Teaser:
They say that love finds way to meet its
own destiny...
Paano nga kaya kung ang pag-ibig na
pinapangarap ay nakatayo na saiyong harap? Will you instantly fall to someone
na sa unang pagtatagpo ay itinibok na agad ng puso, pero pinakulo naman ang
iyong dugo?
DELIA BERNARDEZ, an ordinary woman who was
about to make history when a famous business tycoon knocks her way.
CHAPTER 1
"ITLOG?'
"Masarap ba 'yan?"
Napaangat ng mukha si Delia. "Iba-iba ba ang lasa ng nilagang itlog?" irita nitong tanong.
"Kapag bugok?"
"At sa tingin mo, magtitinda kami ng sira?"
"Allergic ako..."
"Ang dami mong satsat, hindi ka naman pala bibili!"
"Ang sungit naman!"
"O, sige na. Maupo ka na dahil baka maisipan ko pang lagyan ng lason ang order mo."
Napakamot na lang sa ulo ang binata at naiiling na umalis.
"Kung ganyan lagi ang magiging asal na ihaharap mo sa mga kostumer natin, baka isang araw ay tuluyan na nga tayong pulutin sa kangkungan!" sita ni Aling Delda habang abala sa pagbabalik ng mga hinugasang plato at kubyertos sa lalagyan.
Napabuga naman ng hangin sa bibig si Delia. Matapos nitong ibigay sa tagapagluto ang inorder ng nasungitan niyang kostumer ay pabagsak itong naupo sa harap ng isang maliit na mesa at nagsalong-baba dito.
Halos tatlong linggo na rin ang lumilipas nang makatanggap sila ng notice mula sa kilalang law firm na sinundan ng pagbisita ng isang abogado. Ayon dito ay kailangan na nilang umalis sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay at hanap-buhay.
"May awa ang Diyos," pampalakas-loob ni Mang Elmo.
Mahigit beinte-kuwatrong taon na ring naninirahan ang pamilya Bernardez sa lote ni Don Enrico. Wala silang naging problema dito dahil alaga naman nila ang lupa maging ang mga karatig pag-aari nito. Sa katunayan ay pinagyaman nila ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay at halaman.
Ngunit nang mamatay ang matandang don dalawang buwan na ang nakararaan, nakarating sa kanila ang balitang may posibilidad na baka sila ay paalisin. At hindi nga nagtagal, nakumpirma ito sa pagdating ng sulat at mambabatas.
"Siguradong apo sa kuko lang ang taong 'yun dahil hindi niya namana ang kabaitan ni Don Enrico!" saad ni Delia.
Biglang naagaw ang atensyon ng mag-anak nang makarinig sila ng sunud-sunod na ubo mula sa isang kostumer na nakaupo malapit sa kanila. Marahil ay nasamid lamang ito sa iniinom na tubig.
"Baka kalahi 'yun ni Hudas o Poncio Pilato na walang puso!" dagdag ng dalaga.
Muling napatingin sa direksyon ng kostumer ang pamilya nang maibuga nito ang iniinom kasunod ang pagkabasag ng nabitiwan nitong baso.
Mabilis na itinaas ni Delia ang isang kamay na maagap na pumigil sa mga magulang na akto sanang sasaklolo. Tumayo ito at taas-kilay na lumapit sa mesa ng umuubo pa ring lalake. "Okay ka lang?"
"Ha? Uhm, okay lang!"
Inilahad ng dalaga ang isa nitong palad. Napatitig naman dito ang kostumer at nagtatakang napatingala, "Ano 'yan?"
"Anong ANO?" Pinalaki nito ang
mga mata sa pag-aakalang matatakot ang kausap, ngunit tila hindi man lang ito
natinag. "Bayad!"
"Ha? Magkano?"
"Eighty pesos."
"Eighty pesos para lang sa isang baso?!" mulagat nito. “ Mukha naming mumurahin!”
Kinuha ni Delia sa suot na apron ang papel at ballpen:
30.00 - 3hours stay
(Republic Act 123A - Laws about overstaying in a carenderia)
35.00 - 12glasses of MINERAL water
(Philippine Irrigation Act 760 - Protocol about too much usage of H2O)
15.00 - 1broken glass
(Baclaran's Vendor Association Act 360 @ Made in China)
= 80.00
35.00 - 12glasses of MINERAL water
(Philippine Irrigation Act 760 - Protocol about too much usage of H2O)
15.00 - 1broken glass
(Baclaran's Vendor Association Act 360 @ Made in China)
= 80.00
Matapos makapaglista ay inabot ng dalaga sa
kostumer ang papel, "No credit cards are allowed because we need cash.
Intiendez?"
"This is insane!" reklamo nito matapos makita at mabasa ang halaga ng kanyang babayaran kasama na ang eksplinasyon na hindi niya alam kung saang libro hinugot.
Hinablot ni Delia ang papel at muling nagsulat dito, "Additional of 50.00 for calling me stupid."
"I said, INSANE!"
"Pareho lang ng kahulugan 'yun kaya huwag mo akong gawing tanga! Pasalamat ka dahil hindi ko pa 'yan pinatungan ng tax! Ano? Magbabayad ka o tatawag ako ng pulis?"
Bago tumayo ang lalake ay tinanggal muna nito ang suot na sunglass. At kahit nanlilisik ang mga mata, para kay Delia ay kumukuti-kutitap ito. It has a fiercing, but masculine eyes that almost made her weak. Nawala tuloy ang kanyang konsentrasyon tungkol sa batas at matematika.
"And what will you do if you'll call a cop?"
"Ha?" bahagya pa itong nagitla sa tanong. "Uhm, para naman may escort ka sa pag-uwi!" biglang naisatinig nito.
Nagkatitigan ang dalawa, nangusap ang kanilang mga mata. Hanggang hindi na namalayan ni Delia na humakbang na siya palapit sa kostumer na ipinako naman sa kinatatayuan.
Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng guwapong estranghero sa dalaga nang magsalita ito, "I don't need an escort. I can take care of myself."
Napapikit si Delia nang masamyo ang mabangong hininga ng kaharap. Para itong nagmumog ng litro-litrong mouthwash. Nakaka-relax. At higit sa lahat, nakakapang-init.
