My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 5

TAGILID sa kanan, tagilid sa kaliwa, maya-maya ay dadapa, uupo, tutuwad... Iba-iba na ang posisyon niya, paulit-ulit niyang ginawa mahanap lang ang tulog nito pero hindi pa rin siya dalawin ng antok... Sa tuwing pipikit siya ang lalaki ang nakikita niya. "Oh, God! Ano ba itong nararamdaman ko?" Tanong sa sarili habang sinasabunutan ang kanyang buhok... "You're like a super glue na dumikit ng husto sa isip ko.."

Lumabas siya ng kusina para uminon ng fresh milk baka makatulong ang gatas para makatulog siya.

Napasilip siya sa orasan na nasa kusina.... It's 2 o'clock a.m. "Aaaaaahhhh... Let me sleep." Kastigo niya sa sarili. Dapat mahimbing na itong natutulog sa mga oras na ito dahil pagod sa biyahe, but where she is now? Malaki pa sa mga mata ng kuwagong nakamulat ang kanyang mga mata...

Wala siyang choice dahil sa mahimbing nang naglalaway sa pagtulog ang pinsan ay napagdesisyonan niyang bumalik na lang sa kanyang kwarto at inabala ang sarili sa pagbabasa hanggang sa siya'y nakatulog...

<<KEN's POV>>

Di ako makatulog, siya ang laman ng isip ko... Ano bang meron sa babaeng yon at ginulo niya ang isip ko... Nanuluyan muna ako sa Condo Unit ng pinsan kong si Jomar sa Manila, my flight for Koronadal City will be next day. Kumuha ako ng isang bote ng beer sa refrigerator at tumungo sa veranda't nagpahangin...

"Bakit di kapa tulog? It's past 1 a.m already." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. It's Jomar.

"I can't sleep."

"Time heals, Bro.! Alam kong mahirap mawalan ng isang minamahal. Try to move-on." Tinapik nito ang balikat ko at iniwan na ako...

"Sana nga." Usal ko habang nakapikit at nanumbalik na naman ang nakaraan...

FIVE MONTHS BEFORE:

"Beginning today, I promise you...
I'll give my heart to you...

From now on, I'll be right by your side and I swear.." madamdaming pagkanta ni Andrea habang sila'y nasa sasakyan patungo sa pinagpagawan nila ng kanyang gown... Sinandal pa nito sa balikat ng lalaki ang kanyang ulo...

"I really love you, hon. Ikaw ang nagbigay kulay sa buhay ko." maluha-luhang turan nito, sabay gawad ng halik sa pisngi ni Ken.

"I love you more, honey. Next day you'll be officially mine. At humanda ka sa araw na yan..." Sambit ko ng lalaki na ikinatawa nito..

"Naughty." Piningot nito ang kanyang tainga..

Habang binabagtas nila ang kahabaan ng National Highway, isang rumaragasang 10 wheelers truck ang nakasalubong nila at mukha itong nawawalan ng preno... Dali-daling pinihit ni Ken ang manibela para makaiwas... Nakaiwas nga siya sa truck na iyon, ngunit siya naman ang nawalan ng control at sa poste ng kuryente bumangga ang kanyang kotse... Fading lights ang natatanging nakita niya at wala na siyang maalala sa nangyari after that...

He was awake, inilibot nito ang paningin sa apat na sulok na kanyang kinaroroonan. siya'y nasa isang puting silid. Ang hina ng pakiramdam ng pakiramdam niya, di siya makagalaw. 
Mahahapdi ang katawan at ang sakit ng kanyang ulo. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang inang lumuluha... Nagtaka siya kung bakit naroroon siya sa kwartong ito.

Sumakit ang ulo niya sa kakaisip at nanlamig siya ng maalala niya ang nangyari.

"Mom, Dad, where's Andrea?" Mahinang tanong niya sa mga ito na ikinagulat nila...

"Thanks, God! At nagkamalay ka na rin, iho. 2 weeks ka nang nandito, anak." Niyakap ito ng ina at hinalikan sa noo habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Ma, where's Andrea? How is she?" Ulit na tanong nito sa ina... Na dahilan upang magkatinginan ang mga magulang.

"Get well, Son." ang tanging nasambit ng kanyang. Pakiramdam nito'y may itinatago sila sa kanya because of awkward actions ngunit ayaw nilang sabihin...

"Ma! Where's Andrea? Please tell me! Dad?" Nagsisigaw na ito sa loob ng kwarto, di na niya napigilang mapahagulgol sa iyak... Lumabas ang kanyang Daddy at pagbalik ay may kasama na itong nurse...

"Ma, please? Dalhin mo ako kay Andrea, I want to see her, Mom." Pagsusumamo nito na di tumitigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Dahil sa makakasama sa kanya ang paggalaw at bawal ang mapagod, at di na rin siya mapigil sa pagsisigaw at pagtatanong ay tinurukan nila ito ng gamot pampakalma.

After how many days, medyo okay na ang pakiramdam kanyang pakiramdam at walang tigil sa pagtatanong kung dumalaw ba si Andrea o kung ano ang nangyari sa kanya but she answered nothing... He was so worried, mababaliw na siya sa kakaisip kay Andrea. At dinagdagan pa ng panaginip nito noong isang gabi.

Napalibutan ito ng mga ulap at maya-maya may liwanag, a strange light at biglang lumabas si Andreang nakaputi at nakangiti. Ang saya-saya niya, maaliwalas ang kanyang mukha. Dali-dali siyang tinakbo at niyakap ni Ken. "I really miss you, Hon." Buong pagmamahal siyang niyakap.

"Don't worry, Hon. Nasa mabuti akong kalagayan. Masaya ako sa kinaroroonan ko. I love you very much, Ken. You're my life. Salamat sa pagmamahal." madamdamdaming sabi nito at bumitaw siya sa pagkakayakap ng lalaki. "I love you more, hon." Di niya binitawan ang mga kamay niya pero ito ay unti-unting naglalaho kasabay ng mga ulap.

"I have to go, hon. Tinatawag na ako." Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng katipan, tinatawag na daw siya, nino?..

Naglalaho ito kasabay sa paglaho ng liwanag... "Andrea! Andrea! Andrea! Don't leave me!"

"Kenneth, Doc! Doctor! My son!" Naghe-hestikal na sigaw ni Mrs. Heckmann.

"Ma! Tell me, where is she! Maawa ka Mom. I really missed her. Mababaliw na ako sa kakaisip, Ma! Please, tell me the truth!" Naghe-hestirikal nitong sigaw sa ina.

Walang tigil ang kanyang pagluha, she tried to talk but something stopped her. Nauutal siyang nagsalita. "Son, lakasan mo ang loob mo. Wala na akong maisasagot sa mga tanong mo, maybe it's time to tell you the truth..." Kinakabahan siya sa naiisip na posibleng nangyari kay Andrea because of the sign, sa kanyang panaginip. "Hindi ko matatanggap, HINDI!" ang pagsisigaw ng kanyang utak.

"She's GONE, Son." ang rebelasyon ng kanyang ina na nagpaguho sa kanyang mundo.

He get one more bottle of beer. Inisang lagok lang niya ito. Naghahabulan na naman ang kanyang mga luha. That was five months ago pero hanggang ngayon sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili sa nangyari.


Kailangan niya ng kausap sa mga oras na iyon, He get his phone and tried to dial the number of Jen, nagdadalawang isip siya to do that pero itinuloy niya, but when he called, cannot be reached ito. Nakasara ang kanyang cellphone.

No comments:

Post a Comment