi sa silid ng anak.
NASA sariling silid niya si Jeffrey na walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa loob ng mansiyon. Iniisip nitong magpaalam muna sa Don para makaattend ng kanilang kawang-gawa.
Ang pagtulong sa kapwa ay nakagisnan na ni Jeffrey simula ng siya ay nagka-isip dahil sa tulong na din ng kanyang pamilya.
" Pag-pumunta ako sa Lamluma Little Baguio Surallah South Cotabato isasama kita Rayl para maramdaman mo ang maging mahirap minsan." Aniya bago nito tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata.
NAABUTAN ng mag-asawa ang kanilang anak na humahagulhol aa takot na hindi nila maintindihan ang dahilan.
" Rayl.... anak anu ba ang nangyayari sayo?"
Napayakap siya sa kanyang ina ng muli niyang maalala ang kanyang panaginip. Ayaw niyang ipaalam dito kung anu iyon dahil sa naniniwala siyang maaring magkatotoo ang lahat.
Kinaumagahan nagpunta si Jeffrey sa mansiyon upang magpaalam kahit isang linggo muna siyang uuwi sa kanila.
Alam ni Don Faustino na isang mayaman si Jeffrey kaya ito ang napili niya para patinuin ang kanyang anak dahil sa taglay na kabutihan nito.
" Jeffrey, iho pwede mo bang isama si Rayl sa pupuntahan mong charity?" Ani Don Faustino sa mahinang boses.
" Wala pong problema Don Faustino, nasaan nga ba siya ngayun?"
"Naliligo sa may pool."
"Pwede ko po ba siyang puntahan?"
"Go on iho."
Tinungo niya ang likod bahay kung nasaan anduon ang dalaga. Lumapit siya sa pool ng makita niyang aahun na ito sa kanyang paliligo. Isinuot niya ang bathrobes sa dalaga upang hindi ito makaramdam ng ginaw.
" Salamat, anung kailangan mo? Bakit ka naririto?"
"Suplada pa din."
"Pagsusuplada na ba iyong nagtatanung lang."
"Nabobored ka ba dito?"
"Bakit?"
"Baka gusto mong sumama sa akin, may pupuntahan tayong magandang lugar na maraming tanawin."
"Cool ako diyan."
Sa pag-payag ng dalaga may naisip si Jeffrey na planu para matuto na ito sa buhay.
" Sige just prepare your things, dadaanan kita dito mamaya."
" Okay."
Bumalik na si Jeffrey sa kanyang tinutuluyang bahay upang ayusin na din ang kanyang mga gamit. Naus niya sanang magpasundo pero gusto niyang maranasan ng dalaga ang bawat hirap ng mga taong nilalait nito.
"Hope magawa ko ang ipinangako ko sa iyong ama." Ani ng binata sa sarili habang nilalagay ang kanyang mga gamit sa isang malaking traveling bag.
Hindi naman maintindihan ni Rayl bakit napapayag siya ng binata na sumama dito gayung hindi naman sila magkasundo palagi.
" Rayl, anung nangyayari sayo? Bakit unti-unti mong hinaayaang mahulog ang puso mo sa hampas-lupa na binatang iyon?" Mga katanungang gumugulo sa isip ng dalaga.
Para makaiwas sa kanyang sariling tanung inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit na kanyang dadalhin. Dinala niya ang kanyang mga sexy short at iba pang mga damit dahil wala naman siyang alam na ang kanilang pupuntahan ay isang bundok.
" Ma'am Rayl andito na po si Jeffrey sa baba hinihintay na po kayo."
"Vivian bukas ang pinto, pumasok ka dito ng maibaba mo na ang mga gamit ko."
Sinunod naman ng katulong ang pinag-utos niya.
" Kanina paba ang mukong iyon dito?" Aniya sa katulong na nagbubuhat ng kanyang maleta.
" Hindi gaanu ma'am. "
"Okay."
