What Makes A Man by Honey Cathleya


FINALE

DINALA nila sa loob ng opisina ni Celine ang dalagang tila kinakapos sa hininga.

"Alam mo kung hindi lang talaga nakakahiyang pumatol sa ganong klase ng tao sinabunutan ko na ang babaeng 'yon, naku kung ako 'yong fiance niya hindi ko na itutuloy ang kasal dahil tiyak sakit ng ulo," si Celine na dakdak parin ng dakdak.

"Hayaan mo na naka-alis na naman, Ang pangit niya lang," si Erina.

"Ano bang nakain mo at marunong ka ng magsabi ng pangit? tsaka ngayon lang kita nakitang nagalit animo'y isang lion na manlalapa,"

"Iyan na siguro ang epekto ng kinain niya kanina na pareho naming hindi alam kung anong klaseng pagkain," sabat ni Adrian.

"Ano!? kumain ka ng hindi mo alam kung anong klase ng pagkain?"

"Ang OA mo naman Celine, gulay 'yon hindi ko lang alam ang pangalan. Masarap naman parang salad, May suka, luya at sibuyas," si Erina.

"Puntahan nga natin ang kinainan niyo at ng maitanong kung anong pagkain 'yon?"

"Sige, Lunch na naman parang nagugutom na naman ako eh! gusto ko ulit kumain ng gano'n,"

"Na naman!? Huwag na tayo doon kumain sa iba nalang," Si Adrian.

"Oh di hindi na ako kakain, Kayo nalang. Balikan niyo halang ako rito pagkakain niyo!."

"May topak na yata itong fiance mo Adrian," natatawang sabi ni Celine.

"Hhmmppp!" nakaingos niyang sabi.

"Sige na, Doon na tayo kumain," ani Adrian.

"Huwag na! hindi na ako nagugutom." aniyang lalong ikinakunot noo ng dalawa.

"Erina ano ba talagang nangyayari sa'yo? Ang init na nga ng panahon sumasabay ka," si Celine.

"Wala!" singhal niya.

Hindi talaga nila maintindihan ang mood ng dalaga.

"Tara nang makakain na," anyaya muli ni Adrian.

"Paano naman tayo makakain kung hindi 'yan kasama," ani Celine.

"Iwan mo muna kami, kakausapin ko siya,"

"Okay, bilisan niyo nagugutom na ako, nakakagutom rin palang magpaliwanag sa taong di makuha sa isang salita," anito bago lumabas.

Nang nakalabas na ito ay kinausap na ng binata si Erina.

"Bhe sorry na,"

Hindi sumagot.

"Oy sorry na kasi. Halika na maglunch na tayo," muli niyang sabi.

"Ayoko. Wala na akong gana." turan niya.

"Erina naman. Hindi ka naman dating ganyan,"

"Sisihin mo 'yong pangit mong ex-girlfriend!"

"Matagal na 'yon. Hindi ko naman akalaing magkikita pa kami, nagseselos ka ba?"

"Hindi! bakit naman ako magseselos sa mukhang mamon na 'yon? basta kumulo ang dugo ko sa kanya,"

"Huwag na natin pag-usapan okay? Ikaw lang naman ang love ko. Wala ng iba pa."

"Talaga huh?" malumanay na niyang sabi.

"Oo naman, Halika ka nga," anang binata. mahigpit niyang niyakap ang dalaga.

"Kiss mo nga ako," pabulong niyang sabi sa binata.

Kumalas naman si Adrian mula sa pagkakayakap sa kanya.

Tinitigan niya ito saka unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga.
Tuluyan ng naglapat ang kanilang mga labi.

Lumalim ang halikan nilang dalawa.

Naglilikot ang kamay ng dalaga at kung saan-saan na napadpad.

Halos ikapugto na ng hininga nila.

"Bhe mamaya na 'yan. Walang privacy dito, nasa labas lang si Celine baka biglang pumasok," anang binata na pinapakalma ang sarili.

Nagkatinginan sila kasi naman ang kamay ng dalaga ay nasa loob ng pantalon parin ng binata holding a thing.

Hahalikan sana muli siya ng binata ngunit pumasok si Celine.

"Ano na? nagugutom na ako," anitong ikinalingon ng dalawa.

Mabilisang hinugot ni Erina ang kamay niyang nasa loob ng pantalon ni Adrian.

"Tara na, Pagkatapos nating maglunch uuwi na tayo para makapagpahinga ka," sabi niya kay Erina.

"Sige na nga. Mukhang nagugutom na nga 'yang babaeng 'yan," aniyang bumaling kay Celine.

Lumabas na sila mula sa opisina ni Celine.

Naglakad lang sila papuntang restaurant kung saan ay ang kinainan ni Erina kanina.

