CHAPTER 3
KASALUKUYANG inaayos ni Adrian ang kanyang mga kakailanganin para sa project nila sa Cebu, kailangan niyang madala lahat. Ilan sa nga Engineers nila ang makakasama niya.
Dumating ang oras na kinakailangan na niyang magpahatid sa airport, sigurado siyang nauna na doon si Erina at ang mga kasama nito. Katulad sa kanya ay may mga tauhan rin itong makakasama.
"Mag-ingat ka doon hijo," bilin ng kanyang ama bago siya umalis.
"Yes dad," aniya, saka na nagpaalam at nagtuloy sa elevator.
Binabagtas nila ang daan patungong NAIA.
Tama nga siya ng hinala naroon na si Erina at komportableng nakaupo sa waiting area.
"Hi, kanina pa kayo?" agaran niyang tanong sa dalaga ng nakalapit na ito sa kanila at naupo sa kanyang tabi.
"Mga twenty minutes siguro," sagot ng dalaga.
Katahimikan ang naghari pagkatapos ng maikling pag-uusap nila hanggang sa nakasakay na sila sa eroplano, magkatabi sila ng inuupuan.
Palihim niyang sinusulyapan ang dalagang nasa kanyang tabi. Nakita niyang nakatulog ito. Napangiti siya habang pinagsasawa niya ang kanyang mga matang pagmasdan ang maamo nitong mukha. "Sana iba ka sa kanila," piping sambit niya.
Isang oras lang ang itinagal ng kanilang biyaheng himpapawid. Ni isang minuto ay hindi siya natulog dahil sa kakatitig niya sa dalagang lingid sa kanyang kaalaman ay gising ito, ugali talaga niyang ipikit ang kanyang mga mata kapag nasa eroplano.
Lihim na kinikilig ang kalooban niya dahil alam niyang sa kanya nakatingin ang binata.
Nagpahatid sila sa suite kung saan sila pansamantalang mamalagi ang mga tauhan nila ay may ginawa silang tutulugan para sa mga ito sa loob ng compound kung saan itatayo ang building.
"Miss, I'm Adrian Andrade, may reservation po ako rito," aniya sa receptionist.
"Sandali lang po sir," anang receptionist. Tinignan ang monitor ng kanyang computer. Pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang kanyang paningin sa binata.
"Room 503 po sir," anito. ibinigay sa kanya ang susi.
Sumunod namang nagtanong si Erina. Hinihintay siya ng binata.
"Miss, may reservation din ako, Erina Enrique," anito sa receptionist.
Gaya kanina ay tinignan nito ang computer.
"You're stay at room 503 with Mr. Andrade ma'am," sabi ng receptionist.
Nagulat sila pareho sa sinabi ng babae. "Miss paanong magkasama kami sa iisang kuwarto?" naguguluhan niyang tanong.
"Yon po ang sinabi nang nagpareserve na si Mr. Enrique. " paliwanag ng receptionist.
"It's okay Erina, wala namang masama umakyat na muna tayo doon nalang tayo mag-usap," saad ng binata, pareho silang walang alam kung bakit sa iisang kuwarto sila ng dalaga.
Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang sumama sa binata. Wala silang kaalam alam na sinusubakan silang paglapitin ng kanilang mga magulang, kaya nila napagkasunduang iisang kuwarto lang ang kukunin nila para sa dalawa..Matalik na magkaibigan ang kanilang mga magulang.
Malaki naman ang kuwarto at may sofa naman.
"Dyan ka sa kama, dito nalang ako sa sofa, kasya naman siguro ako rito, kung hindi naman sa carpet nalang ako kukuha na lamang ako ng ilalatag ko." anang binata.
"Nakakahiya tuloy sa'yo, share nalang tayo sa kama, malaki naman."
"Sigurado ka?"
"Oo naman, lagyan nalang natin nang unan ang pagitan natin,"
"Sige, hindi naman ako malikot matulog."