Sumunod na siyang bumaba sa katulong. Nakita niya ang kaibahang ayos ng binata mas lalao itong naging cute kapag nag-ayos ng mabuti.
" Ma'am are you ready?" Tanung ni Jeffrey na gustong matuwa sa reak'syon ng dalaga sda kanya.
"Yes, I'm ready."
Palabas na sana sila ng mansiyon ng muling nagsalita si Don Faustino kay Jeffrey.
" Jeffrey makakaasa ba ako? Ikaw na ang bahala sa kanya."
"Yes sir."
Inihatid sila ng isang driver sa terminal ng Bus papuntang Koronadal.
" Anu ang gagawin natin dito?" Nabigla na tanung ng dalaga dahil inaakala niyang sasakyan nila ang gagamitin sa pagpunta sa lugar na nais niyang makita.
" Sasakay tayo sa mga bus na iyan papunta doon sa lugar na sinasabi ko sayo."
"Anung silbi ng mga sasakyan namin kung sa mga luma at bulok na bus tayo sasakay?"
"Huwag ng maraming reklamo." Masungit na sabi ni Jeffrey dahil ngayun magagawa na niya ang nais niyang gawin sa dalaga ng may permiso ng ama nito.
Ibinaba ni Jeffrey ang kanilang mga gamit sa loob ng pajero upang makaalis na kaagad ang driver ng hindi na umarte pa ang kanyang kasama.
" Mang Celso umalis na po kayo, ako na po ang bahala sa maarting ito. Salamat po sa paghatid ninyo. "
"Sige iho, ikaw na ang bahala sa kanya. Huwag pahirapan masyado."
" Mang Celso ipapatikim ko sa kanya kung anu ang nararamdaman bg mga taong nilalait niya."
"Sige iho."
Tuluyan ng nakalayo ang driver na naghatid sa kanila pero hindi pa din gumagalaw si Rayl sa kanyang kinatatayuan.
" Papasok ka ba sa gate o hindi?" Galit na tanung ng binata sa kanya.
" Hindi."
"Bahala ka diyan." Pumasok na siya sa loob ng terminal. Hinayaan niyang maiwan ang dalaga sa labas. Tiniis niya talaga na huwag man lang itong silipin o amuin.
Sa takot ng dalaga sa mga lalaking nakatingin sa kanya. Pumasok siya ng mabilisan sa loob ng terminal. Nakita niya ang binatang nakaupo sa waiting area dahil wala pang bus na maari nilang masakyan.
" Walang-hiya ka talaga. Bakit mo ako iniwan at hindi binalikan?"
"Ayaw mong pumasok diba. Ang sabi nila pag-ayaw huwag pilitin."
"Tseeeeee. ..makakaganti din ako sayo."
"Tumigil ka na diyan, andito na ang bus baka gusto mo magpaiwan din dito?"
Sa narinig ng dalaga mula sa binata napakapit tuloy ito sa kanyang braso. Hinayaan na lamang ito ng binata hanggang sa makaupo na sila sa loob ng bus hindi inalis ng dalaga ang kanyang kamay sa baro ni Jeffrey.
" Kung makapulupot ka parang tuko."
"Bahala na huwag mo lang akong iwanan."
MATAPOS ang 25 minutes na pagtahak ng bus na sinasakyan nila papuntang Koronadal City nakarating din sila ng maayos dito.
Pagbaba nila ng bus, pumara ng tricycle si Jeffrey upang magpahatid sa terminal ng mga van papunta sa LAKE SEBU.
"Bakit mo tinawag iyang tricycle?" Reklamo ng dalaga.
" Pwede ba kung ako ang kasama mo wala ng daming tanung. Pumasok kana kung ayaw mong maiwanan dito."
Walang magawa ang dalaga kundi sundin ang lahat ng nais ni Jeffrey na gawin niya. " Bakit pa kasi akobg pumayag na sumama sa iyo?"
