Short Story Writing Contest Entry # 19: Twins by Bloondlady



Teaser:

"Masakit kapag yung taong mahal mo mas masaya sa piling ng iba, pero di ba mas masakit isipin na masaya ako para sa kanila, pero sa isip ko na sana ako nalang siya."

Masokista ba ako o sadyang manhid lang talaga na tipong pinamumukha sa aking wala, pero umaasa pa rin ako!

Pero masisisi nyo ba ako kung yun talaga ang gusto ng puso ko, na sana kahit minsan mahalin nya rin ako.

Tama na ang kabaliwang ito! Magmo-move on na ako kahit mahirap, kahit masakit pipilitin ko. Pero paano ako magmo-move on kung laging nakasunod sa akin ang kambal nya. Yung araw-araw ko nakikita ang mukha niya sa kanya at ang mas mahirap pa doon araw-araw ko naririnig ang salitang "Mahal kita" mula sa kanya.

Sino nga ba talaga ang pipiliin ko?

Mahal ko o Mahal ako?



NAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na katok sa labas ng kwarto ko.
“teka lang” sigaw ko rito at dumiretso na sa banyo para makapag-ayos.
“ate dalian mo may good news ako”nabosesan ko ang nagsalita na yun kaya dali-dali akong nag-ayos at pumunta sa pinto para pagbuksan ito,at di nga ako nagkakamali si Shylyn lang pala ito, sya lang naman ang napakakulit kong kapatid.
“Oh My G! Ate andyan na sila John Rianne”napanganga ako sa sinabi nito. Si John Rianne Villanueva? Ang matangkad,gwapo at hot na super addicted crush ko, nandito na?
“Sigurado ka ba talaga dyan Shylyn?” tanong ko sa kanya na hindi talagang makapaniwala na nandito na siya.
“Oh yes naman ate” sabay ngiti nya. “And guess what ate?” pagpapatuloy nya.
“What?” tanong ko,pero sa isip-isip ko kinakabahan na ako.
“Dito na sila titira“ sisigaw na sana sya ng takpan ko ang bunganga nya gamit ang palad ko.
Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi ni Shylyn kaya pinaulit-ulit ko ito.
‘Dito na sila titira’
‘Dito na sila titira’
‘Dito na sila titira’
Nang ma-process na sa utak ko ang sinabi nya,bigla nalang tumigil sa pagtibok ang puso ko hindi sa kaba kundi sa Excitement na nararamdaman ko ngayon.
“KYAAAAA! Oh My G! Is this real?” pasigaw na tanong ko sa kapatid ko.
*PAK*
Napatigil ako sa pagsisigaw ko ng batukan ako ng kapatid ko.
“Aray naman! Bakit mo ako binatukan?” nakabusangot kong tanong.
“Ate kasi may palaman-laman ka pang ‘Is this real?’”sabi nya habang ginagaya ang tono ko na hindi naman nya makuha.
“Aba! Syempre naman nu,kailangan yun ni hindi nga ako makapaniwala na nandito na siya eh. Masama bang magtanong? Malay mo naman diba na nananaginip lang ako” pagtataray ko sa kanya.
“ah sige ate para malaman mo ulit na hindi ka nananaginip”akma sya na babatukan ako,pero naka-ilag ako.
“oo na hindi na ako nananaginip!”
Bumalik ako sa higaan ko para sana matulog kaso nagsalita na naman ang kapatid kong makulit.
“ano ba ate? Eight o’clock in the morning na matutulog ka pa rin ba?”sigaw nya sa akin habang papunta sa higaan ko.
“at dahil nandito ka pa hindi na talaga ako makakatulog tyaka, ano bang gagawin ko? Kumain? Eh nagdi-diet nga ako”
Umupo ako sa kama at humarap sa kanya, di na rin naman ako makakatulog kasi nga nandito sya.
“ Edi mag-bihis ka na diyan,mag-stalk ulit tayo sa crush mo”
“Wow! Shylyn,kahit minsan din pala gumagana yang utak mo”sarcastic kong sagot.
“Ang bad mo naman ate eh,tinutulungan na nga kita. Bahala ka nga diyan!”nagalit ata? Haha
“ Joke lang naman Shy, Sige na wait mo ako sa baba magbibihis lang ako”
Nang makalabas na si Shylyn,dumiretso na ako sa CR para maligo. May misyon na naman akong kailangang gawin.
Ako si Clare Gette Yang.  Simple lang ang buhay ko nung hindi ko pa nakikilala si John Rianne, pero now grabe isang super addicted crush ko sya.
Naalala ko nun, alas-otso na ng gabi at napadaan lamang ako sa lugar na yun dahil pinuntahan ko ang kaklase ko. Nakita ko sya na tumatakbo habang hinahabol ng tatlong lalaki. Sa isip-isip ko sa mga oras na yun parang gusto ko syang tulungan,kaya nung malayo pa ang humahabol sa kanya nun hinila ko sya sa madilim na parte ng iskinita, kaso sa hindi inaasahan nawalan ako ng balanse kaya natumba kami pareho at nagulat ako dahil naglapat ang aming mga labi. Nakaramdam ako ng hiya nun kaya agad akong bumangon. Agad naman kaming may narinig na may paparating ,kaya nagtago kaagad kami sa may malaking poste. Ayun yung tatlong lalaki na humahabol sa kanya,pero bakit nga ba sya hinahabol? Tumingin ako sa mukha ng lalaki na tinulungan ko at ang gwapo nya,idagdag mo pa ang mga matatangos na ilong nya,ang singkit na mata at ang buhok na tumatakip sa mga mukha nya. Natigilan ako sa pagbibigay ng attribute sa mukha nya nang lumabas sya sa poste, baka mapahamak sya sa isip isip ko nun. Nagpalinga-linga ako sa palagid para hanapin ang mga humahabol sa kanya nang magsalita siya.
"Umalis na sila"sabi nito.
Pinuntahan ko siya sa pwesto nya at nung mapagtanto ko na wala na talaga sila,nakahinga ako ng maluwag.
"Thanks! By the way, John Rianne"Inabot ko naman yung kamay na nilahad nya.
"Clare Gette" nang makaramdam na ako ng awkwardness between us,bumitaw na ako sa pagkakahawak sa malalambot na kamay nya.
"Hatid na kita" nabigla ako sa sinabi nya, hahatid nya ako? Pero--
"Dont be scared, Just trust me" napatango nalang ako sa sinabi nito.
*Tok Tok*
Napabalikwas ako ng makarinig ng malakas na katok. Binabalik ko na naman ang ala-ala na kahit kailan at kahit anong sabihin ko sa kanya hindi nya naman naaalala.
Nakarinig na naman ako ng katok at sigaw sa makulit kong kapatid mula sa labas ng kwarto ko.
"Oo malapit na,Teka lang!" sigaw ko rito,nagmadali akong magbihis at lumabas na ng kwarto.
"kahit kailan talaga ate slow ka, isama mo pa yang utak mo" aba at..
"Joke lang ate sineryoso mo naman agad,hahaha sabagay" pinandilatan ko sya ng mata at saka sumigaw.
"Urgh! Bwisit ka Shylyn,mahuli lang kita lagot ka talaga sa akin" wala kaming tigil sa paghahabulan sa loob ng bahay,kung saan saan na kami nakakarating sa sulok ng bahay, hindi pa sana kami titigil kung hindi pa kami naka-rinig na may nag-door bell.
"Clare,pagbuksan mo muna" sigaw ni mama sa kabilang kwarto,di ko pala naalala na nandito si mama at ang ingay namin ni Shylyn.
Naglakad ako palabas ng bahay,para pagbuksan kung sino yun at laking gulat ko na si...
"Hello"
Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang magsalita sya. Totoo ba ito? Si John Rianne nasa harapan ko at kinakausap ako?
"H-Hi" halatang kinakabahan ako sa sinagot ko dahil hindi tuloy tuloy ang pagsabi ko ng 'Hi' , Gosh! Simpleng Hi at Hello lang kinakabahan na ako.
"By the way, My name is John Rianne call me JR nalang para di ka mahirapan"
"Clare Gette" sabay ngiti ko.
For the third time tatanungin ko na naman sya sa isang bagay na kahit kailan talaga hindi nya kayang sagutin ng OO.
"Do you still remember me?" Alam ko naman kung ano ang sasagutin nya eh,kaso hindi ko talaga kayang mapigilan ang di magtanong.
"No,Why?" and for the third time ulit nanlumo ako sa sinabi nya,siguro talaga di nya na naalala yun? Paano nya pa ba maaalala yun kung walang kwentang bagay naman yun para sa kanya.
"Nothing"
"hmm By the way,this is the Invitation card" sabay abot nya sa akin ng maliit na kulay blue na card.
"Hope you come,bye!" magpapaalam pa sana ako sa kanya kaso bigla nalang syang tumalikod at naglakad.
John Rianne Villanueva, kailan kaya kita maaabot at kailan mo rin kaya maaalala ang nakaraan sa ating dalawa?
Nilagay ko sa bulsa ang card, pumasok na ako sa loob ng bahay at umupo sa may sofa.
"O Clare ,sino yun?"tanong sa akin ni mama na kakababa palang sa hagdan.
"Neighbor" simpleng sagot ko,bubuksan ko sana ang T.V. para manood kaso bigla naman inagaw sa akin ng kapatid kong makulit ang remote.
"Ibalik mo yan!" sigaw ko sa kanya.
"hahaha ayaw ko nga, unless sabihin mo kung sino yung nag-door bell"
"Why would I?" tinaas nya yung remote at ngumiti, akala nya naman madadaan nya ako sa ganyan nya? Kinuha ko ang isa pang remote sa cabinet at binuksan ang T.V.
Dalawa talaga ang remote ng T.V. ,pinabili ko yan kay mama kasi minsan tinatago ng kapatid ko ang remote.
"Ma! Paano po naging dalawa ang remote ng T.V.?" pagmamaktol ng kapatid ko.
Si Mama lang ang lagi namin kasama sa bahay ,since si papa laging busy sa work. We own a Five Star Hotel at si Papa ang namamahala nun,kaya siguro busy palagi at wala na siyang time para maka-bonding sa amin.
Tatlo sana kaming magkapatid kung hindi lang nalaglag ang bata sa sinapupunan ni Mama,kaya eto kami nalang dalawa ni Shylyn ang nagpapasaya kay mama since minsan lang umuwi dito si papa.
"tanong mo sa ate mo" tumingin banda sa akin si Shylyn at tinarayan lang ako.
"Mama naman eh"
Pinatay ko na ang T.V. dahil wala namang magandang palabas. I forgot may misyon pa pala akong gagawin.
Dali-dali akong pumunta sa harap ni Shylyn.
"ano na naman?"pagtataray nya sa akin.
12 years old palang ang kapatid ko,pero as you can see parang ka-age ko lang kung magsalita.
"May pupuntahan tayo" bulong ko sa kanya,kinuha ko ang remote sa kamay nya at inilapag sa lamesa.
"Ma alis lang po kami"
"Oh sige,yung kapatid mo Clare ah" sigaw ni mama
"Oh yes ma,bye!"
Nang makalabas na kami sa bahay,binitiwan ko na rin si Shylyn sa pagkakahawak ko.
"Shy,mang-stalk na tayo"pag-aanyaya ko sa kanya.
"ayaw ko nga,bahala ka dyan sa buhay mo"
"sige na, shopping tayo mamaya libre ko" alam ko kahinaan ng kapatid ko pagdating sa mga bagay na ganito.
Nakitang kong lumawak ang ngiti nya sa labi at tumango.
"Sure ate,ano ba first step natin dyan?"natatawa ako sa ginagawa nya dahil habang sinasabi nya ito tumataas-baba ang kilay nya.
"Punta tayo sa tapat ng bahay nila" araw-araw kaming pumupunta sa bahay nila kapag nandito sila, since nung time na tinulungan ko sya nalaman ko rin pala na magkapit-bahay lang kami,tatlong pagitan lang naman ang bahay namin sa bahay nila kaya madali kaming makakapunta doon.
Bigla nalang akong hinila ni Shylyn,nagtago kami sa may puno nun na di naman kalayuan sa bahay nila,sakto lang para makita namin.
May narinig kaming pagbukas ng gate sa bahay nila John Rianne kaya nagtago na kami.
"sa tingin mo ba ate magkakagusto sayo si John Rianne?"tumingin ako sa kanya na may pagtataka sa tanong nya.
"What?"kahit kailan hindi ko talaga kayang isipin na may kapatid akong katulad ni Shylyn,dinaig pa ako kung mag-isip.
"I don't know!" simpleng sagot ko.
"BULAGA!"
"WHAAA!"sigaw namin ni Shylyn,tatakbo sana kami nang may narinig kaming tumatawa kaya napatigil kami at humarap sa kanya,laking gulat namin na si~ 

