CHAPTER 5
ABALA man ang lahat sa paghahanda para sa kasal ng dalawa hindi nawawala sa puso ni Rayl ang nais niyang gawin sa bawat araw. Nais niyang makasama palagi at mapunan ang mga kasalanang nagawa niya sa kanyang mga kapwa.
" Bebs malapit na talaga ang araw ng ating pagiging ganap na mag-asawa. " malambing na ani Jeffrey.
" Bebs gusto ko sana bago ang kasal natin ay matapus ko ng tulungan ang mga taong nilait ko noon.
"Andito ako bebs para suportahan ka sa iyong mga nais gawin."
Sa hindi inaasahang pangyayari, may isang tao na dumukot sa kanyang ama dahil sa nais siyang pagbayarin nito.
" Rayl" hangos na tawag ng kanyang ina.
" Bakit mommy? Anung nangyayari bakit ganyan ang reak'syon ninyo?"
"Rayl... Rayl ang daddy mo."
"Anung nangyari kay daddy?"
"May isang tao na dumukot sa daddy mo, huling sabi ng lalaki ikaw daw ang kailangan niya kapalit ng buhay ng iyong ama."
Doon nanumbalik sa isipan ni Rayl ang kanyang napanaginipan noon. Napaluhod siya habang sapo ang buo niyang mukha ng dalawa niyang palad.
" Kasalanan ko ito, kasalanan ko" paninisi niya sa kanyang sarili.
" Anak huwag mong sisihin ang iyong sarili, humanap nalang tayo ng paraan para mahuli ang dumukot sa daddy mo."
" Ako ang kailangan niya momny kaya ako ang haharap sa kanya."
"Rayl baka mapahamak ka, sasamahan na kita" ani ni Jeffrey na hindi din mapigil ang mangamba sa nangyayari.
Inihanda ni Rayl ang kanyang sarili upang harapin ang lalaking dumukot sa kanyang ama.
"Narito na ako, anu ang kailangan mo. Pakawalan mo na ang aking ama wala siyang kasalanan sayo. "
"Naalala mo ang panglalait na ginawa mo sa akin noon, humihingi ako ng maayos na tulong sayo para sa buhay ng anak ko pero dinuraan mo lang ako."
"Patawad po matagal ko ng pinagsisihan ang mga maling nagawa ko kaya huwag mo pong idamay ang aking ama sa kasalanang nagawa ko sa inyo."
"Ako na po ang humihingi ng patawad sa inyo, magbibigay po ako ng malaking halaga para maging maayos ang buhay ninyo ng anak mo." Singit ni Jeffrey.
" Ikaw ba si Jeffrey Esteves? Iakw ang lalaking nagbigay ng malaking halaga para sa opirasyun ng anak ko kaya para sa iyo pakakawalan ko ang ama ng babaeng mahal mo."
"Salamat po sa pang- uunawa ."
Natapus ang mga pangyayari pero hindi pa din maalis sa damdamin ji Rayl ang mga takot dahil baka may sumugod na naman sa kanila.
" Bebs huwag kang mag-alala andito ako para sayo palagi. "Sambit ni Jeffrey kay Rayl
"Bebs hindi natin maiiwasan na matakot o makaramdam ng kahit kunting pangamba dahil sa mga kasalanan ko marami rin ang maaring magalit sa akin.
Hindi iniwanan ni Jeffrey si Rayl kahit saan ito pumunta kasama siya palagi para
makasigurado siya sa kaligtasan nito.
" Relax bebs malapit na ang kasal natin kaya dapat maganda ang bride ko." Pagbibiro ni Jeffrey kay Rayl upang mawala na ang pangamba nito.
LUMIPAS ang araw at linggo dumating din ang araw kung saan pag-iisahin ng maykapal ang dalawang taong nagmamahalan ng totoo.
" Ganda mo talaga Rayl" paghangang sabi ni Cristina sa kaibigan niya.
" Maganda din naman kayo, salamat sa pagdating ninyo. Gumastos pa talaga kayo para lang makadalo sa aking kasal."
"Hindi lang kasal mo ang dahilan ng pag-uwi namin. Gusto din namin makita ang mga pagbabago sa ugali at pakikitungo mo sa ibang tao." Sagot ni Rachelle sa kanya.
Ngumiti na lamang si Rayl sa kanyang mga kaibigan dahil hindi ito sumuko sa kabila ng kanyang mga ginawa sa mga ito.
Nasa simbahan na si Jeffrey, hindi siya mapalagay dahil sa kabang nararamdaman niya.
