FINALE
HE didn't disagree sa binigay na pangalan ni Jenny sa kanilang anak. He only ask
her why and she said, "After your Mom's name."
Walang
pagsidlan ang kanyang kasiyahan. Tatay na siya and he felt so fulfilled. Umuwi
sila sa kanilang kubo bilang pakiusap ni Jen. Gusto nitong doon sila
magsimulang muli bago sila lumipat sa bahay na regalo ng pamilya ni Ken.
"Mom!
Guess what?" hindi niya napigilang ipaalam sa ina ang blessing na dumating
sa kanya when he came back.
"Kenneth?
What happened? May nangyari ba? Tinanggap ka ulit ni Jenny? Anong nangyari,
anak?" sunod-sunod na tanong ni Angela ang ina ni Kenneth.
"Ma,
I'm a father na Ma! Tatay na ako! Tatay na ako ng isang munting anghel na
babae."
She
stopped when she heard his son's news. Napaluha siya sa nalaman. Muntikan ng
mawalan ng ama ang isang anghel dahil sa kasakiman niya.
"Ma,
You're still there?" nagtaka si Ken sa biglang pagtahimik ng ina.
"Yes,
anak." humihikbi nitong sagot kay Ken.
"Ma,
why are you crying? You should be happy!"
"I'm
happy, Ken. Sorry, anak kung naging sakim kami ng Daddy mo."
"And
you'll be happy more Mom, alam mo bang ipinangalan siya ni Jen after you? Ma,
Maria Angela is her name." naririnig na ni Ken ang walang tigil na
paghikbi ng ina sa kabilang linya.
"Ma!
Hey! Cheer-up, walang sama ng loob si Jen sa inyo. She wants to meet you in
person with Dad."
"We
will, son! Tell her, we're very sorry for what we did."
"Makakarating,
Ma."
Nagkaroon
ng konting salu-salo ang buong pamilya ni Jen sa pagdating ng kanilang bagong
kapamilya. Lahat ay di maipinta ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Ilang araw
pa lang si Baby Angela ay puno na ng pictures nito ang Kiddie Captcha Studio ni
Jen. Iba-ibang kuha ng munting anghel in different angle and different
emotions. At ang nakakatuwa pa ay kuha lahat ni Jen ang mga ito. Kung pwede
lang na picturan niya si Baby Angela bawat minuto ay ginawa na niya.
At
pag-aalaga naman ay nagsasalitan sila ni Ken sa paggising. Kapag tulog siya, si
Ken ang gising but most of the time si Ken ang gising.
Hanggang
langit ang kanyang saya for she's a mother now. At buo na ang pagkababae niya.
And she promised to take care of her daughter more than her husband. Oo, 'yon
ang pangako niya and she told Ken about that na naintindihan naman ng asawa.
She
loves Ken, ito ang nagbigay kulay sa kanyang mundo but it became more brighter
when an angel came.
"Anak,
higupin mo muna itong sabaw." si Aling Pasing na may bitbit na tray.
"Salamat,
Ma. Nag-abala ka pa. Nasaan pala si Ken? Siya na lang sana inutusan mo."
"Okay
lang anak, hayaan mo muna siya. Nandun napasubong tumagay at kumanta."
Napatawa
si Jen sa itinuran ng Ina, naalala kasi niya ang unang beses na pinainom ng
tatay niya si Ken ng tuba. Halos di maipinta ang mukha nito dahil sa asim.
"Papa
talaga. Alam niyang di umiinom 'yong isa."
"Uwa!
Uwa!" iyak ni Baby Angela na wari'y gustong batiin ng kanyang Lola.
"Oo
na, Oo na apo! Ito na kakargahin ka ni Lola." tatawa-tawang turan ni Aling
Pasing at agad nitong kinuha ang bata sa tabi ni Jenny habang humihigop ito ng
sabaw ng Bulalo.
Ilang
segundo lang itong hinawakan ni Aling Pasing ay tumahan na ito. Nanggigigil si
Aling Pasing sa apo at nilalaro nito ang ilong ng bata.
"Kamukhang-kamukha
mo talaga ang Lola ano?"
"Hindi,
Ma. Sa akin nagmana 'yan." singit ni Jen.
"Sa
akin, tingnan mo ang ilong, ang mata, at ang mga bibig. Akin na akin!"
"Mama
talaga, sa lahat ng binanggit mo walang minana sa'yo." nagkatawanan ang
mag-ina sa kanilang pagbabangayan.
"Walang
minana sa inyo! Dahil sa akin nagmana 'yan!" someone came in at napatigil
silang dalawa. Nagkatinginan at nagtatanong ang kanilang mga mata.
"Sino
ka?" magkasabay na tanong ng mag-ina. They don't know the lady but she
looks familiar to Jen. At iniisip niya kung saan niya ito nakita. She looks
like the woman from the Picture na nakita niya sa wallet ni Ken, ang ina nito.
A very sophisticated woman.
Hindi
niya alam kung paano ito batiin. O ano ang dapat niyang itawag dito.
Nanatili
lamang silang nakatutok dito. "Sorry, Jenny for what we did. I've realized
everything. Sana mapatawad mo kami, sana mapatawad kami ng aming apo."
pag-uumpisa ni Angela.
"Mahal
na mahal namin si Kenneth and we just want the best for him. And we thought, he
can't have that with you. Pero mali kami, he'd never been happy like that noong
wala ka sa buhay niya. And to the point na sinuway niya kami para sa'yo dahil
sa'yo niya natagpuan ang buhay niya, Jenny. Patawad." ang lumuluhang wika
ni Angela na galing sa kaibuturan ng kaniyang puso. Luha ang naging sagot ni
Jen sa biyanang babae pati si Aling Pasing na kanina pa dumudugo ang utak sa
pilit na pag-iintindi sa mga ipinahayag ni Angela gamit ang salitang banyaga ay
napaluha na rin.