Unang pagkakataon na naramdaman ng dalaga ang tila paglutang sa alapaap. Ang malakas na tibok ng kanyang puso ay parang tambol na lumilikha ng isang magandang musika.
"Anak..."
Itinaas ng dalaga ang isa nitong kamay upang patahimikin ang mga magulang na magkasabay pang tumawag sa kanya. Ayaw niyang masira ang kanyang ROMANTIC MOMENT.
Yes. It was indeed a romantic one; they are just an inch away, breathing like they need each other and their heart beats joyfully. "I really care. Yes, I do."
"Talaga?"
Mabilis na napadilat si Delia nang marinig ang isang pamilyar na tinig. "Ahhhh!" hiyaw nito nang mabungaran ang suki nilang traysikel drayber na bukod sa panot ay tadtad pa ng taghiyawat ang halos buong mukha with matching patilya at bigote pa.
"Aray!" daing ng drayber nang dumapo sa pisngi nito ang palad ng pinagpapantasyahang dalaga. "Bakit mo ako sinampal?"
"Bakit ka kasi nananakot?"
"Anak, ganyan na talaga ang hitsura ni Piolo Paskal. Masanay ka na," saad ni Mang Elmo.
"Nasaan na siya?" Pinagala ni Delia ang tingin sa paligid, "Nasaan na siya?" pag-uulit nito.
"Sino?" sabay na tanong ng mag-asawa.
"Si MR. RIGHT!"
"Mr. Right?" Nagkatinginan sina Aling Delda at Mang Elmo. "Anak, kanina pa siya umalis!" tugon ng ginang.
Naningkit ang mga mata ng dalaga. Ibig sabihin, kanina pa siya nagmukhang TANGA.
"Goto nga!" singit ni Piolo.
"May itlog o wala?" asik ni Delia na nasaid na ang inis dahil sa antipatikong lalake na isa lang pala sa mga naglipanang Mr. Wrong sa mundo.
"Ako? Meron, dalawa. Huhugasan ko para walang lasa. Gusto mo?"
Isa uling sampal ang dumapo sa kabilang pisngi ni Piolo na lalong nagpakulo sa dugo ni Delia.
CHAPTER 2
"Kung nabubuhay lang sana si Don Enrico, hindi niya hahayaan na umalis kami dito!" bulalas ni Delia. Bumakas sa tinig nito ang magkahalong inis at galit sa nag-iisang tagapagmana ng matandang don.
"Pumanaw na si Don Enrico..."
Napapitlag si Attorney Uy maging ang mag-asawang Bernardez nang biglang tumayo si Delia at hampasin nito ang mesa sa tagiliran ng kinauupuan.
"'Yan na nga ang punto ko! Patay na siya kaya dapat bilang respeto, huwag naman sana ninyong tanggalin o alisin ang mga bagay na nakapagpasaya sa kanya noong nabubuhay pa siya!"
"Tama!"
Napasapo sa dibdib ang matandang abogado nang muling magulantang sa paggaya ni Mang Elmo sa ginawa ng anak.
"Napasaya namin si Don Enrico. Katunayan ay nalilibang siya sa tuwing dumadalaw dito. Gustong-gusto niya ang pamimitas ng sitaw at pag-ani ng mga talong. "
Inihanda na ni Attorney Uy ang sarili sa pag-aakalang susunod si Aling Delda sa dalawang nauna, pero tahimik lang ito sa pagluha.
"Ipaglalaban namin ang karapatan namin dito sa lupa!" sigaw ni Delia. "Lalaban kami kahit dumanak pa ng dugo! Walang atrasan! Laban kung la-" Hindi na nito natapos ang litanya ng pakikibaka nang mapansin ang matamlay na pagbalik sa upuan ng ama. "Pa?"
Bilang tugon ni Mang Elmo sa pagtataka ng anak ay inginuso nito ang mga papeles na inilatag ng abogado sa mesa.
Nanlumo namang bumagsak ang mga balikat ni Delia. Legal ang mga nakasaad sa testamento at pirmado ito ng lehitimong tagapagmana. "Attorney, baka naman po may ibang paraan para hindi kami mapaalis dito?" malumanay nitong tanong.
"Meron naman..."
Pumalahaw ng iyak si Aling Delda na halos ikalaglag ng nagulat na abogado sa kinauupuan nito. "Bakit hindi mo agad sinabi, attorney?"
Kinuha muna ng matandang abogado ang bote ng tubig sa loob ng bag at sinaid ito. Minabuti niyang magdala ng sariling inumin dahil noong unang bisita niya ay binigyan siya ng pamilya ng isang baso ng kumukulong tubig.
"Attorney, handa naming gawin ang lahat para manatili sa lupang ito."
"Good!" Inilabas ni Attorney Uy sa attache case ang ilang papel at ibinalik sa loob nito ang mga dokumento na nasa mesa. "Ayon sa iniwang last will sa SY-DEE's Group and Company, mapupunta sainyo ang kabuuan ng lupain ni Don Enrico dito sa Mamasapano kung matagumpay ninyong magagawa ang kanyang huling habilin..."
Sumiksik sa magkabilang direksyon ng matandang abogado ang pamilya para makasiguro na hindi makakalampas sa kanilang pandinig ang bawat detalye.
"May dalawang malapit sa puso ni Don Enrico na tiyak daw niyang malulungkot kapag siya ay nawala. At ang kanyang hiling ay maibalik sa mga ito ang kasiyahan."
Nagkatinginan ang mag-anak. "Maikli ang pasensiya ko," wika ni Mang Elmo. "Mahina ako sa ganyan," segunda ni Aling Delda.
Tangka sanang ibubuka ni Delia ang bibig para pabulaanan ang kasinungalingan ng mga magulang, pero minabuti nitong tumikom na lamang.
"Magagawa ba ninyo?"
Humugot ng pinakamalalim na buntong-hininga ang dalaga. Napasulyap muna ito sa ama't ina bago nagsalita, "Ano ba ang gagawin ko?"
