CHAPTER 4
LUMAPAG ang eroplanong kanilang sinakyan sa Abu Dhabi International Airport. At
maghihintay pa sila nang anim na oras para sa susunod nilang biyahe papuntang
Pilipinas.
Buti
na lang may Hotel Accomodation ang Airlines na kanilang sinakyan at hindi sila
mababagot sa kakahintay ng kanilang flight sa loob ng Airport.
"See
you later..." Paalam ni Ken sa kanya.
"Sige."
Matipid niyang sagot na ngumiti naman pagkatalikod ng kausap.
Naghiwalay
na sila papunta sa kani-kanilang kwarto.
Pinilit
ni Jen na makatulog kahit magulo ang kanyang isipan. Di naman siya nahirapan
dahil na rin sa pagod sa biyahe.
Nagising
na lang siya sa pagtunog ng telepono sa kwartong kanyang inukopa. Oras na sa
kanilang dinner at maya-maya lang ay mag-uumpisa na ang kanilang flight from
Abu Dhabi to Philippines.
Sa
sumunod nilang flight ay nalungkot si Jen nang iba ang kanyang katabi, si Ken
ay nasa likurang bahagi ang kanyang inupuan.
"Excuse
me Ma'am, ikaw ba si Miss Jenny Agreda?" Pukaw sa pananahimik niya ng
isang Pilipinang estewardes.
"Yes,
Ma'am. Ako po iyon." Nagtataka niyang tanong dito.
"Ipinapabigay
lang po ito ni Mr. Kenneth Heckmann." inabot sa kanya ng estewardes ang
isang plastic plate na may lamang Peckled Cucumbers and Jalapeño Peppers.
Napangiti siya habang tinitingnan ang plato.
"Thank
you!" Pasasalamat niya sa estewardes.
Oras
na kasi ng tanghalian, naalala niya ang oras na nag-agawan sila ni Ken sa isang
Jalapeño Pepper na natira.
"Akin
yan! Ako ang nauna ah!" Agaw ni Ken.
"Eh
sa plato ko yan, paanong naging sa'yo?" Depensa naman ni Jen.
"Paano
mo naman alam na plato mo 'yan ha? Malay ko ba kung pinagpalit mo mga plato
natin nung ako ay lumingon dahil sa katakawan mo sa sili!" Pamimilosopo ni
Ken dito.
"Ako
matakaw?" Sabay hinablot ang sili at pinalaman sa tinapay at walang
kagatol-gatol na kinain. Habang si Ken ay tatawa-tawa lamang na nakatingin sa
kanya.
"Ang
baliw ko talaga." Nausal niya ng bumalik siya sa reyalidad.
Mahigit
walong oras ang biyahe from Abu Dhabi to Pinas kaya medyo nakakaboring.
Hindi
naman natatahimik si Ken sa kanyang kinauupan kaya naghanap ito ng paraan. Kinausap niya ang kanyang katabing Pilipina na kausapin ang katabi ding
Pilipina ni Jenny. At laking pasalamat niya na magka-baryo pala ang katabi niya
at katabi ni Jen. Kaya naging mas madali ang pag-swap nila ng upuan.
Tulog
na si Jen nang lumipat siya sa tabi nito kaya pumikit na rin siya.
"Ay!
Hudas!" Laking gulat ni Jen ng siya ay magising kasi iba na ang kanyang
katabi.
"Bakit
ka nandito? Bawal ang paglipat ng upuan." Nagtatakang tanong niya kay
Ken...
"I
don't care."
"Ang
tigas naman ng ulo mo!"
"May
ulo bang malambot?"
"Napakapilosopo
mo talaga."
"Hindi
naman masyado, konti lang. Hehehe!" Inirapan ito ni Jen at tumalikod para
bumalik sa pagtulog ngunit kinakalabit ito ni Ken.
"Hey!
Tutulugan mo lang ako? I-entertain mo naman ako." Pangungulit ni Ken dito
na di naman pinansin ni Jen.
"Nagpumilit
na ngang makalapit dito kahit bawal, tutulugan ka lang." Bulong na
paghihimutok ng lalaki.
"Matulog
ka na muna. Antok lang yan." Sambit ng dalaga noong hinarap niya ito.
"Hmp!
Ano pa nga ba, eh di matulog." Pagtatampo ni Ken sabay talikod sa dalaga
at pumikit na rin.
Para
silang mga batang magkalaro at nagtatampuhan dahil di napagbigyan sa isang
kahilingan.
"Hoy!
Harap ka nga!" Pukaw ni Jen sa kanya.
"Matulog
ka na!" Balik niya dito.
"Sige
na nga, ang sungit."
