What Makes A Man by Honey Cathleya


CHAPTER 10

SA opisina ng wedding plaNner..

"So ma'am, sir ito na ba ang final motif niyo?" anito.

"Opo, 'yan talaga ang pinangarap kong motif," ani Erina.
frozen blue ang napili nila.

"Okay ma'am kami na ang bahala, best wishes and good lunck in advance," anitong muli.

"Thank you," anila.

"Miss. Celine salamat sa tiwala mo," baling nito kay Celine.

"Wala 'yon, hayaan mo kapag ako naman kinasal ikaw ulit ang kukunin ko, pero sa wedding gown ako parin ang bahala," si Celine.

Ngumiti ang wedding planer saka tumayo.

Tumayo na rin sila at nakipagkamay.

Nagpa-alam na silang tatlo..

"Oy treat niyo naman ako ng lunch," si Celine habang palabas na sila.

"Sure, saan mo ba gustong kumain?" ani Erina.

"Sumunod kayo sa akin," anito.

"Ha!?"

"Anong ha? sabi ko sumunod kayo sa akin malay niyo magustuhan niyo pagkain nila at sila ang kukunin niyo para magprepare ng mga foods para sa wedding niyo," anito.

"Walang problema Celine," si Adrian.

Habang nasa kotse na sila ay tinawagan ni Celine ang mommy ni Celine.
Magkasama kasi ang dalawang Ginang sa restaurant na pupuntahan nila. which mean na isinet-up nila ang mag-nobyo.

Ipinaalam nitong papunta na sila sa restaurant.

Na lingid naman sa kaalaman ng dalawa ay naroon ang dalawang Ginang.

Kaibigan nila ang nag-mamay-ari sa nasabing resto.

Nakasunod naman ang magnobyo.

Sa harapan ng isang class na restaurant sila pumarada.

Nang nakita ni Erina ang pangalan ng restaurant parang pamilyar sa kanya. Nahihirapan nga lang siyang ma-alala kung kanino ang pangalang 'yon.

"Tara let's na, I'm so hungry na," si Celine.

"Masyadong atat, Cous alam mo parang pamilyar sa akin ang pangalan nitong restaurant,"

"Halika ka nga, malay natin may makita ka sa loob para maging malinaw sa'yo, dali na.." anito.

"Oo na. Para kang bata."

"Sayang sana nandito ang babes ko. Masyado kasing busy sa office," anito.

"Problema ba 'yon? tawagan mo't papuntahin mo rito lunch break na naman," suhestyon ni Adrian.

"Ay, oo nga no! sige wait lang at tatawagan ko," anito. sabay labas ng kanyang cellphone.

Pagkatapos nitong kinausap si Glen ay nagtuloy na sila sa loob.

"Excuse us," ani Celine sa isang waitress.

"Yes ma'am?" anito.

"I'm Celine Enrique, may reservation ako,"

"Oh, kayo po ba 'yon, This way ma'am," anito

Sumunod sila sa waitress.

Ito kasi ang mag-aasist sa kanila. Nakilala niya ito ayon sa name plate nito na sinabi ng mommy ni Erina.

Nagkatinginan ang mag-nobyo ng may pamilyar sa paningin nila.

Kahit nakatalikod ang mga ito ay kilala parin nila.

"Wait cous bakit narito si mommy?" si Erina.

"Yeah, may mom is here too, Sinadya niyo ito no?" sunod namang turan ni Adrian.

"Teka, magpapaliwanag ako este kami pala," anitong mabilisang humakbang palapit sa lamesang kinaroroonan ng magbalae.

"Hi tita, tita mommy, where here," anito sa dalawang Ginang.

Ngumiti ang dalawa sa dalaga..

"Where are they hija?" ang mommy ni Adrian.

"We're here mom," si Adrian.

"Tita kayo na po magpaliwanag sa kanila," si Celine.

"Mommy anong kinalaman niyo rito?" si Erina.

Ngumiti muna bago sinagot ang tanong niya.. "Sinadya naming magpunta rito, Kaibigan ko ang may-ari nito at siya ang gusto kong kuning catering service para sa kasal niyo. And his daughter hija," anito sa kanyang dalaga.