Napagkasunduan rin nilang maunang gagamit ng banyo ang dalaga.
Unang gabi nilang magkatabi sa pagtulog. Pagkatapos nilang maghapunan ay nagpasya na silang magpahinga, dahil kinabukasan ay sisimulan na nila ang kanilang trabaho.
Malaki ang espansyo nila linagyan nila ng dalawang unan ang pagitan nila, nga lamang ay share sila sa iisang kumot.
Kapawa sila pagod kaya naman hinatak kaagad sila ng antok. Maayos ang kanilang puwesto ng silay nakatulog subalit ng sila ay nagising nakayakap na sila sa isa't isa.
Sabay silang napabalikwas. Nag-iwasan ng tingin.
"Sorry malikot kasi akong matulog tsaka sanay akong kayakap ang malaking teddy bear ko," nahihiyang paghingi ng paumanhin ni Erina.
"Okay lang, wala namang masama tsaka hindi ka naman mabubuntis dahil lang sa yakap," anang binata.
"Mauna na akong maligo, ikaw nalang mag-order nang agahan natin," anito.
Tumango nalang ang binata, sinundan ng kanyang paningin ang dalagang papasok sa banyo.
Nagtatalon sa loob ng banyo ang dalaga sa tuwa, Natupad ang isa sa mga pangarap niya ang makasama at makayakap ang binata.
Nagpapasamat siya dahil may pagkalikot siya habang natutulog minsan pa nga nalalaglag siya sa kanyang kama kahit pa malapad.
Pagkatapos niyang makapaligo ay sumunod namang pumasok ang binata, napapikit siya ng bahagya at ninamnam ang amoy ng sabong ginamit ng dalaga bago siya tuluyang pumasok sa banyo, ramdam niya ang pagkabuhay ng kanyang alaga.
Malapit lang sa hotel ang pagtatayuan ng mall. Naglakad na lamang sila papunta roon.
Nakahanda na ang kanilang mga tauhan, ilinabas ni Adrian ang sketch ng building pati na rin ang ginawa niyang plano, Adrian is an architect bago siya nag-aral ng Management ay nauna siyang nagtapos ng kursong arkitekto.
"Halika na muna doon sa lilim maalikabok at mainit na mamaya," yakag niya sa dalaga.
Nahihiya parin ito dahil sa nangyari sa kanila. Sinunod na lamang niya ang binata, napasunod na lamang si Adrian sa kanya.
"Ang tahimik mo yata ngayon, ibang iba noong nasa bar tayo," puna ng binata.
"E-eh kasi.." hindi niya magawang sabihin ang kanyang gustong sabihin.
"Come on Erina Nahihiya ka parin ba dahil sa nangyari, okay lang 'yon."
"Nakakahiya naman kasi, nakayakap ako sayo," anito.
"O niyakap rin naman kita kaya patas lang, wala naman nangyari bukod pa doon, hindi mo naman ako nirape," pabirong sabi ng binata na ikinatawa nito.
"Oi hindi ko naman magagawa ang mangrape no! sa ganda ko ba namang ito mangrerape?" aniyang itinuro ang kanyang sarili.
Natawa ang binata sa sinabi nito, hindi naman siya nagsisinungaling, maganda naman talaga ang dalaga kahit saang anggulo tignan,
Napakasimpleng negosyante kumbaga.
"Natahimik ka dyan?" pukaw niya sa binata. Naglakbay kasi ang Imahinasyon nito kaya nakalimutan na niyang may kausap siya. "Uy, anyare sayo?" muli niyang sambit. saka pa lamang nagbalik sa kabihasnan ang binata.
"Ah sorry may naalala lang ako," anito. Saka tumingin sa orasan niyang pambisig. "Break time na pala, halika na magmeryenda muna tayo, " saad niya.
Nauna na siyang tumayo at iginaya ang kamay niya sa dalaga. Hindi naman nag-atubiling tanggapin. magkahawak kamay silang lumapit sa kinaroroonan ng kanilang mga kasama.
