CHAPTER 5
MAGHAPONG hindi kinausap ni Erina ang binata.
"Sir, mukhang may LQ kayo ah!" anang isa sa kanilang mga engineer.
"Kasalanan ko naman kasi," pag-amin nito..
"Mukhang nagtatampo sayo, ano bang nangyari?"
"May nakilala akong babae noong isang araw sa restaurant malapit sa hotel na tinutuluyan namin, malay ko bang may pagkaadik sa toot inimbitahan niya ako sa kuwarto niya, ako naman si tanga pumayag,"
"Yan ang mahirap sa guwapo sir mabuti hindi ka iginipos nun."
"Loko, hindi naman ako papayag na gawin niya 'yon, kung si Erina ang gagawa ako pa mismo magtatali sa sarili ko para sa kanya, " anito.
"Naku sir masama rin ang tama niyo kay ma'am Erina,"
"Tama ka, pero huwag mo munang mababanggit banggit sa kanya ang mga sinabi ko, hindi pa tamang panahon para malaman niya ang tunay kong damdamin para sa kanya," bilin nito.
"Makakaasa po kayo, naiintindihan ko ang ibig niyong sabihin."
"Salamat.."
Kilala na siya ng enhinyero ng kanilang kompanya, alam din nito ang katauhan niya dati dahil ito ang kasa-kasama niya sa out of town project nila mula noon pa man..
Buong maghapon siyang iniwasan ng dalaga, nauna rin itong bumalik sa hotel na dati rati ay magkasabay sila. kaya pinagkakamalan silang magsyota ng ibang tauhan ng hotel.
Pabagsak siyang naupo sa sofa, Pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang katawan, naihiga niya ng wala sa oras dahil sa nararamdaman niyang antok sa nagdaang gabi kasi ay hindi siya nakatulog ng maayos, hindi kasi tumabi sa kanya ang binata pinagkasya niya ang sarili nito sa sofa.
Hindi nalang muna umuwi si Adrian nakipagkuwentuhan nalang muna ito sa mga trabahante nila habang sumisimsim sila ng alak.
Habang si Erina ay payapang natutulog sa sofa..
"Sir baka hinihintay kayo ni ma'am Erina," ani engineer Lucas.
"Mainit ang ulo niya, galit siya sa akin," anito..
"Naku sir kanina ko pa po napapansin parang malungkot siya, pansin ko rin hindi kayo magkasama,"
Si Engineer Lucas ay tauhan ni Erina..
"Uuwi na din po ako maya maya baka hindi pa kumakain 'yon," anito..
Alam na alam niyang hindi pa naghahapunan ang dalaga dahil siya ang taga order ng pagkain para sa kanilang dalawa, namimiss niya ang mga ngiti nito, anong magagawa niya aminado siyang may kasalanan siya nagsisisi tuloy siya dahil sa hindi niya pagtanggi kay Kei. "Nasa huli nga talaga ang pagsisisi," aniya sa sarili
Nagpaalam na siya sa mga tauhan nila.
"Ihahatid na po namin kayo sir," presenta ng kanyang mga kasama.
"Hindi na po, malapit lang rito ang hotel." pagtanggi niya. Hindi na naman nagpumilit ang mga ito. Hindi naman siya lasing..
Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kanilang inokyupang kuwarto, inaalala niyang baka makita na naman siya ng babaeng dahilan kung bakit hindi siya pinapansin ni Erina.
Bitbit niya ang pagkaing binili niya sa reataurant na madadaanan nila tuwing umuuwi sila sa hotel, minsan kumakain na rin sila roon bago magtuloy, ngayon nga lamang at state of calamity sila ng dalaga..
"Erin, wake up,," panggigising niya sa dalaga.. Gumalaw ang dalaga saka nagmulat ng mata. Napabangon ito bigla ng makita niyang malapit ang mukha ng binata sa kanyang mukha..
"Hahalikan mo na naman ako!!?" akusa nito.
"Hindi, ginising lang kita para makakain ka.." anang binata.
Ilinapag niya ang binili niya sa lamesa, saka na siya nagtuloy sa banyo para makapaligo.
Saka naman kumain ang dalaga.. "Ikaw naman kung makapagtampo ka parang magjowa kayo," panunukso ng kanyang kaisipan..
Nagpatuloy siya sa pagkain, Sakto namang patapos na siya ng lumabas si Adrian mula sa banyo..
Walang salitang lumalabas sa bibig nito habang pinupunasan niya ng tuwalya ang basa nitong buhok..
Si Erina naman ay isinasaayos niya ang mga pinagkainan niya, iwas na iwas ang tingin sa binata.