"Siya nga naman hija, hijo. Diba sabi namin kami ang bahala. Ang sa inyo ay i-advance ang paggawa ng alam niyo na. Nang makarga namin bago lumala ang rayuma," sunod namang sabi ng mommy ni Adrian.

Nagkatawanan sila sa tinuran nito.

"Well, tinatrabaho na po namin 'yon," nakangiting turan ng binata.

Kinirot siya ni Erina sa kanyang tagiliran. "Aray! naman, naglillihi kana yata," biro niyang muli.

Nagkatawan muli sila..

"Hep! hep! nagugutom na ako," si Celine.

"Okay, ipapapasok ko na ang mga food," anang mommy ni Erina.
Ilang sandali lang ay nasa harapan na nila lahat ng pagkain. Nasa private table sila kung saan sila lamang ang naroon.

"Wow tita-mommy ang dami nito," si Celine muli.

"Ayan ubusin mo lahat," ani Erina.

"Aba cous kung may galit ka sa akin ay sabihin mo lang," biro nito.

"Wala naman my dear cousin, kaya nga bubusugin kita diba? kasi mahal na mahal kita," aniya.

"Wow.. I love you too cous," anito.

"Tama na 'yan, kain na at ng makapili na tayo ng mga dishes," anang mommy ni Erina.

Nagsimula na silang kumain.. "Sweetheart try this," ani Adrian sa dalaga. Iginaya niya ang nakatusok sa tinidor.

Tinanggap naman ng dalaga..

"Mmmm, mommy ito masarap." anang dalaga sa kanyang ina matapos matikman ang isinubo sa kanya ni Adrian.

"Okay," anang Ginang.

"Kakainggit naman, sana ikasal na narin kami nitong babe ko," sambit ni Celine.

"Babe d'ka naman atat sa lagay na 'yan?" turan naman ni Glen.

"Hindi naman. Atat na atat lang," anito.

"Puro ka kalokohan kumain kana nga lang," si Erina.

"Opo," anito sa kanyang pinsan saka na nagpatuloy kumain.

Makalipas ang isang oras.

Pumasok na ang mag-amang chef sa kinaroonan nila.

"Pinapatawag niyo na raw kami," anang amang chef.

Nalingon nila sa mag-ama.

"Jen!?" si Erina.

Si Jen ay schoolmate niya noong high school siya at naging kaibigang matalik nila ni Celine.

Nagumiti si Jen sa kanya. "Ina!?, Hi long time no see d'ko akalaing ikaw pala ang ikakasal," anito sa dalaga.

Ina ang tawag nito sa kanya.

"Oo, kaya pala pamilyar ang pangalan nitong restaurant sa akin, chef kana pala," aniya.

"Yeah, baka puwede mo namang ipakilala sa akin ang fiance mo," anito.

"Ah, eh sige. Adrian meet Jen and her dad, Chef Jerry,"

"Hello chefs," anang binatang matamis ang ngiti sa mag-ama.
Matapos makipagkamay sa binata ay muli itog nagsalita.

"Hi, Ang galing mong pumili Ina, baka naman may kaibigan ka Mr, Adrade ipakilala mo naman ako," anito.

"Kilala mo siya?" si Erina.

"Oo, sa family name lang, Eh Celine sino naman itong wafong fafa sa tabi mo?" baling nito kay Celine.

"Well, Jen siya ang boylet ko. 'yong kinukuwento ko sayo si Glen friend ni adrian," ani Celine.

"Siya ba 'yon? ang galing niyo namang pumili." anito,

"Teka mga hija, nakalimutan niyo na kami. Mamaya na kayo magdaldalan," anang mommy ni Erina.

Napasarap na kasi ang kuwentuhan nila. Nakalimutan na nilang may mga kasama sila.

"Oo nga naman, mamaya na ang chikahan pag-uusapan na muna ang mga pagkaing napili nila Jen," ani Chef Jerry.

Sumang-ayon sila.

Mga simpleng dishes ang napili nila. Pero sa lasa ay sosyal.

Masarap ang lasa ng mga ito.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay nagpatuloy na ang kuwentuhan nila kasama ang dalawang binata.

Nauna ng umuwi ang dalawang Ginang.

Hindi na rin nakabalik ng opisina si Glen. Inabot na sila ng hapon sa pagkikipagkiwentuhan sa dalagang chef.

