What Makes A Man by Honey Cathleya


CHAPTER 4

NAGISING sila pareho bandang alastres ng hapon, parehong nakakaramdam ng gutom. Hinayaan lang ni Erina na kumalam ang kanyang sikmura matapos niyang maalala ang nangyari kanina lang, 
Naalala rin niyang sa karpet siya nakatulog kanina. "Papaanong nakarating ako rito?" tanong niya sa kanyang sarili.

Napatingin siya sa binatang dilat na rin ang mata at matamang nakatingin sa kanya. Pero umiwas siya.

"Binuhat kita kanina dahil nakatulog ka sa karpet habang nakaupo.." pambabasag ng binata sa katahimikan ng kanilang paligid.

Hindi parin kumibo ang dalaga. Kaya pinihit siya nito paharap sa kanya.

"Look Erin I'm sorry kanina," sabi nito ng maiharap na niya ang dalaga.

"You don't have to sorry, kasalanan ko naman, pinakialaman ko ang cellphone mo, so I must be the one to say sorry," saad niyang may lungkot sa kanyang tinig.

"Nope, may kasalanan din ako," sabi ng binata saka bumangon. Muli niyang binalingan ang dalaga. "Bibili ako nang pagkain sa labas, hintayin mo nalang ako rito," saad niya.

"Hindi ako nagugutom, ikaw nalang kumain," anito sabay talukbong.

"Hindi daw gutom kanina pa nagrereklamo 'yang tiyan mo. Come on Erin h'wag ka na kasing magtampo sorry na," palambing niyang sabi.

Hindi tumugon ang dalaga, hinayaan na lang muna niya ito. Pumasok siya sa banyo naghilamos at nagtoothbrush, pagkatapos ay lumabas na ito.

Narinig na lamang niya ang pagsara ng pintuan, Inilock din iyon ng binata.

Bumangon siya at nagpunta sa banyo ng wala na ito.

"Magtiis ka ngayon!, para sinagot lang ang tawag eh hindi na ako kinibo,  nakakahurt lang!" bubulong bulong niyang sabi. "Te emot to the max ka naman dyan, ikaw kasi nagseselos ka samantalang di naman kayo OA mo," pang-aasar ng kabilang bahagi ng kanyang isipan. "Oh eh ano ngayon, sa mahal ko 'yong tao malamang makakaramdam ako nang selos!" depensa ng kabila.

Para siyang nawawala sa katinuang kinakausap ang kanyang sarili.

Nahiga na lamang siyang muli, Naalala niyang tawagan muli si Celine dahil hindi niya ito nakontak kanina.

"Sa wakas binuksan mo na rin ang cellphone mo! ano bang nangyayari sayo Celine?" agad niyang sermon ng sagutin ni Celine ang tawag niya.

"Busy ako kanina, bakit ba parang ang sungit mo ha? meron kaba?" anang sa kabilang linya.

"Wala! busy heller wala yata sa vocabularyo mo ang salitang busy dati, himala ngayon meron na."

"Busy ako sa panlalake, aba malapit na akong mahulog sa kalendaryo wala parin akong mabingwit, ayokong mamatay na hindi natitikman ang specialty, bakit ba napakasungit mo ngayon? baka naman naglilihi kana, ang bilis naman isang linggo palang meron na agad agad..?"

"Gaga ka talaga, anong naglilihi pinagsasasabi mo dyan! Saan naman ako magnanakaw nang lalake para mabuntis ako aber?"

"Nandiyan naman ang fafa Adrian mo, naku kung ako ikaw matagal nang may nangyari sa amin, sabi mo magkasama kayo sa iisang kuwarto share sa kama, wow! may lalake pa palang ganyan ngayon," mahabang lintaya ni Celine.

"Ewan ko sayo, siya manlalake ka nalang, matutulog na ako! babay.." anito, pinutol na ang pag-uusap nilang magpinsan. Hindi siya mananalo sa kakadakdak kay Celine na parang abugada.