Nagkakahiyaan sila walang gustong maunang bumasag sa nakabibinging katahimikang bumabalot sa buong kuwarto.
Pumasok sa banyo ang dalaga na walang anumang salitang binitiwan, Si Adrian namang naiwan ay pumunta sa sofa at doon nahiga na. kaya pagkalabas ni Erina mula sa banyo tulog na ang binata.
Naawa siya sa itsura nitong bahagyang nakabaluktot kaya naman naglakas loob na siyang gisingin ito upang palipatin sa kama. "Adrian wake up!" anito..
Dumilat ang mga mata ng binata.. "Bakit?" pormal niyang tanong,.
"Eh kasi nakabaluktot ka, lumipat kana doon sa kama,"
"Okay lang ako rito, alam ko namang hindi ka komportableng katabi ako,"
"Sorry na po, wala naman akong karapatang magalit sa inyo, kaya lang nagsinungaling ka kasi." anang dalaga..
"Matulog kana, h'wag mo akong alalahanin okay lang ako," anito..
Malungkot siyang bumalik sa kama at nahiga, Agad siyang nagtalukbong, Sa loob ng kumot ay impit siyang umiiyak..
Napansin naman ng binata ang mahinang paggalaw ng balikat nito dahil nakatagilid siya at nakaharap sa ibang direksyon. Ayaw niya na umiiyak ang dalaga ng dahil sakanya dahil nasasaktan siya ng sobra, kaya naman lumipat na siya sa kama at niyakap ang dalaga mula sa kanyang likuran..
Napatigil sa pag-iiyak ng maramdaman niya ang yakap ng binata. Nagpanggap siyang tulog, Lihim niyang hiniling na huwag siyang ipaharap ng binata dahil tiyak na makikita nitong umiiyak siya..
Mababaw ang luha ng dalaga, kaya konting bagay lang iiyak na kaagad minsan pang pinatignan ito ng kanyang mga magulang sa doctor dahil sa nag-aalala silang baka may sakit na sa puso. Ngunit normal ang lumabas na resulta ng pagsusuri sa kanya..
Nagising siyang wala ang binata sa kanyang tabi, iginala niya ang kanyang paningin, nakita niya itong kampanteng nakaupo sa sofa at humihigop ng kape..
May mga nakatakip naring pagkain sa lamesa..
"Hi good morning," bati niya.
Tumingin sa kanya ang binata.. "Good morning too." pormal niyang tugon..
Bumangon siya at nagpunta sa banyo diretso ligo na ang ginawa niya.
Magkasabay silang pumunta sa may pinapatayong mall.
"Sorry pala ah, masyado yata akong naging emosyonal samantalang wala naman tayong relasyon bukod sa magkasama sa proyektong ito," anang dalaga.
"Kalimutan mo na 'yon kasalanan ko rin naman," anito..
"Balang araw magkakaroon kana nang karapatan sa akin," sabi niya sa kanyang isipan..
"Hindi ka na galit?"
"Bakit naman ako magagalit?, kalimutan mo na 'yon hayaan mo hindi na ako makikipag-usap kay Kei hindi kasi ako sanay na hindi tayo nagkikibuan, " anito sa dalaga.
"Ako rin naman," aniya..
Bumalik na muli sa normal ang lahat sa kanila. Wala ngang hindi naaayos kapag pinag-uusapan ng maayos..
Habang siya ay nakaupo sa isang silya ay tumunog ang kanyang cellphone..
" Celine is calling wait lang ah, sagutin ko lang.."
(" Helllooooooooo... cuz kami na, as in kami na!!!!!" tili ng nasa kabilang linya hindi pa man siya nakapagsalita.. Bahagyang nailayo niya ang cellphone sa kanyang tainga...
"Ano kaba naman!, may balak ka bang basagin ang eardrum ko," singhal niya sa kanyang pinsan.
"I'm sorry my dear cousin I'm just excited na ibalita sayong may boylet na ako.."
"Ano? nawala lang ako may boyfriend kana?, sino namang malas na lalake?"
"Tse! malas ka dyan sa ganda ko ba namang ito mamalasin siya, At si Glen lang naman na kaibigan ni Adrian,"
"What?, wow lang ah ang bilis naman yata!"
"Hindi na uso ang babagal bagal ngayon cuz baka mapag-iwanan," anito..
"Ewan ko sayo, siya busy pa ako, Bye!" paalam niya, Tiyak niyang hindi titigil ang kanyang pinsang dumakdak kaya kailangan na niyang putulin ang pag-uusap nila..
"Oh anong sabi ni Celine," si Adrian..