"Ngayun kapa nagreklamo."
Narating na nila ang terminal ng mga van. Naiirita siya sa ingay ng mga tao dahil kabila at kanan ang sigawan ng mga kundoktor.
" Lake Sebu diyan" sigaw ng isang lalaking kundoktor.
" T'boli kayo diyan" sigaw naman sa kabila.
" Norala po kayo sir at ma'am. " lumapit ang isang konduktor sa kanila pero pinatirikan lamang niya ito ng kanyang mga mata.
Niyaya siya ni Jeffrey na mag meryenda muna sa isang turo-turo na nasa loob ng mismong terminal.
" Ayaw ko nga baka madudumi ang mga pagkain na iyan magkasakit pa ako "
"Ang arte mo naman miss, kahit mahirap lang kami nalinis ang aming mga paninda. Mayaman ka nga kung wala ka namang paggalang sa iba wala ring magmamahal ng tapat at totoo sayo."
Hinayaan lamang ni Jeffrey na pinagsalitaan ng tindera si Rayl ng masakit para naman malaman ng dalaga kung paanu ang laitin.
" Wala ka man lang ginawa, nakita mo ng masamang salita na ang sinabi ng babae."
"Tama naman talaga siya, kaya siya pa din ang papanigan ko. Wala ka sa lugar ninyo na sa akala mo basta-basta mo nalang malalait ang mga taong mahirap sa tingin mo pero puno naman ng pagmamahal mula sa mga taong mahal nila."
Muli na naman nilang tinahak ang daan patungo sa Little Baguio Surallah. Nakasakay sila sa van na ang kuta ay papuntang Lake Sebu dahil dadaan din ito doon.
" Manung sa Little Baguio lang po kami." Ani Jeffrey sa konduktor.
" Okay po."
Ilang minuto mula ng sabihin niya sa konduktor kung saan sila bababa ay huminto na ang van sa mismong lugar.
" Salamat manung" aniya ng makababa na silang dalawa.
Lumanghap ng sariwang hangin si Jeffrey dahil kakaiba ang hangin sa lugar na malapit sa bundok.
" Teka sabi mo magandang tanawin ang pupuntahan natin."
"Oo kasi pag sinabi kong bundok ang pupuntahan natin alam ko hindi ka sasama."
"Naisahan mo na naman ako. Alam mong hindi ako marunong umakyat ng bundok."
"Pag-aralan mo."
Naglakad na ang binata pababa mula sa baryo para akyatin na ang lugar kung saan naroroon ang kanilang charity event.
"Anu ba kasi talaga ang gagawin natin dito sa bundok? Walang tigil niyang karereklamo habang nakasunod sa binata na nakita niyang sanay sa bundok. " Taga rito kaba?"
"Hindi po ako taga rito."
Muntik ng madulas si Rayl ng nalapit na sila sa unang pataas na bahagi ng bundok nainaakyat nila pero hindi man lang siya inalala ng binata.
" Bilisan mo ang bagal mong kumilos, pagong kaba?"
Gusto ng maiyak ng dalaga sa nararanasan niyang hirap kasama ang binatang hindi nga niya kilala kung sino talaga.
" Huwag kang umarting iiyak diyan, kulang pa iyang paghihirap mo sa mga masasakit na salitang ibinibigay mo sa iyong kapwa. Ngayun mararanasan mo ang hirap na nararanasan nila. Dito mo malalaman kung paanu ka laitin ng mga tao dahil sa iyong pag-uugali."
Natigilan siya sa paghakbang dahil sa mga salitang binitawan ng binata sa kanya. Gusto siya nitong pahirapan dahil lang sa mapagmataas siya.
" Wala ka talagang awa" may mga luha ng dumadaloy sa pisngi ni Rayl na hindi nakaligtas sa paningin ng binata. Gusto man niyang aluin ito pero mas gusto niyang mamulat ito sa katotohanan na mali ang manlait sa kapwa nito.
