CHAPTER 2
"HI cuz kumusta ang meeting mo with Mr. Andrade?" agarang tanong ng pinsan niyang si Celine pagdating niya sa opisina, nadatnan niya itong halatang hinihintay siya.
"Okay naman, we're end by closing deals and signing a contract, by next week ay sisimulan na ang project," anito sa kanyang pinsan.
"Wow! that's great cousin makakasama mo ang isang young Andrade."
Napangiti siya sa tinuran ni Celine. "Ops and what's that smile for?" si Celine muli.
"Goddess handsome cousin I'm sure kapag nakita mo maglalaway ka, ang cute nang mga mata niya pati lips niya wow sa porma," di niya napigilang lumabas sa kanyang bibig.
"Woah Erina ngayon lang yata kita narinig na nagbitaw nang ganyang mga salita sa isang lalake."
"Eh sa kanya lang naman kasi naglikot ang mata ko, pati yata puso ko eh sumasayaw, and you know what while he is talking he laid his eyes on me na talaga namang nagpakilig nang todo sa akin, pero siyempre hindi ko pinahalata you know me naman, work is work."
"Yes I know you as a workaholic woman, Ang laki laki na nga nitong kumpanya trabaho ka parin nang trabaho nandyan pa naman sina daddy. Baka tumanda kang dalaga niyan, mayaman nga wala namang pamilya,"
"Wow look who's talking, para namang may boyfriend ka!"
"Wala sa ngayon, naghuhunting ako nang mga fafa no, at nararamdaman ko malapit na akong makabinguwit," ani Celine.
Magkapatid ang kanilang ama, pinalago nila ang kumpanya magkasundo naman ang kanilang mga magulang kaya mas lalong lumago at nagkaroon ng mga sangay sa iba't ibang lugar,
"Sira ka talaga, sino naman sa akala mo ang mamahala nito kapag matanda na sila aber!?" ani Erina.
Celine known as a designer kaya siya ang nasa garments department ng kompanya. Si Erina naman ay nagtapos sa dalawang kursong pawang may kinalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya dahil pareho silang walang kapatid.
"Di tayong dalawa," ani Celine.
"Naman pala eh, kaya kailangan nating matuto at pag-aralan ang lahat, dahil sa negosyo hindi uubra ang charm sa mga investors, " anito.
"Fine panalo kana, pero cuz diba close na ang deals so kailangan nating icelabrate 'yan! aba'y magiging busy kana next week dahil out of town ka kasama si Mr. Andrade, Ano pala ang full name niya?"
"Adrian Andrade," sagot niya, hindi niya pinansin ang iba pang sinabi ni Celine.
"Wow pangalan palang cuz yummy na, pero teka huwag mong kakalimutan ang celebration natin ngayon, siya balik na ako sa opisina ko, vavou. ." paalam nito.
Wala siyang nasabi, iiling iling na lamang siya kilala niya ang pinsan niya at wala siyang magagawa kundi sumama rito mamaya.
Wala naman siyang masyadong gagawin sa linggong ito kaya okay lang na lumabas sila ni Celine.
Samantala si Adrian ay kanina pa tahimik habang nag-iisip kaya hindi na niya napansin ang pagbukas ng pintuan at pumasok si Glen.
"Mukhang busy ang isip natin ah!" pukaw nito sa binatang lumilipad ang isip. Saka pa lamang napabalik sa realidad si Adrian pagkarinig niya sa boses nito.
"Anong ginagawa mo rito?" si Adrian.
"Let's celebrate pare, I heard na naiclose ang deal niyo kay Ms. Enrique," ani Glen.
"Ang bilis namang nakarating sayo, kanino mo naman nalaman aber?"
"Come on Adrian, nasa iisang kompanya lang tayo," anito. Glen work at their company isang executive ng kanyang ama.
"Fine, pero ayoko muna sa club or should I say ayoko ng gumamit ng babae sa club, " aniya.
"Sure pare, magbar na lamang tayo, tatawagan ko nalang sina Ricky."
Tumango lamang siya bilang sagot. Nagpaalam na si Glen sa kanya.
