CHAPTER 7
NAGING busy sila sa pag-aasikaso sa namayapang ina ni Celine. Panandalian mumang naiwaglit ni Erina ang tungkol sa binata kailangan siya ni Celine sa ngayon.
"Cous iniwan na ako ni mommy,"
"Celine nandito pa naman kami, andyan pa si mommy para tumayong mommy mo diba, tsaka pagod na rin siguro si tita Lyn na labanan ang sakit niya, alam kong mahirap para sayo pero kailangan mong maging matatag." aniya sa kanyang pinsan.
Ipapacremate nila ang bangkay at inaasikaso nila ang mga kailanganin para maiuwi sa Pilipinas, Nagdesisyong umuwi na lamang din ng Pinas ang ama ni Celine at manirahan na rito, may mga katiwala naman sila sa negosyo nila sangay ng nasa Pinas.
"Celine, Erina magpahinga na muna kayo kami na ang bahala rito, Bukas ikicremate ang bangkay," anang daddy ni Celine.
Wala pa kasing halos tulog ang mga ito lalo na si Celine.
"Celine umuwi na muna tayo babalik din tayo bukas," yakag ni Erina sa kanyang pinsan.
Walang salitang sumunod sa kanya si Celine ng akayin siya nito at iginaya palabas ng Ospital.
Samantala..
"Hijo what's wrong with you? ilang araw ka nang parang balisa may problema ba?" unkag ng ina ni Adrian sa binatang malalim ang iniisip.
"Akala ko iba siya mommy," sambit niya.
"Sino?"
"Yong babaeng mahal ko at pinapangarap kong makasama habang buhay," anito.
"Sino nga?"
"Hindi niyo na po kailangang malaman mom, Anyway what's brought you
here mom?" pag-iiba niya ng usapan.
"Ah, magdiner tayo sa labas, Kaya sinusundo kita naghihintay na sa baba ang daddy mo," anito.
"Sunod na po ako mom aayusin ko muna mga gamit ko,"
"Mukhang mabigat ang dinadala mo hijo, hindi kita pipiliting sabihin kung ano man 'yan but I suggest na magbakasyon ka muna para makapagrelax ka at makapagpahinga na muna," mahabang turan ng kanyang ina.
"I guess you're right mom," anito.
"Okay then, magpapabook ako nang flight mo by tomorrow for France,"
"Okay mom thanks po," aniya.
"No worries son, siya we will wait for you," anang kanyang ina.
Napahugot siya ng malalim na buntong hininga saka na inayos ang kanyang mga gamit.
Nakasunod siya sa kanyang mga magulang dahil sakay siya sa kanyang sariling kotse.
"Ang hirap tanggapin Erina," aniya sa kanyang sarili.
KINABUKASAN..
Lipad niya papuntang France kung saan ay isang buwan din siyang mamalagi doon upang magbakasyon at susubukang makalimot.
Mabigat ang kanyang mga yabag habang tinatahak ang pasilyo patungong eroplanong kanyang sasakyan.
Hanggang sa nakasakay na siya at papalipad na sa pahimpapawid ang eroplano ay parang lumilipad parin ang isip niya.
Amerika..
Kasalukuyang hinihintay nila Erina ang flight nila pabalik ng Pilipinas dala ang abo ng katawan ng yumaong ina ni Celine. Excited siyang kinakabahan.
Excited dahil magkikita na muli sila ni Adrian.. Kinakabahan dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kanya ng binata, after all she have to be ready dahil aminado siyang may kasalanan siya but she still believe that Adrian can understand her.
Tinawag na ang flight nila.
"I miss you Adrian.." aniya bago tuluyang pumasok sa loob ng eroplano.
Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Adrian sa France.
Sa isang five star hotel malapit sa Eiffle tower siya nakacheck in ang mommy niya mismo ang pumili ng lugar.
Well, all he can say France is one of the beautiful place. Dahil pagod sa biyahe ay nakontento nalang muna siya na pagmasdan mula sa glass window ang Eiffle tower marami ang tao sa paligid nito.
Isa lamang iyon sa paboritong view ng mga namamasyal which is a percfect view for taking a picture. Isinara niya ang kurtina at nagpasya na siyang mahiga at magpahinga, dala ng pagod ay kaagad siyang nakatulog..
Samantala..
Agad hinanap ni Erina ang kanyang naiwang shoulder bag sa kanyang kuwarto. Nasa ibabaw nga ng bedside table niya.
Hinalungkat niya kaagad at kinuha mula doon ang cellphone niya saka dali daling isinaksak ang charger it's been four days since her mobile got battery empty.
