What Makes A Man by Honey Cathleya


CHAPTER 6

SA loob ng halos isang taon nilang pamamalagi sa Cebu atlast they're at the fishining stage of the mall. Ni minsan ay hindi nila naalalang umuwi sa Maynila, Sinusulit nila ang bawat araw pang natitira bago nila tuluyang lisanin ang lugar na kanilang kinaroroonan ngayon.

Isang linggo ang matuling lumipas tuluyan ng natapos ang mall dahil sa kompleto naman ang kanilang mga tauhan.

"Guys, bago tayo bumalik nang Manila magrelax muna tayo kahit isang gabi lang," anunsyo ng binata.

"Okay ang naisip niyo sir," ani engineer Carlos.

"Bonus na rin kung baga, dahil wala naman kayong ibang pinagtuunan nang pansin kundi ang inyong trabaho so bukas ng gabi ay pupunta tayo sa isang resort," anito.

Masaya ang kanilang mga tauhan ng iniwan nila ang mga ito..
Maaga silang nakatulog.

Kinabukasan sumaglit lamang sila sa kapapatayong gusali, upang sabihan ang kanilang mga kasama na lumipat na sa hotel dahil sa hindi na sila puwede doon.

Sabay sabay na silang bumalik sa hotel nakakuha narin naman sila ng kuwarto para sa mga ito.

Dapat kasi ay pabalik na sila ng Manila ngayon pero dahil sa Sinabi ni Adrian kaya hindi sila natuloy.

Kinahapunan ay handa na silang lahat, Hindi naman kalayuan ang napili nilang puntahan..

"Wow sir ang ganda naman dito, salamat po at sinama niyo kami," ani engineer Lucas.

"Wala po 'yon as I've said bonus niyo nalang," anito.

Masaya silang nag-iinuman dahil sa summer ay maganda ang maglagi doon marami ring tao may mga turista pa.

"Erin tahimik ka na naman dyan? okay ka lang?" aniya sa dalaga.

"Oo naman, ang sarap lang kasing langhapin ng hangin,"
Magkatabi sila habang nakaupo. May mga cottage at inokyupa nila ang isa para may mauupuan sila.

"Sir maglileave na po muna sana ako pagkabalik natin kahit isang linggo lang para naman makabonding ang pamilya ko matagal rin akong nawalay sa kanila," anang engineer.

"Wala pong problema, Magpasa nalang kayo nang leave form sa opisina," anito.

"Salamat po sir,"

Puro nalutong pagkain na ang dinala nila tsaka may reataurant naman malapit sa resort kaya wala silang naging problema kompleto sila sa pagkain at inumin.

"Ma'am Erina hindi niyo po yata nagagalaw 'yang pagkain niyo," ani engineer Carlos sa dalaga.

"Ah-eh hindi pa naman po kasi ako nagugutom," anito.

"Erina kumain kana, ayaw mo bang magswimming?" -Adrian

"Kayo nalang," kimi niyang sagot.

"Sure ka?"

Tango lang ang isinagot niya.

Pagkatapos nilang kumain naglakad lakad nalang sila, ang mga kasamahan nila ay masayang lumalangoy. Damang dama niya ang ihip at ang simoy ng hanging nagmumula sa ibayong dagat.

"Ibang iba talaga ang simoy nang hangin sa ganitong mga lugar,"

"Oo nga eh,"

Ibang iba naman kasi kumpara sa kinalakhan nilang siyudad na maingay na magulo pa, ni hindi na makalanghap ng sariwang hangin.

Malayo na ang nalalakad nila ng hindi nila namamalayan dahil sa pag-uusap nila.

"Adrian napalayo na yata tayo, kokonti nalang kasi ang tao rito," aniya sa binata.

Lingid sa kanyang kaalaman ay plano talaga ng binata na mailayo siya para makausap niya ito ng mabuti. Pinag-isipan niyang mabuti ang lahat.

Naupo sa may buhangin ang binata nakatanaw sa mahinang alon ng tubig dagat..

"Maupo ka muna," yakag niya sa dalaga.

Hindi naman nag-atubiling tumabi ito ng pagkakakaupo sa kanya.