"Ayon muntikan nang mabasag eardrum ko sa tili niya, may boyfriend na raw siya at ang kaibigan mong si Glen."
"Ano!?"
"Sila na daw," pagkukumpirma nito..
"Alangya talagang matinik sa chicks ang kaibigan kong 'yon," anito..
"Baka naman paiyakin lang niya ang pinsan ko,"
"Nope! kilala ko si Glen kapag seryoso sa isang babae kaya wala kang dapat ipag-alala," anito.
"Hay mabuti pa siya nakahanap na," mahina niyang sambit..
"Anong sabi mo?" anito, narinig kasi niyang bumulong ang dalaga.
MALAPIT ng matapos ang buliding na kanilang ipinapatayo, Mahigit sa anim na buwan na sila doon.
"Anong plano mo pagkatapos nito?" tanong ni Erina habang sila ay nakaupo at kasalukuyang nagpapahinga.
"Hindi ko pa alam, Saka ko nalang isipin kapag nasa Manila na ako, eh ikaw?." anito.
"Ako sa opisina na naman, hindi kasi ako mahilig magbakasyon, tsaka boring kapag walang kasama."
"Pareho pala tayo,"
Napangiti nalang ang dalaga, She thought they're compatibles may mga bagay kasi, ugali at nakahiligan sila pareho.
"Halika na, maglunch na tayo, nagugutom na ako." si Adrian.
"Okay," kimi niyang sagot.
Magkasabay na silang umalis sa pahingahan nila at nagpunta sa paborito nilang restaurant malapit sa hotel kung saan sila kasalukuyang tumutuloy..
Hindi na rin nakipag-usap si Adrian kay Kei kaya wala na silang naging tampuhan, Lagi silang magkasabay at masayang magkasama, lalo pa silang nagkalapit nga lamang ay , malapit ng matapos ang sadya nila doon kaya naman pagbalik nila sa Manila ay kanya kanya na muli sila..
Pareho silang may responsibilidad sa kani-kanilang mga kompanya..
"Adrian bago tayo bumalik sa Manila pasyal naman tayo kahit sa resort lang," ani Erina habang sila'y pabalik na sa kanilang trabaho.
"Iniisip ko rin 'yan, magrelax muna tayo bago umuwi para naman makahinga kahit papaano,"
"Erina halimbawa bang may malaman ka tungkol sa akin o sa nakaraan ko lalayuan mo ba ako?" Tanong ng binata di niya namalayang naisatinig niya..
"What do you mean?"
"Wala lang, just asking," aniyang nagkibit balikat..
"Depende kung ano man 'yon,"
"Ah just forget about it, Anyway tumawag naba ulit si Celine sayo?, hindi kasi sumasagot si Glen sa mga tawag ko eh!" pag-iiba niya sa usapan..
"Hindi pa, baka busy lang sila, alam mo naman kapag bagong relasyon," anito..
Natigil nalang sila sa kanilang pag-uusap ng nasa building na sila. May mga kailangan silang ayusin doon dahil may pinadagdag na designs, So kailangan niyang ayusin as a architect of Andrade group of companies which is they contructing to build buildings to any point of Phillipines and other countries, Erina is a designer and Bussines Management graduated, siya ang magdedesign sa building kaya sila naroon.
For two inspired people they don't feel tired, Hindi nila namalayan ang paglipas ng oras, Kung hindi pa napatingin si Adrian sa orasang pambisig niya ay wala silang kamalay malay ma mag-alasais na ng hapon, Hindi naman kasi sila pinapakialaman ng kanilang mga trabahante.
"Erina it's almost six na pala, bakit wala man lang pumunta rito at sabihan tayong time out na," ani Adrian sa dalagang busy parin sa kanyang ginagawa.
Nagkibit balikat siya.. "Nahihiya na naman siguro sila, alam mo naman mga 'yon," anito..
"Well labas na tayo baka pati sila naroon parin at nagtatrabaho," yakag ng binata..
Magkasabay silang lumabas mula sa nagsisilbing opisina nilang dalawa..
Nagpapahinga na ang kanilang mga trabahande.
"Mukhang masyado kayong masipag ngayon ah sir, ma'am." ani engineer Carlos..
"May pinadagdag na design para sa building, Kailangan maiayos para hindi magulo," anang binata.
"So magakaroon nang extension ang pamamalagi natin rito sir?"
"Nope! hindi naman gaanong malaki, sige po mauna na kami mukhang pagod na rin si Erina," saad niya. .
"Sige po sir," anang engineer.
Inakbayan niya ang dalaga at naglakad palabas.
"Kakain nalang muna tayo bago tumuloy sa hotel alam kong pagod kana rin," saad niya habang sila ay naglalakad.