Nang naisaksak niya ay bumalik siya sa baba para makatulong, Ihihimlay nila ang abo ng mommy ni Celine. Narito kasi sa Pinas lahat ng kaibigan nito at wala pang masyadong nakakaalam sa nangyari maging ang mag-asawang Andrade na malapit sa kanila ay hindi pa alam..
Celine call Glen.
"Hey babe where have you been I'm so worry about you?" agad na sabi ni Glen mula sa kabilang linya.
"Glen where just home from States and mommy was died kaya kami nagpunta doon, I'm sorry hindi na ako nakatawag sayo." anitong pigil ang luha.
"What? nasan kayo ngayon?"
"Dito sa mansyon narito na rin si daddy at ang ashes ni mommy,"
"I'll be there within fifteen minutes condolence babe," anang binata sa kasintahan.
"Wait pakisabi na rin kay Adrian," pahabol nito.
"Oh, Adrian leaved yesterday papuntang France"
"What is he going to do there? Hindi kasi siya natawagan ni Erina kasi naiwan niya ang cellphone dito sa Pinas, nawalan narin siya nang time kasi inirush naming asikasuhin ang katawan ni mommy."
"Magbabakasyon daw at para makalimot, akala niya kasi nag-iba at iniiwasan na siya ni Erina, wait sasabihin ko lang kina tito at tita ang nangyari then tutuloy na ako dyan, bye babe." paalam ng binata.
Hinanap niya si Erina upang sabihin ang nalaman niya mula kay Glen.
Kakalabas lamang ni Erina mula sa kanyang kuwarto ng masalubong siya ni Celine.
"Hey cous anong nangyari sayo?" tanong nito.
"Celine Adrian's mad at me, akala niya iniiwasan ko siya." anito.
"Yon din sana sasabihin ko kasi kakatawag ko lang kay Glen, nasa France daw siya kahapon lang umalis." ani Celine.
"Ang dami niyang message, Kailangan kong makapagpaliwanag sa kanya, na hindi tama ang mga iniisip niya,"
"Calm down, maiintindihan ka naman siguro niya, papunta na rito si Glen at baka kasama ang mga magulang ni Adrian. friend nila mommy ang mommy ni Adrian." anito.
"Yep! nakausap ko minsan ang mommy niya nasabi nga niyang magkakilala sila ni mommy, pero Celine ramdam na ramdam ko eh alam ko kaya siya umalis ay para makapag-isip at makalimot anong gagawin ko?"
"Erina, hindi ka makakapag-isip sa ngayon, hintayin nating mailagay si mommy sa magiging bahay niya saka natin pag-isipan," ani Celine.
Napayakap nalang siya sa dalagang pinsan.
Gustuhin mang muling kontakin ni Adrian ang dalaga ay nagdalawang isip siya kaya minabuti niyang lumabas nalang at mamasyal ng sa gayon ay makapagrelax ang isipan niya at mapag-isipan kung ano nga ba ang nararapat niyang gawin.
Nawili siya sa paligid kaya naman panandalian niyang naiwaglit ang sakit na kanyang nararamdaman..
Buong maghapon siyang nasa labas, wala rin namang nakakaalam sa numerong gamit niya kaya walang nakakatawag sa kanya.
Pagkaraan ng ilang araw ay naihatid sa pinagawang munting bahay sa sementeryo ang abo ng ina ni Celine.
"Erina anong plano mo ngayon?" tanong ni Glen sa dalaga.
"Hindi ko pa alam," aniya,
"Sabi nang mommy ni Adrian sa susunod na buwan pa ang balik niya rito sa Pilipinas so marami ka pang oras para mag-isip."
"Hindi ko naman siya masisisi aminado akong may kasalanan ako, nagkataon pa na kakasabi lang niya sa akin nang isang bagay,"
malungkot niyang turan.
"So alam mo na pala,"
"Oo, sinabi niya sa akin that night before we left Cebu,"
"Alam ko na mahal ka niya Erina, dahil nasabi na niya sa akin minsan, pero tama ka hindi natin siya masisisi dahil marami na siyang pinagdaanan,"
"He told me everything Glen,"
Ano ang gagawin ni Erina kapag nagkita silang muli?
Mabilis ang naging paglipas ng mga araw kaya pabalik na si Adrian ng Pilipinas.
Ang malaking katanungan ay kung nakalimot nga ba siya?
"Erina ngayon daw ang uwi ni Adrian, handa kana ba?" ani Celine.
Tumango lamang ito dahil ang totoo ay kinakabahan siya. Dahil walang kasigiraduhan ang lahat.
"Don't worry kaming bahala ni Glen, gagawa kami nang paraan para magkita at magkausap kayo."
"Salamat," aniya.
