My Flight With You by Cory Khong


CHAPTER 3

NAGTATAKANG tinitigan siya ng lalaki. "I always sleep for the whole trip. Nahihilo ako at nasusuka, that's why I keep on sleeping." She explained.

"Kawawa ka naman pala but promise I'll be here for you." Seryosong sabi nito.

"No, thanks. I can manage myself." Sagot ni Jen and she looked at him confusingly.

"Did I hear you talked in Tagalog?" Taas kilay niyang tanong dito.

"Siyempre naman! I'm a half-Filipino." Pagmamalaki nito.

"Nangamote pa ako sa paghahanap ng English na isasagot sayo. Nagta-Tagalog ka lang pala." Saad nito na ikinatawa ng lalaki.

The flight had begun. At nararamdaman na ni Jen ang panghihina. Ganyan siya pag bumabiyahe, nahihilo at nasusuka.

Tahimik lang silang dalawa. Paminsan-minsan nag-uusap at tatahimik na naman. Paminsan-minsan nagkakahulihang nagsusulyapan at nagngingitian lamang. Pinili niyang makinig ng music at manood ng TV, but the truth is wala doon ang konsentrasyon niya kundi sa katabi.

"Are you okay?" Pukaw ni Ken sa pananahimik niya.

"I'll be fine." Nanghihinang sagot niya dito.

"Just wait, I'll be back soon." Tumayo ito at umalis sa kanyang kinauupan. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ito na may dalang gamot at tubig. "Take this one and you'll be okay." Nag-aalalang binigay nito ang gamot at tubig.

"Hindi ba nakakamatay 'yan?" Biro niyang tanong dito.

"You're such a crazy woman. Inumin mo na nga 'yan. 'Pag namatay ka seguradong susunod ako sayo." Namula ang mukha ng dalaga sa mga sinabi ni Ken.

Hindi na mapipigilan ang kakaibang tibok ng puso ni Ken. He loves her sense of humor. She's really different from the other girls he had met before. At di nito naiwasang ikumpara si Jen sa babaeng minahal niya ng buong-buo. He had promised to himself na kung magmamahal siya ulit ay aalagaan niya ito ng husto at di niya hahayaang mawalay ito sa kanya.

Pagkatapos uminom ni Jen ng gamot biyahilo ay sinubukan niyang matulog but she can't. Lumilipad ang isip niya.

Laking pasasalamat ni Ken nang mapansin niyang nakatulog na si Jen. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga. "She's like an angel." Tahimik na paghanga nito sa dalaga.

Napansin nitong wala sa ayos ang ulo ng dalaga kaya unti-unti niya itong idinantay sa kanyang balikat. It feels like heaven. Ang gaan ng pakiramdam niya habang naririnig ang mumunting paghinga ng dalaga at maya-maya pa'y isinandal din niya ang kanyang ulo sa ulo ng dalaga at saka pumikit na rin.

«JEN's POV»

Nakapikit na ako for how many minutes pero di ako makatulog. Naramdaman ko na lang na masuyong sinandal ni Kenneth ang aking ulo sa kanyang balikat. Gusto kong bawiin ang aking ulo but then mas pinili kong manatili sa kanyang balikat. Siyempre noh! It's a chance! Ang bango pa!

"Hindi na talaga mapipigilan yang paglalandi mo!" Ang sabi ng traydor kong isipan.

"Tumahimik ka nga diyan! This time, hindi kita papakinggan! Mas masarap pa 'tong higaan kaysa unan!" Kinikilig kong saway dito. At maya-maya'y naramdaman kong isinandal nito ang kanyang ulo sa aking ulo. "Jusme! Ako'y mapapatalon na ata nito sa eroplano sa sobrang kilig."

Napamulat siya nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. At di siya nagkamali, tinititigan nga siya ng lalaki. "May mota ba ako sa mata?" Tanong niya sa lalaki.

"Wala, mukha ka kasing anghel 'pag natutulog." Hirit nito na ikinapula ng pisngi ng dalaga.
"Pwede bang tigilan mo ang pambobola mo?"

"No, hindi kita binobola. Sinasabi ko lang ang totoo."

"Hindi mo nga ako binobola, pinapaikot mo naman ang mundo ko." Pabulong na sabi nito.
"What you said?"

"Nothing! I said you're cute!" Nagsisigaw ang aking isipan. Nagulat sa naibulalas ng aking bunganga.