"Mas
naintindihan ko kayo ngayon, Ma'am. Kung bakit gayun na lang ang pagprotekta
niyo kay Ken. Naiintindihan ko dahil ako'y magulang na rin. Ganyan pa lang
kaliit si Baby Angela pero ang dami na naming pangarap para sa kanya. Sorry din
po, kung ako ang iniibig ni Ken." her humble words.
"Don't
call me Ma'am please. Tawagin mo na akong Mama. Jen, you don't have to say
sorry. We're very thankful na ikaw ang iniibig ni Ken. Salamat, Hija."
pasasalamat ni Angela.
She
hugged Jenny while they are both crying.
"Mare,
pwede ko bang kandungin ang apo ko?" binalingan ni Angela si Aling Pasing
na may hawak-hawak kay Baby Angela.
"Apo
natin, Mare." Nagkatawanan silang tatlo.
Hindi
maipaliwanag ni Angela ang kanyang galak sa paglapat pa lang ng
kanyang mga
palad sa kanyang apo. Niyakap niya ito at pinaghahagkan. Napuno na ng luha si
Baby Angela. "Sorry, apo ko! Patawarin mo si Lola ha? Promise, babawi
ako."ang pangako ni Angela sa kanyang apo.
Ang
bigat na nararamdaman ni Jen patungkol sa biyenan nito ay biglang naglaho when
she met her. When she talked to her with sincerity. Naiintindihan niya ang
pakiramdam ng isang ina.
Naging
maayos na ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Humingi
ng tawad at sino siya para di makapagpatawad?
Nagdesisyon
ang mga magulang ni Ken na umuwi ng Pilipinas para na rin sa total recovery ni
David at the same time para sa business na rin.
They decided to put up a branch
of Heckmann's Tiles Company sa Pilipinas at 'yon ang pamamahalaan ni Kenneth.
Iniwan
na muna nito ang pamamahala sa tiyuhin ni Kenneth hanggang sa maging maayos na
ang kalusugan nito.
"Pinangga
taka, Cupcake." paglalambing ni Ken sa asawa habang ikinikiskis nito ang
ilong niya sa ilong ni Jenny.
"I
love you, too. Pero, pwede bang mag-toothbrush ka muna amoy tuba 'yong bunganga
mo eh!" reklamo ng asawa dito.
"Kapag
amoy lupa na ba ako di mo na ako mamahalin?" pagtatampo kuno ni Ken.
"Hoy,
Dong! Wala akong sinabing iba ah! Ang sabi ko lang magtoothbrush ka!" mas
lalong dinikit ni Ken ang bunganga nito sa asawa at pinaghahagkan ito ganun
naman ang pagpupumiglas at pagsisigaw ni Jen hanggang sa nagising si Baby
Angela at di tumigil sa pag-iyak.
"Ang
ingay mo kasi Cupcake!" si Ken.
"Anong
ako? Ikaw tong makulit eh!" si Jen naman. Dali-daling kinuha ni Ken ang
bata at itinakbo habang kinakantahan niya ito.
Naghabulan
sila at pilit na inaagaw ni Jenny ang 3 months old nilang anak. Paikot-ikot sa
buong bahay habang nagtatakbo si Jen. The filled with their laughters hanggang
sa napatigil silang dalawa when they heard Baby Angela's little laugh.
Wala
ng sasaya pa sa kanilang pagsasama. They're a happy family now. A complete
happy family.
EPILOGUE
ANG Pag-ibig ay nandiyan lamang ngunit ang ito ay gawing makabuluhan ay nakasalalay na iyon sa ating mga kamay.
Jen tried to escape from heartaches and when she found a new one, she tried to ignore and again tried to escape from the strange feeling she felt.
Ngunit, kahit gaano man ang iyong pag-iwas dito when you are destined hahanap at hahanap ng paraan at pagkakataon ito lamang ay maisakatuparan.
Bagyuhin man ng ilang beses ang pagsasama kung ang pondasyon ng pag-ibig ay walang kasing tatag, lumayo man ang isa ito babalik at babalik pa rin sa iyong piling.
Jen and Ken had a happy life. They continued living in Koronadal City
while Rica and Jomar had planned to get marry soon dahil buntis na si Rica (nag-advance ang loka-loka :-D).
Ken's parents stayed with them in the mansion for a year. Walang naging problema sa kanilang pagsasama dahil itinuring ni Angela si Jenny na anak niya. And all day long ay nasa kanya si Baby Angela, mahahawakan lamang ito ni Jenny kung papadidiin niya. Halos ayaw na itong ibigay ng biyenan sa kanya.
They love their angel too much! Ganun din si Mr. David, he keeps talking in German language kapag kaharap ang apo and they all laughing to see Baby Angela smiling to her grandfather.
She starts to walk and starts to talk.
"Cupcake, nasaan si Baby?" tanong ni Ken sa asawa nang kakarating lang niya galing sa trabaho...
"Nasaan pa nga ba? Itinabi ng Mama mo. Nakiusap na sa kanya na muna." One week na lang at babalik na sa Germany ang mga magulang ni Ken.
"Ah, okay. Hayaan mo na, gawa na lang tayo ng bago." ang nakakalokong turan ni Ken and without her permission, binuhat nito ang asawa at nilagay sa kama at di kalaunan nagsanib ang pwersa ng kapangyarihan ng pag-ibig.
***WAKAS***
No comments:
Post a Comment