CHAPTER 15
MASAYA ang matanda sa nakikita sa kanyang apo. Kaya pala ito nasaktan ng todo dahil
kakaiba ito kapag nagmahal. Alam niyang di ganun kadali ang paghilom ng sugat
but she's very happy to see his grandson moving on.
"Lola
naman eh, si Jen muna, Lola." pagsusumamo ni Ken sa matanda na nakanguso
pa. Tatawa-tawa na lamang ang matanda sa kanyang apo.
"Loko
lang, Apo. Go ahead. Kuhaa na ang soon-to-be-bride mo." anang matanda at
nagkatinginan ang dalawa.
"May
I have this first dance with you?" Ken offered his hand to Jenny. At ngiti
naman ang naging ganti ni Jen at tinanggap ang kamay ng lalaki. Nasanay na siya
sa mga boltaheng nananalaytay sa kanyang mga kaugatan kapag nagdampi ang
kanyang balat sa balat ni Ken.
Pumailanlang
ang kantang "You Changed My Life in a Moment by Sarah Geronimo"
habang patungo sa gitna ng hardin ang dalawa kung saan ginanap ang kanilang
munting dinner kasama sina Jomar at Rica at ang iilan lamang sa pamilya ng ina
ni Kenneth ang imbitado.
The nights the sky was filled with clouds
My worried mind was filled with fear
I couldn't count all the lonely hours
Spent with memories and tears
Tahimik
silang nagsasayaw sa gitna na nakatitig sa isa't-isa habang pinapakinggan ang
lamanng kanta. Naiiyak si Jen sa pakikinig nito. Sobra siyang nakaka-relate sa
kanta. At di napigilang pumatak ang isang butil na luha sa kanyang pisngi.
I never thought I would see the day
When I could throw all my sorrow away
But then you came and you showed me the
way
You have made all those times disappear
"The
song was so perfect for us, right?" pinunasan ni Ken ng kanyang hinlalaki
ang luha ni Jen at niyakap niya ito.
You changed my life in a moment
And I'll never be the same again
You changed my life in a moment
And it's hard for me to understand
With the touch of your hand in a moment in time
All my sorrow is gone...
"Thank
you for changing my life, Jenny Louise Agreda. I love you so much."
"I
love you more, Kenneth Lourd Heckmann."
Mga
patak ng kanilang luha ang naging saksi sa pagmamahalan nila ng gabing iyon.
Pati si Jomar at Rica na nanunuod lamang sa isang sulok ay humahanga sa
pag-iibigan ng dalawa habang kinikilig.
"I
Love you, My Lab!" si Rica kay Jomar.
"I
love you too, My Kisses." sagot naman ni Jomar dito.
Pati
si Lola Tisang ay napaluha na rin sa kanyang nasaksihan. Alam niya ang mga
pinagdaanan ng apo, kaya't masaya siya na makita itong masaya sa piling ni
Jenny. Handa siyang suportahan ang apo sa maging desisyon nito. "Sana
tuloy-tuloy na ang kaligayahan niyo, apo." taimtim nitong panalangin.
Natapos
ang gabing nakapinta ang ngiti sa kanilang mga labi maging si Jomar at Rica ay
ganun din ang naramdaman.
SAMANTALA:
"Your
Lola told me what's going on, Son. Masaya ako, but Kenneth, bakit di mo man
lang pinili ang babaeng mamahalin mo?" Ang Ina ni Kenneth na si Mrs.
Angela Heckmann.
"Ma?
What are you talking about?" nagtataka nitong tanong sa ina.
"What
I'm saying is, sana pinili mo man lang ang babaeng mamahalin mo!" he'd
never thought na ganito ang maririnig niya sa ina.
"Napipili
ba natin kung sino ang ititibok ng ating puso, Ma?" He was very surprised
in his mother's reaction. Ang buong akala nito ay susuportahan siya ng ina.
"Ma,
I love her."
