My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 30

NAGING daily routine na ni Jenny ang dumaan sa St. Peter Cathedral Church pagkagaling niya sa Studio. Bumalik na siya sa pamamahala nito. Araw-araw siyang lumuluhod at nagdadasal. Nagsusumamo sa Poong-Maykapal na sana bumalik na si Ken sa kanyang piling.

Malapit na siyang manganak but Ken didn't give any sign, hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa asawa for more than 8 months ng wala si Ken ay di sila nakarinig ng any single word about his status. Kung ano na ang kalagayan nito.

Hindi na rin masyadong nagpapakita si Jomar sa kanya dahil nahihiya itong harapin siya.

Lumuluha siyang dumadalangin habang nakapikit. "Sana nasa maayos na kalagayan ang asawa ko, Lord." taimtim niyang hiling sa Diyos.

Sa iilang buwang wala siyang balita dito ay minsan sumusagi sa kanyang isipan na kalimutan na lang ang asawa pero ang kanyang puso naman ang walang tigil sa pagtibok at hinahanap ang pag-ibig ni Ken.

Palabas na siya ng simbahan ng may nakabangga sa kanya. She look at her. Tingin na masama ngunit may konting awa. Masama pa ang loob niya dito dahil sa nangyari sa kanila noon.

Naluluhang napatingin sa kanya si Jhulie Ann. Maya-maya'y napayuko ito.

"Sorry, Jen."

Si Jhulie Ann ang bestfriend ni Jenny. Ang naging dahilan ng kanyang unang pagkabigo. Ang dahilan ng pagkasugat ng kanyang puso. Tinuring niya itong kapatid ngunit dahil sa pagmamahal nito kay Sammy ay nagawa niyang ahasin ang kasintahan niya.

Pero sa kabila ng lahat, she has many things to be thankful for. Kung di dahil sa paghihiwalay nila ni Sam ay di siya mangingibang bansa at di niya matatagpuan ang kanyang asawa.

Nahihilo siya sa mga iniisip. Pati ang puso niya ay nanghihina.

Ano ang dapat niyang sabihin kay Jhulie Ann?

Di pa niya nahahanap sa kanyang puso ang pagpapatawad pero ang kanyang isip ay nagsasabing 'Tama na! masyado ka ng nasasaktan'

Tahimik lang siya lumuhang kaharap ang kanyang dating bestfriend, wala siyang mahagilap na salita para ipahayag sa kaharap.

She treasure their friendship pero nagkalamat na ito.

Biglang sumakit ang kanyang tiyan. Sakit na di niya maintindihan.

"Jenny!" nag-aalala si Jhulie Ann na inalalayan siya. "Manganganak ka na seguro, Jen."

"Ahhhh!!!! Angggg sakkiiittt!!! Ahhh!" nagsusumigaw siya sa sakit ng kanyang tiyan. Sa sunod na linggo pa ang kabuwan niya pero pakiramdam niya ay nilalabasan na siya ng tubig.

Nanghingi ng tulong si Jhulie Ann sa mga tao sa paligid at dinala nila sa Hospital si Jen.

Kung may Teleportation Power lang siya ay ginawa na niya para makaabot kaagad ng Pilipinas.

His Parents set him free. Ang 24 hrs na biyahe ay parang isang taon dahil gustong-gusto niyang lumapag ang eroplano.

Ang dami niyang pagkukulang sa asawa at di niya alam kung mapapatawad pa siya nito dahil sa di niya naipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Kalakip sa nakapaloob sa envelope na binigay ng kanyang mga magulang ay dalawang susi.

Ang isang susi ay susi ng bahay. Ang bahay na ipinatayo ni David para kay Angela na di naman nila tinirhan dahil ginusto ng mga magulang ni David na manirahan sila sa Germany at 'yon ang naging isa sa kasunduan nila para lamang matanggap si Angela. At ngayon ipapamana na lamang nila ito sa mag-asawang Jen at Ken.

Ang isang susi naman ay susi ng sasakyan, isang Ford Expedition na naghihintay sa kanya sa labas ng Airport.

Wala siyang sinayang na oras, halos paliparin na niya ang sasakyan mula sa General Santos City Airport patungong Koronadal City sa sobrang pagmamadali. He can't wait to see his wife. Sana man lang ay di na siya nito kinalimutan o ipinagpalit man lang...