"Bumalik na kaya tayo doon baka hanapin nila tayo,"

"Hindi naman siguro, tsaka hindi naman sila aalis nang wala tayo."

"Eh ano naman kasing gagawin natin dito?"

"Mag-uusap lang tayo, May itatanong pala ako sayo kung okay lang,"
Sandali siyang napaisip bago nagsalita.. "Sure, ano 'yon?"

"May boyfriend kaba?" bulalas nito..

Napanganga siya dahil sa hindi niya inaakalang  katanungan..

"Oh natahimik ka na naman dyan, ang sabi ko may boyfriend kana ba?"

"Ah-eh dati meron pero hindi nagtagal kasi gusto niya lagi akong kasama, eh hindi naman puwede may responsibilidad ako sa kompanya, kaya hiniwalayan ko nalang hindi niya ako maintindihan eh, binibigyan ko naman siya nang oras but still not enough for him." anito.

"Oh I see.."

"Ikaw imposibleng wala kang girlfriend,"

Napatingin siya sa dalaga.. "Wala, A week before we came here she broke up with me,"

"Ows? bakit naman?"

"Hindi daw siya kontento sa performance ko at may pinagtapat ako sa kanya about my past," anitong may bahid ng lungkot sa kanyang boses.

"Performance? you mean nagtoot kayo?"

"Yep!" maikli niyang sagot..

"Ngayon wala kana bang balak makipagrelasyon?"

Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.. "Meron naghihintay lang ako nang tamang pagkakataon, pero gusto ko bago ako magtapat sa kanya sasabihin ko muna ang lahat dahil ayaw kong may tinatagong lihim lalo pa't alam kong sooner or later malalaman niya rin, kaya mas mabuting ako na mismo magsasabi sa kanya," mahabang turan ng binata.

"Ouch, ang sakit my mahal na pala siya," sabi ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.. Yes she admit nasaktan siya. Pero kailangan niyang malaman kung ano nga ba ang tinutukoy nitong nakaraan niya..

Pigil na pigil siyang huwag magkandabulol.. Pero bago pa man siya nakapagsalita ay naunahan na siya ng binata..

"Tell me Erina," aniya.

"Tell you what?"

"Tell me, What makes a man, is it on how you great kisser, on how to perform on bed?, 'yon ba ang nagiging sukatan sa pagkalalake? Erina it's been six years when I decided to change, mula nang itinuwid ko ang pagkatao ko, from being a gay and now I'm already a man, a real man that loves a woman, Pero bakit may mga tao parin na hindi ako matanggap?" pagsisiwalat niya.

Napanganga ang dalaga sa nga binanggit nito. Ni sa panaginip ay hindi niya inakalang may ganoong pagkatao ang binata dati, Co'z when you look at him walang bakas,  walang makakapagsabing ganun siya dati..

"Well kung ako ang liligawan mo, tatanggapin kita ng buong buo,  yayakapin ko ang nakaraan mo at mamahalin kita ng walang pag-aalinlangan," piping turan niya.. Hindi niya nagawang isatinig.

"Minsan pa nga iniisip ko kung mali nga bang binago at itinuwid ko ang pagkatao ko," muling sabi ng binata.

"Adrian siguro hindi mo pa talaga nahahanap ang babaeng tatanggap sayo. But for sure ako 'yon." pero siyempre hanggang bulong lang ang huli niyang sinabi.

"Now you already know the truth Erina, Nasa sa'yo na kung lalayuan mo ako o hindi, I won't expect anything from you, but I still hoping you won't change, because-.."  Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil.. 

"Sir narito lang pala kayo, akala namin kung napaano na kayo," sina engineer Lucas na nasa kanilang likuran.

Sabay silang napalingon sa mga ito.. "Ah-eh pasensya na po kayo, napasarap lang ang usapan namin ni Erina," anito.

Samantalang ang dalaga ay tahimik lamang.. "Nabitin ka ano?" asar ng kanyang isipan.. totoo naman kasi,

"Oo nga po, mukhang naistorbo namin kayo, sige maiwan nalang muli namin kayo nag-alala lang po kasi kami," hinging paumanhin nila.

