CHAPTER 7
SA loob ng dalawang taon sa ibang bansa ay nagbubulag-bulagan at
nagbibingi-bingihan siya sa mga lalaking nagpapahiwatig ng pagmamahal sa kanya.
May ibang lahi din na nanliligaw sa kanya and it came to the point na a
journalist had proposed a marriage for her but she denied it. Hindi niya ito
mahal at ayaw niyang sumugal. Inisip na lang niya na trabaho ang punta niya sa
ibang bansa at isa pa ang makalimot. Ayaw niyang masaktan ulit. Pakiramdam niya
ay naging salot ang kalalakihan sa buhay niya.
Di
na rin siya nagpapantasya sa mga paborito niyang aktor na dati ay kilig na
kilig siya. Pero isa lang ang kanyang tinira sa kanyang mga mata, ang kanyang
mahal na Thai Actor (ang kokontra ilulublob ko sa isang drum na tuba!)
Hindi
na rin siya nagpapadala sa mga matatamis na salita ng pag-ibig na ibinabato ng
mga manliligaw niya. At hindi din niya nakakalimutan ang isang nagsabihi sa
kanyang, "You are really a beautiful woman with infectious smile, eyes
simply amazing with a smile, sensuality and brief natural love" na
nagpahagalpak sa kanya ng tawa. Ano pala tingin nito sa ibang babae na nakaka-infect
ang mga ngiti nila? Huwwaaawww!??
Baywalk
ang naging destinasyon nilang apat. Gusto sana niyang umayaw sa imbitasyon but
she thought, it's just only a night at pagkabukas ay wala na rin ito dahil uuwi
na siya sa probinsiya.
Namiss
na ng sobra ni Jen ang kumain ng street foods. Kaya naisipan niyang doon dalhin
ang mga ito since nagyaya ang mga boys na kumain sa labas at siya ang pinapili
kung saan sila mamamasyal bago kumain. At gusto din niyang makaamoy ng
preskong-hanging dagat.
Nakangiwi
si Rica pero wala siyang magawa, eh yon ang gusto ng pinsang bagong dating kaya
pagbibigyan na lang niya.
Pagdating
sa Baywalk ay naghiwalay ang bawat pares. Nakipares na rin kasi si Jomar kay
Rica kaysa naman maging estorbo pa siya sa dalawa.
"Halika
na Rica." yaya ni Jomar kay Rica at kumapit naman agad si Rica sa kamay ng
lalaki.
"Ang
bilis namang kumapit ng tuko!" pabulong na saway ni Jen sa pinsan.
"Tseeee!
Mind your own business." saka nagmartsa na silang paalis at
pinagiwang-giwang pa nito ang puwet na parang pato na naglalakad.
Tahimik
na lang na napangiti ang dalaga sa kabaliwan ng pinsan.
"Hmmm,
how are you?" Basag ni Ken sa katahimikan niya.
"Okay
naman kahit medyo pagod pa rin sa biyahe. Bukas na ang alis ko, pauwi sa
probinsiya namin." sagot nito.
"That's
great. Makikita mo na rin ang pamilya mo." Masayang turan ni Ken. Nabasag
ang pader na nakapagitan sila while exchanging their thoughts.
Masaya
silang naglalakad at nag-uusap ng mapansin ni Jen ang isang balut vendor at
dali-dali niya itong nilapitan.
Bumili
siya at kumain ng isa, dalawa... Sa di kalayuan si Ken ay tuwang-tuwa lang na
nagmamasid sa kanya na parang batang ilang taong nagutom.
Lumapit
sa kanya si Ken at kumuha din ng kung ano man ang kinakain ni Jen.
"YUCCCCKKKK!
Ewwww!" Malakas na sigaw nito ng binuksan at nang makita ang sisiw sa loob
ng itlog. "You people are eating this?" Tanong nito na talagang
nandidiri sa bukas na balut sa kanyang kamay. "If you don't like the food,
don't say Yuck! Say, I DON'T LIKE IT! Even it's not delicious for you, it's a
blessing too!" May himig pagtatampong wika niya rito sabay kuha sa limang
balut na binili niya at umalis na rin at naupo sa tabing dagat...
"Sorry...
I, I didn't mean it." paghingi nito ng paumanhin ngunit di niya ito
pinapansin... Naupo ito sa tabi niya at laking gulat niya nang kinuha nito ang
isang balut. Binuksan niya ito, "Put some from this." Binigay niya
rito ang konting asin at ang hiningi niyang sukang may sili.