Alastres ng hapon lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Adrian sa NAIA.
Nagtaxi na lamang siya at nagpahatid sa subdivision kung saan naroon ang kanyang mga magulang.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nasa tapat na siya ng malaking gate ng kanilang mansyon..
Pinagbuksan siya ng guard..
"Welcome home hijo," anang kanyang ina.
Humalik siya sa pisngi nito.. "Ma magpapahinga na po muna ako," paalam niya..
"Sige hijo, pero kumain kana ba?"
"Saka nalang po ma," anito.
Hinayaan na lamang siya ng kanyang ina alam nitong pagod ang binata.
Samantala..
Hindi mapakali si Erina paroo't parito ang lakad niya..
"Erina maupo ka nga muna hilong hilo na ako sa'yo, Huwag ka munang magpanic dahil hindi pa naman kayo magkikita ngayon dahil tiyak na magpapahinga pa siya tsaka wala pang tawag si Glen."
"Ikaw kaya malagay sa situwasyon ko ewan ko lang," anito.
"Cuz huwag ka ngang ganyan, irelax mo nalang 'yang isipan mo, para kang bakang hindi makaanak eh!,"
Naupo siya sa tabi nito sa sofang nasa kanyang opisina.
Hindi niya maiwasang kabahan base narin sa mga natanggap niyang mensahe galing sa binata ay nasaktan niya ito.
"hindi mo naman sinasadya," sabi ng kanyang isipan.
"Umuwi nalang kaya tayo hapon na naman sa lagay mo na 'yan wala ka ring magagawang trabaho," yakag ni Celine sa kanya.
Umayon naman siya sa sinabi ni Celine.
Diretso ang akyat niya at pumasok sa kanyang kuwarto..
"Hayst huwag ka ngang kabahan Erina.." kastigo niya sa kanyang sarili..
Hanggang sa nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip.
Kinabukasan.
Maaga pa ay nakabihis na si Adrian babalik na kasi siya sa kanyang opisina..
"Balik opisina ka na agad?" ang kanyang ina.
"Ma nakapagpahinga na naman ako kaya babalik na ako." anito.
"Well, sige hijo."
Bago siya nagtuloy sa kanilang kompanya ay dumaan muna siya sa kanyang condo.
Papasok na sana siya ng nakita niya si Glen..
"Pare akala ko ba kahapon kapa dumating 'yon kasi sabi ng mama mo,"
ani Glen.
"Kahapon pa ako dumating dumeretso lang ako sa mansyon," anito.
"Oh, sige mauna na ako sa opisina, kita nalang tayo doon," paalam ni Glen.
Habang nasa kotse si Glen ay kaagad niyang tinawagan si Celine.
Ipinaalam niyang nakabalik na si Adrian.
"Cuz narito na sa Pinas si Adrian, baka biglang magkrus ang landas niyo kaya kailangan lagi kang handa sa paliwanag mo, I'm sure maiintindihan ka niya." ani Celine.
"Para akong nasa kalagitnaa nang giyera sa lagay na'to, kailangan maging handa."
"Aba mahal mo 'yong tao, kaya nga magpapaliwanag ka diba para magkaayos kayo, alam mo ikaw ang husay mo sa trabaho pero pagdating sa pag-ibig nagiging bobo ka,"
"Eh kung batukan kaya kita dyan!" nakaingos niyang turan kay Celine.
"Hay, ewan ko sayo, siya maiwan na kita rito may tatapusin akong design," paalam nito.
Nang wala na ang pinsan niya ay naupo na rin siya sa chivel chair niya at hinarap ang kanyang mga gagawin.
Lumilipad ang isip niya kung saan saan at pati oras ay nakalimutan na yata niyang lumilipas kung hindi pa tumunog ang tiyan niya tiyak na hindi pa niya pagkaabalahang tignan ang orasang pambisig niya.
Actually kanina pa kumakalam ang sikmura niya pero dinededma niya.
Kaya nangungunlit na ang mga alaga niya.
Napabuntong hininga siya bago tumayo at lumabas ng kanyang opisina para mananghalian kung tanghalian pa bang matatawag ang alstres ng hapon.
Busy naman si Adrian dahil kabilaan ang mga meeting niya sa mga investors nila..
May imemeet siyang clients by 4pm sa isang cafe. Kaya madalian niyang tinatapos ang ginagawa niya hindi na rin niya napagtuunan ng pansin ang kumain.
"Pare hinay hinay lang, hindi kapa naglulunch," ani Glen.
"Mamaya nalang pare, may imimeet akong clients sa isang cafe," anito.
"Ikaw ang bahala, puwede ba akong sumama?"