" Relax lang pare" ani Vincent sa kanya.
" Pare nakaka nervous pala pag first time ikasal" aniya kay Vincent.
" Pare oo naman kakabahan ka talaga." Sang-ayon nalang nito sa kaibigan.
Kalahating oras ang lumipas, dumating na din ang bridal car kung saan nakasakay si Rayl. Inalalayan siya ng kanyang mga abay sa pagbaba ng sasakyan.
" Ganda talaga ni Rayl" sabi ng isa sa mga ninang nila.
" Oo nga, sana tuloy-tuloy na ang magandang samahan nilang dalawa. " Dugtong pa ng isa sa mga ninang.
Tumunog ang kampana hudyat na magsisimula na ang seremonya para sa pag-iisang dibdib nina Rayl at Jeffrey.
Tumayo ang lahat sa paglabas ng pari papunta sa altar. Nanalangin muna ang lahat bago nag-umpisang magsalita si Padre Quinto
"Narito po tayo ngayun upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan kaya kung sino man ang may nais tumutol ngayun pa lamang po ay magsalita na." Paunang nasabi ni Padre Quinto.
Isang minuto ang hinintay nila pero walang nais pumigil sa pagmamahalan ng dalawa. Muling sinimulan ng Padre ang seremonya hanggang sa puntong magsabi na sila ng kanilang vow's sa isa't-isa.
" Bebs nakilala kita aa isang hindi magandang umpisa,isa kang babaeng walang ginawa kundi ang mamaliit ng iyong kapwa. Aso't pusa man tayong dalawa palagi hindi pa din ako sumuko para sa iyo. Patawad kung pinahirapan man kita sa mga trabahong hindi mo kayang gawin but because of that you've learn a lot from your mistakes. Bebs hindi ako magsasawang gabayan ka palagi dahil mahal na mahal kita." Buong tatag na sabi ni Jeffrey.
" Bebs tama ka aso at pusa tayo noon pero may mga damdamin pala tayong nakatago para sa isa't-isa kaya siguro ikaw ang daan ng diyos para maging tuwid ang baluktot kung mga paniniwala. Salamat dahil hindi mo ako iniwan sa kabila ng aking mga inasal sa iyo. Subrang saya ko dahil ikaw ang ibinigay ng diyos para sa akin. Mahal na mahal kita ." Madamdaming nawika ni Rayl.
Ngayun natapus po nating marinig ang mga madamdaming mensahi nila sa isa't-isa kaya ngayun saksihan natin ang pagpapalitan nila ng singsing na magpapatibay sa kanilang dalawa.
" Rayl take this ring as a symbol of my love and loyalty till death do us part."
"Jeffrey take this ring as a symbol of my love and loyalty till death do us part."
Nagpalakpakan ang lahat sa kanilang pagpapalitan ng singsing.
" Now I pronounce you husband and wife. Jeffrey you may kiss your bride." Huling salita na binitawan ni Padre Quinto.
Walang ibang maririnig pagkatapus ng seremonya kundi ang hiyawan ng lahat dahil sa subrang kasiyahan na nararamdaman ng bawat isa.
Mula sa simbahan dumiretso na silang dalawa sa mansiyon upang doon pagsaluhan ang kanilang inihanda.
" Bago po mag-umpisa ang ating pagkain nais ko pong sabihin na lahat ng mga malalapit na tao sa puso ng bagong mag-asawa ay magbigay ng payo lalo na po ang kanilang mga sponsored." Ani ni Rachelle.
" Ako na po ang mauuna" sagot ng ama ni Rayl." Anak alam ko noon palang na nais mong magbago sa ugali na hindi maganda. Ngayung dumating na ang panahun na andiyan na ang lalaking naging daan ng lahat para mangibabaw ang kabutihan diyan sa puso mo huwag mo na sanang hayaan na mawala pa siya sayo."
Sumunod na ang lahat ng malalapit na mga kaibigan at kapamilya nilang nagbigay ng advice oara sa kanilang pagsasama ng matiwasay.
ISANG buwan ang nakalipas mula ng sila ay ikasal. Maayos at masaya ang kanilang pagsasama.
"Bebs wala na akong mahihiling pa sa panginoon dahil lahat ibinigay na niya sa akin sa pamamagitan mo." Ani Rayl sa asawa.
" Salamat din bebs dahil kinaya mo lahat ng pagsubok sa buhay na hindi mo kinasanayan."
"You're the only person who make me feel different, thank you for coming into my life."
" Wala na tayong iwanan mula ngayun karamay na natin ang isa't-isa."