Ang
kinalabasan walang nakatulog sa kanilang dalawa. Nag-usap, nagtawanan, naglaro
at kung anu-ano pa... Hindi rin lingid sa kanila na pinagtitinginan sila ng
kapwa nila pasaherong kinikilig.
But
Ken said, "Hayaan mo na, paglapag natin di na naman natin sila makikita.
Just enjoy the flight." Turan ng lalaki na ikinatawa niya.
3:30
P.M. NAIA, lumapag na rin sa wakas ang eroplanong kanilang sinakyan. The whole
trip was pretty good. Busy siya sa pagpalipat-lipat ng kanyang tingin sa
paghahanap sa bagahe niya at sa mga pasaherong nasa paligid na katulad niyang
nag-aabang din sa mga baggages nila.
"Hi,
Jen! Nakuha mo na mga gamit mo?" si Ken na biglang sumulpot na lang sa
tabi niya. "Not yet. Ikaw?" pasimpleng sagot niya at tanong na rin.
"Yup! I already got them. Pwede bang sabay na tayong lumabas?"
"Baka,
may sasabunot sa akin sa labas." Pabirong sagot niya dito.
"Sorry
talaga sa nangyari." Paghingi nito ng paumanhin.
"Wala
yon, let's forget about that."
Nakuha
na nila lahat nang kanilang gamit at nasa arrival area na sila.
"Sana
magkita pa tayong muli. Can I have your number?" Your e-mail? Your home
address?"
"Ha?
Ah, eh... For what? I'm not giving my number to anyone."
"Others
pala ang tingin mo sa akin? I thought we're already friends?" May himig
pagtatampong sabi nito.
"Hindi
sa ganun, Ken."
"Eh
bakit ayaw mong ibigay sa akin? Ikaw nga lang yong friend ko dito tapos
ipagdadamot mo pa sa akin kahit mobile number mo."
"Ken---."
"Please?
In case of emergency... May matatawagan ako di ba?" pagsusumamo pa rin
nito na sinamahan pa nang pag-puppy eyes. "Ang cute talaga ng Herodes
na'to." sa loob-loob niya. Wala na siyang nagawa kundi ang ibigay ang
numero ng telepono niya hindi din naman siya titigilan nito hangga't di siya
magbigay.
Saying
goodbye is the hardest thing to do, pero kailangan. "Sana di na lang
natapos ang flight, sana habambuhay na lang kaming magkasama. Sana---..."
Naputol ang kanyang pangangarap ng hawakan ni Ken ang kanyang mga kamay.
"Jen,
Ich Liebe dich. Gagawin ko ang lahat makita ka lang muli, but for now, harapin
muna natin ang mga naghihintay sa atin." Lalong kinabahan si Jen sa mga
tinuran ng lalaki pero ang nakatawag sa kanyang pansin ay ang unang sinabi
nito. A strange language and she don't know the meaning.
"JEN!
Insan! Is that you?" Nagulat siya nang may biglang sumigaw. Wala na pala
sa harapan niya si Ken, naiwan pala siyang tulala. Nagiging habbit na ata niya
ang mapatulala. "Icang!" Sigaw din niya ng mapansing si Rica pala ang
sumundo sa kanya. Nagyakapan sila at nagsimula ng magkwentuhan. "Hoy,
Insan! Sino ung kausap mo kanina ha? Nakita ko parang hinawakan ka pa sa
kamay?" Pang-iintriga ni Rica sa kanya.
"Wala
ah, namamalikmata ka lang seguro." Pagdi-deny niya dito. "Asan na ang
sasakyan natin?"
"Ay!
Sus, Ginoo! Dali na nakalimutan ko! Halika na sa Taxi bago pa mahalata ng
Driver na
nakapatay yong metrohan niya."
"Icang!
Hanggang ngayon, baliw ka pa rin?"
"Joke
lang yon uy! Matino ako noon pa man. Wala kasi si Kuya Bernie eh, pumuntang
Bulacan kaya walang magmaneho sa aking Pajero." ang tinutukoy nitong
Bernie ay ang isa nilang pinsan.
"Nagka-PAJERO
ka na? Asenso ka na talaga, Icang."
"Of
course, I have PAJERO. Padyak na yari sa Yero! Hohoho!"
Ito
ang pinakanami-miss niya sa lahat, ang walang humpay na tawanan at kulitan
kasama ng mga kalog niyang kaibigan at mga pinsan.
Di
na sila maawat-awat ni Rica sa tawanan pati na rin ang driver ng taxi ay
nakikisabay na rin sa kanila.
Sa
bahay ni Rica siya manunuluyan ng dalawang araw habang naghihintay ng kanyang
flight pa-Mindanao.
No comments:
Post a Comment