Si John Rianne ang nandun.
We're Dead! Nahuli kami!
"ano ba kasi ang ginagawa nyo dito?" sinasabi nya ito habang nasa pagitan ng pagtawa nya.
Patay na talaga,tinignan ko lang si Shylyn na may ANONG-GAGAWIN-NATIN-LOOK?
Nakaramdam naman sya na wala akong maisip na dahilan,kaya sya na ang sumagot.
"Si ate kasi mukhang shunga,nagsleep walk papunta dito kaya sinundan ko." tinignan ko si Shylyn ng masama,anong klaseng dahilan yan? Tinignan ko si John Rianne kung ano ang magiging reaction nya sa sinabi ni Shylyn.
"Nag-Sleep walk?" takang tanong nya,nakaramdam naman ako na tinitignan ako ng dalawang tao sa harapan ko,kaya gumawa na ako ng way para mapaniwala. Kunyari na nagsleep walk pa rin ako at tinaas ko ang dalawang braso ko na parang Zombie at naglakad palapit sa kanya.
"awooo" para effective ang pagpapanggap ko.
"naguguluhan ako, nagi-sleep walk ka ba talaga?"napatigil ako sa sinabi nya.
"alam mo kuya,may pagka-abnormal yang ate ko minsan talaga nagiging Zombie yan" tinignan ko ng nakamamatay ng tingin si Shylyn,baka sya yung abnormal kung anu-ano nalang ang pinagsasabi nya sa crush ko,baka naman maturn-off na sya sa akin,kaya tumigil na ako sa ginagawa ko,nag-ayos ako ng sarili bago tumingin sa kanya at nagsalita.
"Joke lang JR,sa totoo lang Spy kami" tinignan ko si Shylyn na sinasabing sumakay ka nalang.
"Spy?" tanong ni JR(John Rianne) sa amin.
"hehe opo kuya, spy kami sa totoo nga nagi-spy kami sayo kasi afhhshsfxsggsh" hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Shylyn ng dali-dali kong takpan ang bibig nya,may balak pa yatang ibuking ang misyon namin.
"Hehe,sabi nya nagi-spy kami sa maganda nyong bahay,ang ganda kasi tinitignan namin kung ano ang itsura sa loob nyan"
"ah! Gusto nyo bang pumasok sa loob?" nabitiwan ko ang pagkahawak sa bibig ni Shy ng itanong nya ang bagay na yun. Sure ba sya?
"hmm wag na,nakakahiya"
"Sure ka?" paninigurado nya,tumingin sya banda sa bahay nila at binalik ulit ang tingin sa akin. Wag mo ako titigan ng ganyan JR,mas lalo akong naiinlove sayo. Nag-iba ako ng tingin at pinukol na lamang ang tingin sa bahay nila.
"yup"tangi kong sagot.
"Ah okay lang! Makakapasok ka rin naman dyan tomorrow,dont worry!"makakapasok?ako?bukas? Paano? Ang dami kong tanong,kaya bumalik ang tingin ko sa mata nya,ngayon ko lang napagtanto na kulay asul pala ang mata nya nababagay pa ito sa kulay ng balat nya at maganda nyang mukha.
"Di mo ba nabasa ang invitation?"pagpapatuloy nya,yung tinutukoy nya ba ay yung binigay nya sa aking invitation kanina?
"H-hindi pa"kasabay ng pag-iling ko.
"ah kaya pala,sige ako nalang ang magsasabi sayo, may welcome party kasi na magaganap bukas,darating kasi ang kapatid ko and my daddy galing states,so sana makapunta ka." ngumiti lang siya sa akin at parang sinasabi na sana nga makapunta ako sa party nila, tumango nalang ako bilang sagot.
"JR!"may narinig kaming sigaw kaya napatingin kami kung saan banda nanggagaling ang boses.
Nakita kong ngumiti si JR sa babae na sumigaw sa pangalan nya at humarap na ulit sya sa akin.
"soClare? My mom call me already,I need to go! See you tomorrow,bye!"ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam. Ibang-iba talaga si John Rianne sa mga lalaking nakilala ko,napaka-gentle nya kung kausapin ang tulad kong babae unlike those boys na iritang-irita sa mga babae. Tinitigan ko lang ang likod nya palayo sa amin.
"uy ate! Laway mo tumutulo!" napapunas naman ako ng imaginary laway ko at tumingin ng masama kay Shylyn.
"hahaha,grabe ka ate patay na patay ka nga talaga kay John Rianne, ganyan na ba magmahal ang mga Yang Family ngayon? Oh Gosh! I dont want to be like that!" pinatikim ko nga ng malakas na batok itong kapatid ko,grabe kong ano ang iniisip.
"Aray naman ate,masakit ah!" habang hinihimas yung parte kung saan ko sya binatukan ng malakas.
"Matanong nga kita,ilang taon ka na ba talaga?"
"12" simpleng sagot nya.
"eh ako?"
"17"
"Sino mas matanda sa atin?"
"Natural ikaw! Gurang ka na eh" aba at sumasabat pa talaga sya? Akma ko syang babatukan ng mabilis syang tumakbo papunta sa bahay namin.
"Shylyn,buksan mo to!" sigaw ko habang patuloy na dinadabog ang gate,pasalamat sya at nauna sya sa akin pumasok kaya nakapag-Lock kaagad sya ng gate.
Patuloy pa rin ako sa pagdadabog, dahil tanghali tapat na sa amin at sobra init sa balat ng sinag ng araw.
"Pag di mo talaga to buksan di na kita ililibre sa--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng pagbuksan nya na kaagad ako ng gate.