Maya maya ay nagpa-alam na rin sila.

"Grabe naman kayong dalawa makipagkuwentuhan, lalo na ikaw babe walang kapaguran," turan ni Glen habang papalabas na sila.

"Long time friend namin si Jen." si Celine.

"Akala ko nga hindi na matatapos ang kuwentuhan niyo," sabat naman ni Adrian.

Tahimik lang kasi ang dalawang binata kanina habang nakikinig lamang sa tatlong dalaga.

"Gusy diba si Ricky walang girlfriend which means wala pa siyang partner so I suggest na sila nalang ni Jen," ani Erina.

"Puwede na rin," si Glen.

Kinuha kasi ni Erina si Jen to ligh their wedding candles.

"Bago tayo maghiwa-hiwalay i just want to remind na sa boutique ko tayo bukas, at 9am parin," si Celine.

"Copy ma'am," birong turan ni Erina.

"Okay, baka may tatawag na naman ng alas-sais diyan. Sa sobrang excitement," birong turan nito.

Nagkatawan nalang sila bago tuluyang linisan ang restaurant.

Namasyal na muna ang magnobyong Adrian at Erina..

Sa isang park sila nagtuloy.

"Bili tayo doon oh," ani Erina sa katipan.

May mga nagbebenta kasi ng street foods sa gilid ng kalsada malapit sa park.

"Okay," aniya.
Inakbayan niya ang dalaga habang naglalakad sila.

"Alin ba ang bibilhin mo diyan?" si Adrian.

"Iyan oh. Paa ng manok tsaka isaw,"

Hindi niya akalaing kumakain din pala ang dalaga ng mga ganoong klase ng pagkain.

"Sige. Sa akin balot pampatibay ng tuhod," aniyang may pilyong ngiti.

Alam na alam ng dalaga ang ibig niyang sabihin.

"Adik talaga itong fiance ko, pati tuloy ako nahahawa na," piping usal niya.

Pagkatapos nilang makapagbayad ay bumalik na sila at pumasok sa entrance ng park. Bawal kasi sa loob ang mga nagtitinda.

Sa pandalawahang swing sila naupo at doon linantakan ang isaw, balot at paa ng manok.

Sino bang mag-aakalang ang dalawang taong kilala ang pamilya ay marunong kumain ng mga ganoong klase ng pagkain.

Takam na takam ang dalaga. Panay ang higop sa sukang may maraming sili.

Mahilig din kasi siya sa maanghang.

"Sweeheart dahan-dahan lang kapag kulang marami pa doon bibili pa tayo," anang binata.

"Ang sarap kasi ng timpla, alam mo bang paborito namin ni Celine ito."

"Ngayon ko lang nalamang kumakain ka rin pala ng mga street food,"

"Oo namn!"

'Yong tipong walang arte ang dalaga.

Mas lalo pa niyang hinangaan.

Pagkaubos nila sa kanilang kinakain ay naglakad-lakad sila habang sweet na sweet.

"Akala ko hindi tayo aabot sa ganito," maya-maya'y wika ni Adrian.

"Huwag nalang natin balikan ang nakaraan, ang importante maayos na ang lahat sa atin ngayon,"

Naglagi pa sila sa park ng ilang minuto bago nila naisipang umuwi na.

Lalo na't na-alala nilang may lakad sila kinabukasan.

Nang nasa condo na sila ng binata ay nagpahinga sandali.

"Hindi naba tayo magdidiner?" anang binata habang sila ay nakaupo sa sofa.

"Busog na ako. Ikaw kung gusto mong kumain magpadeliver ka nalang,"

"Sa dami ba naman ng nakain mong isaw at paa ng manok. Huwag nalang busog na rin naman ako, panghimagas nalang ang kulang," 
aniyang may pilyong ngiti.

"Iba na naman ang nasa isip mo! Ang adik mo rin eh no!?

"Sa'yo lang naman, Sabay na tayong magshower,"

Hindi na siya nakapagsalita dahil sa nasakop na naman ng binata ang kanyang labi..

Mabilis pa sa kidlat kung sumalakay ang labi niya.

Wala namang magagawa ang dalaga kundi tugunin dahil adik na rin naman siya sa mga halik at haplos ng kanyang nobyo.