Gusto
niyang humalakhak sa ginagawa nito pero pinipigilan niya kahit ang ngumiiti man
lang to show him na nagtatampo talaga siya sa ginawa niya kanina. Nakangiwi ito
habang hinihigop ang sabaw ng balut.
"Aaaahhhh!
It's so HOT!" nagsisigaw ito habang pinapaypay ang kanyang bunganga gamit
ang kanyang mga palad. Di na niya napigilang humagalpak sa tawa.
Tumigil
si Ken sa pagpaypay at hinarap ang babaeng walang tigil sa pagtawa. Their eyes
met at napatigil sa pagtawa si Jen. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo, wala
silang naririnig na kung ano man sa kanilang paligid kundi ang mga tibok lamang
ng kanilang mga puso.Naiwang nakaawang ang mga labi ng dalaga at walang
pasabing siniil siya ng halik ng lalaki.
Nanlaki
ang kanyang mga mata sa ginawa ng lalaki. Mapupusok na halik, madamdamin at
mapag-anyayang halik. At di na niya napigilan pang hindi gumanti sa mga halik
na iyon na tumagal din ng ilang minuto bago siya natauhan.
Si
Jenny ang unang bumitaw! "Ahhhhh! Ang anghang!" Siya naman ngayon ang
napasigaw dahil sa anghang na nanggaling sa kanyang mga labi at si Ken na naman
ang napahalakhak.
"That's what we called KARMA! Hahahaha!" sabi ng
lalaki na di pa rin tumitigil sa pagtawa.
Napatitig
si Jen sa kanya, "He's so cute." Di niya napigilang mapahanga sa
lalaki. Nag-unahan sila sa pag-inom ng tubig and they end-up laughing together.
The
moon was so bright, ang daming bituing kumikislap sa buong kalangitan... The
scene was so perfect. One of the romantic scenes she's always dreaming of...
But the problem is... Wala sa hinagap niya na ang katabi niya ngayon ang
makakasama niya with that romantic scenes sa kanyang pangarap...
SIYA
BA? Ito na ba ang bubuo sa nawasak niyang puso? Waaaaahhhh! STOP! Pigil ng
kanyang utak. Isang ilusyon, imahinasyon na pinapanalangin niyang magkatotoo.
Pero handa na ba ang kanyang puso?
Kumain
sila sa isang simpleng restaurant lamang dahil ayaw ni Jen nang maaksaya sa
pera. Walang magawa ang tatlo sa gusto ni Jen kahit si Kenneth ang magbabayad
sa lahat ay mas sinunod nila ang gusto ng dalaga. And that made Ken admired her
more. May prinsipyo at paninindigan ang dala. It seems that she's following
some rules in her life.
"Hoy!
Insan, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Rica sa kanya ng papasok na sila
sa bahay pagkatapos silang ihatid ng mga binata.
"Bakit?
Wala naman ah!" Pagtataka nito sa tanong ng pinsan.
"Kanina
ka pa kasi kagat ng kagat sa labi mo. Anong nangyari diyan?"
"Ay,
wala! Naparami ako nang kain ng balut na maanghang..." Sagot niya dito,
pero ang totoo... Nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Ken sa kanyang mga
labi.
"Ows?"
Diskumpiyadong sagot ni Rica... "Balut ah! Malihim ka talaga kahit
kailan.." Pahabol ni Icang saka nagmadaling pumasok sa bahay...
"Hoy!
Hindi ah!"
"Handa
na pala mga gamit ko para bukas. Matulog na nga tayo.. Nang may makuha pa akong
muta kaysa makig-usap sa'yo..." Palataw na biro ni Rica...
"Wala
naman talaga ah! Para balut lang eh----" mahinang sambit niya at napaupo
siya sa sala na kinikilig at nakatanaw lamang sa kawalan kasama ang kanyang
malalim na pagbabalik-tanaw sa nangyari.
"Walang
nangyari ah!" sobrang gulat niya nang magsalita si Rica sa harap niya.
Napapikit kasi siya at nakangiti.
"Good
Night, Icang!" Tumayo ito at mabilis na pumunta sa kanyang kwarto at
naiwan si Rica na naguguluhan at kinikilig sa inakto ng kanyang pinsan.
No comments:
Post a Comment