Madali naman pala tong kausap eh,di ko na sya hinabol at tumuloy-tuloy na sa pagpasok sa bahay, kumain muna ako bago ako ulit umakyat sa kwarto ko at magpahinga.
Nagising nalang ako ng alas kwatro na ng hapon,kaya dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo,alam ko naman na naghihintay na yun sa baba, as always naman laging ganito sa tuwing may shopping excited na excited.
Black Jeans at simpleng T-shirt lang ng damit ang suot ko ngayon,pinartneran ko pa ito ng sandals na may 4 inches ang taas.
Pumunta na ako sa baba at tama nga ang hinala ko nakabihis na si Shylyn,ready to go na talaga.
"So,ready?" tumingin muna sya sa akin at tumango,inayos nya muna yung sarili nya at nagpahatid na kami kay manong driver sa pinakamalapit na mall.
Pagkadating ng pagkadating namin dumiretso kaagad kami sa bilihan ng sandals, nang matapos na kami doon pumunta naman kami sa may area ng damit, marami-rami na rin ang aming nabili kaya nung maramdaman naming gutom na kami,kumain nalang kami sa may malapit naRestaurant,umuwi na rin kami pagkatapos namin kumain dahil hinahanap na kami ni Mama.
Nang makarating kami sa bahay,dali-dali akong umakyat sa kwarto at ilapag ang mga pinamili namin ni Shylyn. Habang nakatingin ako sa mga pinamili namin,bigla nalang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa party na gaganapin bukas. Binuksan ko lahat ng mga lalagyan na pinamili namin at nang makita ko na ang hinahanap ko,the Above knee Red Dress ito nalang ang susuotin ko tomorrow. I forgot the time,dali-dali kong kinuha yung damit ko na sinuot kanina at kinuha ang card doon.
You are Invited!
Welcome Party