NAKANGANGA si Delia habang walang kurap na nakatitig sa ipinakilala sa kanya ni
Attorney Uy. Ito ang una sa dalawa niyang kliyente na ayon sa abogado ay
kailangang mapaligaya niya.
"Mahigit sampung taon na siyang kasa-kasama ni Don Enrico dito sa mansyon. Sanggang-dikit sila, sobrang malapit sa isa't isa. Katunayan ay lagi silang magkatabi sa pagtulog mula nang pumanaw si Donya Purisema."
"Seryoso ka talaga, attorney? As in SIYA? Hindi nga?"
"Gagawin mo ba o hindi?" balik-tanong nito.
Sa halip na sumagot ay napabuga na lang ng hangin sa bibig si Delia at muling ibinalik ang tingin sa kanyang magiging kliyente sa unang misyon.
"Jinggoy, meet Delia. Say 'hi' to her..."
"Arf! Arf! Arf!"
Napangiwi ang dalaga na bahagya pang napaatras. Kung tama ang talas ng kanyang memorya, ilang beses na niyang nabanggit kay Don Enrico na takot siya sa aso.
"Mabait naman si Jinggoy kung maayos ang suhol mo sa kanya."
"Anong suhol?"
"Gusto niya 'yung nilalambing, pinapakain ng six-times a day, sinusuklayan, kinakantahan ng lullaby at binabasahan ng mga bedtime stories."
"Spoil-brat ang peg!" taas-kilay na komento ni Delia. "Bakit, hindi ba 'yun magawa ng mga tao dito sa mansyon?"
"May mga nagtangka, pero walang tumagal at nagtagumpay. Ikaw? Kaya mo ba?"
Sandaling nag-isip ang dalaga. Pumikit-dumilat ito sa pangambang baka binabangungot lang siya. Pero, walang nagbago sa senaryong nasa harap niya.
Mahirap at masakit mang isipin, nakasalalay sa spoiled brat PITBULL ang tadhana ng kanyang pamilya. Kung hindi niya tatanggapin ang inaalok na misyon, siguradong magiging HOMELESS sila.
CHAPTER 3
Nanatili lang sa pagkakadapa sa malambot na kama si Jinggoy. Tila wala itong narinig na ang mga mata ay nakatitig sa kawalan.
"Hay!" pabagsak na naupo sa gilid ng higaan si Delia. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. "Ano ba talagang gusto mo? Ginagawa ko naman ang lahat, 'di ba? Kulang pa ba? Saan ako nagkulang?"
Napaangat ng tingin ang aso.
"Wala ka kasing alam sa nararamdaman ko! Wala! Wala! Wala!"
"Arf! Arf! Arf!"
Mabilis na nabaling ang mga mata ng dalaga kay Jinggoy. Mula nang ipakilala ito sa kanya ni Attorney Uy ay ngayon lamang naulit ang pagkahol nito.
Halos dalawang linggo na rin siyang nagtitiyaga sa pag-aalaga ng aso. Sa mga unang araw ay hindi talaga niya ito mahawakan, pero sa tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang sitwasyon ng pamilya ay minabuti niyang isantabi muna ang phobia. Hanggang natagpuan na lamang niya ang sarili na nasasanay.
Mabait si Jinggoy. Sadyang mahirap lang siguro ang proseso ng paglimot. Pero, mukhang nakuha na niya ngayon ang kiliti at kahinaan nito...
"Masakit talaga ang mawalan ng minamahal," kunwaring suminghot ito. "Alam mo ba noong iniwan ako ng hudas kong nobyo at ipinagpalit sa isang G.R.O, I want to kill myself. Parang that time ay gusto ko nang magbigti sa puno ng kamatis."
"Arf! Arf! Arf!"
"Haller! Nakamamatay rin kaya 'yun," tugon nito sa kahol ni Jinggoy na napansin niyang lumapit sa kanya ng ilang hakbang.
Tumahimik ang aso at napako ang mga mata sa dalaga. Tila biglang naging interesado ito.
"Kung hindi ko lang iniisip na malulungkot ang maiiwan kong pamilya, sana matagal na akong nakapagpahinga." Bahagya itong tumagilid sa direksyon ni Jinggoy at kunwaring nagpahid ng luha, "May mga bagay lang siguro na hindi nakalaan sa atin."
"Arf! Arf! Arf!"
Muling hinarap ni Delia ang aso. "Oo! Malulungkot si Don Enrico kung makikita ka niyang malungkot din."
Itinaas ng aso ang isang unahang paa at kinalabit nito ang dalaga na agad naman siyang kinarga.
"Kapag masaya ka, tiyak na magiging masaya na rin si Don Enrico."
"Arf! Arf! Arf!"
Binalewala ni Delia ang pagtalsikan ng laway sa kanyang mukha dahil baka magbago pa ang mood ng alaga. "Magkakasama pa rin naman kayo balang-araw. Pero kung nagmamadali ka, may mabilis namang paraan."
"Arf! Arf! Arf!"
"Lalabas ka lang ng gate, mahihiga ka sa gitna ng kalsada at hintayin mong may dumaang sasakyan. At kung gusto mo uli ng mabilisan, piliin mo 'yung garbage truck. Tamang-tama, ngayong araw ang collection nila ng basura."
Pinasadahan ng dila ni Jinggoy ang isang pisngi ng dalaga.
"Happy ka na?"
"Arf! Arf! Arf!"
"So, puwede na akong umalis?"
"Grrrrrr!"
Malakas na natawa si Delia. Hindi man niya naiintindihan ang bawat tahol ng aso, pero mukhang sila ay tuluyan na ngang magkakasundo.
Kapag nasa puso mo talaga ang isang bagay, hindi malayong ito ay iyong mapagtagumpayan. Kailangan lang talaga ng tiyaga at dedikasyon.
Kung sa una pa lang ay sumuko na siya, baka wala na silang tirahan ng kanyang pamilya.
One more step...
"TEKA!"
Napahinto sa paghakbang si Attorney Uy nang humarang sa harapan niya ang isang braso ni Delia na nakaabay sa kanyang tagiliran.
"Tama po ba talaga ang pupuntahan natin?" pagtataka ng dalaga na muling pinagala ang tingin sa pamilyar na paligid.