"Oy bagay na bagay sila," panunudyo ng mga ito.
Napabitaw ang dalaga sa pagkakahawak sa kamay ng binata, Ramdam na ramdam niyang namumula ang kanyang pisngi, Nagsisi tuloy siyang hindi binawi ang kanyang kamay kanina.
"Okay ka lang?" si Adrian.
"O-oo," nabubulol niyang sagot.
"Halika na baka nagugutom ka lang," yakag ng binata.
May malapit na snack house, doon na lamang sila nagmeryenda. Tahimik sila habang kumakain, ang kanilang mga kasama naman ay nakikiramdam lamang.
Walang gustong magsalita sa kanila, kaya hanggang natapos ang break time nila nanatiling tahimik ang kanilang Mundo.
Kinahapunan...
"May problema ka ba?!" lakas loob tanong ng binata.
Tinignan siya nito at ngumiti ng di maintindahan kung anong ibig sabihin. All she want is to be with Adrian, pero bakit parang nakakaramdam siya
ng kakaiba kanina lamang ng sabihin ng binatang may naalala ito, sumagi kasi sa isipan niyang maaring kasintahan niya ang kanyang naalala.
"Wala naman, medyo napagod lang ako, tapos mainit pa, " kaila niya.
"Sigurado ka?" paniniguro ng binata.
"Oo naman." anito. Saka naupo sa sofa.
Naninibago talaga ang binata sa ikinikilos niya, okay naman sila kanina.
Hinayaan na lamang muna niya ito..
WALA silang kibuan hanggang sa nakalutog na sila pareho, magkatabi parin sila sa iisang kama.
Malamig ang buong magdamag dahil na rin sa aircon at malapit pa sila sa beach. Sa ganoong mga oras ay hinahanap ng mga kamay ni Erina ang kanyang paboritong teddy bear, kinapa niya ito para yakapin.
Nakapikit siya habang kumakapa, ng hindi nahagilap ng kanyang mga kamay ay basta nalang siyang yumakap sa kung anong mainit na bagay na nakapa niya. Alam niyang may katabi siya ano ngayon basta importante maging maganda ang tulog niya.
Napadilat ng mata ang binata dahil sa naramdaman niyang mahigpit na yumapos sa kanya, Napagtanto niyang si Erina na yumakap muli sa kanya gaya ng nagdaang gabi, hindi siya nagpahalatang gising gumanti siya ng yakap sa dalaga.
Maagang nagising ang binata, nakaorder na ito ng kanilang agahan,
Nang naiakyat na ng room boy at naisaayos niya ay saka siya pumasok sa banyo at naligo, Nauna na lamang siyang gumamit ng banyo dahil mahimbing pa ang tulog ng dalaga.
Kalalabas siya ng banyo ng magmulat ng mata si Erina at nagawi sa kanya ang kanyang paningin.
"Wow, abs," sigaw ng kanyang malanding isipan Napatitig siya ng husto sa katawan ng binatang nakatapis lamang ng tuwalya.Bumaling siya sa ibang direksyon at napakagat sa kanyang labi.
"Bumangon ka na, para makaligo ka bago tayo kumain," saad ng binata.
Walang salitang bumangon ang dalaga at todo iwas ng tingin sa binata.
"Ano bang nangyayari sayo baka madapa ka niyan," anang binata.
"Magbihis ka na nga kasi, irinarampa mo naman iyang katawan mo sa harap ko," aniya sa binata.
"O eh nakatapis naman ako, kasalanan ko bang masyado akong masipag sa pagigym kaya may ganitong katawan ako, 'wag mong sabihing ngayon ka lang nakakita nang six pack abs," pabirong turan niya.
"Marami na akong nakita sa tv, Pero sa personal ngayon lang!"
"Siya magbihis na ako, pumasok kana sa banyo nang Makaligo ka, kung hindi ko ba naman alam na pinagnanasaan mo ako!" bubulong bulong niyang sabi.