Naramdaman nalang niyang nakalutang na siya..
Kinarga siya ng binata ipinasok sa kuwarto dahil naroon mismo sa loob ang banyo.

Kanila paring pinagsaluhan ang nakakalasing at nakakawala ng katinuang halikan kasabay ng lagaslas ng tubig mula sa shower.

Sumidhi pa lalo ang init doon ng nagsimula ng gumalaw ang binata matapos nilang matanggal ang damit ng isa't isa.

Well, natuto na rin naman ang dalaga.

Naganap ang kanilang muling pag-iisa sa loob ng shower room..

Kaya naman pagkatapos nilang makapagshower at napatuyo na ang 
kanilang buhok ay knock down sila pareho.

Sa mga araw-araw na magkasama sila. Mapanight or day basta may time sila at privacy may nagaganap na kababalaghan.

Breakfast, Lunch, diner minsan meryenda time pa at siyempre panghimagas narin..

Ganyan sila kaadik..(hehe)

Maganda ang gising nila kinabukasan..

It's been their 3 weeks mula ng mag-live-in sila.

One week more to wait kasalan na nila.

Habang sila'y sakay ng kotse at binabay-bay ang daan papuntang ECE Botique ay nakatanggap ang dalaga ng tawag mula sa kanyang pinsan..

"Hello cous," aniya.

("I-inform ko lang kayo na medyo malelate ako ng konti. Tinawagan kasi ako. Dumating ang mga telang order ko aasikasuhin ko lang muna sandali,") si Celine na nasa kabilang linya.

"Okay cous, hintayin ka nalang namin doon,"

("Okay, bye.") paalam ni Celine.

Pagkababa niya ng cellphone ay binalingan niya ang binatang nagmamaneho.

"Malelate raw si Celine ng konti,"

"Okay lang wala na naman tayong lalakarin," anang binata.

Noong nakaraang linggo ay nakadalo na sila ng wedding ceminar.

Talagang preparation to the extreme ang ginagawa nila sa tulong ng kanilang mga atat magka-apong mga magulang.

Makalipas ang ilang minuto ay pumarada na sila sa parking space ng botique.

Pinagbuksan niya ang dalaga at inalalayan pang bumaba magkahawak kamay silang pumasok.

Pinapasok sila ng assistant ni Celine sa loob ng nagsisilbing opisina nito kapag pumumunta doon.

Magkatabi silang naupo na sofa.

"One week nalang magiging Mrs. Adrade kana," turan ng binata.

"And I'm so excited to be," aniya.

"Bhe, Salamat,"

"Bhe!? Dati sweetheart, ngayon bhe naman,"

"Masyadong mahaba ang sweetheart kaya bhe nalang,"

"Okay, whatever. Nagugutom ako,"

"Na naman? kakain lang natin bago tayo nagtuloy dito. Gutom kana?"

"Eh sa nagugutom ako, samahan mo akong kumain kahit saan diyan basta makakain ako. Dali na," aniya.

Tumayo siya at hinila ang kamay ng binata.

Wala namang nagawa kundi sumunod.

May restaurant malapit lang sa botique at doon niya dinala ang binata.

Adobong atay ng manok ang inorder niya at ritsadang labong.

Taas kilay ang binata.

"Bhe anong pagkain ba 'yang isang inorder mo?"

"Hindi mo alam ito? Hindi ko rin naman alam basta gusto ko lang kainin mukhang masarap," aniya.

Pinanood lang siya ng binata habang kumakain.

Naubos niya lahat.

Napangiwi ang binata.

Ngayon lang kasi niya nakitang kumain ng gao'n ang dalaga samantalang wala pang isang oras ang nakakalipas mula kanina ng dumaan sila sa isang restaurant para kumain.

"Tara na, baka dumating na si Celine," anyaya niya sa binata pagkatapos uminom ng tubig.

"Okay," Tanging nasambit ng binata.

Naglakad sila pabalik.

Nadatnan nga nila si Celine.

"Saan kayo galing?" anito sa dalawa.

"Diyan lang sa malapit na restaurant," si Erina.

"Ok. Eto na ang gown mo," anito saka linapitan ang stanteng may nakalagay na napakagandang wedding dress.

