What Makes A Man by Honey Cathleya


CHAPTER 9

PAGKATAPOS kasi nila sa Botique na lingid sa kaalaman niya ay pag-aari ni Celine At sa beauty salon kung saan siya pinamake-over nito. 
Bumalik lamang sila sa condo upang makapagpalit. Isinuot niya ang gown na pili ni Celine na ito mismo ang nagdisenyo.

"Bagay na bagay sa'yo ang gown na 'yan. Ako ang nagdisenyo niyan," anitong ikinagulat ng dalaga.

"You mean sayo 'yong botique na 'yon?" bulalas niya.

"Yep! bahagi parin ng kompanya binili ni dad 'yon," anito.

"At ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"Kasi naman noong pinablesingan namin hindi ka sumama kahit anong pilit ko sa'yo,"

"Eh kung sinabi mo sana di sumama ako,"

"Surprise nga po sana."

"Hhmmpp! ang daya mo."

"Hindi ko na kasalanan. Siya narito na tayo," anito.

Nasa tapat na sila ng 5 star hotel. Pasado alas-otso dahil bahagya silang na-traffic.

"Baba na," anito sa kanyang pinsan, Matapos niyang pagbuksan ng pintuan.

"Ano ba kasing meron dito?" tanong niya habang papasok sila.
Bumungad ang carpeted na kanyang dadaanan.

Nahihiwagaan na siya sa mga nangyayari kaya napanhinto siya upang sana'y muling magtanong..  Pero naunahan siya ni Celine. "Ops no questions please, naririndi na ako Erina, maglakad kana lang papasok, sundan mo lang ang karpet kung saan ang dulo ay doon ka titigil,"

"Pe-pero Celine," aniya.

"Huwag kang mag-alala may gusto lang kumausap sayo, hindi naman nangangain ng tao," anito.

"Kasi naman ayaw pang sabihin,"

"Erina surprise nga diba, hala lakad na. Huwag kang mag-alala nasa paligid lang ako," pampalubag loob nito sa kanya.

Napabuntong hinga nalang siya.

Bago tuluyang naglakad ay tinapuan muna niya ng tingin si Celine. 
Seryoso ang mukha ng kanyang pinsan kaya alam niyang hindi ito nagbibiro.

Tumuloy na siya. Gaya ng bilin ni Celine sinundan niya ang red carpet.

Nasa loob na siya ng restaurant, kita na rin niya ang dulo ng karpet nasa gitna iyon sa isang mesa na may dalawang silya  napapaligiran ng petals.
Kinakabahan man ay nagtuloy parin.

Naupo siya sa isa sa mga upuang naroon. Walang ibang tao liban sa kanya..

Maya maya pa ay may tumikhim buhat sa kanyang likuran na muntikan na niyang ikinahulog dahil sa pagkagulat. "Ay! kambing." aniya.

Paano naman kasi kinakabahan siya dahil mag-isa lang siya at hindi pa masyadong maliwanag. Malamlam ang ilaw.

"Sorry nagulat yata kita," hinging paumanhin ni Adrian.

"Ikaw!?"

"Ako nga. Wala ng iba," nakangiting turan ng binatang ngayon ay nasa kaharap na niyang upuan.

"So ikaw pala ang may pakana sa lahat?"

"Yep!"

"Pinakaba mo pa ako ng todo," aniya.

"Alam ko naman kung bakit nag-iba ang expression ng mukha mo kanina eh. Nang umalis kami dito kami dumeretso inupahan ko buong resto para walang ibang tao bukod sa atin, sa mga tutugyog at ang waiter na aasist sa atin," paliwanag ng binata.

"Ikaw naman kasi, Ang dami mo pang paliguy-ligoy,"

"Because i want to surprise you, gusto ko naman maging romantic ang proposal ko sayo. You're so special to me Erina,"

"Wow touch naman ako, Thank you."

"Your welcome my majesty,"

Ilang sandali lang ay tumugtog na ang mga inupahan niyang violist.