Muling nagbalik sa kanyang isipan ang dalagang kanina lamang niya nakita't nakilala. Erin has a perfect body at may malalantik na pilik mata, katamtamang tangos ng ilong at ang manipis nitong kulay pink na labi idagdag pa ang katamtaman nitong tindig.
Sa dinami dami na ng babaeng dumaan sa buhay niya ngayon lamang siya nakakita ng kakaibang pigura ng isang babae na wala sa mga una ng dumating sa kanyang buhay.
Ginugulo na ni Erina ang kanyang isipan and to think na makakasama niya ito sa iisang project sa Cebu itatayo kasi nila ang isang mall doon matagal-tagal rin silang magkakasama ng dalaga at may posibilidad na magkalapit sila.
Sa opisina ni Erina matamang inaayos niya ang mga papeles na pinirmahan niya, bago niya tinawag ang kanyang secretarya gamit ang intercom para kunin at dalhin nito sa opisina ng kanyang ama ang mga dokumento.
"Ready!?" ang biglang sulpot na si Celine.
Napalingon sa pintuan ang dalaga.
"Sobra ka naman yatang excited cousin," anito.
"Not just excited, but too much excited, tsaka kailangan pa nating magpalit ng damit alam mo namang bawal sa night out ang attire natin kapag nasa opisina."
"Oo na sige na mauna kana sa baba hintayin mo ako doon," pagsuko niya dahil tiyak na hindi siya titigilan nito.
Buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya lumabas sa kanyang opisina. Bago siya nagtuloy sa elevator ay dinaanan na muna niya ang kanyang sekretary at tinanong kung may appointment siya bukas.
"Wala kayong appointment bukas ma'am," anang sekretarya.
"Sige salamat baka malate akong pumasok bukas kapag may urgent meeting tawagan mo kaagad ako sa malapit lang naman ang condo ko rito," habilin niya bago siya tuluyang umalis.
Iisang gusali lang naman ang kinaroroonan ng condo nila ni Celine. Gaya ni Adrian ay mas gusto niyang sa kanyang condo namamalagi kapag weekdays dahil malapit lang din sa kompanya nila.
"Akala ko magbaback out kana," ani Celine pagdating niya sa parking area.
"May isang salita ako Celine, kaya tayo na baka magback out pa ako," biro niya sa kanyang pinsan.
Sabay silang pumasok sa kanilang kotse, magkasunod silang lumabas ng compound.
"Pare may napapansin ako sayo huh," puna ni Glen.
"Ano na naman?" aniya.
"Tahimik ka kasi parang ang lalim nang iniisip mo, may problema kaba?"
"Wala, may iniisip lang talaga ako."
"Chicka babe ba 'yan pare?"
"Tumigil ka na nga para kang babae dakdak ng dakdak, Oo babae ang iniisip ko, ibang iba siya sa lahat nang nakita ko."
"Anong iba, tsaka sino ba 'yan?"
"Bakit ko naman sasabihin sayo kilala kaya kitang guwapong may pagkachismoso, " biro niya sa kanyang kaibigan.
Hindi na lamang siya kinulit ni Glen kilala niya kasi ito kapag seryoso.
Alasiyeten pa lamang ng gabi ay marami ng tao sa bar na tinatambayan nila kahit weekdays ay puno ito hindi kasi pankaraniwan ang Bistro.
Isang lisensiyadong bar na pawang may mga sinabi sa buhay ang
karaniwang costumer nila.
KAAGAD silang naghanap ng lamesang pwede nilang tambayan habang nasa bar sila, walang makita si Adrian bukod sa lamesang nasa may dulo na may nakaupong dalawang babae.
"Woah dinadaya ba ako nang paningin ko?" ani Adrian sa kanyang sarili mataman niyang pinagmamasdan ang isa sa dalawang babae.
"Look who's here pare," wika niya sa kanyang mga kaibigan.
"Who?" si Ricky
"Si Miss. Enrique pare, hindi ako puwedeng magkamali siya 'yong isa sa dalawang babaeng nakaupo sa table sa sulok at mukhang doon tayo magagawi dahil wala nang bakante pa bukod doon," aniya.
