CHAPTER 6
"JEN,
Ich liebe dich" salitang nagpamulat at nagpagising sa kanya dahil sa
paulit-ulit itong nagri-replay sa panaginip niya. Hindi niya alam ang ibig
sabihin ng mga katagang iyon kaya sumasakit na rin ang kanyang ulo sa
kakaisip...
Napabuntong-hininga
na lamang siya at isang mahinang katok ang kanyang narinig sa gitna ng
kalaliman ng kanyang pag-iisip, "Insan, gising kana?" Si Rica...
"Kagigising
lang." lumapit ito at siya'y pinagmasdan...
"Di
kaba nakatulog? Bat ang pula-pula ng mga mata mo? Para kang bangag..."
Sabi nito sabay tawa....
"Ehhh...
Hindi masyado."
"May
gumugulo ba sa isip mo? O baka naman May naiwan ka sa ibang bansa?
Aaayyyiieee!" Pang-aasar ng pinsan niya.
"Tumahimik
ka nga diyan, kaaga-aga eh!"
"Tanghali
na uy, bumangon ka na jan nang makapananghalian ka." Napatingin siya bigla
sa orasan.
"Nakakahiya,
tanghali na pala at kagigising ko lang."
"At
kailan ka pa nagkahiya, ha?" Birong tanong ni Rica.
"Hindi
ka talaga nagbago." Sagot nito sabay tapon ng isang unan sa pinsan na tawa
lang ng tawa. Bumangon na rin siya at pumunta ng banyo para maligo. Naalala
niyang nalowbat pala ang cellphone niya kaya bumalik siya at inilagay ito sa
charger at binuksan bago pumasok sa banyo.
"Jen!
May tumatawag sa cellphone mo!" Si Rica na nagsisigaw sa labas. Kahit
kailan talaga parang machine gun pa rin ang bunganga nito.
"Pakisagot
nalang, Icang!"
Nang
lumabas siya ng banyo ay nakita niyang abot tainga ang ngiti ni Icang.
"Oh, bat ganyan ka kung ngumiti. Para kang pusang di makaihi."
"Aaayyyiiieeee!
Ikaw ha? May tinatago ka pala, umamin ka nga!" Kinikilig nitong sabi na
nagpakunot sa kanyang noo. "Anong pinagsasabi mo? Adik ka talaga. Halika
na nga, nagugutom na rin ako eh." Pag-iiba niya sa usapan.
"Sino
nga pala ang tumawag?" Tanong niya sa pinsan.
"Ewan
ko, number lang naman ang nakalagay at nagtanong kung saan ka ngayon." ang
sagot ni Icang na lalong nagpakunot ng kanyang noo.
"At
binigay mo?"
"Oo.."
taas-noong sagot nito...
"Aray!"
Malakas na sigaw ng pinsan nang hinampas niya ito.
"Bakit
mo ibinigay? Paano kung mamamatay tao 'yon? Eh, di nanganganib ang buhay ko
ngayon?" Nahihintakutan niyang turan dito.
"Gutom
lang 'yan, Sistah! At saka may mamamatay tao bang ang ganda ng boses?"
Kampanteng sagot nito.
"Hindi
nasusukat sa boses ang pagiging mabuti at pagiging masama ng isang tao."
"Weeeehhh!
Di nga?" Sagot nito na nag-rolled eyes pa.
Hinila
na niya ito sa kusina para kumain nang matahimik na. Adobong Baboy (sori for
our fellow muslims, i respect all of ypu but i have to use this) ang ulam kaya
wala kang maririnig sa kanya. Busy ito sa pagsusubo at ang daming kanin narin
ang nakain nito.
"Yan
lang pala ang makakapagpatahimik sa'yo, Jen eh... Hahahahaha! Ang kintab ng
labi mo." pang-aasar na naman ni Icang sa kanya.