"Huwag kang mag-alala, hindi pa naman tayo naliligaw!" Ipinagpatuloy nito ang paglalakad na agad sinundan ni Delia. "At kung sakali man na hindi na tayo makabalik, isang sigaw mo lang ay siguradong maririnig ka na ng pamilya mo."
Napalingon ang dalaga sa likurang direksyon kung saan ay tanaw nga niya ang kanilang bahay. "Teka!" muling pagpigil nito na iniharang na ang sarili sa daraanan ng matandang abogado. "May mga bagay lang akong lilinawin, attorney..."
"Then, fire away!"
"Una, sinabi mong heredero ang Tyro Sy Dee na 'yun. Tama ba ako?"
"Tama."
"Pangalawa, sinabi mong sikat siya sa loob at labas ng bansa."
"A business tycoon."
"So, malinaw na hindi siya hayop o kabarkada ni Jinggoy?"
"He's a gorgeous hunk, in fact."
"Bakla ka?"
"Personalan?"
Patay-malisyang umiwas si Delia dahil sa nabitiwang maintrigang tanong. "Ano ba kasing ginagawa natin dito? How would you expect that a famous and G-O-R-G-E-O-U-S businessman was living here?"
"What's wrong with this place?"
Parehong nagulantang ang dalawa at sabay na napalingon.
"Every human has a right para manirahan sa lugar na matatahimik sila," itinaas nito ang harapang bahagi ng suot na sombrero.
"Tyro..." bungad ni Attorney Uy.
"Ikaw?!" bulalas naman ni Delia.
"Magkakilala na kayo?" pagtataka ng abogado.
"Tinakbuhan niya ang utang sa karenderya namin!" asik na sagot ng dalaga.
"Miss Bernardez, ipapaalala ko lang sa'yo na mayaman at kilalang tao si Mr. Dee!"
"Huh? Mayaman? Eighty pesos nga lang, hindi pa nakabayad!"
Humakbang si Tyro hanggang makalapit sa dalaga na bigla namang itinulos sa kinatatayuan. At sa pangalawang pagkakataon, muling nagtama ang kanilang mga mata.
Delia feel a sudden chill on the spine. Her heart beats faster as if she was in a race. Ganito ang naramdaman niya noong una silang magharap.
"I grew up surrounded with well-known businessmen..."
Napapikit ang dalaga. Tila inililipad na naman siya sa alapaap. Bango pa lang ng hininga, nakaka-L na.
"...so, I knew the value of every cents!"
Mabilis na napadilat si Delia. Mukhang may ibang nais ipahiwatig ang binata. "Hoy!" Agad niyang sinundan ang pagtalikod nito, "Ano naman ang ibig mong sabihin?"
Tahimik at nakamasid lang si Attorney Uy nang bumuntot sa dalawa.
"Is that your own definition of being KURIPOT?"
"That's how to give importance sa sariling pinagpaguran."
"Weeeee! Hindi nga? Kaya ba sa halip na nasa mamahaling hotel ka ay mas ginus-HOY!" Pinigilan nito sa kuwelyo si Tyro, "ANONG GINAWA MOOOOOO?"
Halos magliyab sa galit si Delia nang bumungad sa kanya ang isang kalunos-lunos na tanawin. Ang mga tanim nila na malapit na nilang anihin ay wasak at nakatumba na dahil sa malaking trailer van na nandito.
Agad namang pumagitna at umawat si Attorney Uy bago pa man ang hudyat ng giyera. Inihiwalay nito ang nanggigigil na dalaga habang kalmado naman ang binata na mas piniling ayusin ang nagusot na damit kaysa tapunan ng tingin ang tigre.
"Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo akooooo!" Pilit itong nagpupumiglas sa pagkakahawak ng abogado, "Hoy! Bumalik ka dito!" sigaw nito sa pagtalikod ng salarin na tila hindi alintana ang ginawang krimen.
"Miss Bernardez, please calm down!"
"Calm down?! PAPATAYIN KO SIYA!"
"Paano ang pamilya mo at ang lupang ito? Handa ka na bang mawala ang lahat?"
Napipilan si Delia. Bahagya itong kumalma. Naghirap na siya kay Jinggoy, ngayon pa ba siya susuko?
"Nag-iisang apo ni Don Enrico si Tyro kaya malapit sila sa isa't isa," paglalahad nito. "Yet, he did not attend the funeral and burial of his grandfather. Ayaw niyang magpaalam. He doesn't want to say goodbye sa taong malaki ang naging parte sa kanyang buhay. Since then, nawala na siya sa tamang direksyon."
Napatingin ang dalaga sa kinapaparadahan ng trailer van na nakahimpil sa mismong gitna ng kanilang taniman. Gusto na naman sana niyang sumigaw sa galit, pero mas nangibabaw sa kanyang puso ang awa.
"From a famous business tycoon, he became an astray being na puno ng kalungkutan. And your mission is to bring back the old TYRO SY DEE!"
CHAPTER 4
MULING kumatok si Delia nang wala siyang makuhang tugon sa sunud-sunod na
kalampag sa pinto ng trailer van. Tiyak niyang may tao sa loob dahil dinig niya
ang malakas na musika dito.
Nang masagad ang pasensiya ng dalaga ay dumampot ito ng bato na ginamit sa pagpukpok. Epektibo naman ang naisip nitong paraan dahil ilang sandali lamang ay tumahimik ang paligid.
Marahas na bumukas ang pinto at iniluwa sa bungad nito ang nakakatakam na adonis.
"What do you think you're doing?" singhal ni Tyro.
Hindi naman agad nakasagot si Delia dahil abala ang mga mata nito sa paghagod ng tingin sa nagmamantikang katawan na tanging boxer short lamang ang tumatabing sa kabuuan.
SHIT!
Pakiramdam ng dalaga ay inilublob siya sa kumukulong mantika. The man infront of him was totally...HOT!
"What?"
Bahagya pang nagulantang si Delia na agad bumalik sa katinuan dahil sa muling pagbulyaw ng binata. "Bakit ka ba naninigaw?"
"At bakit ka nang-iistorbo?"