"O ano pang tinatayo niyo dyan halika na kayo baka maunahan pa tayo," yakag ni Glen sa kanyang mga kaibigan. Nagpatiuna nang naglakad ang tatlo nakasunod naman siya sa mga ito.
"Excuse, Mga miss puwedeng makitable?, wala na kasing bakante bukod dito," si Ricky.
Napangat ng tingin ang dalawang dalaga. "Sure," Si Celine.
Samantalang si Erina ay natuon ang paningin kay Adrian.
"Hi Mr. Andrade," bati niya sa binata.
"Hi Miss Enrique, nice to see you here," si Adrian.
"Who's this guys with you?"
"They are my friends, Glen, Rodel and Ricky." anito. Isa isang nakipagkamay ang tatlo sa dalawang dalaga matapos magpakilala sa isa't isa.
Panay ang sulyap nila sa isa't isa dahil sila na lamang dalawa ang naiwan sa lamesa nila nagsasayaw ang kanilang mga kasama.
Si Glen ay iba ang titig kay Celine hindi niya pinalampas na hindi maisayaw ang dalaga.
"Akala ko seryoso ka talaga sa buhay I never expect to see you in this kind of place Erina," pambabasag ng binata sa nakabibinging katahimikang namagitan sa kanila.
Erina smile at him. "Well, everyone known me as a workaholic woman, when it comes to the company I'm serious, work is work nothing else, but outside the company this is me, night out princess," anito sa binata.
"Oh I see, so let's not talk about business in here, pareho naman pala tayo, just enjoy, next week pa naman tayo lilipad papuntang Cebu for the project and I'm glad to be your companion with it," anang binata. Ilinahad niya ang kanyang kamay sa dalaga.
"Care to dance with me?" Napatitig si Erina sa guwapo nitong mukha, na ang mga mata ay tila siya hinihilang tumayo at paunlakan ang binata.
She find out herself dancing with Adrian on the middle of the bar dance floor.
Their night ended with such a memorable night na naging sanhi upang maging centro ng tuksuhan ang dalawa.
"Woah pare mukhang tinamaan ka kay Erina," si Rodel.
"Huwag kang magdeny dahil kita ang ebidensya." sunod namang sabi ni Ricky.
"Fine, oo malakas ang tama ko sa kanya unang kita ko palang, I never thought na makakasayaw ko ang isang miss high and mighty pagdating sa usaping trabaho," anito sa kanyang mga kaibigan.
"Eh ganun ka rin naman simula pa noon, hindi ka pa man tuwid eh trabaho na inaatupag mo, kaya siguro nagising ka na lang isang umaga na iba na ang pakiramdam mo, at sa lahat yata nang bakla ikaw lang ang hindi nagdadamit babae, wala ka rin nakarelasyong lalake." si Glen.
"Meron dati pero hindi rin nagtagal dahil hindi ko magawa ang gusto niya, linayasan ako," sabi niya.
Ni minsan kasi ay hindi siya gumawa ng malisyosong bagay sa karelasyon niyang kapuwa niya lalake. Kaya naman wala ring nangyari sa relasyon nila sa huli ay kinalasan rin siya.
That was the last time na nakipagrelasyon siya sa lalake, Until one day he find out himself fallen in love with a woman. At 'yon na ang umpisa ng kanyang pagbabago.
Napagtanto niyang hindi pala lalake ang talagang kailangan niya, pero ang problema inosente siya pagdating sa bagay bagay.
Ingay nila ang naririnig sa loob ng building dahil medyo lasing na sila.
Tanggap siya ng mga kaibigan niya sa kabila ng kanyang nakaraan, 'yon ang ipinagpapasalamat niya ng sobra. Ngayon ay muling tumitibok ang kanyang puso sa isang dalaga, ngunit naroon na ang pangamba sa kanyang puso na baka katulad ng iba huhusgahan rin siya nito, Ngunit malaki ang parte ng kanyang pagkatao ang nagsasabing huwag siyang mabahala.
He ended on his bed thinking of the memories they shared kahit panandalian lamang niyang nakasama ang dalaga.