"Nag-umpisa
ka na naman, subukan mo kayang di kumain nito ng 2 years? Tingnan natin."
napasarap ang kain ng dalaga at parang ayaw niyang tantanan hangga't di pa
nauubos ang ulam nila. Malakas na dighay ang pumailanlang pagkatapos nitong
uminom ng softdrinks na ikinatawa nilang dalawa.
"Hay,
salamat! Nakadighay na rin ako ng wagas!" Napakaingat niya noon na hindi
makalabag sa kaugalian o tradisyon sa ibang bansa na kahit ang pagdighay ay
patago pa niyang ginagawa. Tawang-tawa naman si Rica noong ikinuwento niya ito.
Tinagurian ang mga Pilipinong Numero Uno sa pagka-madisplina at ma-respeto.
Kaya tayo'y tinitingala sa kaugaliang 'yan. Kahit sa buong daigdig tayo lang
yatang bansa ang may subject na GMRC. (Hahahaha! Lumiko ata ako? Pero, Proud to
be Pinoy pa rin ako!)
They're
watching koreanovela sa hapon nang may kumatok. Dali-dali namang tumayo si
Icang at nakapagtatakang dumaan pa ito sa harap ng salamin at tiningnan ang
sarili. Napangiti pa itong kaharap ang salamin.
"Para
kang baliw, Icang!" Natatawa niyang puna dito.
"Malapit
ka na rin, tandaan mo 'yan! Hahahaha!" Mapang-asar na tawa din ni Rica.
"Kamusta?
Pasok kayo!" Naririnig niyang anyaya ni Rica sa kung sino mang kumatok sa
pintuan. "Mabuti at di kayo naligaw."
"Madali
namang hanapin itong place ninyo eh. Ako nga pala si Jomar." Sagot naman
nito kay Icang.
"Hoy,
Jenny! Asikasuhin mo ang bisita mo!" Sigaw ni Rica.
"Bisita
ko? Jomar? Wala naman akong kilalang Jomar ah!" Nagtatakang kausap nito sa
sarili. Sumilip muna siya nang patago sa pintuan ng kusina at doon niya
napagsino ang kanilang bisita.
Ayaw
sana niya itong harapin pero napag-isip-isip niya na magmumukha siyang walang
pinag-aralan kung gagawin niya 'yon. Kaya hinarap niya ito.
"Hindi
na ako magtatanong kung paano ka napunta dito." sabi ni Jen at sabay na
ring napailing habang nakatingin siya sa pinsan nang lumabas na siya sa kusina.
"What
would you like to drink? Coffee? Tea? Or tubig na lang?" Singit ni Rica
para na rin maiwasan ang nagbabagang tingin ng pinsan.
"No,
thanks." si Ken.
"Don't
bother yourself, Rica." Sabat naman ni Jomar.
"Sinabi
niyo eh, pero maghahanda pa rin ako. Halika! Tulungan mo ako, Jomar."
Feeling close na kaagad si Rica sa bisita nila nang yayain niya ito sa kusina.
Naiwan
si Jen at Kenneth sa sala na tahimik lamang at naiilang sa isa't-isa, ni walang
gustong magsimula sa usapan.
"Actually,
it's Jomar who talked to your cousin." Pagpapaliwanag ni Ken.
"Now,
I know." Matipid niyang sagot dito saka naman bumalik ang dalawang may
bitbit ng merienda. Naging matipid na sa pagsasalita si Ken kaya pati siya ay
nahihiya na rin dito.
Wala
namang tigil sa pagsusulyapan sina Jomar at Rica, maya-maya ay magsasalita at
tatawang parang nagkakaintindihan kahit sila'y nagkakatinginan lamang, 'yong
parang nag-uusap ang kanilang mga isipan.
Dahil
sa naiilang pa sila sa isa't-isa napagdesisyunan ng mga kalalakihan na lumabas
para makapaglibot muna sa ka-Maynilaan at mag-bonding na rin at makilala ang
isa't-isa...
Di
na nakatutol si Jen dahil na rin sa pamimilit ni Rica at isa pa gusto din muna
niyang makagala din bago umuwi ng probinsiya.
No comments:
Post a Comment