Nagpatiunang pumasok si Erina.

Kaagad siyang dumeretso sa kinaroroonan ng mga nakahelerang pagkain.
Hinanap niya ang ritsadang labong pero wala na ito.

Mga ibang lutong gulay, isda at karne ang nandoon.

Nagtanong siya sa waitress na nasa loob ng counter.

"Miss wala na ba 'yong kulay dilaw na parang gulay?" aniya.

Natandaan naman siya ng babae.

"Naku ma'am ubos na 'yon. Marami kasing may gusto kaya madaling maubos," anito.

"Gano'n po ba? ano bang pangalan niyon manang?"

"Ritsadang labong hija, Galing sa kawayan kungbaga baby kawayan pa,"

"Ah, masarap po kasi," aniya.

"Wala na hija, bukas pa uli 'yon mangagaling pa kasi sa probinsiya,"

"Ok po. Umatras siya ng konti nilingon niya si Adrian at Celine.

Malungkot itong humarap sa dalawa.

"Kayo nalang mag-order. Wala na 'yong gusto kong kainin ubos na daw," aniya.
Iniwan niya ang dalawa sa counter.

"Anyare dun?" si Celine.

Nagkibit balikat lang ang binata.

Umorder nalang sila.

Pagkatapos ay pinuntahan na nila si Erina.

"Bhe okay ka lang?" si Adrian

"Okay lang ako," aniyang parang nanghihina.

"Kumain kana para makauwi na tayo,"

Tango kang ang isinagot niya.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na sila kay Celine.

Tahimik ang dalaga habang sila'y lulan ng sasakyan pauwi sa condo ng binata.

Hindi naman maiwasan ng binata ang hindi mag-alala sa itsura ng kanyang 
katipan.

"Bhe daan kaya tayo sa clinic magpa-check-up ka,"

"Huwag na, okay lang naman ako. Walang masakit sa akin," pagtanggi niya.

"Pero bhe, nag-aalala ako sa itsura mo eh, ang tamlay mo kasi,"

"Pagod lang siguro ako,"

Napabuntong hininga nalang ang binata at hindi na ipinilit pa ang kanyang kagustuhan.

Diretsong sa kuwarto ang tinungo niya at nahiga sa kama.

Naiiling nalang ding sinundan ng binata.

Maging siya ay hindi alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya at biglang nagbabago ang mood niya.

Naisip niya kung paano niya nagawang sabihan ng pangit at mukhang mamon ang dating nobya ng binata kanina.

"hhmpp! tototoo naman kasi, malapad ang mukha niya matulis pa ang nguso niya," piping usal niya.

Naguguluhan siya sa kakaisip..

Hanggang sa nakatulugan na lamang niya.

Hindi naman siya iniwan ng binata.

Hinayaan na lamang niyang nahimbing sa pagkakatulog.

Sumapit ang hapon. Napagpasiyahan ng binatang magluto na lamang habang tulog na tulog parin ang dalaga.

Ang paborito nilang dalawa ang iluluto niya.

Hindi kasi nakakain ng maayos ang dalaga kanina dahil tila nanamlay at nawalan ng gana ng malaman niyang ubos na ang gusto niyang kainin.

Naiiling na lamang niyang sinimulan ang pagluluto.

Habang hinihintay niyang maluto ay may pumasok sa kanyang isipan. Pero dagli rin niyang iwinaglit.

Aniya'y imposibleng nagdadalang tao ang dalaga dahil mag-iisang buwan pa lamang mula ng unang may nangyari sa kanila.

Samantala maganda-ganda na ang pakiramdam ni Erina pagkagising niya.

Halos maglaway na siya pagka-amoy sa linuluto ng binata.

Dali-dali siyang lumabas, Kulang nalang takbuhin na niya papuntang kusina..
Naghahain na ang binata ng nadatnan niya.

"Wow ang sarap naman niyan," aniya sa binata.

Napangiti ang binatang nag-angat ng mukha. "Siyempre naman para sa reyna ko," sabi niyang nakangiti parin.

Siyempre before anything else eh may kiss muna sa lips..

Pagkatapos ng isang minutong sweet kiss iginaya na siya ng binata sa hinilang upuan.

Masaya silang nagsalo sa kanilang hapunan.

Pagkatapos nilang kumain ay nanood sila ng movie.

Pinatay nalang bigla ni Erina ang tv.

"Bakit?" si Adrian.

"Wala lang, hindi ko type ang bida," aniya.

Napakamot sa kanyang batok ang binata. "Sabi mo kanina gusto mong panoorin 'yan,"

"Kanina 'yon, ngayon hindi na, Labas tayo,"

"Saan tayo pupunta?"