"I know." Sagot nito saka kumindat pa.

"Kapal pala ng mukha mo!"

"Eh sa 'yon ang totoo eh! Sabihin mo nga, tama o mali?"

"Whatever."

Naging maayos naman ang kanilang biyahe. Kung saan-saan umabot ang kanilang usapan. Mapa-Wrestling, boxing, football, basketball, movies, musics, etc. Narating na rin nila ang White House sa pag-uusap, ang nangyari kay Pres. Arroyo, ang history ng Pilipinas, maging ang kalawakan at ang underworld ay napasali na rin sa kanilang usapan.

He was a great fan of Peter Pan at siya naman ay kay Rapunzel. In some things nagkakaintindihan sila dahil sila'y parang may mga batang isip.

"Maiba ako, bakit mo pala naisipang magbakasyon sa Pilipinas?" Tanong ni Jen dito na ikinabago nang ekspresyon at modo ng mukha nito.

"Let's not talk about that please." Malungkot nitong pakiusap.

"Why?" Sunod na tanong niya dito.

"Please?" Pagsusumamo ng lalaki.

"Okay." Parang na-guilty siya sa pagbabago nang emosyon ng lalaki and she tried to find a way na maibalik ang kani-kaninang sigla nito. Pero mukha talagang umiba ang mood nito. Fatal ata ang pagkakatama ng tanong niya sa lalaki.

They're quite for a few minutes, naiilang na siyang kausapin ito. Napaka-seryoso na nito.

"Yan kasi yang bunganga mo eh!" Kastigo niya sa kanyang sarili.

"Hey! Cheer-up! Sorry na naman oh!" Taos-puso nitong paghingi ng tawad dito.

"Laro na lang tayo, to have some fun. Sige na..." She acted like a child.

Napalingon ito at napangiti, "Ang kulit mo talaga. Para kang si Mahal 'pag umakto diyan eh!"

"Uy! Kilala mo si Mahal?" Curious na tanong ni Jen dito. Akalain mo 'yon isang 26 years old na Filipino-German na ngayon lang makakapunta ng Pilipinas ay kilala si Mahal?

"Oo naman! My mom used to watch Filipino Channels everyday. Yon na ang nakamulatan naming TV stations eh." Pagmamalaking turan nito. Kaya ito ako fluent magtagalog." Taas-noong sabi nito. Kapag titigan mo siya, he's really a foreigner at 'pag nagsalita ito he has different accent, a german accent pero napakagaling niyang magtagalog.

Hindi na siya pinilit maglaro ni Jen baka itapon pa siya sa bintana ng eroplano kapag di siya tumigil sa pangungulit dito.

The dinner was served, nagising siya sa kalampag ng kutsara't tinidor sa harapan niya. She opened her eyes and found out it was Ken. Inaayos ang kanyang dinner. "Hey! You don't have to do that!" nahihiya niyang turan dito pero kinikilig naman siya.

"Sorry for disturbing you but it's time for dinner. Let's eat." Nginitian na lamang niya ang lalaki at nagpasalamat dito.

Her mood changed dahil sa pag-aalagang pinapakita ni Ken sa kanya dahil naalala niya ang kanyang nakaraan. Ang nakaraang pilit niyang kinalimutan pero di niya pinahalata sa lalaki ang pag-iiba ng mood niya.

"Uy! Alam mo ba 'yong pick-up lines ni Sen. Miriam Santiago?" Pag-uumpisa niya sa usapan just to show him that she's okay but the truth is she's hurting inside. For more than two years, she tried to forget those bad memories. She tried to forget the love she had given sa lalaking unang nagpatibok ng puso niya.

"No, not yet." Matipid na sagot ni Ken sa kanya.

"Ito makinig ka, "Wala akong sinabing maganda ako, ang sabi ko lang panget ka!"" palatak na tumawa si Ken at tinitigan niya si Jen. May lungkot sa mga mata nito.

"Di ka natatawa doon?"

"It's not that, hmm... Let me hear more..." pilit niyang pinasaya ang mukha nito.


"Kung pwede ko lang pasukin ang mga mata mo para makita ko ang laman ng puso mo ay kanina ko pa ginawa." Ang sa isip ni Jen. Maraming katanungan ang lumulutang sa isip niya pero di niya maitanong-tanong dahil na rin sa pag-aalinlangan.

No comments:

Post a Comment