"Wow, ang ganda cousin thank you," mangha niyang sambit.

"Isusukat mo pero hindi mo isusuot,"

"Ha? puwede ba 'yon?"

"Oo, Talikod ka." anito.

Kinuha nito ang gown, Nagpatulong sa assistant, Ilinapat nila sa kanyang likuran.

Tahimik lang ang binatang nakamasid sa kanila.

"Okay na," ani Celine.

Ibinalik nila sa stante ang gown. Pagkatapos ay nilock na nito.

Si Celine lang ang maaring makapagbukas niyon dahil fingerprint lang niya ang pupuwedeng makilala ng scanner.

Papasok sana sila sa loob ng opisina nito nang may pumasok na dalawang tao.

"Hi," anang babae na ikinalingon nila.

Nanlaki ang mata ng babae na natuon kay Adrian. "Oh my gosh bumalik kana pala sa dati mong pagkatao Adrian este Adriana mas bagay diba?" anitong may nakakainsultong ngiti. akala kasi nito si Adrian ang may-ari ng botique.

Walang nakapagsalita sa kanila.

The girl was Adrian's Ex girlfriend named Alice.

Nakita nilang linapitan nito ang kinalalagyan ng wedding gown ni Erina.

"Honey i like it, it's so beautiful. I'm sure bagay na bagay sa akin ito," baling niya sa lalakeng kasama nito.

"Oo naman," sang-ayon ng lalake.

"Ok then. Bilhin na natin ngayon," anitong akmang dudukot na ng pera.

Dahil sa di na nakatiis si Celine ay nagsalita na ito. Pinakaayaw niya ay ang mayabang.

"Excuse me lang ano, hindi kaba marunong magtanong Miss!?"

"Oh, well magkano ba ito babayaran ko na ora mismo?" anito.

"Hindi 'yan for sale. Reserve na 'yan!"

"Dodoblehin o titriplehin ko ang bayad, i like it at tiyak mas bagay sa akin iyan,"

Taas ang isang gilid ng labi ni Celine.

"Nakakaintindi kaba? hindi nga for sale. At ang may ari niyan ay siya." ani Celine na itinuro si Erina.

"Oh sino ba siya?"

"Siya lang naman ang fiance nitong lalakeng tinawag mong Adriana!" patuloy na pagmamaldita ni Celine.

"Gano'n ba? Miss baka hindi mo pa alam ang sikreto nito. Alam mo bang-
" hindi nito naituloy dahil nagsalita si Erina.

Pakiramdam niya umakyat kahat ng dugo niya sa ulo. "Hoy! babaeng mukhang mamon kung i-insultuhin mo lang ang fiance ko makakalayas kana! Alam ko lahat ng tungkol sa kanya. Tanggap ko lahat at mahal ko siya! huwag mo akong itulad sa'yong mapanghusga!" aniya.

"Well, mayaman siya, no wonder kung pera niya ang habol mo," anitong muli.

Sumabat si Celine.

"Kung hindi mo pa kilala ang kinakausap mo. Puwes! ipapakilala ko sa'yo. Siya lang naman ang nag-iisang anak ni Don Enrico Enrique na nagmamay-ari ng EEC group of companies! Yes, siya si Erina Enrique."

"Talaga? wow marunong ka talagang mamili Adriana, Miss nag-eenjoy kaba sa performance niya?" anitong muli.

Hindi na nakatiis si Adrian napapansin niya kasing umiiba ang itsura ni Erina.

"Alice puwede ba! umalis na kayo, Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo! Alam lahat ni Erina tinanggap niya ako at minahal ng buong buo. Hindi mo siya kalevel sa ugali palang lamang na lamang na siya."

"Celine palayasin mo ang pangit na 'yan!" si Erina na nalilisik ang mata. Animoy isang mabangis na hayop na manlalapa.

"Cous okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Celine.

Ngayon lang kasi niya nakitang ganito ang itsura niya.

"Basta palayasin mo bago ko isubsob sa basurahan," aniya.

"Bhe calm down. Celine bigyan mo ako ng tubig," utos niya.

Pinaupo niya ang dalaga saka niya tinabihan at pinainom ng tubig na inabot ni Celine.

No comments:

Post a Comment