"Okay lang po 'yon engineer, sasabay nalang kami sa inyo," anang dalagang sa wakas ay nakapagsalita rin.

Wala namang nagawa ang binata kundi ang sumunod na lamang kahit pa gusto sana niyang makausap ang dalaga.

Malungkot ang mukha ni Erina habang naglalakad. "After all what happen to us, Umasa kasi ako na mahal niya rin ako pero nagkamali yata ako, 
Masakit malaman na may ibang laman ang kanyang puso pero wala naman akong magagawa," mga katagang nasa kanyang isipan..

Naramdaman na lamang niya ang braso ng binatang umakbay sa kanya.. Naroon na naman sila sa lagay na 'yon, na parang sila ay may relasyon, nagpadala siya sa sweetness nito. Aaminin niya Adrian is her ideal man, mapag-alaga. Ang masakit nga lang ay ang malamang may itinitibok na ang kanyang puso..

Her heart was crying all over..

"It doesn't matter to me about your past, kung sana ako ang laman nang puso mo," bulong ng kanyang isip..

They left Cebu..

"Sana walang magbabago sa atin Erina, umaasa akong hindi ka katulad nila," bulong ni Adrian habang pinagmamasdan niya ang dalagang nakapikit na nasa kanyang tabi..

Kailan nga ba niya masasabing siya ang nilalaman ng kanyang puso at ang kanyang pinapangarap?

"I'M home dad, Mom." anang dalagang kakapasok pa lamang sa loob ng kanilang mansyon..

Walang lumalabas na mommy at daddy niya, Nakarinig siya ng kaluskos mula sa kusina kaya doon siya nagpunta..

"Yaya nasaan po sina mommy at daddy?" tanong niya sa katulong.

"Ma'am may emergency po yata, kaaalis lang nila ngayon ang lipad nila papuntang States..

Di pa man siya nakapagsalita ay tumunog na ang kanyang cellphone.. 
Dinukot niya sa kanyang bag at saka niya sinagot it was her dad..

"Hello dad, what's going on?" anito sa kanyang amang nasa kabilang linya..

"Hija pumunta ka rito sa airport as soon as you can, lilipad tayo papuntang States, Celine's mom is in the hospital at nag-aagaw buhay, hurry up hija.." anang kanyang amang mababakas ang pag-aalala.

Sakto namang namatay ang cellphone niya nagbaterry empty. Halos magkanda dapa na siya papanhik sa kanyang kuwarto.

Hinagilap kaagad niya ang traveling bag niyang di kalakihan at basta nalang kumuha ng mga damit at isiniksik rito.

Pagkatapos ay pumasok na siya sa banyo at naligo,  Wala ng ayos ayos basta nagdamit nagsuklay tapos!

Bitbit ang kanyang maleta nagpahatid siya sa airport..

Naghihintay sa kanya ang kanyang mga magulang, Sa sobrang pag-aalala niya sa kanyang tiyahin ay wala ng pumasok sa kanyang isip saka lamang siya natauhan  ng nasa himpapawid na sila kasama si Celine na balisa at hindi makausap ng maayos..

Adrian call her too many times but her mobile  cannot be reach, nakapatay ang cellphone niya. He miss her by just only a few minutes kaya naman tinatawagan niya ang dalaga..

Nang hindi parin niya ito makontak ay tumigil na siya.. "Ito naba ang kinakatakot ko? ang layuan mo ako?" katanungan sa isipan ni Adrian..

Samantala kanina pa niya hinahanap ang kanyang bag na naglalaman ng mga personal niyang gamit ngunit hindi niya ito makita.. Naalala na lang niyang naiwan niya ito sa bedside table sa kanyang kuwarto dahil sa pagmamadali..

"Gosh baka kung anong isipin ni Adrian kapag hindi niya makontak battery empty pa naman, di man lang kasi ako nakapagpa-alam sa kanya, okay lang sana kung nadala ko ang cellphone ko." aniya sa kanyang sarili..

Lumingon siya sa gawi ni Celine pero tulog ang pinsan niya..