'This is it! Oh God!' kinakabahan siya, nasa solar na siya ng kanilang tahanan ni Jen, mangiyak-ngiyak na siya sa sobrang pananabik.

Nasagi ng kanyang paningin ang side mirror ng kanyang sasakyan and he saw his self in the mirror. Huli na ng makita niyang ang haba-haba na pala ng balbas niya. Nagmumukha na siyang Arabo. He forgot his self too para lamang maayos ang lahat at makabalik na siya kay Jenny.

Tinakbo niya ang pintuan at kumatok ng kumatok ngunit walang sumasagot. Umikot siya sa kusina, may pintuan kasing madaling buksan doon kaya pinilit niyang makapasok.

Malinis ang bahay at maayos, ibig sabihin may naninirahan dito. Walang katao-tao ang bahay at muli't-muli tumakbo siya sa sasakyan and decided to go to Jen's Studio ang Kiddie Captcha seguradong makakahanap siya ng kasagutan doon.

All eyes on him when he entered the studio.

"Hello, Sir! Thanks for coming, what can I do for you?" ang pagbati ni Bakekang di pala siya nito nakikilala. Sino nga naman ang makakakilala sa kanya.

"Saan ang Ate Jenny niyo?" tanong niya rito na ikinapagtaka ni Bakekang. Nangunot ang noo ni Bakekang at lumapit kay Ken at pinagmasdan itong mabuti.

"Sir Ken? Is that you? Oh God!" muntikan ng yakapin ni Bakekang si Kenneth sa galak.

"Oo, Bakekang. Ako ito. Nasaan ang Ate mo?"

"Sir Ken, kanina pa siya umalis. Pero baka nasa simbahan pa, lagi yong nandun eh."

"Salamat! Sandali, pahingi ng number niya please."

Magkadaop ang palad ni Bakekang at nagpasalamat sa Diyos. Saksi sila sa pinagdaanan ni Jen at ngayon nagbalik na si Ken ay doble din ang kanilang saya. Tinawagan ni Bakekang si Rica para ipaalam dito ang pagbabalik ni Ken.

Pumunta siya sa St. Peter Cathedral Church para hanapin si Jen ngunit pagdating niya doon ay wala ng katao-tao.

Napabuntong-hininga siya ng malalim. Kinuha niya ang kanyang iPhone at idinayal ang numerong ibinigay sa kanya ni Bakekang. It's ringing pero walang sumasagot sinuntok niya ang manebala and dialled the number again di niya ito tinigilan hanggang sa may sumagot na nga dito.

"Jen? Jenny! I'm back, Cupcake! Nasaan ka?" kinakabahan si Ken.

"Ah, Eh. Nasa hospital si Jenny. Puntahan mo dito." natatarantang turan ng sumagot sa kanya.

"WHAATTT???? Are you kidding me? Anong nangyari sa kanya?" mas lalong sinuntok ang kanyang dibdib sa kaba, bakit nasa hospital ang asawa?

"Good Lord!" pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa Hospital.

Dali-dali niyang tinungo ang Information Desk ng Hospital.

"Miss! May naadmit ba ditong Jenny Louise Heckmann?" pinagpapawisan siya sa kaba habang nagtatanong.

"Nasa Delivery Room, Sir. That way." the nurse informed and showed him the way.

Para siyang binuhusan ng malamig na yelo sa nalaman at may biglang kung anong sumundot sa kanyang puso.

Bakit nasa Delivery Room si Jen?

He ran until he reached the Delivery Room.

Tamang-tamang may lumabas na Nurse at tinanong niya ito. "Nurse, nasa loob pa ba si Jenny Heckmann?"

"Yes, Sir! Ikaw ba ang kanyang asawa? Mag-disinfect ka muna, Sir tapos magsuot ka ng Lab gown at pumasok ka na agad. Nahihirapang umiri ang asawa mo. Mag-iisang oras na yan sa Delivery Room and we could not decide na i-undergo siya sa CS kasi wala siyang kamag-anak na kasama." after kasi siyang maihatid ni Jhulie Ann at nakausap si Ken at matawagan ang pamilya ni Jenny ay umalis na ito agad.

Dali-dali niyang sinunod ang utos ng Nurse at pinuntahan niya ang umiiring asawa. Nagsisigaw ito habang umiiyak. Mas lalo siyang nasaktan sa nakikita.

"Cupcake, I'm back. Sorry for everything." usal niya ng malapitan ang asawa at hinawakan niya at hinagkan ang kamay nito.