Napasulyap ang dalaga sa dalang maliit na kaserola. Kailangan niyang matutong magkontrol ng sarili lalo na ng emosyon. "Uhm, pinagdala kita ng nilagang baka." Itinaas nito ang hawak na lalagyan, "Masarap 'to. Ako ang nagluto!" Maagap nitong iniharang ang isang paa sa pinto nang akto itong isasara ng binata. "Ahhhh!"
Dobleng sakit ang naramdaman ni Delia nang maipit ang kanan nitong paa habang ang kaliwa ay natapunan ng mainit na sabaw dahil sa nabitiwang kaserola.
Naalarma si Tyro na mabilis ang naging pagkilos. Binuhat nito ang dalaga at ipinasok sa loob. "Don't move!"
"Ang sakit!"
"Just stay there!" dagdag utos ng binata. Agad nitong tinungo ang kinaroroonan ng first-aid kit at nilapatan ng lunas si Delia.
Sa unang pagdampi ng mainit na palad ni Tyro sa nasaktang paa ng dalaga ay tila bumaba ang libu-libong anghel. The silence made the atmosphere...magical!
Tumigil sa pagdaing si Delia habang natunaw naman ang inis sa dibdib ng binata na abala sa ginagawa. Parehong nakikiramdam ang dalawa. Minsan ay hindi nila maiwasang mapasulyap sa isa't isa.
"I'm sorry," sambit ni Tyro habang pinapahiran ng ointment ang namumulang bahagi ng paa ng dalaga.
"Sorry din kasi makulit ako."
Nang masagad ang pasensiya ng dalaga ay dumampot ito ng bato na ginamit sa pagpukpok. Epektibo naman ang naisip nitong paraan dahil ilang sandali lamang ay tumahimik ang paligid.
Marahas na bumukas ang pinto at iniluwa sa bungad nito ang nakakatakam na adonis.
"What do you think you're doing?" singhal ni Tyro.
Hindi naman agad nakasagot si Delia dahil abala ang mga mata nito sa paghagod ng tingin sa nagmamantikang katawan na tanging boxer short lamang ang tumatabing sa kabuuan.
SHIT!
Pakiramdam ng dalaga ay inilublob siya sa kumukulong mantika. The man infront of him was totally...HOT!
"What?"
Bahagya pang nagulantang si Delia na agad bumalik sa katinuan dahil sa muling pagbulyaw ng binata. "Bakit ka ba naninigaw?"
"At bakit ka nang-iistorbo?"
Napasulyap ang dalaga sa dalang maliit na kaserola. Kailangan niyang matutong magkontrol ng sarili lalo na ng emosyon. "Uhm, pinagdala kita ng nilagang baka." Itinaas nito ang hawak na lalagyan, "Masarap 'to. Ako ang nagluto!" Maagap nitong iniharang ang isang paa sa pinto nang akto itong isasara ng binata. "Ahhhh!"
Dobleng sakit ang naramdaman ni Delia nang maipit ang kanan nitong paa habang ang kaliwa ay natapunan ng mainit na sabaw dahil sa nabitiwang kaserola.
Naalarma si Tyro na mabilis ang naging pagkilos. Binuhat nito ang dalaga at ipinasok sa loob. "Don't move!"
"Ang sakit!"
"Just stay there!" dagdag utos ng binata. Agad nitong tinungo ang kinaroroonan ng first-aid kit at nilapatan ng lunas si Delia.
Sa unang pagdampi ng mainit na palad ni Tyro sa nasaktang paa ng dalaga ay tila bumaba ang libu-libong anghel. The silence made the atmosphere...magical!
Tumigil sa pagdaing si Delia habang natunaw naman ang inis sa dibdib ng binata na abala sa ginagawa. Parehong nakikiramdam ang dalawa. Minsan ay hindi nila maiwasang mapasulyap sa isa't isa.
"I'm sorry," sambit ni Tyro habang pinapahiran ng ointment ang namumulang bahagi ng paa ng dalaga.
"Sorry din kasi makulit ako."
Muling nabalot ng katahimikan ang buong
paligid. Sinamantala naman ito ni Delia upang mapagmasdan ang binata.
Sadya ngang nabiyayaan ng kakisigan si Tyro Sy Dee. Ito ang klase ng lalakeng pinapangarap ng bawat kababaihan; RICH & FAMOUS. Pero habang nakatitig dito ang dalaga, nakikita niya ang isang bahagi ng pagkatao nito. The lost of Don Enrico leave not just a scar of pain, but wound of sadness.
"Takot ka bang mamatay?"
Napatigil sa panggagamot si Tyro. Nag-angat ito ng mukha, ngunit mabilis ding umiwas ng tingin. Hindi ito umimik.
"Sabi nila, kamatayan lang daw ang tanging kukumpleto sa kuwento ng buhay ng tao. It is the last chapter and everyone's destiny."
Nanatili lamang tahimik ang binata na nakatuon ang buong atensyon sa ginagawa.
"Yes. It's not an easy process, but letting go is our only ticket for healing."
"Madali lang sa'yo ang magsalita ng ganyan dahil hindi ikaw ang nawalan!"
"Nagkakamali ka..."
Muling napahinto si Tyro, ngunit nakayuko lamang ito.
"When I was ten, I lost my twin siblings and grandparents."
Napatitig ang binata kay Delia.
"Apat na malapit sa aking puso ang sabay-sabay na nawala." Umiwas ito ng tingin upang maitago ang pangingilid ng mga mata. "And what makes it worst? They've gone in a very painful way," mabilis nitong pinahid ang paggulong ng mga luha.
"Anong nangyari sa kanila?"
"Isa sila sa mga naging biktima ng hidwaan dito sa Mindanao." Tumikhim muna ito bago itinuloy ang pagsasalaysay, "Pauwi na sana sila mula sa pagbisita sa kamag-anak naming may sakit nang biglang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga sundalo at rebelde. Naipit ang sinasakyan nila ng ilang oras bago ito sumabog..."
Napanganga si Tyro. Nakalarawan sa mukha nito ang hindi makapaniwalang ekspresyon.
"Mas masuwerte ka pa rin, 'di ba?"