"Kenneth,
your father will not like it. Son, masisira ang pangalan mo. She will ruin your
future!" galit na pahayag ni Mrs. Heckmann na di niya lubos akalain na
manggaling ang mga salitang 'yon sa sariling ina.
"Ruin?
She changed my life, Mom. And no matter what happened, I'll fight for her, Mom.
It's my life!"
"Damn
it, Kenneth! You're crazy! Paano na ang kompanya? Paano na ang kinabukasan mo?
Paano na kung 'yang isang katulong ang makakasama mo?"
"Mom?
I can't believe na ikaw itong nagsasalita, Mom. Hindi basehan ang katayuan sa
buhay para sa tunay na pag-ibig, Mom. Eh ano ngayon kung naging katulong si
Jen?" masama ang loob ni Ken sa mga pinagsasabi ng kanyang ina. He thought
na susuportahan siya nito at magiging masaya ito para sa kanya ngunit
kabaliktaran pala. Masakit isipin na ang sarili niyang ina ay mukhang ito pa
ang tutol sa kanyang kaligayahan. Di siya nakatagal sa pakikipag-usap sa ina,
binaba niya ang telepono, unang beses niyang maramdam ito patungkol sa kanyang
ina. He's very disappointed at nasaktan siya ng sobra.
"Lola,
what shall I do?" malalim ang buntong-hiningang tanong niya sa kanyang
lola.
"Mahal
ba nimo si Jen?" si Lola Tisang.
"With
all my heart, Lola. I want to marry her. I want to be with her forever."
madamdaming sagot nito sa matanda.
"Well,
dili man sila ang makisama sa magiging asawa nimo di ba? And one thing, you're
on the right age, apo."
"Susuportahan
mo ba ako sa magiging desisyon ko, Lola?"
"Oo
naman, Apo! Basta sa tama lang." His grandmother assured him.
"Kahit
po magalit pa si Mama?"
"Dako
ka na, may isip. You have your own life, ikaw ang magbuhat sa sarili nimong
buhay. Not your parents."
"Salamat,
La." sa mga naituran ng matanda ay lumakas ang kanyang loob at di niya
hahayaang mawala pa si Jen sa buhay niya. Minsan na siyang nasaktan at nawalan
ng minamahal, now that he found her. Gagawin niya ang lahat to be with her
forever.
Simula
ng makilala niya si Jen, hindi din niya maipagkaila sa kanyang sarili ang mga
pagbabago sa kanya. And he had given his heart another chance dahil doon. Takot
man siya sa posibleng rejection na matatanggap niya pero iba ang kanyang
nararamdaman, ito 'yong pinaka-strange na pakiramdam na naramdaman niya sa
tanang buhay niya. Different from what he felt for Andrea. He can't sleep at
night thinking of her, pagkasara na pagkasara palang ng talukap ng kanyang mga
mata 'pag gabi ay ito na ang nakikita niya. At ito lang din ang nagpabalik sa
kanya sa dating siya.
She's
the reason of his smile. Ang dating masakit na nararamdaman niya sa kanyang
puso ay gumaan. Because Jen's always encouraging him to make things easy. That
God's always there helping us healing the wounds of our past, if we trust him.
Ang
sabi pa nito minsan sa kanya na, "Ang sugat na malalim ay mahirap hilumin
dahil mag-iiwan ito ng peklat. At ang peklat na 'yon ay magpapaalala sa atin na
next time ay mag-ingat na nang di na ito maulit pa." makahulugan ang mga
salita ni Jen na hindi niya kinakalimutan.
Natatawa
si Ken kapag naaalala niya ang mga kakalugan ng dalaga. "Tingnan mo itong
peklat na'to." nang minsang ipinakita ni Jen ang peklat na nasa bahaging
tuhod niya.
"Ang
sugat sa puso ay katumbas yan ng tinaga ka ng Samurai na ang sugat nito ay
nagdulot ng malaking peklat na kahit gamitan o lagyan mo pa ng milyong sebo de
macho ay di ito maglalaho. Mananatili ito bilang guide mo na dapat sa susunod
ay mag-ingat ka na."
No comments:
Post a Comment