Niyakap na lamang ni Jeffrey ang asawa niya dahil alam niya kung anung paghihirap ang ipinaranas niya dito para lang magbago ito.
"Rayl at Jeffrey kailan ba kami magkakapamangkin?" Pangungulit ni Rachelle sa kanilang dalawa.
" Iyan ang mga tanung na hindi namin masasagot sa ngayun dahil if will ni God na bigyan kami it will come in the right time."
Patuloy ang kanilang pagtulong sa mga mahihirap. Hindi nagpapahuli si Rayl sa pagtulong at pag-asikaso sa mga batang kapus-palad. Mula noon ay naging malapitin na ang puso niya sa mga mababang uri ng tao na dati-rati ay kanyang nilalait.
" Ate Rayl salamat " ani ng isang batang gusgusin na animoy walang ligo ilang araw.
" Ako dapat ang magpasalamat sa inyong lahat dahil sa inyo I learn everything. "
Naiyak siya sa mga pangyayaring nagawa niya noon sa mga batang tulad ng ka yakap niya ngayun.
DALAWANG buwan na ang nakalipas. Nakaramdam ng kakaibang sakit si Rayl palagi siyang nahihilo at nasusuka. Hindi niya maintindihan kung anung sintomas ang dumapo sa kanya.
" Bebs kailangan mo na talagang magpatingin sa Doctor" suhesiyon ni Jeffrey sa asawa niya.
" Tama ka nga siguro bebs, palagi ng dumidilim ang aking mga paningin. Hindi ko kaya ang palaging nasusuka. "
Naghanda nga sila sa pagpunta sa Hospital. Kaagad na sinuri ng manggagamot si Rayl pero iba ang resulta.
" Mr. Esteves" tawag ng Doctor na sumuri sa kanyang asawa.
" Bakit po Doctor?"
"Congratulation magiging daddy kana."
"Talaga Doctor? "
"Magdadalawang buwan ng buntis ang misis mo. Kaya siya nakakaramdam ng ganyang mga sintomas."
"Salamat Doc. "
Gustong tumalon ni Jeffrey sa saya dahil biyayang hindi mababayaran ang ibinigay ng panginoon sa kanya ngayun.
" Salamat lord, salamat"
Pumasok siya sa silid kung nasaan ang kanyang asawa. Nakita niyang mahimbing itong natutulog, hinipo niya ang tiyan nito.
"Baby huwag mong pahirapan si mommy sa paglilihi sayo ha. Alam mo naman si mommy."
Kinakausap niya ang sanggol sa sinapupunan ni Rayl.
Masinlan ang pagbubuntis ni Rayl kaya alagang-alaga talaga siya ni Jeffrey ayaw niyang mapahamak ang dalawang tao na importante sa buhay niya.
NINE months exactly nanaganak si Rayl ng isang magandang angel. Sanggol na mas magpapatibay sa samahan nilang dalawa.
" Salamat sa lahat ng biyaya mo panginoon. Alam kong marami akobg nagawang mali at pagkukulang sa iyo. Pero hindi mo nagawang pabayaan ako." Dalangin ni Rayl sa panginoon."
Pinalaki nila ang kanilang anak sa maayos na panggawi. Tinuruan ng mabuting asal, ayaw ni Rayl na maranasan ng anak nila ang naranasan niya.
After one year ay nasundan pang muli ang kanilang anak ng isang anghel na lalaki.
" Tama ka bebs, ito na ang kasiyahan na hindi mapapantayan ng anu mang bagay dito sa mundo."
Bawat problema ay nalagpasan nila, walang tigil ang pagtulong nila sa mga nangangailangan kahit pa abala sila sa kanilang buhay pamilya.
Naalala ni Rayl ang mga nangyari sa kanya na naging daan upang lalo niyang tatagan ang kanyang sarili sa mga pagsubok na maari pang dumating sa kanya.
Natuto siya sa mga bagay na sadyang kay hirap niyang tinanggap pero sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya nakaya niya itong harapin. Mas nangibabaw pa din kung anu ang nararamdaman ng puso kaysa sa pride niya.
Hindi niya hinayaang matulad sa kanya ang dalawa niyang anak kaya hindi niya nakakalimutang ipagitna sa pagmamahalan nila ang maykapal.
Sadya nga ang kapalaran, pag-ibig laban sa sarili nating pride. Hindi natin malalabanan pag ang puso na ang nag-utos na gawin natin ang mga bagay na sa tingin natin mahirap gawin.
***W A K A S***
No comments:
Post a Comment