" Naawa kaba sa mga panlalait mo sa iyong kapwa, mabuti ka nga lang ito lang ang nararanasan mo pero sila naisip mo bang ang mga salitang binibitawan mo ay maaring tumatak sa kanilang isipan at puso." Namutawi sa bibig ng binata upang hindi mangibabaw ang awa niya para sa dalaga
CHAPTER 4
SA isang kubo sila dumiretso kaya lalong umusok ang ilong ni Rayl sa galit.
" Alam mo bang kahit kailan I've never leave sa ganitong uri ng bahay. " Singhal niya sa binata.
"Ngayun mararanasan mo na kaya tumigil kana sa kadadakdak mo dahil wala ka ng magagawa kundi sundin ang lahat ng gusto ko."
" Ibalik mo na ako sa amin." May pagmamakaawa sa boses ng dalaga.
"Kulang pa ang paghihirap na pinagdaanan mo kaya alam kong hindi mo pa din siseryusuhin ang pagbabago na gusto kong makita sa iyo. Magpahinga kana muna at bukas sasabak tayo sa pagharvest ng palay."
"Anu?"
" Good night."
Hindi sanay si Rayl na matulog sa papag kaya buong gabi itong nagpuyat dahil nakaramdam siya bg sakit sa kanyang katawan ng maramdaman niyang hindi siya kumportable sa ganitong buhay.
Nauna silang dumating kaysa gaganaping charity event sa lugar. Naki usap si Jeffrey sa may ari ng palayan na nagpapaharvest kung pwede muna silang tumulong hanggang wala pa ang kanilang mga hinihintay.
" Siya ayan suotin mo."
"Anu ito? Bakit mo ako pasusuotin ng basahan?"
"Damit iyan dito kaya huwag ka ng mag reklamo pa. Bilisan mo ng makapagsimula ka ng tumulong." Singhal ni Jeffrey sa kanya.
Pinagtatawanan na ng ibang tao si Rayl dahil sa wala talaga itong kaalam-alam sa kanilang mga trabaho. " Ayan kasi napakaarte" ani ng isang matandang babae.
Sa mga oras na ito naramdaman ni Rayl kung gaanu kasakit sa damdanin ang laitin at pagtawanan ng kapwa. Ngayun lang pumasok sa isipan niya ang mga maling nagawa niya sa kanyang buhay.
" Bakit natahimik ka dito?" Lumapit si Jeffrey sa kinauupuan niya ng makita siya nitong naiiyak na.
" Salamat Jeff "
"Saan?"
"Kung hindi dahil sayo hindi ko maimumulat ang aking mga mata at puso sa katotohanang nakaksakit ako ng aking kapwa sa mga salitang binibitawan ko sa kanila."
"Naramdaman mo na ng ikaw naman ang nilait nila."
"Hindi iyon panglalait kundi ipinamukha lang nila sa akin na ang lahat ay pantay-pantay lamang."
"Salamat natauhan kana sa mga maling paniniwala mo sa iyong buhay."
"Jeff ka anu-ano mo sila?"
"Ka kilala ko lang sila, sa isang taon apat na beses kami pumupunta dito every three months."
"Anung ginagawa ninyo dito?"
"Okay sasabihin ko sayo ang totoo kung sino talaga ako. Ako si Jeffrey Esteves anak ni
Governor Esteves ng General Santos City. "
"Anu?"
"Tama ang narinig mo. Nagkakaroon kami ng charity event dito every three months. Kaya kita isinama dito para makita na hindi mo dapat laitin o maliitin ang ibang tao dahil lang mas nakakaangat ka sa buhay. "
" Wala naman akong nakikitang charity dito."
"Mamaya pa ang dating nila, bukas pa magsisimula ang pagbibigay namin ng tulong sa mga tao dito. "
Nakatitig ng seryoso sa mukha ng binata habang nagpapaliwanag ito sa kanya.
