My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 22

ST. PETER CATHEDRAL CHURCH

ANG araw na pinakahihintay ni Kenneth. Kaba at takot ang kanyang nararamdaman. KABA dahil sa kung ano ang magiging reaksiyon ni Jen sa kanyang lihim na ginawa.

TAKOT na baka di niya ito tanggap at di magustuhan ni Jen. Ang reception, ang mottif, ang mga ninang at ninong.

"Huh!" napabuga siya ng hangin in that thought.

Laking pasalamat din niya na pumayag si Sam na susundo kay Jen para ihatid sa Hotel. Pinili niyang si Sam ang susundo for them to have a total closure, na maging maayos sa kanila ni Sam bago pa niya tuluyang maging pag-aari si Jen. Nag-usap sila ng lalaki sa lalaki ni Sam bago pa man ito pumayag.

Lahat ng naisagawa, lahat ng naiayos sa Sekretong kasal na hinanda niya para kay Jen ay naaayon naman sa lahat ng pangarap ng dalaga sa kanyang magiging kasal. At iyon ang naging partisipasyon ni Rica, ang alamin ang Pangarap na Kasal ni Jen. At naging matagumpay sila na di man lang naamoy ng dalaga.

Muntikan na ring di matuloy ang pagpapagawa niya ng gown sa ALYS dahil nagkaroon ng personal problem ang may-ari nito na siya mismong designer. But he's very thankful dahil sa tulong ni Hanna Jalandoni na nag-recommend sa kanya sa kaibigan nitong designer ay nagawan ng paraan. Ginawa nila ang transaction through internet, ang sukat at after na magawa ito ay ipinadeliver na lang din ito. Hindi siya nagsisisi sa pinili niyang designer dahil ang resulta ay totally AWESOME!!!

"Pare, huminahon ka. She'll be here soon." pampalakas ni Jomar sa loob nito. Marami-rami din ang imbitado sa kasal nila pero halos lahat ay sa pamilya at kaibigan ni Jen dahil ayaw ni Ken na kumalat ang balita at makarating sa kanyang mga magulang kung nag-imbita ito ng marami niyang kaanak.

Alam niyang may Tainga ang lupa at may pakpak ang balita. Kaya sa mas lalong madaling panahon ay makasal na sila ni Jen para kapag nalaman ito ng mga parents niya ay wala na silang magagawa. Wala silang magagawa para paghiwalayin pa sila.

Si Icang ang Maid of Honor at si Jomar naman ang Best Man.

Kasali sa mga imbitado ay ang mga matatalik na kaibigan ni Jen na matagal na niyang hindi nakita at sa kabutihang palad ay nahanap niya ang mga ito at napadalo sa kanilang araw ng Pagtataling Puso.
Nakita niyang nakaupo na sina Donabelle na galing pang Luzon at pinilit na makadalo, si Norhata, Hanna and the triplets, si Noorell at Trance Jr at si Jinki.

Palakad-lakad si Ken na parang di makaihing pusa dahil sa kaba.

"Apo, mao na ni ang katumanan sa imong handum. Pag-relax. Maayos ang tanan." nilapitan siya ni Lola Tisang dahil sa pag-aalala din ng matanda.

Napanganga si Ken nang mapansin niya ang dumating. Tumigil ang kanyang mundo, pakiramdam niya'y napapalibutan siya ng paru-paro at nagliliparan ang mga ito patungo sa pintuan ng simbahan para magbigay pugay sa kakarating lamang.

Spanish Designed Calesa na hila-hila ng dalawang Kabayo ang tumigil sa harap ng simbahan.

The bell starts ringing. Pagkababa na pagkababa ng bride sa Calesa, the music starts playing.

Jen was very amazed on what she's seeing. Mula sa labas ng simbahan nagkalat ang iba't-ibang uri ng rosas. Well arranged at may mga Petals na nakakalat sa paligid. Her tears start to fall. She'd never expect this. She's totally dumb-founded.

Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Lahat ng mga mata'y nakatingin sa kanya at ng kanyang tingnan ang nasa dulong malapit sa Altar, tibok ng puso niya'y di niya maintindihan at pumatak lamang ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

She's wearing a Strapless Beaded Spanish Style Wedding Dress designed and made by ALYS. Nakapusod ang kanyang mga buhok and her make-up made her face brighter but looks natural.

Ken was also wearing a Spanish Tuxedo na bagay na bagay dito. Spanish Wedding ang naging Tema ng kanilang kasal. Pati ang mga magulang ni Jen at mga Ninong at Ninang ay nakasuot din ng mga pang-espanyol na damit.

'Lahat kayo alam ito?' tanong niya sa kanyang isipan habang paikot-ikot lamang ang kanyang paningin sa buong simbahan na parang nagbibilang sa mga bisita na nakatingin sa kanya at nakangiti.

Sinalubong siya ng kanyang mga magulang na may malalapad na ngiti sa kanilang mga labi. Nagmano siya sa mga ito bilang respeto. Niyakap siya ng kanyang ina at di nila napigilang lumuha.

Isa ito sa pinaka-espesyal na bagay na mangyayari sa kanyang buhay pero sa kanyang mga magulang, ito ang araw na siya ay mawawalay na sa kanilang piling.

He walks back and forth dahil sa kaba. He's so excited. Pinagpapawisan na siya ng mala-monggong pawis.

"Pare!" untag sa kanya ni Jomar n tinapik pa ang kanyang balikat.

"Kinakabahan talaga ako, Pre!" si Ken.

"Ang Mama mo kanina pa tumatawag sa Cellphone mo at pati sa Cellphone ko" mahinang bulong ni Jomar sa kanya. Mas lalo siyang kinabahan sa ibinalita ng kanyang pinsan. Nag-uumpisa na ang seremonya ng kasal at ang dibdib niya'y parang binabayo. Parang may naghahabulang kabayo sa kaba.


Ano kaya ang kailangan ng kanyang ina? Nalaman kaya nito ang kanyang pagsuway sa kagustuhan ng mga ito?

No comments:

Post a Comment