"Am I?" Mapait itong napailing, "Tinalikuran ko siya."
"Alam kong naiintindihan ka ni Don Enrico. Mahal ka niya at gusto niyang maging masaya ka kahit wala na siya."
Umiwas si Tyro. Tumayo ito at tinungo ang isang bahagi ng sasakyan kung saan naroon ang ilang bote ng inumin at wine glasses. "Want some drink?"
"Uhm, tubig na lang siguro."
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang binata sa kinaroroonan ni Delia tangan sa magkabilang kamay ang isang baso at wineglass.
"Salamat."
Muling nagpakiramdaman ang dalawa.
"Kapag tuluy-tuloy ang sakit ng mga paa mo, sabihin mo lang. Meron namang malapit na ospital dito, 'di ba?"
Marahan lang na tumango si Delia. "Ano ba 'yung madalas ninyong gawin ni Don Enrico noon as a pasttime or bonding?"
Walang maisip na ibang paraan ang dalaga kung paano sisimulan ang misyon. Tiyak niyang hindi ito katulad ni Jinggoy na puwede niyang idaan sa drama o bedtime stories at lullabies.
"Every weekend, we spent most of our time sa golf. Ganyan lang naman ang routine namin. What makes us closer is 'yung pagkakaroon namin ng parehong pananaw at panuntunan pagdating sa negosyo. He used to be my advicer, buddy, bestfriend and the best lolo."
"Pareho pala tayo. My family are very close to each other. Kapag malaki ang kinikita namin sa karenderya o bentahan ng mga pananim..."
Mabilis na sinaid ng binata ang laman na alak ng wineglass para maitago ang naramdamang pagkapahiya dahil sa ginawa niya sa taniman.
"...nagkakaroon kami ng family weekend bonding," napangiti ito sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan. "Simple lang ang buhay namin, pero kuntento na kami. It's the simplicity that makes our lives peaceful. At sa lugar na ito, marami kami ditong nabuong masasayang alaala."
Nagsalubong ang mga mata ng dalawa.
"Alam ni Don Enrico na mahalaga sa amin ang lupang ito," hindi na nito napigilan ang mapaluha. "Makikiusap sana ako sa'yo na kung maaari, hayaan mo na lang kami ditong manirahan."
Tumayo si Tyro at nagsalin ng inumin. "When my grandad was not with me, alam ko kung nasaan siya. Dito. Madalas niyang ibida sa akin that this place made him relax, so as the people living here who give comfort and warmth welcome."
"Nasabi sa akin ni Attorney Uy na hindi ka um-attend sa burial at funeral niya."
"It's hard."
Hindi kumibo si Delia. Naiintindihan niya ang binata dahil dumaan din naman siya sa ganitong pagsubok.
"Ano bang ginawa mo para makalimot?" tanong ni Tyro nang bumalik ito sa upuan bitbit ang isang bote ng alak.
"It takes time. Matagal na panahon bago ko natanggap ang lahat. Inisip ko na lang that our lives has an expiration date..." Napansin ni Delia ang simpleng pagngiti ng binata. Lalo tuloy itong naging guwapo sa kanyang paningin. "Marahil ay hanggang doon na lang talaga ang papel nila dito sa mundo. Kahit anong iyak ang gawin ko ay hindi na sila babalik, but their memories will remain in me. At 'yun ang ginamit ko para makalimot. I set aside the sad ones at naiwan lang ang masasayang alaala."
NALILIGO man sa sariling pawis ay hindi ito
alintana ni Tyro. Maging ang madumi nitong paa at kamay na sa kasaysayan ng
kanyang pagiging isang tanyag na negosyante ay noon lamang nabalot ng
magkahalong lupa at putik.
"Ano ka ba? Hindi nga ganyan!"
Napatigil sa ginagawa ang binata. Nadako ang tingin nito sa direksyon ni Delia na komportableng nakaupo at nagpapaypay sa ilalim ng beach umbrella.
"Kung gusto mong maganda ang tubo ng mga halaman, laliman mo ang pagbaon sa buto o ugat."
"Bakit ba kasi hindi mo ako tulungan?"
"Kasama mo ba ako noong sinira mo ang mga 'yan?"
"This land is mine!" asik ni Tyro.
"O sige na, mahal na prinsepe..." Tumayo ito at lumuhod sa tabi ng binata, "Thank you for reminding. But let me remind you too na nagkaroon na tayo ng verbal agreement na hindi mo na kami paaalisin dito."
Tumahimik si Tyro. Wala naman talaga siyang balak na paalisin ang pamilya. He just wanted to know kung bakit ganoon na lamang kahalaga sa kanyang abuwelo ang angkan ng Bernardez.
Noong binasa sa kanya ni Attorney Uy ang testamento, nalaman niyang hindi kasama sa mana ang malawak nitong lupa sa Mamasapano. Pero may karapatan siya na paalisin ang mga naninirahan dito.
He don't care about the money and properties of his late grandfather. Ang mahalaga sa kanya that time is to get far away...away from pain of losing someone dear to your heart.
Halos isang buwan din siyang nagpalipat-lipat ng lugar gamit ang trailer van mula sa kanilang kompanya. Hanggang maisipan niyang puntahan ang paboritong destinasyon ng kanyang lolo sa Masasapano.
His first day was disastrous. Napasok ng Salisi Gang ang kanyang sasakyan nang magpa-gasolina siya. Nilimas ng mga ito ang mahahalaga niyang gamit.
Ibinunton niya ang galit sa taniman ng pamilya Bernardez na nadagdagan pa nang maisipan niyang pumasok sa karenderya upang manmanan sana ang mga ito.
"Dito ka kasi tumingin, huwag sa mukha ko!" sita ni Delia nang mapansin ang pagkakatitig sa kanya ng binata. "Alam kong maganda ako..." Mabilis nitong itinaas ang kamay na agad pumigil sa tangka sanang pagsalungat ng kaharap, "Hindi mo na kailangang magsalita dahil alam ko namang itatanong mo lang kung bakit hindi ako nag-artista."