" Gwapo mo talaga" ani ng utak niya na sinang-ayunan ng kanyang puso. "My gosh Rayl huwag mong sabihin na kaya mo pala sinusunod ang mga utos niya hanggang matuto ka dahil nagkakagusto na pala ang puso mo sa binatang makisig na ito."Patuloy na pantasya niya sa kanyang isipan.
" Rayl are you okay?" Tapik ni Jeff sa kanya dahil nakita nitong nakatulala na naman sa kung anu ang nasa isip nito.
Gustong sabihin ni Jeffrey kay Rayl na nagkakagusto na siya rito pero hindi pa pwede hanggang hindi niya nasisigurado na natuto na ito sa buhay.
SA pagdating ng mga volunteers nina Jeffrey kaagad na nagsimula ang kanilang pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan nito.
Nakita ni Rayl kay Jeffrey ang mapagmahal sa kapwa, hindi nito iniisip na madumi o maputik ang nga bata niyayakap pa niya ito.
Napansin ni Jenevieve sa mukha ni Rayl na may gusto ito sa kaibigan niya kaya tinukso niya ito ng tinukso. Sa unang araw natapus ng masaya ang unang bahagi ng lugar na binigyan nila ng tulong.
" Jeffrey may gusto si Rayl sayo" umpisa ni Jenevieve ng usapan habang kumakain silang lahat.
" Totoo ba iyan Rayl? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit sa iba ko pa dapat malaman?"
Hindi nakapagsalita si Rayl sa halip nagpaalam ito ba papasok na sa silid na tutulugan niya.
Sumunod si Jeffrey sa kanya upang kausapin siya ng maayos tungkol sa nalaman nito.
" Sandali lang mag-usap muna tayo." Tawag ng binata sa kanya. Dinala niya ito sa labas ng bahay upang doon sila makapag-usap ng maayos.
" Anu bang pag-uusapan natin?"
"Totoo ba iyon Rayl?"
"Ang alin?"
"Ang sinabi ni Jenevieve sa akin."
" Oo, ngayun ko lang napagtanto na kay dali mo akong napapasunod sa lahat ng gusto mo dahil mahal pala kita."
"Talaga? Salamat, mahal na din naman kita. Gusto ko na marealize mo muna ang mga maling nagawa mo sa iyong kapwa tao. Nakikita ko sayo ang pagbabago na inasam-asam naming lahat. "
"Salamat sayo, ikaw ang pumasok sa puso ko kaya naging sunod-sunuran ako sayo hanggang malaman ko ang na hindi ko kailangang manglait o magsalita ng masama sa kapwa ko. Tulad mo hindi mo ginamit ang kung anubg yaman merun ka sa pakikipagsalamuha mo sa mga tao dito "
"Naalala mo noong sinabi ko sayo na makakaapak ka din sa putik. Ito na iyon."
Napangiti na lamang silang pareho, niyakap ni Jeffrey si Rayl." Sana tuluyan ka ng magbago para naman maging maayos na ang pagsasama natin kung sakali. "
"Pagsasama kaagad?"
"Kung sakali lang po, pagbalik natin sa General Santos City sa mansiyon ninyo magpapahanda ako ng isang celebration para sa pagbabago mo. Sa mismong araw na iyon dapat humingi ka ng tawad sa harapan ng lahat na mga trabahador ninyo lalo na sa mommy at daddy mo."
"Masusunod ka mahal na hari ng puso ko."
PANGALAWANG araw ng pagbibigay nila ng tulong sa mga mahihirap ay mas lalong naging masaya at matagumpay dahil galing sa puso ni Rayl ang pagtulong niya sa kapwa.
" Malaki ang ipinagbago niya sa isang linggo na magkasama kayo. Pag-ibig nga naman hahamakin at kakayanin ang lahat maangkin lamang ang puso ng minamahal nito." Pagbibiro ni Jenevieve na naging dahilan para magkatuwaan silang dalawa ni Jeffrey.