"Erina, matagal kong hinintay ito, unang kita ko pa lamang sa'yo pinangarap ko ng ikaw ang babaeng gusto kong makasama at kukompleto sa buhay ko. Dati akala ko wala ng tatanggap sa akin, pero nagkamali pala ako kasi dumating ka sa buhay ko. And i want to say thank you for accepting me for what I am before and for loving me for who I am,"

Tumayo ito at may kinuha sa bulsa ng suot nitong slack.

Lumuhod ang binata sa kanyang harapan..

"Erina will you be may wife? Can you be with me until the rest of my life?"

Sobra-sobrang kaligayahan ang nararamdaman ng dalaga.

"Yes Adrian I will," sagot niya.

Isinuot na ng binata ang engagement ring saka niya hinalikan ang daliri ng dalagang kinalalagyan ng white gold na singsing.

Tumayo sila pareho at mahigpit na niyakap ang isa't isa.

"I love you," bulong niya sa punong tainga ng dalaga.

"I love you more than you know," aniya.

Kumalas sila sa pagkakayakap.

Ikinulong ng binata sa dalawang palad niya ang mukha ni Erina saka unti-unting inilapit ang mukha nito sa mukha niya.

Nagtagpo ang kanilang mga labi.

Banayad at puno ng pagmamahal na halik ang kanilang pinagsasaluhan na di alintana ang mga tao sa paligid.

Wala namang pakialam ang mga ito dahil busy sila sa pagtugtog.

Kapuwa nila habol ang kanilang hininga ng naghiwalay ang kanilang mga labi.

"Let's have dinner sweetheart," anang binata ng nakabalik na sa normal ang kanyang paghinga.

"Okay," aniya.

Habang hinihintay nila ang kanilang pagkain ay sinimulan na nilang planuhin ang mga bagay para sa kanilang kasal.

"Now we're officially engaged, gusto kong maganap ang kasal natin as soon as possible," si Adrian.

"Ako rin naman, baka magbunga ang nangyari sa atin kaya dapat makasal na tayo,"

"Anong motif ang gusto mo?"

"Pure white ang frozen,"

"Okay, about sa petsa hihingi tayo ng tulong sa mga magulang natin, by tomorrow night pupunta kami sa inyo para mapag-usapan na ang lahat,"

"Okay," aniya.

Dumating na ang mga pagkain nila kaya tumahiik muna sila at nagsimula ng kumain.

"Sweetheart try this,"

Hindi naman siya nag-atubiling tanggapin ang pagkain isinubo sa kanya ng binata.

Palitan na ng pagkain, Nagsusubuan na silang dalawa.

"Erina," maya maya sambit ng binata.

"Hhmm?"

"I love you," anito.

"I love you too,"

"I love you three,"

"I love you for-ever,"

Nagkatawanan nalang sila.

Nag-uumapaw ang kanilang kaligayahan.

"Let's dance," anyaya sa kanya ng binata.

"Sure," aniya. Tinanggap ang nakalahad na palad nito.

Pumagitna sila at magkayap na sumasabay sa malamyos na musika.

"Sweetheart puwede bang doon tayo sa condo ko matulog?" si Adrian.

"Huh? eh si-sige,"

"Ayaw mo yata eh!"

"Gusto siyempre, namiss ko kaya ang hug mo 'yong gaya noon sa Cebu,"

"Akala ko namiss mo na 'yong ano." pabitin nito.

Nag-init ang pisngi niya. Nakuha niya ang nais sabihin ng binata.

Bahagyang ilinayo siya ng binata at iniangat ang mukha niya.
Hinuli nito ang kanyang labi.

There they are again, kissing each other like no tomorrow..u

Sa mansyon ng mga Enrique.

"Kailan ang plano niyong pagpapakasal? kung maari ay huwag niyong patagalin at gustong gusto ko ng magka-apo," anang daddy ni Erina.

Pinamulahan ng mukha ang dalaga.