Blk. 12 lot 13 *** Subdivision
January 30,2002
8:00 pm

Hope you Come!
Nang mabasa ko ang Invitation Card na yun,nahiga ako sa kama ang dami naming ginawa sa araw na ito at bukas makakapunta na ako sa bahay nila Crush, I feel Excited and a little bit nervous. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
KINABUKASAN
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha mula sa bintana,nakatulog pala ako kagabi kakaisip kung ano ang mangyayari sa party.
Bigla nalang bumilos ang tibok ng puso ko nang mabanggit ko ang salitang party. Kinakabahan ba talaga ako? O sadyang nae-excite sa mga mangyayari mamaya dahil makikita ko na naman ulit si John Rianne.
Nag-ayos muna ako sa sarili ko bago ako bumaba,nandun na pala sila Mama at Shylyn kumakain ng Breakfast.
Napansin ako ni Mama na bumaba, kaya tinawag nya ako para sumabay sa kanila sa pagkain,sumunod nalang ako dahil minsan nalang naman ako sa kanila sumasabay mag-breakfast.
"Ma may party nga po pala na magaganap dyan sa kapit-bahay natin,welcome party daw po gusto nyo po bang sumama?"pagsisimula ko.
"Naku!Pass muna ako dyan Gette,may pupuntahan ako si Shylyn yayain mo"tumingin ako kay direksyon ni Shylyn.
"I dont want Ma!Pupunta dito kaibigan ko ate aalis din kami" wala ba talagang sasama sa akin? Sa tingin ko nga talaga wala,good luck sa akin.
Nang matapos na akong kumain pumunta nalang ako sa kwarto para mag-movie marathon mag-isa, sanay na ako sa ganito.
Dinalaw ako ng antok sa pagitan ng panonood ng movie,kaya di ko napigilan at pinikit na ang mga mata ko.
Napaunat ako ng maramdaman kong parang nagugutom na ako, tumingin ako sa orasan at Shocks! 3 hours before the party nalang,kailangan ko pang pumunta sa Salon.
Pagkababa ko wala na rin sila Mama dito,so it means ako nalang talaga naiwan dito kasama yung mga maids? Nagpahatid na ako kay manong driver sa Salon namin ,yeah! We own this! Nang makarating ako doon binati ako ng mga nag-aayos doon,pumunta ako kay Ate Bernadette sya yung pinaka-namumuno dito at dyan ako laging nagpapaayos kasi ang galing nya.
"Ate Bernadette kayo na po bahala"sabi ko at naupo na.
"Saan punta mo anak?" Anak ang tawag nya sa akin,since wala syang anak gusto nya daw kasi pag-nagkaanak,kaugali ko daw. Kaya yun sinabi ko kay ate Bernadette na anak nalang ang itawag nya sa akin.
"Sa party po,malapit sa amin."tumango lang sya at pinagpatuloy ang ginagawa nya,pumikit muna ako dahil pakiramdam ko dinadalaw na naman ako ng antok.
Pagkagising ko,nagulat ako sa ayos ko I mean namangha,dahil ang ganda ganda ko tonight. Tumingin ako sa relo ko,dalawang oras at kalahati rin pala ang inabot ko dito, pinatawag ko na si Manong para makauwi na ako agad at makapagbihis,nagpasalamat na rin ako kay ate Bernadette.
Buti nalang at di masyadong traffic kaya mabilis kaming nakarating sa bahay,kaso kahit anong habol ko sa oras na-late pa rin ako ng 15 minutes.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, biglang bumagal ang tibok ng puso ko kinakabahan nga talaga ako,pero nandito na ako di na ako pwedeng umatras.
"Finally!This is it!" bigkas ko sa sarili ko,huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob.
Pagkapasok ko sa bahay nila, scratch that sa mansyon nila ang ganda na-amaze ako sa garden na hugis puso. Ang dami na rin palang tao at nakakahiya kasi puro couple pala ang nandito.
Narinig ko ang tunog sa aking tiyan, grabe di nga pala ako kumain kanina kaya hinanap ko yung foods nila. Kumuha lang ako ng lettuce and vegetable salad nila, pumunta ako doon sa may table na available. The second time narinig ko na naman ang tunog sa aking tiyan, kaya sumubo na ako.
"Alam mo nakakalungkot kumain mag-isa"tinignan ko kung sino yung nagsalita,kaso hindi ko maaninag ang mukha nya dahil nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa likuran nya.
“By the way Angelo, call me Gelo for short, Angelito for long, anything you want.” natawa ako sa sobrang bilis nyang magsalita, nakalimutan ko tuloy na kumakain ako kaya nabulunan ako buti nalang at nandiyan si Gelo kaya mabilis nyang kinuha yung water sa table at iniabot sa akin.
“Are you okay?” tanong nya sa akin na may pag-aalala, tumango lang ako at nagpasalamat.
“My name is Clare Gette, Clare for short nalang” inilahad ko sa kanya ang kamay ko para makipag-shake hands,pero nabigla ako ng halikan nya ang kamay ko.
“Nice meeting you, Clare” umupo na kaming dalawa habang ako naman pinagpatuloy ang kinakain ko,naiirita ako sa kakatitig nya sa akin kaya nagsalita na ako.
“What?”
“Nothing,I forgot to tell you that you look gorgeous”pakiramdam ko namula ako sa sinabi nya.
“By the way,who’s with you?” umiling lang ako at sinabing wala.
Nahinto ang pag-uusap namin ng may tumawag sa kanya,pagkatapos nyang sagutin ang tawag nagpaalam na sya sa akin at umalis.
Ako na naman ulit mag-isa ngayon,pumunta ako doon sa may swimming pool nila,grabe ang laki talaga mas malaki pa sa amin. At sa hindi ko inaasahan na-nakita ko si John Rianne na may kahalikan, biglang sumikip ang dibdib ko,ganito ba sila magpa-welcome party? Grabe welcome na welcome nga ako, ang sakit ng puso ko,naramdaman kong may mainit na likido na tumutulomula sa mga mata ko.
Wala naman akong karapatan para magselos di ba?Sino ba naman ako? Pero paksh*t lang!Ang sakit namanng ginawa nya.
Di ko na tinapos ang party at umuwi sa bahay,dumiretso ako sa kwarto at nagmukmok doon.
NAGISING ako ng maaga, naiisip ko na naman yung nangyari kagabi at sa tuwing naiisip ko yun bigla nalang sumisikip ang dibdib ko, bakit nga ba ako nagseselos kung wala namang salitang ‘kami’.
Nagjo-jogging ako habang iniisip, kailangan ko ng gumawa ng way para mapansin nya rin ako. Kahit na babae ako, wala na akong paki-alam, basta sa taong mahal ko gagawin ko ang lahat.
Nakarating ako sa Park ng subdivision namain at naupo sa may swing. Ang sarap ng hampas ng hangin sa aking balat, sana ganito rin kasarap yung buhay ko, walang problema at walang iniisip.
“Ay butiki! “ nabigla ako sa pagkalabit sa akin kaya napasigaw ako.
“Hahaha. Magulatin ka pala Clare?” tinignan ko yung mukha at laking gulat ko na si..
“J-John Rianne?” sambit ko sa kanya, wala syang reaksyon sa sinabi ko at nagpalinga-linga sa paligid.
Di ko mapigilan ang di malungkot, bumalik na naman ang sakit sa aking dibdib.
“Ha? Nasaan si JR?” di ko maintindihan kung anong sinasabi sya. Di ba sya si John Rianne bakit nya pa hinahanap ang sarili nya?
“Di kita maintindihan, di ba ikaw si John Rianne ?” hindi sya nagsalita at sumagot lamang ito ng tumatawa.
“Hahaha. Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo. Kambal kami ni John Rianne” napanganga ako sa sinabi nya. So may chance na hindi sa John Rianne yung nakita kong may kahalikang babae?
“Seriously?”
“Hahaha oo naman, pero bibigyan kita ng clue para di ka malito sa aming dalawa” lumapit sya sa akin at bumulong. Nabigla ako sa binulong nya.
“Ang hangin naman dito” paano ba naman kasi, nagbigay sya ng clue para daw di ako malito sakaling makita ko silang dalawa at ang sinabi pa naman nya mas pogi pa daw sya kay John Rianne.
Tawa lang siya ng tawa nung marinig ang reaction ko sa sinabi nya. Ang kapal ng mukha ng lalaki na ito, hinahampas-hampas pa yung braso ko habang mamatay sya sa kakatawa nya dyan. Feeling close naman agad tong lalaki na ito, eh hindi ko nga siya kilala.
“Alam mo Feeling close ka, ni hindi nga kita kilala”
“Grabe ka Clare! Ikaw kilala ko pero ako di mo man lang ako kilala, sa gwapo kong to! Nakalimutan mo na agad?”Ang hangin talaga masyado dito.
“For the second time magpapakilala ulit ako. My name is Angelo Villanueva, call me Gelo for short. Angelito for long or call me anything you want. Ang pinaka-gwapong nilalang sa mundong Earth.” Naalala ko na siya, sya daw yung taong pinaka-PANGET sa mundong Earth, infairness may tama sya. Pero curious pa rin ako kagabi kaya di ko mapigilang di magtanong.
“Gelo may tanong ako.” humarap ako sa kanya para Makita ko yung magiging reakyon nya. Hinihintay nya ang sunod kong sasabihin kaya pinagpatuloy ko na.
Hmm I-Ikaw ba yung may kahalikang babae sa may swimming pool?” umiling lang siya at tumingin sa mga mata ko.
“What you have seen last night was not me, he was my twins.” Kahit  anong pilit kong pigilan, di ko pa rin kayang di mapaluha. Totoo nga na sya yun, kitang-kita naman ng dalawa kong mata bakit ba kasi ako nagtatanong, dahil ba gusto ko marinig na hindi siya yun?
Naramdaman ko ang pagpunas niya sa pisngi ko ng bawat luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Eto na naman ako!
“ Mahal mo siya ano?” tumango lang ako ng marinig ang tanong niya. Halata na ba? Halata na ba yung kat*ngahang ginagawa ko para sa kanya? Pero ayoko~ ayokong tumigil, di na ngayon uso ang pamimigay! May chance pa naman ako dahil hindi pa sila. Kung may isang milyong dahilan para di ko siya mahalin, hahanap at hahanap pa rin ako ng isang paraan para mahalin ko siya.
Naramdaman ko ang yakap na binigay sa akin ni Gelo, pakiramdam ko kahit papaano may taong nakakaalam ng nararamdaman ko, na may taong pwede kong sabihan ng mga sakit na nararamdaman ko ngayon. One kiss, pero bakit ba masyadong big deal sa akin yun?
SIMULA nung araw na yun, lagi na kaming nag-uusap sinasabi ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin kay John Rianne. Nalaman na rin nila Mama at Shylyn ang tungkol kay Gelo, nung una nga napagkamalan pa ni Shylyn si Gelo na si John Rianne. Pero nung katagalan naming pagsasama nalaman ko na rin ang pagkakaiba nila John Rianne at Angelo.
Nandito kami ngayon sa mall ni Gelo. Gusto ko sanang bilhan si John Rianne ng damit or anything kaso nahihiya naman akong ipaabot kay Gelo. Nasa Jewelry Shop kami ngayon, nagpapasama kasi si Gelo dito may bibilhin daw sya.
Habang namimili si Gelo, tumitingin ako sa may wedding ring. Namangha ako sa mga designs na nakalagay doon, talagang pinag-aralan. Nang makita ko yung isang ring doon natigilan ako at nag-focus lamang dito.
“Ang ganda nu?” di ko napansin na nasa tabi ko na pala si Gelo, napansin nya siguro na nakatitig ako sa bagay na yun.
Humarap ako sa kanya at nagsalita.
“Oo ang ganda nga, pag-ganito siguro yung singsing na isusuot ko sa kasal ko ang ganda.” Tumingin sya sa aking nakangiti, habang ako binalik ko naman yung tingin ko doon sa singsing.
“Let’s go?” yaya nya sa akin, tumango lang ako bilang sagot. Naglaro kami doon sa may arcade ng matapos kami sa pagsho-shopping, grabe rin palang to si Gelo kung mag-shopping dinaig pa babae. Nagpasalamat ako sa kanya nung makauwi na kami ng ligtas.
KINABUKASAN
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa kwarto ko. Ano bang meron at ditto pa sila nag-ingay?. Nag-unat muna ako bago ko imulat yung mata ko at hanapin yung mga taong maiingay nang masapak, mga istorbo natutulog pa yung reyna eh.
Pero nagulat lang ako sa nakita ko.
“Happy Birthday!” bati nila Mama, Shylyn at Gelo. Birthday ko nga pala ngayon, kung hindi lang siguro nila ako binati makakalimutan ko na birthday ko pala ngayon.
Ngumiti lang ako sa kanila at binigyan ng mahigpit na yakap.
“Ate si Kuya Gelo talaga may pasimuno nito, di ka dapat naman gigisingin eh kaso si Kuya mapilit!” natawa lang ako sa pagpapaliwanag ni Shylyn at tumingin kay Gelo na nakangiti lang. Loko talaga tong lalaki na ito, paano nya kaya nalaman na Birthday ko ngayon? Haha whatever!
“By the way, Clare mamili ka na kung sino yung mga gusto mong mapasama sa 18 roses, sinabihan ko na rin ang Papa mo na doon tayo sa isang hotel magpapa-party. Happy Birthday anak!” ngumiti ako kay Mama at niyakap sya ng mahigpit. Ang swerte ko talaga sa kanila.
“Thank you rin po Ma, sige Ma ako na po bahala sasabihin ko nalang po sa inyo mamaya.”
Tumingin ako banda kay Gelo dahil sya nalang ang hindi pa nagsasalita baka kasi may sasabihin sya. Tumingin ako sa kanya na parang may hinihintay.
“Okay talikod ka.” Pagsisimula ni Gelo, sinunod ko naman ang sinabi nya at tumalikod ako. Naramdaman ko ang isang malamig na bagay sa dibdib ko, tinignan ko ito. Nagulat pa nga ako nung una pero napangiti na rin ako. Ito ba yung binili nya sa mag Jewelry Shop? Dahil kung ito nga, ang ganda!
“Salamat”
“Happy Birthday Clare!” nagpasalamat ako sa kanya, binigyan ko sya ng yakap. Nagulat pa nga sya nung una, pero tumugon na rin sya sa yakap ko sa katagalan.
“Okay O.A. na, hiwalay din pag may time.” Natawa lang kaming dalawa ni Gelo sa inasal ni Shylyn. Nakalimutan naming na nandiyan pala sila, nakakahiya!
Pagkatapos nila akong batiin, napagdesisyunan ko na gawin yung pinapagawa ni Mama. 18 roses? Sinu-sino naman kaya ang pipiliin ko?.
Biglang may pumasok sa isip ko na idea, what if kung si John Rianne nalang ang gawin kong last dance? Papayag kaya sya? Tapos yung iba naman mga former classmates and friends ko. Sasali ko na rin si Gelo.
“Oh ano? Sino ang magiging last dance mo?” nagulat ako nung magsalita si Gelo, tinignan nya yung sinusulat ko, kaso biglang nagbago ang expression nya na parang nilamangan sya.
“Si John Rianne pala. Gusto mo tanungin ko sya?” nagliwanag yung mga mata ko nung sinabi nya yun, sigurado ba sya?
“Okay lang ba sayo?” ngumiti lang siya at nagsimula ng lumakad palabas.
Bigla nalang ako napa-sigh at sinabing sana maging maayos ang araw na ito.
6:00 P.M.
READY na ang lahat, prepared na bago pa ako makarating dito. The music, foods, designs and everything nice. Pero kinakabahan ako, paano kung hindi sya pumunta? Oo pumayag sya nung sinabi ni Gelo sa kanya, dapat hindi ako kabahan kasi alam kong pupunta sya.
Ilang oras na rin ang nakakalipas pero wala pa siya, ayaw ko pang magsimula ang party kasi gusto ko nandito sya bago nila gawin yun. Alam kongnababagot na sila, pero wala akong paki-alam gusto ko sya.
“Clare, simulan na natin ang party” sabi ni Mama, pero umiling lang ako sa kanya.
“No buts Clare!” magsasalita pa sana ako kaso pinigilan nya ako. “Marami ng taong nagtatanong, bakit hindi pa nagsisimula ang party.” Nagsimula na akong kabahan nung pinasimula nani Mama at nung magsalita ang MC, dadating pa kaya siya?
Hanggang sa matapos ang 18 candles at 18 gifts, pero wala pa rin sya. Nagsimula na ring manlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag-uunahang lumabas, pero pinipilit ko ang sarili ko na ngumiti. Alam kong pupunta sya, naniniwala ako. Pero isang malaking katanungan ang nasa isip ko, paano naman kung hindi?
Nagpalinga-linga ako para hanapin sya, hanggang sa maging 15 roses na ang hawak ko, pero wala pa rin akong makita ni anino man lang niya.
Hinang-hina kong tinanggap ang 17 rose. Yung mga luha ko nagsisimula na ring pumatak. Nagtataka yung mga guests dito kung bakit ako ganun katamlay, ang daming tao mga matang nakatingin sa akin.
“Hindi na siya darating Clare.” yung narinig ko mula itokay Gelo, parang binagsakan ako ng langit.
Hindi ko na napigilan at umiyak na talaga, pero di ba sabi nya na pupunta sya? Si Gelo pa nga ang naki-usap sa kanya eh. Pero ano na naman to? Naiinis na ako sa sarili ko, bakit ba kasi kayong mga lalaki mga paasa?!
“Wag kang umiyak Clare.” pero kahit na anong sabi nya na huwag akong umiyak, yung mga mata ko patuloy na lumuluha. Hiyang-hiya na ako sa maraming tao.
Kasalanan nya to eh, sabi nya pa nga gagawin nya ang lahat di ba?Ano to, lokohan?!
Tinawag na ng MC ang last dance ko, kaya humiwalay na si Gelo. Please sana pumunta ka, please please.
“Attention! Mr.John Rianne Villanueva” tumingin ako sa mga taong nasa paligid ko, nasaan na ba siya?
Maraming beses na ang pagtawag sa kanya pero hindi pa rin siya nagpapakita. Wala na nga talaga siya. Nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ko, yung mga mata ng mga tao parang kinakaawaan ako. Ayoko na! di ko na kaya!
Tumakbo ako ng mabilis palabas ng Hotel, hindi ko pinansin yung mga taong tumatawag sa akin at yung mga taong nababangga ko, basta ang gusto ko makaalis at mapuntahan si John Rianne, alam kong may rason sya kung bakit hindi sya nakapunta.
Sumakay ako doon sa taxi at sinabi ang lugar na pupuntahan ko.
Natulala ako nung may makita akong banner sa park na may nakalagay na ‘WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?’ at sa dulo ang nakatayo ay si..
“John Rianne” bigkas ko sa sarili ko, at bumaba ng taxi para makita ko kung sino. Pero di nga ako nagkakamali, ang saya nila. Siya yung babaeng kahalikan  ni John Rianne sa swimming pool ang masakit pa doon dahil tumango ang babae at binigyan ito ng halik.
Bakit nga ba ako nagseselos?Di ba nga wala akong karapatan?
Talagang nakikiayon ang langit sa akin, dahi biglang bumuhos ang malakas na ulan. Maraming tao ang nakatingin sa akin, dahil hindi pa ako sumisilong at suot ko pa ang gown ko.
Napatigil ako sa pag-iyak ko nung may maramdaman akong tao sa tabi ko at bingyan ako ng silong para di mabasa.
“Magkakasakit ka niyan.” Sya na naman, kasalanan nya to eh!
“Wala akong paki-alam. Just leave me alone!” Tinulak ko sya ng malakas kaya napaatras sya.
“Hindi ako aalis dito, unless sasama ka sa akin.” Tinitigan ko lang siya ng masama. Natigilan ako nung ibaba nya ang hawak nyang payong kaya parehas na kaming nababasa.
“Nababaliw ka na ba?” sigaw ko sa kanya.
“Hindi ako baliw Clare. Ikaw yung baliw na baliw sa kambal ko, bakit ba napaka-manhid mo Clare? Simula palang ginagawa ka lang nyang t*nga , ikaw naman pauto ka lang ng pauto!”
“Wala kang paki-alam sa ginagawa ko, wala kang alam Gelo! Wala kang karapatan para sabihin sa akin yan.”
“Paano pag sabihin kong sayo na wala rin akong pake-alam, kasi mahal kita!” nabigla ako sa sinabi pero pinalitan ko lang ito ng malakas na tawa.
“Mahal ba Gelo?Haha Wala akong paki-alam. Just leave me alone!” natigilan ako ng hawakan nya yung kamay ko ng mahigpit at hilahin. Pinilit kong makawala dito at nung magawa ko na tumakbo ako ng mabilis para makalayo sa kanya.
Ganun pala talaga kasakit ano, parang pinapatay ka sa sakit ng puso na naramdaman mo.
ANG sakit pala talaga isipin,ano nga ba ako? Isang t*nga na nainlove sa taong kahit kailan hindi ako magawang mahalin.
Sana sa gagawin kong desisyon,makakalimutan ko na sya na makaka-move on na ako sa lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon. Its time to end this feeling! Ayoko na,masyado nang masakit.