"Kakain ng isaw,"

"Bhe kakakain lang natin,"

"Gusto ko ng isaw, sasamahan mo ako o lalabas akong mag-isa!?"

"Sige na nga, nagagalit ka na naman eh, halika na." pagsang-ayon ng binata.

Bumalik ulit ang hinala niyang baka nga naglilihi ang dalaga..

Isang plano ang nabuo sa kanyang isipan..

Dadalhin sana niya ang dalaga sa isang clinic para makasigiro kung tama ba ang hinala niya ngunit hindi siya nagtagumpay. Kahit anong gawin niya ay ayaw talaga ng dalaga, Lagi niyang sinasabing wala siyang sakit.

Hanggang sa nakalimutan na lamang niya ang kanyang plano naging busy na sila sa final arrangements ng kanilang kasal.

A week later kasalukuyang nagaganap ang kasalan sa Manila Metropolitan Chatedral Basilica sa Intramuros Manila.

"Erina do you accept Adrian here present to be your lawful husband according to the right of our holy mother, the chaurch?" tanong ng pari kay Erina.

"Yes, I do," walang bikig sa lalamunang sagot ng dalaga.

"Adrian do you accept Erina to be you lawful wife in sickness and health, for better for worst, for richer and in poorer till death do us part?" sunod na tanong ng pari sa binata.

"Yes, I do," agaran niyang sagot.

On this day I promise forever
On this day I surrendered my heart

Here we stand like I plan
And I will honor every words I say on this day.

Linyang di makakalimutan mula sa kanilang wedding song.

"Adrian ware this ring as a sign of my love and loyalty," isinuot ng dalaga ang singsing.

"Erina ware this ring as a sign of my love and loyalty, in the name of the father and of the son and of the holy spirit." ("Amen," sabay nilang bigkas.

Saka sila humarap sa pari.

Binasbasan silang dalawa kasabay ng pagbigkas nito. "I now declare you as husband and wife, Adrian you may now kiss your bride," anito.

Humarap sila sa isa't isa.

Itinaas ng binata ang belo ng trahe at saka hinalikan sa labi ang kanyang asawa.

"MABUHAY ang bagong kasal," ani Celine.

Palakpakan ang mga nasa loob ng simbahan.

"I love you," sabi ng binata sa kanyang asawa.

"I love you too," tugon naman ng dalaga.

Humarap na sila sa kanilang mga bisita.

Lumapit ang kanilang mga magulang.

"Welcome to our family Erina," anang mommy ni adrian saka niyakap ang dalaga.

"Thank you mommy, daddy," aniya.

Nakiyakap na rin ang ama nang kanyang asawa.

"Welcome to our family hijo," ang mommy naman ni Erina.

"thank you mommy, daddy," anang binata.

Picture taking na pagkatapos ng tagpong 'yon.

Pagkatapos ay lumabas na sila mula sa simbahan papunta sa hotel kung saan ay naroon ang wedding reception nila.

Habang sila ay magkakaharap na kumakain at masayang nag-uusap.

"Mabuti na lamang at naisipan mong ituwid ang pagkatao mo hijo," anang ama ni Erina na nagpatigil sa pagsubo ng dalawa saka nagkatinginan.

"Huwag kayong magtitigan ng ganyan. Nakalimutan niyo bang magkakaibigan kaming mga magulang niyo? kaya alam namin ang lahat hijo, Dati pa kasi binalak na naming ipagkasundo kayong dalawa, kaya lamang ay itong si Erina ay may kasintahan noon, at ikaw naman ay nasa gay stage pa," paliwanag ng ama ni Erina.

"Yes, hijo tama ang daddy Ernico niyo kilala ka namin mula pagkabata," nakangiting sabi naman ng ina ng dalaga.

"Well, naging successful naman ang plano natin balae," sabat ni Don Adrade.

"Dad, anong plano?" nagtatakang tanong ni Adrian.

"Na paglapitin kayong dalawa, kaya nagkasundo kaming kayo ang i-aasign sa Cebu at 'yong magkasama kayo sa iisang suite," anito.

"Dad! nagawa niyo 'yon? paano nalang kung nirape ako nitong si Adrian," ani Erina na ikinatawa ng mga ito,

"As you see hindi ka naman niya nirape hija," nakatawang turan ng ama niya.

"Mabuti nalang pala at nalove at first sight kami sa isa't isa," si Adrian.

"Akala nga namin walang nangyari sa inyo dahil kilala namin itong si Erina na seryoso at trabaho ang inaatupag," pagpapatuloy ng ama ng dalaga.

"Thank you pala sa inyo, Congratulations na rin dahil nagtagumpay kayo because we both fell in love to each other, nga lamang ay nagkaroon kami ng problema before dahil sa maling akala, but thanks to God at humantong din kami sa simbahan," mahabang turan ng binata.