Kahit pa makahiram siya ng cellphone ay hindi na rin niya matatawagan ang binata dahil nasa labas na sila ng Pilipinas.

"Sa dinami dami nang puwede kong maiwan bakit ang cellphone ko pa.." , mahina niyang sambit..

Hindi naman maganda ang mood ni Adrian kaya nagpasya nalang siyang magpahinga..

Nasasaktan siya sa isiping katulad rin siya ng iba na lalayuan siya. "Tama lang na hindi ko muna nasabi sayo ang tunay kong nararamdaman pero papaano ko pipigilan gayong ikaw ang isinisigaw ng puso ko?" Mga huling kataga sa kanyang isipan bago siya nakatulog..

Hindi makatulog si Erina parang hindi maganda ang nagpaparamdam sa kanya..

Kaya naman paglapag ng eroplano sa America ay para siyang nakalutang sa hangin.

Nang nakarating na sila sa bahay ng mga magulang ni Celine ay nagpaiwan siya dahil sa nararamdaman niyang sobrang pagod..

Walang ligong naganap basta humiga siya sa kama at natulog na walang pakialam sa Mundo. . Nawala na rin sa isip niya na tawagan si Adrian pagdating nila sa America.

Sa hospital kung saan naroon ang ina ni Celine..

"Mommy I'm here please don't go yet, mom please fight for us we still need you.." sambit ni Celine habang umiiyak at hawak ang kamay ng kanyang ina..

"Celine anak, mommy too much tired for fighting, Promise me you you will take care of yourself and daddy huh?, stay humble and loving hija as I've always said anak, I am so proud of you I love you baby.." anito.

"No mom please, I beg you don't give up, mommy naman eh diba nga ihahatid mo pa ako sa altar kapag kinasal na ako.,"

"Anak I really can't,  nahihirapan na ako." anito na mahina na ang boses..
Lumapit ang ama nito at yumakap sa kanya. .

"Rafael take of our daughter, "

"Yes I promise.. Huwag ka na munang magsalita magpahinga kana muna,"

"Nasaan ang pamangkin ko kuya?" baling niya sa ama ni Erina.

"Nagpapahinga siya, kagagaling kasi niya sa trabaho pero bukas dadalaw siya kaya magpahinga ka muna."

Ipinikit naman nito ang kanyang mga mata..

May sakit ito sa puso, ilang beses na rin nilang sinubukang kumbinsihing magpaheart transplant pero lagi siyang tumatanggi ngayon ay lumala na and she only have five percent to survive kapag operahan siya..

"Dad parang hindi ko makakaya kapag nawala siya.."

"Hija kailangan nating maging matatag para sa kanya," nayakap ng don ang kanyang anak..

"Kuya iuwi na muna ninyo si Celine para makapagpahinga ako na muna ang bahala rito." anito sa kanyang kapatid.

"Sige, Celine let's go baka ikaw naman magkasakit niyan." yakag nila sa dalaga..

"No, dito lang po ako kay mommy, please.." anito na nakikiusap.

"But hija.. wala kapang pahinga."

"Please po I want to stay with my mom." Wala na silang nagawa pa.
Sa Pilipinas naman..

Kanina pa balisa si Adrian, malalim ang kanyang iniisip. Sa ganoong ayos siya dinatnan ni Glen.

"Oh pare bakit parang natalo ka sa sugal sa lagay na 'yan?" anito sa kaibigan niyang malayo ang nararating ng kaisipan na kung hindi pa niya tinapik sa balikat ay hindi bumalik sa kabihasnan.

"Nandyan ka pala." anito.

"Oo, bakit ba ganyan ang itsura mo?"

"Hindi ko makontak si Erina pare,  tumawag na rin ako sa opisina niya wala raw siya doon pati mga parents niya." anito.

"Si Celine nga rin hindi ko makontak, nag-aalala na nga ako sa kanya baka kung napaano na 'yon," ani Glen.

"Pakiramdam ko iniiwasan ako ni Erina,  pare alam na niya ang lahat sinabi ko sa kanya, pero hindi pa ako nagtapat ng tunay kong nararamdaman,  gusto ko kasing siguruhin na hindi siya magbabago kapag nalaman niya ang lahat pero nagkamali yata ako..