"Clare, lets go!" sabi ni papa,habang kinukuha ang maletang bitbit ko. Pupunta na akong London,doon ko na tatapusin ang studies ko bilang isang journalist at sana pagbalik ko sa Pilipinas wala na tong pesteng nararamdaman ko.

"Clare, okay ka lang ba?"tanong sa akin ni Papa nang makasakay na kami sa eroplano,tumango lang ako bilang sagot at pinikit na ang aking mata.

Makaka-move on din ako sa kanya,mahirap pero kakayanin ko. This is the only way to save my heart in pain.

Napamulat ako ng mata ng gisingin ako ni Papa at sinabing nandito na kami. Namangha ako sa tanawin ng makalabas kami sa eroplano,sinalubong kaagad kami ng assistant ni Papa. 
May business pa silang tatapusin dito,kaya kasama ko si Papa ngayon. May bahay kami dito sa London at doon muna ako tutuloy pasamantala.

Nang makarating ako sa bahay namin, grabe ang laki rin pala nito mas malaki pa ito sa bahay namin sa Pilipinas. Ito ba ang sinasabi nilang mansyon? Kasi kung oo,ang ganda!

Umalis kaagad si Papa kasi may meeting pa daw sya with his client, so ako nalang pala ang maiiwan dito? Pumunta muna ako sa kwarto ko at inilagay na yung mga gamit ko. Papasyal muna ako sa magandang scenery sa London, sabi daw ng mga maids sa bahay may masarap at maganda daw na Restaurant malapit dito,lahat ng maids at driver dito mga pilipino kaya masabilis kami magkaintindihan sa isat isa, pupunta muna ako doon since di rin naman pa ako kumakain doon nalang ako kakain.