Malakas na natawa ang binata. Lihim naman itong ikinatuwa ni Delia. Naisip tuloy niya na marahil ang binatang nasa kanyang harap ay isang MR. RIGHT IN DISGUISE...
FINAL CHAPTER
"TABLE Four, please."
Binuhat ni Tyro ang isang malaking tray na naglalaman ng anim na mangkok ng goto at dinala ito sa mesa ng anim na kababaihan.
"Thank you, pogi!"
"Ang guwapo talaga niya!"
"At mukhang masarap pa!"
Naningkit ang mga mata ni Delia sa pagiging bulgar ng mga babae. Nakaramdam ito ng selos. Taas-kilay nitong nilapitan ang mesa ng grupo at puno ng paglalambing na pinahid ng hawak na basahan ang noo ng binata. "Honey, magpahinga ka muna. Alam mo naman na ayokong napapagod ka."
Tumahimik ang mga kababaihan. Maging si Tyro ay napatitig sa dalaga.
"Mabuti na 'yung may lakas ka para sa ating PAPAWIS SESSION mamayang gabi," sabay kindat nito at hinila na palayo ang tulalang binata.
"Ano 'yun?" pagtatakang tanong ni Tyro nang makabalik sila sa dating puwesto.
"Ang alin?" patay-malisya nito na kunwaring inabala ang sarili sa pagpupunas ng counter area.
"Papawis Session."
"Ha? Uhm..." Iniiwas nito ang mukha sa direksyon ng binata at ngumiti, "Balak ko kasi sanang magpapawis tayo mamaya."
"Huh?"
"Gym o kaya exercise. Ano bang iniisip mo?"
Biglang nakaramdam ng pagkapahiya si Tyro. Iba kasing kahulugan ang pumasok sa kanyang isipan.
"Ikaw, ha?" sinundot nito ng daliri ang tagiliran ng binata. "Siguro kulay ber-"
Naputol ang pambubuska ng dalaga nang hulihin ni Tyro ang kamay nito na may hawak na basahan.
"Ano 'to?"
"Ha?"
"Ito ang ginamit mo kanina sa 'kin?"
Kumawala si Delia sa pagkakahawak at inamoy ang puting tela na tadtad ng mantsa ang kabuuan. "Mabango naman, ah?" sabay kumaripas ng takbo.
Mabilis na hinabol ni Tyro ang dalaga na hindi alintana ang tinginan ng mga tao sa paligid lalo na ng mag-asawang Bernardez.
"Huli ka!"
"Ay!"
Nawalan ng balanse si Delia nang mahawakan ang kanyang braso, ngunit maagap itong nasalo ng binata.
Nagkatitigan ang dalawa habang habol ang paghinga.
Nawala na sa isip nina Tyro at Delia ang mga drayber ng mga sasakyan na nakaparada sa harap ng karenderya maging ang mga tambay dito partikular si Piolo Paskal na kinain ng matinding selos nang masaksihan mismo ng malalaking mata ang paghalik sa kanyang sinisinta.
"Ehemmmm!"
Mabilis na naghiwalay ang mga labi nina Tyro at Delia na parehong natauhan nang makarinig ng malakas na tikhim.
Parehong namula ang mukha ng dalawa nang mabungaran si Attorney Uy na tila may nais ipahiwatig sa malapad nitong ngiti.
"Pasensiya na sa istorbo," hinging-paumanhin ng matandang abogado na nasa tinig at tingin ang panunudyo.
"What brought you here?" tanong ng binata.
"We need to talk, Tyro."
"Marami pa akong trabaho dito," hinila nito ang kamay ni Delia pabalik sa loob ng karenderya.
"This is not your world, you have your own!" wika ni Attorney Uy na nakasunod sa dalawa.
"Hindi pa ako handang bumalik."
"You must."
Napatigil sa paghakbang ang binata at nilingon ang abogado. "Anong nangyari?"
"The Board of Directors wanted to elect a new head."
"What?"
"Napapabayaan mo na daw ang kompanya, so they were planning to replace you."
"At anong karapatan nilang gawin 'yun?"
"Then do something!"
"Si Altheo Mercedez ba ang may pasimuno nito?"
"Walang iba."
"Kailangan na siguro niyang ihanda ang resignation letter niya," bumakas sa tinig nito ang pagbabanta. "Kailan nila pinagpaplanuhan na patalsikin ako?"
"Bukas."
"Then take the first flight for three."
"Three?"
Bumaling ng tingin si Tyro sa kahawak-kamay na dalaga, "Puwede ba kitang isama?"
SA loob pa lang ng limo patungo sa Sy-Dee
Building ay naging abala na si Attorney Uy kasama ng personal assistant at
secretary ni Tyro sa pagbibigay update sa binata hinggil sa mga nangyari sa
negosyo ng angkan nito sa mga nakalipas na buwan na wala ito.
"Since you left, the sales dropped to 2%..."
"It's not a big deal dahil in a week I can pull it up."
Tyro Sy Dee was not just a businessman, he's one of the best in his field.
"But to your subordinates and colleagues, it is."
Muling nagpatuloy ang grupo sa pagtalakay habang si Delia ay abala naman sa pagkalikot ng kung anu-anong button sa loob ng magarang sasakyan. Ito ang unang pagkakataon niya na makasakay dito maging sa eroplano.
"Whoooaaaaa!"
Naghiyawan ang mga kasama ni Tyro nang magliparan ang mga papel dahil sa pagbukas ng sliding ceiling ng lemo.
"Sorry!" hinging-paumanhin ng dalaga na muling pinindot ang button para maisara ang maliit na kuwadradong bintana sa itaas.
Lumipat ng upuan si Tyro at tumabi sa dalaga habang abala pa ang mga kasama sa pagpulot ng mga papeles. "Okay ka lang?"
"Oo naman. Ikaw, okay ka lang?"
"Nope."
"Bakit?"
"I was surrounded with enemies," tugon nito. "Noong ilipat sa akin ni Lolo Enrico ang full rights and responsibilities ng Sy-Dee Corporation, marami sa mga nakatataas niyang empleyado ang nagprotesta. I was amateur back then and they are professional. Pero, pinatunayan ko sa kanila na hindi hadlang ang pagiging baguhan."