"Alam mo pare baka naman may dahilan lang o may emergency, huwag ka munang mag-isip nang kung anu ano."

"Ewan ko hindi ko maiwasan," anito.

Umaga sa America.

Nagising si Erina.

Sa halip na sa banyo ang unang punta niya ng makapaghilamos sana ay telepono ang agad niyang hinanap.

Nakailang dial na siya pero walang sumasagot. Wala sa loob niyang ibinalik ang telepono. "Huwag naman sana siyang mag-isip ng hindi maganda, bakit ba naman kasi naiwan ko pa hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya," paninisi niya sa kanyang sarili.

Ramdam niya na may hindi magandang idudulot ang nangyayari sa pagitan  nila ni Adrian, Lalo pa't kakasiwalat lamang niya ang tungkol sa kanyang pagkatao noon.

Naisuklay nalang niya ang kanyang kamay sa mahaba niyang buhok, wala sa kanyang sariling nakarating sa banyo and she just find out herself under the shower.

Mga katok sa pintuan ng kuwartong kinaroroonan niya ang naging sanhi upang mapalingon siya at napatigil sa pagsusuklay.

Tumayo siya upang tunguhin at pagbuksan ang kung sino mang masa labas..

"Good morning hija, Tamang tama bihis kana, let's go hinahanap ka na daw ng tita Lyn mo, hurry up anak," anang kanyang inang mangiyak ngiyak na siyang nabungaran niya pagkabukas sa pintuan..

Sumunod na lamang siya sa kanyang ina pababa, Naroon at Naghihintay na ang daddy niya, mababakas ang kalungkutan sa mukha nito, maging ang mga kasambahay ay malungkot mabuting tao kasi ang tita Lyn niya.
Ilang minuto lang ay nasa Ospital na sila..

Bahagyang ngumiti ang ina ni Celine habang ang pinsan niya ay hawak ang kamay nito.

"Hi po tita," bati niya saka lumapit at himalik sa pisngi nito.

"Ang ganda ganda ng pamangkin ko, pareho talaga kayong magpinsan sa kagandahan.." anito.

"Siyempre naman po, kanino paba kami magmamana kundi sa inyo diba?" anitong ngumiti kahit hindi na maganda ang nararamdaman niya dahil sa itsura ng kanyang tiyahin.

"Hija sana lagi kayong magkasama at magkasundo ni Celine, ikaw ang panganay kaya alagaan mo sana siya, alagaan niyo ang isa't isa,"

"Oo naman po tita, pero kailangan gumaling kana para makilala mo ang soon to be your son In law, " aniya.

"Erina hindi na ako magtatagal nararamdaman ko, basta mangako kayong aalagaan niyo ang isa't isa."

"Pangako po tita," hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha..

Yumakap silang magpinsan sa kanya. naramdaman nila ang higpit ng yakap nito ngunit unti unti ring lumuwag, narinig na lamang nila ang pagtunog aparatong nakakabit rito na ikinaalarma nila.

"Daddyyyyyyyy!!!!" sigaw ni Celine sa kanyang ama. Pumasok naman sila sa kuwarto.

Nagsidatingan ang doctor at nurse na agad natawagan ni Erina gamit ang intercom.

Pinalabas sila pansamantala.

"Erina si mommy," si Celine na patuloy sa pag-iyak..

Wala naman masabi ang dalaga, kaya yakap na mahigpit na lamang ang nagawa niya.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang mga doctor na kaagad nilang sinalubong.

"I'm sorry, we try to bring her back but she gives up already," anang doctor.

"Nooooooooo!!! mommyyyy!!" si Celine. patakbong pumasok sa kuwarto.
Nasundan siya ng kanyang ama..

"Dad wala na si mommy,  iniwan na niya tayo, ang daya niya, " anito sa kanyang ama.

"Hija pagod na siguro si mommy, mahirap pero kakayanin nating tanggapin ang lahat,"

Napayakap ito ng mahigpit sa kanyang ama..

Tuluyan ng lumisan ang isa sa kanilang pamilya..

No comments:

Post a Comment