Nagulat si Jen sa kanyang nakita, she can't believe that it was Ken, she might be dreaming just to give her strength. Ibang Ken ang nasa kanyang harap, mukha itong Ermitanyo sa haba ng kanyang balbas at sa kapayatan nito. Napatigil siya sa pag-iri pero maya-maya pa'y nagkaroon siya ng ibayong lakas at matapang na iniluwal ang bata sa kanyang sinapupunan. Mala-ilog ang pag-agos ng kanyang mga luha ng marinig ang iyak ng isang sanggol.

Napapikit siya at taimtim na nanalangin sa Diyos na sana'y di panaginip ang pagkakita niya kay Ken. "Oh God!"

"It a girl!" declared by the Doctor.

"Thanks God!" pasalamat ni Jenny sa panginoon.

"Good Lord! Cupcake, babae ang anak natin!" he's pretty sure that it was his baby.

Unti-unting binuksan ni Jen ang kanyang mga mata. Hindi siya nananaginip, it's Ken in flesh ang nasa kanyang harap.

Wala ng tigil sa pamamalisbis ang kanyang mga luha.

Hinagkan siya ni Kenneth sa noo at niyakap habang hindi tumitigil sa paghingi ng tawad sa asawa.

"Shhhhh... Enough, Ken. Wala kang kasalanan, Sugar."

"Anak ko ba'yon, Cupcake? Anak ba natin 'yon?" excited na tanong nito sa asawa.

"Oo, Ken. Siya ang naging lakas ko ng malayo ka."

"Excuse us, Sir. Kailangan pa naming linisan ang asawa niyo." pakiusap ng Nurse.

"I'll see you soon, Cupcake. Ich Liebe Dich, Jenny"

"I love you too, Sugar!"

Bago pa siya lumabas ay ibinigay ng Doctor kay Ken ang bata pagkatapos itong malinisan.

His tears fell habang pinagmamasdan ang munting anghel sa kanyang mga kamay.

"I'm your father, baby. Sorry for leaving you with Mommy, okay. Promise ni Daddy hinding-hindi ko na kayo iiwan." ang pangako nito sa munting anghel nila ni Jenny.

Dinala sa Nursery Room ang bata habang hinihintay na maging handa na ang ina nito.

And Ken didn't leave the baby. Nasa labas siya ng Nursery at pinagmamasadan sa Glass window ang anak na himbing na himbing sa pagtulog.

Nagtatakbuhang mga yapak ang kumuha sa kanyang atensiyon.

"Kenneth?" gulantang na tanong ni Rica. "Totoo nga ang sabi ni Bakekang that you're back."

"Yes, Icang. Sorry sa lahat. Patawad sa inyong lahat." buong puso niyang paghingi ng tawad sa mga ito.

Kasama ni Rica ang mga magulang ni Jenny pero tahimik lamang ang mga itong nakatingin sa kanya. He knows na may sama ng loob ang mga ito sa kanya for hurting their daughter. Hindi niya sila masisisi.

Nilapitan siya ni Mang Elpidio at tinapik ang kanyang balikat. 

"Naintindihan ka namin, anak. Biktima ka lang ng sakim na pagmamahal ng iyong mga magulang." ang matalinhagang pahayag ni Mang Elpidio.
Nilapitan din siya ni Aling Pasing at niyakap. "Magsimula kayo ulit, anak." si Aling Pasing naman.

They came to see Jen. Nasa isang Private Room na ito at namamahinga sabi ng Doctor.

"Hindi ko sinasadya ang lahat, Jen. Sorry, naging mahina ako sa paglaban. Hindi kita naipaglaban." he had that urge to explain.

"Sugar, tama na. Kalimutan na lang natin ang lahat."

"Tama si Jenny, 'Pre!"

"Jomar? Pare!" kakarating lang ni Jomar at nagkalakas ng loob na rin itong harapin ang mag-anak. Nag-hi-5 sila ni Jomar at nag-beso-beso.

"Ano 'yan, 'Pre! Di tayo talo!" turan ni Jomar na ikinatawa ng lahat.

"Ate! Anong ipapangalan niyo kay Baby?" singit ni Denise na tahimik na nagbabasa ng Pocketbook sa isang sulok ng kwarto.

Ken looked at her as if waiting for her answer.


"Maria Angela."

No comments:

Post a Comment