Nang makarating na ako doon,namangha ako dahil ang ganda ng pwesto ng Restaurant nila kitang-kita yung mga magagandang tanawin. I order strawberry cake and a chocolate coffe, umupo ako sa table malapit sa band.

Isusubo ko na sana yung slice ng cake nang nakita ko sya. I mean, sya ba talaga yun o nagi-imagine na naman ako? Di ba sabi ko sa sarili ko na magmo-move on na ako? Ano ito?

Pina-take out ko nalang yung inorder ko at doon ko nalang kakainin sa bahay namin. Wala na rin akong gana mamasyal dahil sa nakita ko. Iniisip ko kung nandito ba talaga sya o namamalik-mata lang ako.
Nakarating ako sa bahay ng tulala, nag-tatanong din yung maids kung ano ba ang nangyayari sa akin,pero sinasagot ko lang sila na ayos lang ako,wala ako sa mood makipag-usap.

NAGISING ako sa ingay ng alarm clock ko, umaga na pala at first day ko ngayon sa new college school na papasukan ko. Inayos ko muna yung kama ko,bago dumiretso sa banyo para maligo. Nang makatapos na ako pumunta na ako Dining Area para kumain ng breakfast,nagpaalam muna ako kay Papa bago umalis at nagpahatid na rin ako sa driver papuntang school.

Sa University na pinapasukan ko,most of Pilipino ang mga nag-aaral doon. Sabi kasi ni Papa, mas maganda na raw yun para di na ako mahirapan.
Nagpakilala muna ako sa harap ng mga new classmates ko, buti nalang at di ako na-late terror pa naman din ang first professor namin. Nasa gitna kami ng diskasyon ng may marinig kaming malakas ng katok,kaya lahat kami napatigil at nakatitig sa kung sino man ang tao sa labas ng room.

Nabigla ako sa nakita ko, bakit siya nandito? Yung taong kinaiinisan ko,yung taong ayaw na ayaw ko,yung taong sobrang kulit na mahal daw ako at yung kakambal ng taong minahal ko. Sinusundan nya ba ako? Nagtama ang mga mata namin,ngumiti sya sa akin pero tinarayan ko lang sya, binalik ko na yung tingin ko sa sinusulat ko. Narinig ko nalang ang sabi ng teacher ko kay Gelo.

"Next time Mr. Villanueva dont be late. I dont want any late comers in my class. Understood?"

"Yes ma'am. I'm sorry" he said bluntly.

Naglakad palapit sa akin si Gelo at ang malas ko naman kasi sa tabi ko nalang pala ang may available sit.

Narinig kong bumulong siya sa akin kaya tumingin ako banda sa kanya.

"Hindi ka ba masaya?" ano bang pinagsasabi nya? Yung tinutukoy ba nya yung pagpunta nya dito? Kasi kung yun nga, oo di ako masaya!

Tinarayan ko lang siya at binalik na ulit ang tingin ko sa professor namin. Narinig ko pa siyang bumulong, pero di ko na pinansin! What for?!

Apat na oras din ang klase namin, napagdesisyunan ko na rin na umuwi nalang,ayaw ko na rin namang tumagal pa dito at baka kausapin pa ako ni Gelo.

Para saan pa tong pagmo-move on ko,kung araw-araw ko rin namang nakikita yung mukha ng taong mahal ko sa kanya.

Narinig kong tinatawag ako ni Gelo kaya binilisan ko pa lalo yung lakad ko,ayaw ko syang kausapin. Para ano? Para ipamukha na naman ulit sa akin? Pero kahit anong bilis ko,naabutan nya pa rin ako.

"What's wrong with you?" rinig kong sabi nya,pero di ko pa rin ito pinansin naglakad lang ako kaso di pa ako nakakalayo ng hawakan nya ang braso ko.

"Ano ba kinakausap pa kita Clare!" alam kong naiinis na siya,pero di nya pa rin ito pinapahalata. Ano ba gusto nyang marinig?

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ka ba kasi nandito? Bakit di mo nalang ako pabayaan?" hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napagtaasan ko na siya ng boses. Naramdaman ko na rin na maraming mata na ang nakatingin sa amin.

"Gusto lang naman kita tulungan Clare."

"Ayan na naman tayo Gelo eh! Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na hindi ko kailangan ng tulong mo? Bakit ba ang kulit mo?!"

Hindi pa rin ako nagpatinag. Hindi ko hinayang ipakita sa kanya na nahihirapan ako.

"Bakit ba kasi Clare,napaka-manhid mo? Ilang beses ko ba sinabi sayo na kaya ko to ginagawa ay dahil mahal kita."

"Mahal?Yan ba yung tawag mo? Sabihin mo nga Gelo, masasabi mo bang mahal ang pinapamukha mo sa akin na kat*ngahan, na t*nga ako dahil yung kambal mo lang ang nakikita ko. D*mn! Ang t*nga ko nga!" naramdaman ko na may luhang tumutulo sa mata ko pero pilit kong pinakita ang galit na nararamdaman ko.

Naramdaman ko nalang ang yakap ni Gelo,pinipilit kong tanggalin ito pero sa tuwing gagawin ko yun mas lalo pang humihigpit ang yakap nya.

"Just trust me"bumalik ang nakaraan sa akin nung sinabi ni John Rianne ang katagang yun.

**FLASHBACK**

"JUST trust me!"rinig kong sabi ni John Rianne bago nya ako iwan sa isang madilim na apartment.

Walong oras na ang nakakalipas nang iwan ako dito ni John Rianne,sabi nya babalikan nya ako matapos ang isang oras nagtiwala ako sa kanya kasi sabi nya,pinanghawakan ko yun kaso nabigo ako.

**end of flashback**

NAITULAK ko ng malakas si Gelo muntikan na syang matumba sa lakas ng pwersa na ginawa ko.

"Trust? Ilang beses na ba akong nagtiwala? Ilang beses ng nasira yung tiwala na yan Gelo, sa tingin  mo magtitiwala pa ulit ako? Hindi na! Ayoko na, sawang sawa na ako sa trust na yan!"

"Napaka-manhid mo talaga Clare, minsan try mo ring hindi maging t*nga" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya.

"Ituloy mo lang Clare, sampalin mo lang ako." paghahamon nya sa akin mas lalo akong nainis sa inasta nya kaya nasampal ko ulit sya sa kaliwamg pisngi.

"Ituloy mo lang Clare, bakit mo tinigil?" nainis ako sa sinabi nya kaya sinunod-sunod ko ang paghampas ng palad ko sa mukha nya. Hindi ko pa sana ititigil kung wala lang taong pumagitna sa amin.

"Masarap ba Clare? Masaya ka ba kasi kahit papano nakaganti ka kay John Rianne, ibuhos mo lang ang galit mo sa akin para sa kanya sasaluhin ko lahat yun,para lang kahit papano mapansin mo ako"

Tinitigan ko lang siya ng masama,nakita ko yung pisngi nya na namumula sa pagsampal ko sa kanya wala na akong pakialam. Narinig ko na rin ang mga bulungan ng mga tao sa paligid namin kaya mabilis kong kinuha ang gamit ko at tumakbo,narinig ko pa na tinawag nya ang pangalan ko pero di ko na sya pinansin at patuloy na tumatakbo papuntang parking lot.

Gusto ko nang umuwi at makaalis sa lugar na to. Walang taong nakakaintindi sa akin. Wala!
Nagpahatid na ako sa Driver namin napansin nya sigurong namamaga yung mata ko.

"Alam nyo ba ma’am, mahirap sarilinin ang problema" rinig kong sabi ng driver tinitigan ko lang sya sa rear mirror at di na pinansin, napansin nya siguro na wala akong balak makipag-usap sa kanya kaya nag-focus nalang sa pagda-drive nya.

KINABUKASAN Maaga akong pumasok sa School kasi wala rin namang gagawin sa bahay, pumunta muna akong library since may time pa naman. Nagbasa-basa lang ako about sa ni-lesson namin yesterday.

Nang mapansin ko ang oras napagdesisyunan ko na ring pumasok sa room, malapit na rin kasing magklase. Naisip ko yung nangyari kahapon at naiinis ako sa kanya, bakit ba kasi siya ganun? Sinabi ko na ngang ayaw ko sa kanya. Bakit ba ang kulit nya?

Speaking of. Nandito na pala siya,di nya siguro napansin na nandito na ako mabuti naman at ganun. Dire-diretso lang ako sa upuan ko, nang makaupo na ako narinig ko siyang nag-sorry.

"Sorry na Clare. Galit ka pa ba?" di konalang siya pinansin.