"Anong sabi mo?" baling nito.
"Wala!, sabi ko bilisan mo na at nang makapag-almusal na tayo." kaila niya.
Lumipas ang mga araw..
Malaki na ang nasimulan nila sa building na kanilang itinatayo.
Naging malapit sila lalo, nasanay na sila na magkayakap sa buong magdamag wala na rin ang unan sa pagitan nila. Hirap na hirap si Adrian sa pagpipigil na huwag mahalikan ang dalaga, nararamdaman niya ang pagkabuhay ni totoy kapag sila ay magkayakap o kahit maamoy lang niya ang bango ng dalaga lalo pa't naliligo muna ito bago matulog..
Habang sila ay nasa tambayan nilang lilim ng malaking puno at masayang nag-uusap ay tumunog ang cellphone ng binata.
"Excuse me, sasagutin ko lang," ani niya, saka tumayo at bahagyang lumayo. Para namang kinurot ang puso ng dalaga.
"Siguro girlfriend niya 'yon kaya siya lumayo," ani niya sa kanyang sarili.
"Alamin mo nang hindi ka puro siguro," sabi ng kabilang bahagi ng kanyang isipan. " Para saan pa't magkatabi kayo sa pagtulog at magkayakap take advantage te, pikutin mo," sabi naman ng kabila.
Naiiling na lamang siya sa kanyang mga naisip.
Alam niyang nabubuhayan ang binata tuwing magkatabi sila sa pagtulog, minsan kasi naisasagi sa katawan niya ang kanyang alaga ramdam niyang buhay ito at nagbabadyang sumagupa.
Nagtagal ng ilang minuto ang pakikipag-usap ng binata sa kung sinong tumawag sa kanya na lihim na ipinagselos ng dalaga. Nakangiting bumalik sa kinaroroonan niya ang binata na halatang masaya ito.
"Hi, mukhang masaya tayo ah!" anito sa binatang kakalapit sa kanya.
"Bakit kailan ba ako naging malungkot?"
"Ibang iba ang ngiti mo eh, sino ba 'yong nakausap mu?" di niya napigilang tanong dahil pakiramdam niya ay mamatay na siya sa selos.
"Nagseselos ka?"
"Woah ako magseselos? sa anong dahilan?" sabi niyang itinuro ang kanyang sarili..
"Eh bakit namumula iyang pisngi mo?"
"E-eh kasi mainit," nauutal niyang sabi.
"Mainit? okay ka lang wala kayang araw mukhang uulan pa oh, kaya nga tinapos ko na ang pakikipag-usap sa cellphone para sabihan ang mga tao nating itigil na muna ang trabaho," saad ng binata.
"Halika na, mukhang uulan nga," pagyayaya niya makaiwas lamang.
Hindi na naman siya kinulit ng binata, Natutuwa siyang makita ang dalagang namumula ang mukha, kahit hindi niya inamin ay alam niyang
Nagseselos ito base sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Pagkatapos nilang sabihan ang mga tao nila ay bumalik na rin sila sa hotel. Eksakto namang pagpasok nila ay bumuhos ang malakas na ulan.
"Magpahinga ka na muna, bibili ako nang kape," saad ng binata sa kanya, Hinatid lamang siya nito at lumabas ulit, Naiwan niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng lamesita.
Wala anu anong dinampot niya at nagbakasakaling walang passkey nagtagumpay siyang kalikutin. Kaagad niyang hinanap ang kung sino mang tumawag kanina.
It was a call from foreign number, dahil hindi naman pangkaraniwan lamang ang cellphone ng binata kaya nakikita ang numero ng tumawag.
Habang hawak niya ang cellohone ay nagring ito, Ang caller niya ay ang numerong nasa call register na tinitignan niya. She press the answer botton, hindi siya nagsalita pinakinggan niya ang boses ng nasa kabilang linya.