"Basta ang apo namin bilis-bilisan niyo," Erina's mom.

"Hayaan niyo a-atupagin namin sa honeymoon, tiyak pagbalik namin may nabuo na kami," paniniguradong turan ng binata.

"Aashan namin," anang kanyang ina.

Pagkatapos nilang kumain ay tinawag sila ni Celine to cut their cakes and drink their wine.

Tumayo sila at magkahawak kamay tinungo ang lamesang kinaroroonan ng eight layer cakes na hugis puso.

Humiwa sila at inilagay sa platito.

Nagsubuan sila. pagakatapos ay kinuha nila ang tig-isang kopita nagcross hands sila bago ininom.

Kiss.. kiss.. sigaw ng kanilang mga bisita.

"Bhe kiss daw," anang binata.

"Sure," aniya. they kissing possionatelly infront of their parents and sponsors.

Nang naghiwalay ang kanilang mga labi ay masigabong palakpakan muli ang mga ito.

Sunod namang tinawag ang mga kababaihang naroon. Ihahagis na kasi ng dalaga ang flowerd boquet niya.

Isa-isang nagsilapitan ang mga dalaga.

"Okay, one, two and three," anang emcee.

Hinagis niya ang bulaklak.

Nalingon ang lahat mula sa likuran dahil ang nakaupong si Celine na hindi naman nakihalo sa mga dalaga ay siyang binagsakan ng bulaklak na ikinagulat nito.

"I got it," anito ng nakabawi sa pagkabigla.

Binigyang daan ito ng mga dalaga para makalapit sa upuang nasa tabi ni Erina na siyang u-upuan niya habang hinihintay ang makakasalo ng garter ni Adrian.

Tinawag ang pansin ng mga binatang naroon.

Hinahanap naman ng mata ni Celine si Glen ngunit hindi niya ito makita maging ang mga kaibigan nila.

"Nasaan naba ang lokong 'yon?" piping tanong niya sa hangin.

"Okay boys ready. One, two and three," Adrian threw his garter.

Kakapasok lang din nina Glen nakiusyoso sa mga nag-uumpulang mga binata ng may bumagsak sa kanyang ulo.

Agad niyang kinapa sa pag-aakalang butiki but he find out, he was wrong, garter ang kanyng nakapa.

"What's this?" anito.

"Wow pare congrats ikaw na ang susunod na ikakasal," ani Ricky.

"Weeehhh," anito.

"Guys Glen got the garter, sino nakasalo ng bulaklak?" sigaw ni Rodel.

"Si Celine," ani Erina.

Halos mapalukso naman sa tuwa si Celine.

Pinalapit na ang binata kung saan naroon si Celine.

Lumuhod muna si Glen saka isinuot ang garter sa binti ng dalaga.

"Higher! higher!.." sigaw ng mga kasamahan nila.

Itinaas niya nga at malapit na talaga sa kung saan.

Humurit ng kiss ang mga bisita.

Pinagbigyan naman nila.

Pagkatapos ay hiningi na ng mga sponsor na sumayaw ang mga bagong kasal.
Hindi naman sila nag-atubili. Magkahawak kamay silang tumungo sa gitna.
Nasa gitna sila ng dance floor na sobrang magkadikit habang sinasabayan ang malamyos na musika mula sa violist na pinamagatang On this day.

"Bhe, salamat ulit for accepting me for what I am, and loving me for who I am," bulong ni Adrian sa kanyang asawa.

"It's all about love Adrian. Do you still remember the night we talk in Cebu you asked me What makes a man?, then now i give you the best answer. They way you love me, on how you takecare and treat me and lastly on how you respect me, that's what makes a man. A real man. You dont have to be perfect and it's not base on how you perform on bed, your imperfection was what makes me love you, I admire you a lot for being honest, I love you my husband," madamdamin niyang turan.

"Thank you for coming into my life, you're the best gift i ever had. I won't promise but I try my best to be the best husband and father to our children kung bibiyayaan man tayo, You complete me Erina. Wala akong ibang hihilingin kundi ang basbas ng ating Poong may likha, I love you my wife and I always do," mahaba namang turan ng binata.

Nagkatitigan ang mag-asawa pagkatapos nilang magpalitan ng sweet thought.
Unti-unting naglapat ang kanilang mga labi..

Hanggang sa tuluyan ng nilang pinagsaluhan ang nakakabaliw at nakakalilyong halik ng bawat isa..

Sa dalawang pusong labis na nagmamahal at dalawang taong itinadhanang magsasama ng panghabang buhay ano mang pagsubok ay kanilang pagdaanan malalagpasa sa ngalan ng totoong pag-ibigan...

***W A K A S***

No comments:

Post a Comment