"Alam kong galit ka pa Clare, kaya sorry na. Promise gagawa ako ng paraan para mapatawad mo na ako." determinadong sabi nya.

Maya-maya dumating na rin ang professor namin,nag-discuss lang kami about Writing Process pagkatapos nun pina-uwi na kami kasi may meeting daw sila.

Nang makalabas ako sa building namin, may narinig akong pamilyar na boses na nagsasalita sa speaker (ayun yung ginagamit namin sa tuwing may announcement na sasabihin).

“Sorry for everything.” imposible naman na si Gelo yun, anong kabaliwan na naman ang naisip nya?

Ang sunod ko nalang na narinig ay yung pagkanta nya, nababaliw na ba talaga sya?

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo

Naglakad ako at hinanap yung room kung saan nanggagaling ang boses ni Gelo. Pinagmumukha nya lang t*nga ang sarili nya.

Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto

Buti naman at alam mo yung kinakanta mo. Nakakainis! Bakit ba ako nakikinig sa walang kwentang kanta nya. For pete’s sake, maging manhid ka naman Clare nang mabawasan ang t*nga sa mundo. Nag-focus nalang ako sa paghahanap ko.

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry –

Hindi nya natapos yung part na sasabihin nang pumasok ako sa room, nagulat pa sya nung una pero nawala ito at pinalitan ng ngiti.

“Anong kabaliwan na naman to Gelo?” nawala ang ngiti nya sa labi at dahan-dahan na lumapit sa akin.

“Nagso-sorry!” pagpapaliwanang nya.

“Nakakainis ka!Bakit ka ba ganyan? Lagi na nga kitang pinagtatabuyan, bakit ba kasi ang kulit-kulit mo pati pa naman dito sa London susundan mo ako. For pete’s sake 
Gelo,nagmumukha ka ng t*nga!” hindi ko mapigilan ang galit at inis na nararamdaman ko, gusto kong mapag-isa pero ano? Lagi syang nandiyan, lagi nya lang pinapaalala sa akin si John Rianne. Bakit pa kasi nagkaroon pa yun ng kakambal na sobrang kulit?!

“kahit anong sabihin mo Clare, hinding-hindi kita iiwan. Once ka ng nasaktan at sa kakambal ko pa, di ko na uulitin ang isang pangyayaring ayaw na ayaw ko. Mahal kita Clare, kahit ipagtulakan mo pa ako araw-araw  susunod ako sayo para mapansin mo lang ako.” Ayan na namang salitang mahal na yan, bakit pa kasi nag-exist pa yan sa mundo?

“Gusto mo lang pala ng pansin Gelo, oh ayan na napansin na kita. Ano pang gusto mo nang mawala ka na dito. Bumalik ka na ng Pilipinas, I don’t need you!”

“Hindi mo kasi maintindihan.”

“At ako pa ang hindi makaintindi?Sabihin mo nga Gelo, saan ba banda ang hindi ko maintindihan?”

Natahimik si Gelo sa sinabi ko. Wala na akong dapat pang sabihin kaya aalis na ako, maglalakad na sana ako ng hilahin nya yung braso ko.

“Ano ba nasasaktan ako!”

“Pakinggan mo kasi ako Clare.” pakinggan?Para saan pa? Sawang-sawa na ako makinig sa kasinungalingan.

Pilit akong kumawala sa pagkahawak nya sa akin, pero the more na ginagawa ko yun the more na humihigpit lalo yung sakit sa pagkakahawak nya sa braso ko.

“Tutulungan kitang maka-move on sa kanya, magtiwala ka lang sa akin.”
Nang bitiwan nya na yung kamay ko nagsalita ako.

“Tiwala? In your dreams!” naglakad na ako palayo sa kanya habang hawak-hawak ang braso ko na mahapdi dahil sa higpit ng hawak nya. Ayoko ng magtiwala, ayoko na!

2 weeks later

SIMULA nung mag-usap kami about doon sa trust na sabi nya, lagi na syang nakabuntot sa akin. Naiinis at naiirita na rin ako sa pangungulit nya.
Nalaman na rin ni Papa ang tungkol dito at nakakainis kasi kinausap nya si Gelo na bantayan ako ,dahil laging busy si Papa sa Business nya. Lagi ko naman sinasabi na kaya ko ang sarili ko kaso ayaw naman nya makinig, mas maganda na daw kung may kasama ako.

“Clare ko, punta tayo sa may Coffe shop.” naiinis na rin ako sa pagtawag nya sa akin ng ‘Clare ko’. Tinarayan ko lang siya at tinuon lang ang panood ng T.V.

“Umalis ka mag-isa mo, dito lang ako! Umurong ka nga!” pina-urong ko sya nung tumabi sya sa akin. Hindi ko gusto yung presensya nya sa loob ng bahay namin. Bakit pa kasi dito yan nanonood eh may bahay naman sya ah, nakakainis rin kasi dito yan pinapatulog ni Papa.

“Sige na Clare ko, masarap yung coffe nila doon.”pagpipilit nya sa akin, pero di ko sya pinapansin.

“Ako na nga lang, dito ka lang ah wag kang aalis.” sinundan ko lang siya ng tingin, palabas ng pinto sa bahay. Nang makalabas na sya pinatay ko na ang T.V. at pumunta sa kwarto, inaantok na yata ako.

Pumasok ako sa kwarto at humiga sa malambot kong kama. Ang sarap sa feeling kapag walang taong nangungulit sayo. Pinikit ko ang mga mata ko saglit, nang mapagtanto ko na ilang minute na rin ang nakakalipas bakit wala pa si Gelo?. Urgh! Bakit ko ba iniisip yun, mas maganda ngang wala sya dito para maging tahimik naman ang loob ng bahay.

Pero di na rin ako nakatiis at bumaba para sundan yung kumag na yun, bakit ba kasi nag-aalala ako sa kanya? Nag-aalala ako kasi kung mapahamak yun ako pa ang sisihin, tama tama!

Nang makababa ako nagulat ako sa nagsalita.

“Gising ka na pala.” So, sa tingin nya nga na natutulog ako kaya di nya na ako ginising.

“Oo, nauuhaw kasi ako.” pagsisinungaling ko, para di nya isipin na nag-aalala ako sa kanya. Pumunta ako doon sa may ref. nang pigilan nya ako.

“Ito na inumin mo, manggo shake yan binili ko talaga yan para sayo.” sabay abot nya sa akin, tinignan ko lang sya. “Wag kang mag-alala walang lason yan, gayuma lang” nang marinig ko yun tinitigan ko sya ng masama, tumawa lang sya at sinabing joke lang. Inabot ko naman yung binigay nya, since nung pagkakita ko nangangasim ako.

“Di nga pala makakauwi si Tito ngayong hapon, may meeting pa daw kasi sya with his client. 
Nagtext kasi sa Tito sa akin, since di nya naman daw ma-contact yung number mo.” Tinignan ko lang sya.

“Okay” tanging sagot at sabay inom ng Manggo shake ko.

“Magbihis ka ng maganda.” natigilan naman ako at tumingin sa kanya. Ano sa tingin nya sa akin panget kung manamit?

“Clare try mong minsan wag magsungit.” at sino naman siya para utusan ako? Tinitigan ko lang siya ng masama at pinagpatuloy ang iniinom ko.

Naglakad lang ako paakyat ng hawakan nya yung kamay ko.

“Ano na naman?” sigaw ko sa kanya.

“May maganda kasi akong nakitang rides, makikita mo talaga yung buong view.” pagpapaliwanag nya.

“Oh tapos?” pagmamataas ko.

“Sumama ka.” ang haba nang ngiti nya, akala nya naman sasama ako.

“Ayoko!” madiin kong sagot at tinanggal na ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

“Please Clare.” Para nalang may nag-udyok sa akin nang marinig ko ang ‘please’ kaya napahinto ako at tumingin sa kanya. Mas lalo akong nabigla sa sinabi ko.

“Wait mo ako, magbibihis lang ako!” mabilis akong umakyat sa kwarto ko nung mabigkas ko yung mga salita na iyon. Gash! Ano na naman ang nangyayari sa akin? Bakit ako pumayag sa alok nya? I mean paano, hindi kaya gusto kong sumama kasi..

No way! Hindi yun pwedeng mangyari. All this time, pinilit kong magmove on sa lalaking lubos kong minahal, tapos ngayon? Ayoko! Ayokong mainlove sa twins nya.

Pero paano ko sasabihin na ayokong sumama, ayaw ko ng makipagtalo sa kanya dahil lagi naman syang nananalo sa akin. God! Help me! Anong gagawin ko?
Narinig ko ang malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko, alam kong si gelo yun pero ayaw ko pa talagang lumabas, ni hindi pa nga ako nakakapag-bihis. What will I do?