"Iyon nga po ang isa pang dahilan kung bakit kami naparito ngayon tito, 
Bukod sa personal na hingin ang kamay ni Erina ay magpapatulong sana kami kung anong magandang petsa ng pagpapakasal," si Adrian.

"Aba'y kung petsa hijo eh sa ikawalo ng hunyo," anang ama ni Erina.

"Ho!?" gulat na sambit ng binata.

"Tama si balae hijo, maganda ang a-otsong petsa ng pagpapakasal sa buwan ng hunyo," sang-ayon naman ng kanyang ama.

Nagkatinginan sikang magkasintahan at nagkangitian.. Masyadong excited ang kanilang mga magulang kaya napaaga ang endearment.

Balik usapan sila..

"Isang buwan po mula ngayon? kaya na po bang ihanda ang lahat?" anang dalaga.

"Kami na ang bahala, Ang asikasuhin niyo ay ang planuhin kung paano niyo kami kaagad mabibigyan ng apo, Aba'y nalalapit ng magkarayuma," ang ama muli ni Erina.

"Mom si dad oh," pagsusumbong niya sa kanyang inang nakangiti.

"You're dad is right hija," anito.

"Sang-ayon din kami sa bagay na 'yan," ang mommy ni Adrian.

"Oh wala na palang problema," sabat ng daddy ni Celine.

"Susunod kami," si Celine.

Nagkatawan sila..

The date was officially set. June 8 ang kanilang kasal.

Napag-usapan na ang lahat nang detalye para sa kanilang kasal.

Ang kanilang mga ina ang mag-aasikaso si Celine sa wedding gown niya.

"Cuz kakayanin ba talaga ng isang buwan ang preparasyon?" si Erina habang nasa gilid sila ng pool.

"Oo naman. Believe in me cousin," anitong malapad ang ngiti.

"Sure ka ah," aniya.

"Sure na sure," anito.

Natapos na kasi nito ang dinesenyo niyang dalawang wedding dress na ayon sa kanya ay ang susuotin nila kapag kinasal sila.

Kaya kampante ito.

Nagsimula na ang preparasyon.

Hindi na muna sila nakapasok sa kani-kanilang opisina.

Lagi silang magkasama gusto nilang maging maayos ang lahat para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Sa condo na rin sila ng binata natutulog.

"Kinakarir mo na talaga ah," si Erina.

Kakatapos lamang ng isang romantikong kaganapan na kanilang pinagsaluhan.

"Sumusunod lang ako sa suhestyon ng mga nakakatanda," nakangiting sabi niya.

Natawa ang dalaga sa tinuran niya.

Muling pumaibabaw sa kanya ang binata na nagpatigil sa kanyang pagtawa. "Teka sweetheart an-"

Naputol ang kanyang sasabihin dahil inangkin na ng binata ang kanyang labi.

Namalayan nalang niyang tumutugon siya halik ng binata.

Sa loob ng ilang sandali ay muli nilang narating ang rurok ng 
kaligayahan.

"Matulog na tayo," bulong sa kanya ng binata.

"Akala ko wala ka ng balak patulugin ako," aniya.

"Mamaya nalang ulit pagkagising natin," biro nito.

"Sira ka talaga. Maawa ka naman sa akin."

"Ayaw mo no'n makakabuo kaagad tayo? hehe,"

"Adrian!?"

"Alalahanin mo sa boxing 12 rounds. Nakatwo-rounds palang tayo,"

"Adrian sabihin mong nagbibiro ka lang," aniyang ikinatawa ng binata.

"Biro lang naman talaga 'yon. Matulog na tayo baka mabuhay uli siya, 
sige ka baka matuluyan ang 12 rounds,"

"Pigilan mo!"

"Hindi ko kayang pigilan."

Yumakap siya sa binata.

Hindi na nila namalayang nakatulog na silang magkayakap.

Kinabukasan..

Maaga silang nagising..

"Ganito ba talaga kaexcited ang malapit ng ikasal?"  Si Celine na nasa kabilang linya.