"Hello hijo, I just call to inform you pabalik na ako nang Manila," sa
kabilang linya. "Woah Adrian's mom, alang hiya pinagselosan ko ang mommy niya, ay nakakahiya," kastigo niya sa kanyang sarili.
"Ah-eh hello po ma'am, lumabas po si Adrian, naiwan kasi cellphone niya dito baka pabalik na po siya sabi niya sandali lang naman daw po, " nahihiyang wika niya.
("Oh ganun ba hija? You must be Erina, am I right?") anang mommy ni Adrian.
"Kilala niyo po ako?" tanong niya, nagtataka siya kung bakit kilala rin siya ng ina nito.
"Yes hija, nasabi sa akin nang anak ko na out of town siya dahil sa trabaho at kasama ka niya, Erina I and your mom are best of friends,"
"Po!?" gulat niyang sambit.
Mahinang tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya bago muling nagsalita.
"Magkasosyo kami ng mommy mo sa cosmetics products, I know you very well hija hindi kasi tayo palaging nagkikita kaya naman hindi mo pa ako kilala, Anyway hija pakisabi kay Adrian pauwi na ako ng Pinas, so pano bye hija," sabi ng nito.
Hindi niya namalayang nasa pintuan na pala ang binata at pinagmamasdan siya habang kausap ang tumawag sa Cellphone niya.
Napatingin siya sa pintuan kung saan nakatayo ang binatang hawak ang dalawang kape. Walang ekspresyon makikita sa mukha nito, Kinabahan tuloy siya.
"So-sorry hindi kasi tumitigil sa pagring kaya sinagot ko," Kanda bulol niyang sambit.
Walang salitang lumapit sa kanya ang binata, ipinatong niya sa lamesita ang kape saka naupo at kinuha ang cellphone niya.
Nahiya tuloy siya, Kaya hindi na lang siya muli pang nagsalita. Kinuha niya ang isang kape at pumasok siya sa kuwarto at doon pasalampak siyang naupo sa karpet at hinigop ang kanyang kape, Mangiyak ngiyak siya hanggang sa tumulo na lamang ng tuluyan ang luha niya. paisa isa, at ang isa, dalawa ay naging marami nagbagsakang parang ulan.
Nasaktan siya sa nakita niyang reaksyon ng binata, "Kasalanan ko naman," kastigo niyang muli sa kanyang sarili.
Pagkatapos niyang inubos ang kape niya ay linabas niya ang sarili niyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Sinubukan niyang tawagan si Celine ngunit nakapatay ang cellphone ng kanyang pinsan.
Binaba na lamang niya ang cellphone at ipinikit ang kanyang mata. Di niya namalayang nakatulog siya nakapatong ang ulo niya sa sofa dahil nakaupo siya sa karpet.
Sa ganoong ayos siya nadatnan ni Adrian. Kakausapin sana niya ito alam niya kasing nasaktan ito kanina dahil sa hindi niya pagkibo. May bakas parin ng luha sa mga nito kaya alam niyang umiyak ang dalaga. Nagsisi tuloy siya kung bakit niya ito inignora kanina.
Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga, halata ang lungkot base narin sa mga bakas ng luha sa kanyang mata.
"Pinaiyak ko siya, how dare I am to make her cry," paninisi niya sa kanyang sarili.
Dahan dahan niyang binuhat ang dalaga dinala niya sa kama at kinumutan, by this time hindi na siya nakapagpigil pa. Hinalikan niya sa labi ang dalaga. Bahagyang gumalaw ang katawan nito kaya dali dali niyang ilinayo ang kanyang mukha. Sigurado siya sa kanyang sarili na mahal niya ang dalaga pero natatakot siyang ipagtapat ang nararamdaman niya para rito.
Nagpasiya siyang humiga na lamang din dahil maaga pa naman, tumabi siya sa dalaga dahan dahan niyang iniangat ang ulo nito at ipinaunan sa kanyang braso bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay hinalikan niya sa noo ang dalaga.
No comments:
Post a Comment