“Clare ang tagal mo naman magbihis, kalahating oras na ah!” sigaw nya mula sa pinto.

“W-wait lang!” wala na talaga akong magagawa kung hindi sumama, wala na rin naman akong choice!.

Nang makalabas na ako sa kwarto nabigla ako dahil parehas kami ng color red na suot na damit, napansin nya rin siguro to kaya napa-ngiti.

“Para tayong couple Clare.” What? Tinitigan ko lang sya ng masama, magpapalit pa sana ako ng shirt ng pigilan nya ako baka daw umabot ulit sa half hour ang pagpapalit ko.

NAMANGHA ako sa nakita ko, I mean dito ba talaga kami sasakay? Ang ganda, Ferris Wheel sya na sobrang taas at kitang-kita talaga ang mga view kapag nasa taas ka.

“Nagustuhan mo ba?” napangiti ako at tumango na parang aso. Nagulat ako nung hawakan nya yung kamay ko, pilit ko itong tinatanggal kaso sobrang higpit ng hawak nya.

“Let me, please? Just for today at promise ko simula bukas na hinding-hindi na kita guguluhin?” napatango ako sa sinabi nya at hinayaan nalang syang hawakan ang kamay ko. Pero bakit ganun? Hindi ako masaya kasi bukas hindi na siya mangungulit, hindi nya na ako lalambingin at hindi ko na maririnig araw-araw yung sinasabi nyang mahal nya ako. Erase that! Dapat maging masaya ako, dahil bukas wala na sya, wala ng manggugulo sa akin. Urgh! Naiinis na ako, ano ba talaga tong nararamdaman ko para sa kanya?

Hindi ko pala napansin na nakasakay na kami at hawak-hawak nya pa rin ang mga kamay ko, ang sarap sa feeling. Hindi kaya nahuhulog na talaga loob ko sa kanya totally?

“Clare” rinig kong sambit  nya sa pangalan ko, kaya tumingin ako sa mukha nya.

“Papakawalan na kita simula bukas, mahirap pero kakayanin ko. Di ba sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao marunong kang magpalaya?” umiiyak ba sya?

“Mahal kita Clare tandaan mo yan, lagi lang akong nakasunod sayo.” Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko bago nya bitiwan.

Pero bakit naman ako ganito? Di ba dapat masaya na ako, malaya na ako eh. Pero bakit ganun may isang parte na sinasabi ng utak ko na ayaw ko siyang umalis.
Naramdaman ko nalang ang labi nya na nilapat sa aking noo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. 
Ayaw ko man sabihin, pero pilit sinasabi ng puso ko na Mahal ko na nga sya.

“I love you Clare!” at yun ang huling salita na narinig ko mula sa kanya.

“CLARE nagiging tulala ka na. Ano bang nangyayari sa iyo anak?” rinig kong sabi ni Papa.

“Ilang araw ka ng ganyan, ano bang nangyari. Tyaka nasaan na si Gelo?” hindi ko na napigilan ang sarili ko ng marinig ang pangalan nya, bumuhos ang mga luha na kanina pang nagbabadyang tumulo. Mabilis na lumapit sa akin si Papa at niyakap ako

“Pss.. tahan na anak, alam ko yung pakiramdam ng ganyan. Mahal mo ba siya?” tumango lang ako. Simula nung araw na sinabi nya na mahal nya ako, nawala na talaga sya ng tuluyan. Wala akong balita sa kanya, hindi ko na rin sya nakikita na pumapasok sa school. Wala na nga talaga sya.

“Alam mo Clare, yung puso hindi yan natuturuan kung sino yung mamahalin mo. Di ba sabi nga nila, when your heart start to beat, wala ka ng magagawa just follow and you will be happy” tama si papa, pero bakit ganun hindi ko sinunod yung puso ko, ngayon ako tuloy ang nahihirapan.

“Pa-papa may pag-asa pa po kaya ako?” gusto kong mag-sorry sa kanya, gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko sya, pero paano kung huli na pala?

“Lahat may second chance Clare. Just follow your heart!” nabuhayan ako sa sinabi ni Papa, kaya mabiis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
Nagpasalamat ako kay Papa, at mabilis na inayos ang sarili ko. Hahanapin ko sya at sasabihin ko na talagang mahal ko siya.

**kring kring**

“hello?”

“Are you Ms. Clare Gette Yang?”

“Yes, why?”

“Mr. Angelo Villanueva is in emergency room” nang marinig ko ang E.R. bigla nalang lumakas ang kaba sa dibdib ko. Tinanong ko kaagad kung saang hospital yun, buti nalang at mabilis akong nakapunta.

Please God, wag nyo pong pabayaan si Gelo. Please!

Nang makarating ako sa lobby ng hospital agad akong nagtanong kung anong room sinabi naman agad nila ito. Nalaman ko na rin na nagkaroon sya ng Car Accident dahil sa lasing sya.
Nang makapasok ako doon sa loob ng room ni Gelo, umupo kaagad ako sa may upuan at hinawakan ang kamay nya.

“Please, gumaling ka na mahal na mahal kita Gelo, nung sinabi mong lalayo ka na sa akin umiiyak lang ako sa kwarto. Tama nga si Papa, hindi ko sinunod yung puso ko, kaya ngayon nahihirapan ako.” Napangiti ako ng maramdaman ko ang pag-galaw ng daliri nya.

Tinawag ko ang pangalan nya at nung nagising sya bigla ko nalang syang niyakap. Ang saya saya ko, thank you lord!

“S-sino ka?” natigilan ako sa ginawa ko at humarap sa kanya

“h-ha?”

“H-hindi kita kilala.Sino kaba?”

Nanlalabo na yung mga mata ko. Bakit hindi nya ako kilala?

“A-ako yung kaibigan mo. I mean ako yung taong mahal mo”

“Hindi talaga kita maalala” nagsimula ng pumatak ang mga luha ko, nanghihina ang mga tuhod ko sa sinabi nya kaya napa-upo ako. Bakit ngayon pa?

“Nakakainis ka naman Gelo eh. Ngayong mahal na kita sasabihin mo sa akin na hindi mo ako kilala? Ang unfair naman!” sumisikip yung dibdib ko sa sinabi nya na hindi nya ako maalala.
“Mahal mo ako?” tumingin ako sa kanya at tumango.
Naramdaman ko ang pagpahid nya ng luha sa pisngi ko.

“Wag ka ng umiyak Clare ko, joke lang yun!” napatingin ako sa mata nya at tumatawa lang siya. Pinakaba nya ako doon, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may amnesia sya.
Pinanghahampas ko sya ng unan. “Bwisit ka talang lalaki ka, pinakaba mo ako doon!”

“Sorry na Clare ko, kasi ikaw eh.” Ako pa talaga ang may kasalanan.

“Pero sabi mo Clare ah, wala ng bawian.So ano, pwede na ba kitang ligawan?” ngumiti sya ng nakakaloko.

“At sa tingin mo naman papayag ako?” biglang nawala ang ngiti nya at napalitan ito ng lungkot.

“Magpagaling ka muna” pagpapatuloy ko at tumingin sya sa akin ng naka-ngiti na.

“Ma-magaling na ako!” tumayo sya,pero napatumba lang siya kaya tinawanan ko lang siya.

“I love you, Clare ko.”

I kneeled beside his bed at hinawakan ang kamay niya.

“I love you too.”

5 years later

MASAYA na kami ngayon ni Gelo at ang magiging anak namin. Actually, I’m 38 weeks pregnant in twins. I’m already due to give birth next week! And Gelo and I was officially married.
Simula na naman ng second chance para sa aming dalawa ni Gelo. Ang mga pangako naming walang iwanan ay tutuparin naming hanggang sa kamatayan.

Kahit gaano ka pa nasaktan basta pagdating sa pagmamahal alam mo na kaya mo pang magbigay ng pagkakataon para maging masaya at magmahal ulit.

***W A K A S***





7 comments:

  1. ang ganda talaga ng story mo, naiinis ako doon sa kay John Rianne na akala mo naman kung sino, pinaasa nya talaga si Clare, buti nalang talaga may kambal yun kung hindi naku! mabasag ko paitong comp. hahaha, good luck and keep it up !

    ReplyDelete
  2. napaluha ako doon ah, nakakaiyak naman ganun pala talaga ang feeling no kapag nagmahal ka ng kambal. sana mapublish tong story mo :) ang ganda eh

    ReplyDelete
  3. happy ending din ang wakas, akala ko di na talaga magwawakas eh. buti naman at lumigaya na si clare, congrats sa kanila for the new baby twins ^_^

    ReplyDelete