Nakatulugan niya ang pag-iisip kay Erina, malakas ang tusok ng pana ni kupido sa kanyang puso..
Kakahiga pa lamang din ni Erina, she make a quick shower para mahimasmasan siya, medyo naparami ang inom niya, napasarap ang usapan nila ni Adrian.
Pipikit na lamang siya ng tumunog ang kanyang cellphone na naging sanhi ng pagbalikwas niya ng bangon. Pabaksak siyang nahigang muli dahil sa nararamdaman niyang pagkahilo dahil sa biglaan niyang pagbangon.
Nakapikit niyang sinagot ang tawag hindi na niya pinagkaabalahang
tingnan.
"Cousinnnn!!!!...Ang guwapo ng prince charming mo, infairness tinamaan rin ako kay Glen, woah I can get over hindi ako makatulog I'm thinking of him.." tili ni Celine.
"Ano 'yan puppy love? hindi na uso 'yan, kaya matulog kana, hilong-hilo na ako, gusto ko nang matulog, goodbye!" aniya, dali dali niyang pinatay ang kanyang cellphone.
Nakangiti siyang nakatulog dahil ang huling laman ng kanyang isip ay si Adrian.
Kinabukasan masakit ang kanyang ulo, nakagawian na kasi niyang gumising ng maaga, kahit anong oras na siya natutulog.
Sapo niya ang kanyang ulong nagpunta ng banyo para maligo. malakas ang hang-over niya.
Nakailang baso na rin siya ng kape, nagpasya siyang mahiga sa sofa, doon ay malaya siyang nakatulog. mabuti at wala siyang appointment. Pagkatapos na ng pananghalian siya pumunta sa opisina.
Dumeretso siya sa kanyang sekretarya upang alamin kung may meeting siya.
"Kai may meeting ba ako?" anito sa kanyang sekretarya.
"Wala naman po ma'am, narito po pala kanina ang papa niyo hinahanap ka, hindi ka raw niya makontak." anang kanyang sekretarya.
Ngayon lang niya naalalang nakapatay pa pala ang kanyang cellphone, kaya sa halip na sa kanyang opisina siya tumuloy ay pinuntahan niya ang kanyang ama sa opisina nito.
"Hi dad," bati niya pagkapasok niya sa opisina.
"Oh hija akala ko kung napaano kana, hindi kasi kita makontak, Anyway kumusta ang meeting niyo kahapon ni Mr. Andrade?" anang kanyang ama.
"Okay naman dad, next week ay lilipad na kami papuntang Cebu for the project."
"That's great hija, goodluck."
"thanks dad," anito.
"So what do you say about Adrian?"
"Hhmm, mukhang magkakasundo kami, dahil pareho kami nang pananaw, guwapo at mukha naman siyang mabait."
Palihim na napangiti ang Don sa tinuran ni Erina, sinadya niya talagang siya ang makipagmeeting sa mga Andrade, napapansin kasi niyang masyadong seryoso sa trabaho ang dalaga at tila wala na itong panahon para sa kanyang sarili.
Oo nga't lumalabas sila ni Celine pero ni minsan ay walang naglakas loob manligaw sa dalaga kahit pa alam niyang marami ang nagkakagusto sa kanyang unikahija dahil sa taglay niyang kagandahan, matalino at mabait rin ito.
"Matagal ko na silang kilala at kasosyo sa negosyo Erina at kabisado ko na rin ang ugali nila, isa sila sa pamilyang may magandang asal ni minsan ay hindi nagkaroon nang problema ang kanilang kompanya." Anang Don.
"Ganun ba dad?, bakit hindi mo ako isinasama dati kapag may meeting kayo kasama sila?, di sana noon ko pa nakilala ang isang Adrian Andrade," anito ngunit hindi niya isinatinig ang kanyang huling sinabi.
"Oo," kiming sagot ng kanyang ama. Gustuhin man niyang sabihing plano niya ang lahat nagdalawang isip ito.
May mabubuo kayang pag-iibigan sa pagitan ng dalawa?
No comments:
Post a Comment