Narinig niya ang ingay mula sa labas kaya naman dali dali siyang nagtalukbong kunwari ay natutulog siya. Ngunit bigla siyang napabangon ng marinig niyang may kausap na babae sa labas ang binata.

"Nice too meet you Kei," anang binata bago pumasok.

"Aba'y nambabae ang loko," bulong niya sa kanyang sarili.

Bumalik sa pagkakahiga ng marinig niya ang mga yabag papasok sa kuwarto.

"Erin bumangon kana dyan alam kong nagugutom ka na," anang binata.
Hindi niya pinansin ito, nagpatuloy parin siya sa pagpapanggap na siya'y tulog na.
kumain ka mag-isa mo! hindi ako sinama sa labas mambabae lang pala," pipi niyang sabi.

"Baka kung mapano ka kasalanan ko pa, Erina please bumangon kana alam kong gising kana."

Dahil wala paring imik ang dalaga, Ay hinila niya ang kumot. Napatili ang dalaga. Nagpalit na kasi ito ng pantulog niya. Cotton short ang suot niya medyo manipis na t-shirt idagdag pa na wala siyang suot na bra.

Nakita niya ang pagtaas baba ng adams apple ng binata dahil titig na titig siya sa kabuuan nito. Humakbang palapit sa kanya ang binata hanggang sa nakita niyang yumuko ito gahibla nalang ang nasa pagitan nila.

Napapikit siya ng mariin. Ramdam na niya ang hininga ng binata, Ngunit ng maalala niyang may kausap itong babae kanina ay naitulak niya ito hinila niya ang kumot at muli siyang nagtalukbong.

Napakamot sa kanyang batok ang binata. "Grabe palang magtampo ang babaeng ito, kung di lang kita mahal ewan ko lang!" mahina niyang sambit.

"May sinasabi ka?" anito habang nasa loob parin ng kumot.

"Wala!" maikli niyang sabi. "Kung nagugutom ka may pagkain dyan, lalabas muna ako pupunta ako doon sa may pinapatayong building," paalam nito. Narinig na lamang niya ang pagsara ng pintuan ng kuwarto.

Gusto man niyang kumain pero nawalan na siya ng gana kaya itinulog na lamang niya ang gutom na kanyang nararamdaman.

Nakatulog nga siyang gutom. Nagising siyang alas otso na nang gabi pero wala parin ang binata.

Kinuha niya ang pagkain at naupo siya sa karpet, Nagsimula na siyang kumain.

Pagkatapos niyang kumain at nalinis niya ang kanyang kalat, pumasok siya sa banyo, nagsipilyo at bumalik muli sa pagkakahiga.

"Na'san na kaya 'yon? baka nambabae na naman," sabi niya sa kanyang sarili.

Nakatulugan na niya ang pag-iisip kung nasaan ang binata. Samantalang si Adrian ay papasok na sana ito sa kanilang kuwarto ng may tumawag sa kanya.

"Hi there," anang boses ng isang babae.

Nilingon niya ito. Si Kei ang babaeng nakilala niya kanina na todo pakyut sa kanya. Katabi lamang ng kuwarto nila ni Erina ang kinaroroonan ng dalaga.

"Hi," kimi niyang tugon.

"Iimbitahin sana kita for dinner, puwede ba?" anang babaeng nagpuppy eyes pa.

Gusto man niyang tumanggi ay hindi niya nagawa, pumulupot sa kanyang braso ang babae.

Iginaya siya nito sa kabilang kuwarto pasunod naman siya. Nang nakapasok na sila ay pinaupo siya nito. pagkatapos ay kumandong ito sa binata.

Labas ang kalahati ng dibdib nito dahil may kalakihan ang kanyang hinaharap, maiksi din ang suot niyang palda kaya halos kita na ang kanyang kaluluwa.