Tagumpay ang lahat ng kanilang pagkawang-gawa hanggang sa dumating na ang araw ng pagbabalik nila sa General Santos City.
Wala ng reklamo ang dalaga sa bawat sinasabi nito dahil panatag na ang loob niya sa kanyang tuluyang pagbabago.
" Ang tahimik naman bg bebs ko, namiss ko tuloy iyong pagiging maarte niya." Ani Jeffrey kay Rayl.
" Bebs naman gusto mo ba akong magbago o maging katulad ng dati."
"Bebs ang pagbabago ng isang tao ay dahil sa gusto niya ito. Hindi mo mapipilit ang taong magbago kung ayaw nito pero sinikap mo dahil nasa puso mo na ang pagbabago."
"Hindi ko malalaman lahat ng kamalian ko kung hindi ninyo ito ipinamukha sa akin."
"Iminulat lang namin ang iyong mga mata. Kalimutan na natin ang lahat mahalaga ngayun magiging masaya na ang mga magulang mo dahil sa pagbabago ng ugali mo."
NAKARATING na ang balitang pagbabago ni Rayl sa buong lugar nila. Hindi maipaliwanag ng kanyang mga magulang ang subrang saya na nararamdaman ng mga ito.
" Thank you lord, salamat dahil naimulat na ang mga mata ng aming anak sa lahat ng mga maling ginagawa niya."
" Nagtagumpay si Jeffrey Faustino. " Ani Donya Audrey sa asawa dahil hindi sila nagkamali sa pagpili sa binata upang maging daan sa pagpapabago sa anak nila.
Nasa terminal ng bus na sila Kinahapunan ng Lunes na araw. Pinasundo na sila ni Don Faustino kay Mang Celso na naghatid din sa kanila noon.
" Magandang hapun Mang Celso" bati nilang sabay na natuwa dahil ngayun lang niya nakita ang dalaga na nakangiti sa kanila.
" Magandang hapun din sa inyong dalawa" hindi maalis ang tingin ng matanda sa mga kamay ng dalawa na magkahawak.
" Mang Celso kung anu man po iyang nasa isip ninyo tama po iyan." Nawika ni Jeffrey dahil alam niyang nagtataka ito sa dalawa.
" Hay! Pag-ibig nga naman ang daan sa pagbabago ng isang tao." Nasabi na lamang ng driver na ikinatuwa ng dalawa.
Masaya ang lahat sa mansiyon dahil ibang Rayl na ang masisilayan nila ngayun. Pagdating palang nila mabilis na bumaba si Rayl sa sasakyan at patakbong niyakap ang kanyang mga magulang.
" Mommy, daddy patawad po sa lahat ng mga maling nagawa ko. Ngayun alam ko na kung bakit pinapahalagahan ninyo ang pagtulong sa kapwa o sa mga mahihirap."
"Salamat naman anak dahil namulat kana sa katotohanan na dito sa mundong ibabaw lahat tayo ay pantay-pantay. "
"Salamat din po sa taong naging gabay ko sa aking pagbabago. Halos po pahirapan niya ako sa lahat. Tingnan po ninyo ang aking mga kamay na nagkasugat-sugat dahil pinaharvest niya ako ng palay." Sabay pakita ng dalawa niyang palad sa mga magulang niya.
" Aba Jeffrey! Pinahirapan mo talaga ng todo ang unica iha ko." Ani ng Don na kumindat sa binata.
" Paanu po kasi parang armalite ang bunganga kung makapanglait pati ako nilait pa niya. Kaya ayan sapat lang matutunan niya kung anu ang buhay mahirap. "
NATIGIL na ang pag-uusap nila dahil nakahanda na ang hapunan sa dinning table nila kaya sabay-sabay na silang lahat kumain.
" Don Faustino may sasabihin po sana kami sa inyo." May kabang sabi ni Jeffrey.
" Alam ko na ang sasabihin ninyo."