"Tama!" Hinawakan ni Delia sa magkabilang balikat ang binata at iniharap sa kanya. "Prove them this time that you're unbeatable," inayos nito ang kurbata ni Tyro at sinuklay ng mga daliri ang buhok. "Gawin mong lakas at inspirasyon si Don Enrico. I know he'll be happy now seeing you standing again."
"And thank you for that," sabay malambing na pisil sa tungki ng ilong ng dalaga.
"You're welcome." Kunwaring walang epekto sa kanya ang ginawa at sinabi ni Tyro, ngunit sa kaibuturan ng kanyang mga kalamnan ay gumapang dito ang boltahe ng kuryente na kumiliti sa puso niya.
"We're near, Mr. Dee!" anunsyo ng sekretarya.
"I'm ready!" sabay kindat nito kay Delia.
"Gusto mong humingi ng goodluck kiss, 'no?"
Napakamot sa batok ang binata, "Kung puwede sa-"
Hindi na natapos ni Tyro ang iba pang sasabihin nang mabilis na selyuhan halik ng dalaga ang kanyang labi.
"MR. SAAVEDRA?"
Napatingin lahat ng tao na nakaupo sa harap ng malaking obalong mesa sa direksyon ng nag-iisa nilang kasama na hindi nagtaas ng kamay.
"I'm sorry, everyone. But my loyalty will remain to Don Enrico and Tyro. Wala ang kompanyang ito kung hindi dahil sa kanila."
"Wala ang kompanyang ito kung hindi dahil sa atin!" pagtutuwid ni Altheo na sinang-ayunan naman ng karamihan sa pamamagitan ng pagtango. "Nasaan ang mga taong sinasabi mo na dapat ay nagpapalakad dito?"
Hindi na nakasagot si Mr. Saavedra nang bumukas ang pinto at pumasok dito si Tyro kasunod ang kanyang grupo. "You're looking for me, Mr. Mercedez?"
Napatayo ang ilan habang ang iba ay ipinako sa kani-kanilang upuan. Lahat ay nagulat sa pagdating ng binata.
"I think that seat belongs to me!" deretsahan at madiing sita ni Tyro sa ambisyosong negosyante na nakaupo sa kanyang puwesto.
Namula ang buong mukha ni Mr. Mercedez na nakaramdam ng matinding kahihiyan. Atubili pa ito ng tumayo at agad na pumalit dito si Tyro.
"What's the agenda of this meeting?"
Walang umimik. Nagpalitan lang ng tingin ang lahat.
"Anyone?" Inisa-isa nito ang mga empleyado. "How about you, Mr. Saavedra?"
"They wanted to replace you as a president, Mr. Dee!"
"Really? Did you voted me out?"
"As I've said earlier to them, my loyalty will remain."
"Then, be my vice-CEO."
Nagulantang ang lahat. Mabilis namang napatayo si Mr. Mercedez na hinampas pa sa galit ang mesa, "You're firing me?"
"Yes. And I want your resignation letter in my table before the end of this day."
"You don't have the rights..."
"I HAVE ALL THE RIGHTS IN MY OWN COMPANY!" ganting-singhal ni Tyro.
Walang-kurap na nagkatitigan ang dalawa, nagsukatan ng tingin.
"Any last words for us, Mr. Mercedez?"
Hindi sumagot ang matandang negosyante na mabilis nang lumabas ng silid at ibinalibag pa ang pinto nang isara.
"If anyone here who wish to follow him, please leave your seats NOW!"
Walang gumalaw o tuminag sa mga naiwan sa mesa. Nakayuko ang mga ito.
"Siguro naman ay nagkakaintindihan na tayo kung sino ang dapat masunod sa kompanyang ito!"
Nanatiling tahimik ang mga empleyado.
"Mr. Saavedra..."
"Yes, Mr. Dee?"
"Please, lead them out of this office. Meeting is dismiss!"
MALAYO pa ay tanaw na ni Delia ang maliliit
na ilaw na tiyak niyang nakasabit sa mga halaman ng kanilang taniman.
At habang papalapit siya ay unti-unti niyang naririnig ang isang malamyos na musika mula sa biyolinista na nakatayo sa tagiliran ng kanyang daraanan. Bahagya pa itong yumukod bilang pagkilala at paggalang sa kanya.
Nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga. Sinundan nito ang mga puti at pulang talutot ng rosas na nakakalat hanggang marating niya ang bahagi ng lugar kung saan nakalapag sa lupa ang isang two-manned hot air balloon.
The sight was spectacular. It was something unexpected for an ordinary woman to be treated like an extraordinary one.
"You like it?"
Napalingon si Delia. Pinasadahan nito ng
tingin ang makisig na lalakeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan.
Love is really surprising. Kung kailan hindi mo hinihintay ay saka naman ito darating.
"Mukhang magtatanim ka na naman..." tingin-tukoy ng dalaga sa mga halaman na nadadaganan ng dambuhalang balloon.
"It's okay, I enjoy it."
Naramdaman ni Delia ang naghahabulan na kabayo sa loob ng kanyang dibdib habang nakasunod ng tingin sa papalapit na adonis.
"I really enjoy it with you," hinapit nito sa beywang ang dalaga. "Ngayon ko lang nalaman kay Attorney Uy na may iniwang huling habilin si Lolo Enrico."
"He just wanted you to be happy," umangkla ito sa batok ng binata at pinapungay ang mga mata. "Napasaya ba kita?"
"Much more than you expected," sabay siil ng halik sa kayakap.
"Arf! Arf! Arf!"
Patulak na kumalas si Delia. "Jinggoy?!" bulalas nito nang makita ang inalagaang aso na nasa bukanang-daanan ng hot air balloon.
"Shall we?"
Inabot ng dalaga ang nakalahad na palad at magkahawak-kamay nang sumakay ang dalawa.
Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang umaangat ang balloon. Kasabay nito ang muling paglapat ng labi nina Tyro at Delia.
***W A K A S***
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSuper ganda po ng story na to :) Kahit Short story lang full of emotions naman po.. Congrats po Ms. Lorna T. for this beautiful short love story.
ReplyDelete