Napalunok ng paulit ulit ang binata at ramdam na ramdam niya ang pagkabuhay ng kanyang alaga, katulad kanina ng makita niya si Erina, kung hindi lang siya itinulak ng dalaga tiyak na nakagawa siya ng bagay na matagal na niyang pinipigilan.

Nagsisimula ng alisin ni Kei ang butones ng kanyang polo. Napahawak siya ng mahigpit sa baywang ng babae ng hinaplos nito ang kanyang dibdib, nagdadala ng matinding init sa kanyang katawan dahilan upang mas lalo pang magpumiglas ang kanyang alaga. Hindi na siya nakapagpigil at nakiayon na siya sa nais mangyari ng dalga.

He just find out himself on top of Kei bed with naked body and playing on the fire with her. His hand enjoying playing inside her lower body while the other one is on the other side of her breast playing like he make an bola bola. At ang isa ay nasa kanyang bibig.

Tanging mahihinang halakhak ang kumakawala sa bibig ng ni Kei pagkatapos niyang umungol. Nang nagsawa na siya sa paglalaro, He was about to enter on the gate of cave ng biglang pumasok sa kanyang isipan ang dalagang nasa kabilang kuwarto at hindi niya alam kung kumain naba ito o hindi.

Pabigla siyang bumangon at bumaba sa kama saka dinampot at mabilisan niyang isinuot ang kanyang mga damit.

"Why?" takang tanong ng dalagang halata ang pagkabitin.

"Im sorry, alis na ako," tanging sinabi niya.

Nagmamadali siyang lumabas. At nagmamadali ring pumasok sa kanilang kuwarto
Nadatnan niyang tulog ang dalaga. Kaya dumeretso na lamang siya sa banyo at naligo.  Pagkatapos niyang naligo ay humiga na siya sa tabi ng dalaga.

Erina sleeping peacefully, muli niyang pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Then he just find out his lips kissing Erina. Lumalim ang halik na kanyang ginagawa hanggang sa naramdaman niyang gumalaw ang dalaga at tinutugon nito ang kanyang halik.

MAINIT na halikan ang namagitan sa kanila. Halik na puno ng pagmamahal at pananabik, naging sapat para sa dalaga upang mapanatag ang kanyang Kalooban.

Yumakap siya sa binata at malayang muling nakatulog na nakaunan pa sa bisig nito. Wala man kasiguraduhan ang lahat ang importante masaya siya habang kasama niya ang binatang itinatangi ng kanyang puso una pa lamang niya itong nakita.

Malaki ang nagawa ng halik na 'yon upang maibasan ang kanyang pagtatampo sa binata.

Maaga siyang nagising kinabukasan..

"It's too early, stay we're you are," anang binata, kinabig siya nito dahilan upang siya'y muling mapahiga.

"May trabaho pa tayo," anito.

"Hey baby today is Sunday, rest day, stay beside me," anang binatang nakapikit parin ang mata.

Wala naman siyang nagawa kundi ang sundin ang binata, ayon na rin sa sinasabi ng kanyang puso. She is more happier when she heard Adrian call her baby..

"How sweet this guy beside me, I wish to be with him forever," hiling niya.
Mababaw man ang kaligayahan niya, so what?, what was important she's happy right now, She truly,  madly and deeply inlove to Mr. Adrian Andrade.

Isiniksik niya ang kanyang mukha sa dibdib ng binata. Dinama niya ang init ng katawan nito.

Hindi naman siya makatulog dahil sanay siyang nagigising ng maaga. 
Nanatili na lamang siyang dilat. "Ķung may kahihinatnan man ang lahat ako na ang pinakamasayang babae, But if ended with nothing I would take the risk atleast naranasan kong naging masaya sa piling niya," katagang nabuo sa kanyang isipan.

"Nagugutom na ako," anang dalaga.

Napadilat ng mata ang binata ng marinig niya ang sabi ni Erina.

"Umorder nalang tayo," anito.

"Sige," aniya..

"Hintayin na lang natin, tinatamad pa akong lumabas." ani Adrian.