"Oh bigla yatang interesado ka sa mga meeting ko,"
"Sasamahan lang naman kita, tsaka wala naman kaming gagawin ngayon,"
"Sige," anito.
Alastres mediya ng lisanin nila ang kompanya. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan nila.
Papalabas na si Erina ng mabangga niya ang isang bagay, nakayuko kasi ito may kinukuha sa loob ng bag niya.
Napaangat siya ng mukha.
Nagtama ang paningin nila ng nakabunggo niyang walang iba kundi si Adrian..
"So-sorry," lumabas sa kanyang bibig.. as usual nauutal na naman siya aba kaharap niya ang binatang nagpapagulo sa isipan niya..
"Let's go Glen baka naghihintay na ang kameeting ko," anito na iniwas ang tingin sa dalaga.. Nagpatiuna ng naglakad..
"Pasensya kana Erina," hinging paumanhin ni Glen dahil sa inakto ng kanyang kaibigan.
"Okay lang, kasalanan ko naman hinahanap ko kasi 'yong susi nang kotse ko," anito.
"Sige, sundan ko na siya, pasensya kana ulit."
"Sige, mauna na rin ako may gagawin pa ako sa opisina," paalam rin ng dalaga.
Ouch ang sakit..
deadma.. No pansin lahat nangyari..
While she's driving back to her office. Dina nakaya nang mata niya kaya naiyak na siya. Kaya ang labas sa halip na sa opisina ang tuloy niya ay sa kanyang condo.
Pasalampak siyang dumapa at nag-iiyak sa kanyang kama pagkapasok niya sa kanyang kuwarto..
Celine call her many times pero wala siyang pakialam kahit walang tigil sa pagtunog ang cellphone niya.
Samantala.
Wala pa ang mga kameeting ni Adrian.
"Pare di'mo man lang kinausap 'yong tayo," ani Glen.
"Glen pare hindi pa oras para kausapin ko siya," anito.
"Kailan pare? matagal na siyang naghihintay na kausapin ka,"
"Para ano?"
"Siya lang makakasagot niyan,"
Natigil na ang pag-uusap nila ng dumating ang kameeting niya.
Si Erina naman ay nakatulugan na niya ang pag-iyak masyado siyang nasaktan sa pag-iwas ng binata.
Pansamantalang nagpaalam si Glen. Tinawagan niya si Celine, nag-aalala kasi siya para sa pinsan ng kanyang kasintahan..
"Babe nandyan ba Erina?" agaran niyang tanong kay Celine.
"Wala, kanina ko pa tinatawagan hindi niya sinasagot," ani Celine na nasa kabilang linya.
"Nagkita sila ni Adrian, pero iniwasan siya ni Adrian subukan mo kayang puntahan siya sa condo," anito.
"Ganun ba? sige susubukan ko siyang pùntahan,"
Tinapos na ng binata ang pag-uusap nila at bumalik na sa kinaroroonan ni Adrian.
Patapos na rin naman ang meeting nito.
Nagpaalam na ang investors na kinatagpo niya ng matapos sila..
"Kumusta pare?" si Glen.
" okay naman," kimi niyang tugon.
"Congrats pare."
"Salamat, babalik pa ako sa opisina, ikaw?"
"Hindi na, pupuntahan ko si Celine,"
"Ah, ganun ba? sige kita nalang tayo bukas," anito,. nauna na siyang lumabas.
Sumunod naman si Glen.
Kanina pa buzzer ng buzzer si Celine sa pintuan ng condo ni Erina pero walang nagbubukas, hindi na rin niya makontak ang cellphone nito hinuha niya nabatery empty na dahil sa hindi nalang yata isang daang beses niya ito sinubukan tawagan.
Kung anu ano na pumapasok sa kanyang isipan..
Inulit niya ng inulit ang pagbuzzer halos mapudpod na ang hintuturo niya ng bumukas ang pintuan at nabungaran niya si Erina na pupungas pungas pa..
"Ano kaba naman Erina, kanina pa ako buzzer nang buzzer, tsaka ano bang nangyari sayo at namumugto iyang mga mata mo?" panenermon nito.
"Pasensya kana nakatulog ako eh!"
"Nakatulugan ang pag-iyak ganun? pati cellphone mo nakatulog na rin?"
"Sorry,"
"Teka nga muna, totoo bang nagkita kayo ni Adrian?"
"O-oo oero iniwasan niya lang ako," malungkot niyang sabi.
"Kaya naman pala eh, akala ko nabigti kana,"
"Hindi ko gagawin ang bagay na iniisip mo Celine,"
"Alam ko, anong plano mo ngayon?"
"Hindi ko pa alam.."
No comments:
Post a Comment