Tumango lamang ang dalaga, ayaw niyang magsalita at aniya baka magkandabulol siya, kakaiba kasi ang dating sakanya ng akbay ng binata may kung anong kumikiliti sa kanyang batok papunta sa kung saan..
"Okay ka lang?, bakit ang tahimik mo yata?" maya maya'y tanong ng binata sa kanya..
"O-okay lang ako, a-ano kasi eh," sinasabi na nga ba niyang magkandabulol siya eh, bakit ba kasi ang lakas ng apeal ng binata..
"hayst bakit ba ako nagsalita pa".. turan niya sa kanyang sarili. .
"Sigurado ka? baka gutom ka lang," anito.
Tango nalang muli ang isinagot niya.. Kung bakit kasi nakaakbay parin sa kanya ang binata, kaya ang mga nakakita sa kanila ay di mapigilang kiligin sa itsura nila..
"Ako nalang umorder ng pagkain natin, hintayin mo nalang ako rito," anang binata sa kanya..
"Oh ano te saan kapa? kung ituring ka niya parang princesa manhid na puso lang ang di makaramdam na may pagmamahal sa isang babae ang ganyang kilos ng isang binata.." maghabang lintaya ng kanyang pagkatao..
Naalala tuloy niya ang sinabi ni Adrian kaninang tanghali sa kanya.
Napaisip siya hanggang sa lumalim na ang nakarating ng kanyang kaisipan.. Na kung hindi pa siya kinalabit ng binata ay hindi pa niya mamamalayang nakabalik na ito at dala ang mga pagkaing inorder niya..
"Ano bang nangyayari sayo?, may sakit kaba?" magkasunod na tanong ng binata sa kanya ng nagbalik na sa kabihasnan ang kanyang kaisipan..
"Wa-wala, may naalala lang ako," anito..
"Kung may problema ka sabihin mo sa akin hindi 'yong ganyan na matamlay ka, sige kumain kana at nang makapagpahinga na tayo,"
Hindi na siya tumugon, kumain na lamang siya. Iniisip kasi niya kung ano nga ba ang sinasabi ng binata kanina tungkol sa pagkatao o sa nakaraan nito..
Tahimik sila habang kumakain, Pinapaikiramdaman ng binata ang mga kilos ng dalaga.
Pagkatapos nilang kumain ay dumeretso na sila sa Hotel na kanilang tinutuluyan..
Lumalalim na ang gabi dilat na dilat parin ang mata ng dalaga, naging palaisipan niya ang bagay na nabanggit ni Adrian. Ngunit wala naman siyang lakas ng loob isatinig ang nais nitong itanong..
Samantalang tulog na tulog ang binata sa kanyang tabi, Naenganyo siyang pagmasdan ang mukha nito Naaaninag naman niya dahil sa liwanag na nagmumula sa lampshade.
Mula sa mga mata niyang nakapikit na may malantik na pilik, ang matangos niyang ilong at ang manipis nitong mga labi na ilang beses na niyang natikman. Every part of his face was so perfect, Adrian's a man which called complete package, from being famous, rich and handsome, idagdag narin ang maganda nitong katangian na bahira nalang makita sa mga lalake.
Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog basta't ang huli niyang naaalala ay pinagmamasdan niya ang mukha ng binatang nakaharap sa kanya habang mahimbing at payapang natutulog kasabay ng isang pangarap na nabuo sa kanyang kaisipan..
Maganda parin naman ang gising niya kahit halatang puyat..
"Erin haven't you slept last night? si Adrian.
"Hindi masyado," kimi niyang sagot.
"Alam mo parang may hindi ka sinasabi sa akin o mas tamang sabihin na may nais kang sabihin pero hindi mo masabi,"
"Wala, Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos kagabi."
"Sigurado kang okay ka lang? you can stay here kung masama ang pakiramdam mo ako nalang pupunta doon,"
"Nope! okay lang ako, tara na!" yakag niya sa binata.
Nagpatiuna ng naglakad, napasunod na lamang siya.
Hindi parin maiwasan ng binata ang magtaka pero wala naman siyang magagawa dahil sa ayaw namang magsabi nito kung ano man ang gumugulo sa kanya o kung ano ang nararamdaman niya.
Lumipas pa ang mga araw, Konti nalang ang trabaho nila which means malapit na muli silang bumalik sa kanilang totoong mundo ang kani-kanilang opisina, panibagong trabaho at iba pa.
Wala naman silang naging problema habang sila ay naroon maliban
lamang sa mga tampuhan nila noon. Ang tanong ay kailan nila maamin ang pagmamahal nila para sa isa't isa?
No comments:
Post a Comment