"Ah-eh San ka pala nagpunta kahapon bakit ang tagal mong bumalik kung hindi mo pa ako ginising hindi ko mamalayang dumating kana pala,"

"Sa mga trabahante, pagbalik ko tulog na tulog ka."

"Kaya sinamantala mong halikan ako," anito.

"It's suppose to be goodnight kiss kaya lang ang tamis nang labi mo, ginantihan mo naman, so lalake lang ako mabuti nga nakapagpigil pa ako. " anang binata.

Ramdam niyang may kakaiba sa halik ng binata, may kung anong nais iparating sa kanya. Kaya lang ay iba parin para sa kanya ang 'yong manggagaling din mismo sa bibig nito ang isang salita.

"Oh natahimik ka dyan, nagtatampo ka na naman ba?, kung bitin ka di ulitin natin," biro nito sa dalaga, Naglakbay kasi ang isip nito sa kung saang dako pa roon.

"Tse! nagugutom lang ako, ikaw ba naman ang isang beses lang kumain sa isang araw." anito, Ng nakabalik na sa kabihasnan.

Sasagot pa sana ang binata pero naunahan ng katok mula sa labas ng pintuan..

"Nandyan na ang pagkain, bumangon kana," anito sa dalaga saka tumayo at pinagbuksan ang room boy na tagahatid ng pagkain.

Napapangiti naman ang dalagang nakaharap sa salamin. Para na silang may relasyon kung tutuusin.

"Erin bilisan mo lalamig na ang pagkain," sigaw ng binata, Ilang minuto na kasi itong nasa loob ng banyo at kausap ang kanyang sarili.

"Nandyan na," sigaw na. Inayos niya ang kanyang sarili bago lumabas.
Magkatabi sila habang kumakain..

"Sabi pala nang mommy mo pauwi na siya," maya maya sabi ng dalaga.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Eh kasi naman hindi mo ako kinibo kahapon," anito.

"Kaya ka nagtampo at umiyak?"

"Alangang tumawa ako, nahurt kaya ako sa ginawa mo,"

"Okay, I'm sorry.."

"Okay lang, tsaka tapos na 'yon.."

Habang abala sila sa pagkain ay may kumatok sa kanilang pintuan. Nagkatinginan sila. "Sino kaya 'yan?" si Erina.

Nagkibit balikat ang binata.. "Ako na magbubukas," anito.

Tumayo na ito at tinungo ang pintuan,  para lamang magulat sa kanyang napagbuksan.. "Hi, good morning, " ani Kei..

"Hi, ikaw pala, bakit?" si Adrian..

"Wala naman, nagbakasakali lang ako kung nandyan ka," anitong panay ang pakyut.

Dahil sa hindi na niya mahintay na bumalik ang binata ay sinundan niya ito sa may pintuan.

"Ang tagal mo naman, sino ba-" Hindi na naituloy ng dalaga ang kanyang sasabihin pagkakita sa babaeng nasa labas ng pintuan. "Wow lang ah, mahal naba ang tela ngayon, nagdamit pa siya eh kita na halos kaluluwa niya.." anang malikot niyang isipan..

"Oh, may kasama ka pala, Wife mo?" si Kei.

"Ay, hindi kabit niya malamang.." mataray na turan ni Erina. Napatingin sa kanya ang binata..

"Well, di naman nakapagtataka dahil kita sa itsura ni Adrian, kaya pala binitin niya ako kagabi," anitong may nakakainsultong ngiti.

Nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ang binata..

"Mag-uusap tayo mamaya!!" ani Erina, saka na sila iniwan..

"Kei ano bang kailangan mo?" naiiritang baling nito sa dalaga ng nakaalis na si Erina,  alam niyang galit na naman si Erina sa kanya, kakabati nga lamang nila kagabi. Ngayon ihahanda na naman niya ang kanyang sarili sa digmaan..