"Paanu po ninyo nalaman? "Sabay na tanung ng dalawa.
" Kanina pa kayo hindi mapaghiwalay parang mga tuko na palaging nakakapit sa dingding. So... kailan na ang kasal?"
"Daddy kasal kaagad?"
"Saan paba mapupunta ang relasyun ninyo nasa tamang edad na kayo pareho. Gusto ko na din magka-apo."
Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Don Faustino. Matagal na kasi itong sabik na magka-apo ngunit nag-iisa lang si Rayl na anak nila kaya wala silang magagawa noon kung ayaw pa nitong mag-asawa ng maaga.
"Pag-uusapan po natin iyan, bukas po papupuntahin ko na dito si Daddy para masched na din ang araw ng kasal namin." Sambit ng binata na ayaw na ding mawalay sa kanyang Brat Lover.
" Mas mabuti pa nga ng maasikaso na kaagad ang kasal ninyo."
NAGING maayos naman ang pag-uusap ng kanilang mga magulang tungkol sa kasal nilang dalawa. Nais ni Rayl na simple wedding lamang, gusto rin niya anduon lahat ng kanilang mga trabahador at ang mga batang nasa bahay ampunan.
" Bebs, sigurado kabang gusto mo andito ang mga batang nais mong tulungan?" Tanung ni Jeffrey na hanga na sa pagbabagong nagaganap ng tuluyan sa babaeng makakasama na niya habang buhay.
" Seryoso ako bebs dahil tama kayo hindi naman importante ang yaman. Ang mahalaga ngayun sa akin ay ang kapakanan ng mga batang inabanduna ng kanilang mga magulang dahil sa kahirapan ng buhay."
"Wala na akong masabi."
Inasikaso na nila kaagad ang mga dapat nilang matapus para sa gaganaping pagdiriwang isang buwan mula ng araw na nag usap-usap sila.
" Ang hirap pala magpakasal" kunwaring reklamo ni Jeffrey kay Rayl.
" Sumusuko ka bebs?" May pagtatampo sa boses ng dalaga.
" Hindi na mabiro ang bebs ko. Hindi ako susuko dahil mahal na mahal kita."
"Salamat bebs ko."
Hindi nila namalayan ang pagdating ng kanilang mga kaibigan kaya tinukso na naman sila ng mga ito.
" May langgam pala dito na naglalandian" ani Jenevieve na gusto ng matuwa sa sinasabi niya.
" Tseee.. inggit ka lang dahil wala kang langgam na nilalandi." Sagot ni Jeffrey.
WALA ring alam si Rayl na uuwi mula Canada ang kanyang dalawanv kaibign na sina Cristina at Rachelle. Ayaw ng mga itong sabihin sa kanya dahil magpapakita lamang ito sa mismong araw ng kasal niya.
"Malaki na daw ang ipinagbago ni Rayl ngayun Rachelle. " Ani Cristina dahil alam niyang hindi pa naging okay ang dalawa simula ng nagkasamaan ito ng loob.
" Sana nga dahil marami na siyang nasaktan noon kaya sana ngayun maitama na niya. Salamat kay Jeffrey dahil naimulat niya sa katutuhanan si Rayl."
"Rachelle kilala mo si Jeffrey na mapapangasawa ni Rayl? Hindi makapaniwalang tanung ni Cristina sa kaibigan.
" Oo pinsan ko si Jeffrey" sagot nito sa kaibigan niya na mas lalong hindi makapaniwala sa sinabi niyang pinsan niya si Jeffrey.
Naging maayos naman ang pag-aasikaso ng dalawa sa lahat ng mga papers na kailangan nila para sa pagdiriwang.
" Thank you lord hindi niyo kami pinabayaan" pasasalamat ng dalawa sa panginoon dahil naging sentro ito sa pagbabago ng buhay ni Rayl at ng kanilang pagmamahalan.
No comments:
Post a Comment