Timawagan kasi ito ni Erina.

"Siguro nga cousins, Masyado lang kaming excited," aniya.

("Madam bride to be 9:am pa ang appointment natin sa wedding planner,")

"Alam ko, baka kasi makalimutan mo."

("Masyado pa akong bata para maging ulyanin my dear cousins, alasais palang kung ako sa'yo itulog mo muna,")

"Hindi na, sige babay na," aniya.

"Okay, masyadong excited." anito..

Pinutol na niya ang pag-uusap nila..

Pagkatapos niyang mailapag ang cellphone sa bedside table ay kinabig siya ng binata na naging dahilan upang mapatili siya..

"Sssshh, sweetheart naman ang ingay mo," anang binata habang sila ay nasa ilalim ng kumot.

"Ikaw kasi!" aniya.

"Sorry, maaga pa kasi para bumangon, gusto pa kasi kitang ihug eh!"

"Sus, hug daw. Mamaya kung saan na naman mapunta ang hug na 'yan," aniyang sinabayan ng pagpisil sa tungki nang ilong ng binata.

"Aray naman! I'll punish you because of what you did," nakangiting turan ng binata.

"Punish agad-agad?"

"Yeah," anito.

"Teka Adrian naman, wala ka bang kapaguran?" aniya.

"Basta ikaw hindi ako mapapagod, I love you.." anito kasunod ang paghuli sa kanyang labi.

(Breakfast in bed.. hehehe)

Ang harutan ay nauwi sa isang maluwalhating kaligayahan na kanilang muling pinagsaluhan.

Nakailang ulit din sila sa buong magdamag..

Pagkatapos nila ay bumangon na ang dalaga.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Maliligo na,"

"Sabay na tayo."

"Ayoko nga. Mauna ako,"

"Ngayon ka paba mahihiya eh nakita't nahawakan ko na lahat iyan."

"Ah basta ayoko! Baka kung ano na naman ang mangyari. Parang awa mo na h'wag ka ng mangulit,"

"Sige na nga," pagsuko niya.

"Thank you," aniyang nakangiti.

"Sige ka magpacute ka diyan, bubuhatin kita papasok sa banyo,"

Nagtatakbo ang dalaga papuntang banyo at ka-agad niyang inilock ang pinto.

Dinig pa niya ang tawa ng binata.

"Gosh ang adik ng mapapangasawa ko," sambit niya habang nakatingin sa salamin.

Tumapat na siya sa shower.

Nalapikit siya habang ninanam-nam ang ginhawang ibinibigay ng tubig mula sa shower.

Hindi sinasadiyang kung saan nagawi ang imahinasyon niya..

Napadilat siya dahil ina-akala niyang totoong nangyayari.

"Oh my gosh ang wild ng imahinasyon ko, nakakaadik din pala," aniyang tumawa pa.

Samantala inip na inip na ang binata sa paghihintay na matapos ang dalaga. Kalahating oras na kasi itong nasa loob ng banyo.

Pinasya niyang katukin na ito.

Akmang kakatok na sana siya nang bumukas ang pinto at iniluwa ang dalagang nakatapis lamang ng tuwalya.

Napatitig siya sa dalaga kasabay ang magkakasunod na paglunok.
Itinakip ng dalaga sa mukha niya ang towel na pinampunas nito sa kanyang buhok.

"Iba na naman ang nasa isip mo, napako na iyang mga mata mo," biro niyang turan.

Tila naman nahimasmasan ang binata ng dumampi sa kanyang mukha ang basang towel.

"Humanda ka sa akin mamayang gabi, talagang hindi na kita papatulugin," sambit niyang ikinatawa ng dalaga.

"Maligo ka na nagugutom na ako,"

"Oo na," aniya. Saka na pumasok sa loob ng banyo.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay palabas na sila ng building.

Dumaan muna sila sa isang class na reataurant upang makapag-agahan bago pumunta sa opisina ng wedding planer nilang si Celine ang nagrecomenda.

No comments:

Post a Comment