"Namiss lang kita, tsaka alam mo namang nabitin ako kagabi, ang saklap 'nun ah!" anito.. "May kakapalan rin ang mukha nito, di na nahiya, well hindi na ako nagtataka mukhang trabaho niya ang ganun.." sa isip niya.

"As you see, galit na naman siya sa akin, kakabati lang namin kagabi. Ngayon sigurado galit na naman siya, bakit mo ba kasi binanggit ang nangari kagabi?"

"Hindi ko naman kasi alam na kasama mo pala ang babae mo," anito..

"She's not my mistress,  she's my one and only," mahinang sabi niya, hanggat maaari ay ayaw na muna niyang magtapat sa dalaga gusto niyang masiguro na iba si Erina sa mga babaeng nagdaan sa buhay niya darating ang araw na sasabihin niya ang katotohanan sa pagkatao niya dati, dahil natitiyak niyang malalaman din'yon ng dalaga. At kung ano man ang kahihinatnan nito'y atleast mapaghandaan niya.

"Oh, I see, sorry for bothering you,  anyway sa kabilang room lang ako kung kailangan mo ng mapagpapalipasan alam mo na," anito, bago umalis.

Maingat niyang isinara ang pintuan, saka bumalik sa kinaroroonan nila kanina ngunit wala ang dalaga. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo.

Erina was enter into the bathroom when she got back right from the door where she saw Adrian and Kei talk'n, Nasaktan siya sa sinabi ng babae.
Kasabay ng lagaslas ng tubig mula sa shower ay ang sunod sunod na pagbagsak ng kanyang mga luha..

"I hate you so much,  sinungaling.." sabi niya habang humihikbi sa loob ng banyo.

"Te dika naman baliw no?, lumabas ka kaya at sabihin mo 'yan sa harap niya," sabi ng kabilang bahagi ng isipan niya.. Ang tanong nga lang magagawa ba niyang sabihin iyon sa binata, gayong wala naman siyang karapatan..

Nang nahimasmasan na ay nagpasya na siyang lumabas.. Naroon ang binata  na tila hinintay siya.. Tumayo ito at lumapit sa kanya ngunit umiwas siya..

"Erin let me explain please, talk to me," anitong sa nakikiusap na tinig..

"Wala ka namang dapat ipaliwanag sa akin, Magkasama lang naman tayo sa project kaya tayo narito at wala sa honeymoon, dont worrry I wouldn't mind your affairs,"

"I don't have an affair with her, Nagkakilala lang kami that's all.."

"Binitin mo daw siya, so it means galing ka sakanya kagabi at hindi sa may pinapatayong building, Wala naman sigurong masama kung sinabi 
mo ang totoo diba?"

"Fine, nag-usap lang naman kami kagabi, pero hindi naman nagtagal, naalala kita na hindi kapa kumakain, kaya nagmadali rin akong nagpaalam sa kanya, kaya lang tulog na tulog ka nang dumating ako, nakita kong wala na ang binili kong pagkain kaya hindi na kita ginising dahil alam kong kumain ka rin," mahabang paliwanag niya..

"At 'yong halik mo ang ipinakain mo sa akin, malay ko ba kung nakipaghalikan ka doon sa Kei mo, mahawaan pa ako.."

"Erina please, nagpaliwanag na ako, I'm sorry. ." anito.

Hindi na sumagot ang dalaga, Dinampot niya ang mp4 niya ilinagay sa tainga niya ang headset dinig na dinig ng binata ang tugtog nito kaya nanahimik na siya..

Napabalik siya sa sofa at doon nahiga, alam niyang galit ang dalaga, At hindi niya maitatangging mahal siya nito base na rin sa mga kilos niya. 
Maghihintay siya ng tamang pagkataon upang makapagtapat, sa ngayon ay ang project na muna nila ang bibigyan niya ng pansin ang importante ay kasama niya at naaalagaan ang dalaga.

Ang katanungan nga lamang ay kung papaano niya ito susuyuin..

No comments:

Post a Comment